Chapter Thirty-One

Song: I Do- A Rocket To The Moon 

Yes

Inalis ni Tita Carmel ang pagkakayakap sa akin at tsaka naman kinuha ang pisngi ko. Pinatakan niya ng mga halik ang magkabilang pisngi ko. Tumawa naman ako. Ganoon rin ang ginawa ni Tito Patrick, halatang natutuwa sa ginagawa ng asawa. 

"You haven't changed! You're still very pretty!" ani Tita Carmel. Nahihiya naman akong ngumiti sakanya. 

"Thank you, po." 

Nilingon ko si Zach na seryosong nakatingin sa amin. Nang mahagip ang tingin ko ay umangat ang gilid ng kanyang labi. He stretched out his hand for me, pinapahiwatig na lumapit ako saknaya. Nilingon ito ni Tita Carmel sabay nagpahid ng kanyang mga luha. 

"Taking her away from me now, son?" 

Zach chuckled at siya na mismo ang kumuha ng kamay ko. 

"You will not stop crying if you won't let go of her." Natawa kami sa sinabi ni Zach sa kanyang ina. 

"I'm just really glad to see her here! You can't blame me!" 

Pagkatapos naman noon ay pumasok na rin kami sa loob ng bahay nila. Agad akong nakarinig ng ingay galing sa labas. Siguro ay si Peter at John iyon. Nilingon naman ni John ang loob ng bahay nila Zach at nang makita kami ay agad siyang tumigil sa ginagawa. 

"'Yung crush natin nandito na!" sigaw nito na naging sanhi rin kung bakit napatigil si Peter sa kanyang ginagawa kanina. 

Mabilis na pumasok ang dalawa para makapagtungo sa amin ngunit pumwesto naman sa harap ko si Zach na pabirong hinaharangan ako sa kanyang mga pinsan. Both of them glared at him. 

"She's mine." matamang sinabi nito. Katarina giggled beside me. 

"As if we're going to take her away from you! We're just going to say hi!" ani Peter. Sinubukan niya akong lingunin kahit na hinaharangan parin sila ni Zach. He waved at me. 

"Just kidding." 

Pinaubaya naman ako ni Zach sakanila. Nang mawala na si Zach sa pagkakaharang sa akin ay agad na lumapit ang dalawa sa akin para mayakap ako ng mahigpit. They are both jumping up and down kaya nakisali na rin ako. I keep on laughing while we're doing that. 

Natigil lang kami sa ginagawa nang hilahin na ni Zach si John galing sa pagkakayakap sa akin. 

"Ang KJ mo, Kuya!" ani Katarina. Nilingon siya ng dalawa at tsaka tumango. They both glared at Zach. 

Saglit kaming nag-usap nila Peter at John bago nila kami tuluyang iniwan doon. Kami nalang ni Zach ang natitira ngayon. Hinarap ko siya. 

"Hindi ko akalain na ganon nila ako i-wewelcome." sabi ko. Tipid siyang ngumiti sa amin. 

"That's just how they welcome a new family member." umirap naman ako. 

Dati naman hindi ganyan ang pag welcome nila sa akin ah? Di naman sa kinocompare ko ang dati sa ngayon pero kasi... di naman ako family member nun. Bisita lang! At tsaka... wait! Teka nga... 

Family member? It means I'm now a part of the Dela Merced family!? How?!

Oh my god.

Did... Did he tell them about his... plans?

Agad akong napalingon kay Zach. He seems oblivious with what I'm thinking. Tinaasan niya ako ng kilay. Nag-iwas nalang ako ng tingin. 

Kung tatanungin ko siya tungkol doon posibleng mapagusapan namin ang plano niya. At ayoko naman 'yun dahil nga iniiwasan namin na mapagusapan iyon lalo na't hindi pa ako handa sa ganon. 

I'm only twenty-four years old! I still have a lot to explore! 

Nagtungo naman siya sa mga picture frames na nakapatong sa isang lamesa. Lumapit rin ako doon. Wala naman ito nung unang beses akong nagpunta dito. Siguro ay binago ni Tita Carmel ang ayos ng bahay nila. 

Inilibot ko ang paningin ko sa bahay nila. Sa pagkakaalala ko, puno ito ng vases. Ngayon ay kakaunti nalang ang nakikita ko. 

I heard Zach chuckled. Bumalik ang tingin ko sa mga picture frame dahil sa pagtawa niya. Nilingon ko siya at nakitang may hawak na siyang isang picture frame. Lumapit ako at kuryosong sinilip ang tinitingnan niya. 

My eyes widened nang makita ko kung ano iyon. 

"That was..." 

"Yeah, our first photo shoot together." Zach continued for me. 

Ang litratong iyon ay isa sa mga nafeature sa magazine. We're both smiling at the camera. Though I know, by that time, I'm just pretending to be happy. Pero ngayon, kung kukuhanan kami ng litrato, hindi na ako magkukunwari pa. Dahil masaya ako. Masaya ako sa piling ni Zach. 

Binaba niya ang frame at nilingon ako. 

"You want to see goldie?" tanong niya. 

Agad na sumilay ang ngiti sa aking labi nang maalala ko ang aso nila. I always wanted to have one kaso nga lang bawal sa condo o kaya sa apartment doon sa New York kaya hindi na rin ako nakakapag-alaga pa. 

Iginiya niya ako sa ibang parte ng bahay nila kung saan madalas si goldie. I saw his dog lying there and doing nothing. Nang makita kami ay agad na lumapit ito sa amin. I crouched down so I can level him. 

"Hey!" bati ko. He licked my hand, asking me to pet him. Tumawa ako. Tumingala ako kay Zach at nakitang pinapanood niya lang kami. 

"You know... I always wanted to have a dog. 'Yun nga lang... hindi kasi pwede sa condo o sa apartment kaya hindi ko rin nagagawa." sabi ko. 

I felt Zach shifted from his place. Pinagpatuloy ko ang ginagawa kay goldie. 

"What kind of dog do you want?" 

"A Pomeranian." 

Tiningala ko ulit siya at nakitang seryoso siyang nakahalukipkip. Kumunot ang noo ko pero hindi na rin pinansin. Pagkatapos naming magtungo kay goldie ay pumunta na kami sa back garden ng bahay nila. 

His grandparents are already there. Just like how I first met them, pareho silang pinapanood ang mga apong naglalaro. 

"Lo... La..." tawag ni Zach. Agad na napalingon ang dalawa sa amin. Napatayo naman ang kanyang Lolo nang makita ako. 

"The girl from the magazine!" bati niya sa akin. He spread his arms wide for me para makayakap ako sakanya. Lumapit ako at ganoon na nga ang ginawa. Ganoon rin ang ginawa ko sa Lola niya. 

"Apo, I'm glad things are fine between the two of you now!" ani Lola ni Zach. Naramdaman ko namang tumango si Zach.

"Of course, la. It has to be."  

May pinagusapan pa kaming ibang bagay hanggang sa mapunta ang atensyon ng mag-asawa sa mga bisitang kararating lang. 

"Who's that boy?" tanong ng Lola ni Zach. Kuryoso akong napalingon sa mga bagong dating. 

Nakita ko naman si Ian at Kelly na kakarating lang. Kelly looks like she's looking for someone. Nang magawi ang tingin niya sa amin ay agad kaming nakatinginan. She started crying when she sees me. Agad siyang dinaluhan ni Ian. 

"What did that guy do to my granddaughter?" tanong ng Lolo ni Zach. 

"He didn't do anything. Kelly is just happy to see Sam again." paliwanag ni Zach. 

"Let's go?" anyaya sa akin ni Zach. Tumango ako para makalapit na sa kaibigan kong matagal ko nang hindi nakikita. 

Kelly tried to calm herself nang makitang papalapit na kami. She smiled widely at me at agad akong niyakap ng mahigpit. 

"I'm so glad you're back!" her voice broke a little. I hugged her tight. "I missed you!"

"I miss you, too, Kelly!" sabi ko. 

Inalis niya ang sarili sa pagkakayakap sa akin at masama akong tiningnan. 

"Why didn't you even tell me that you were leaving the country!? I should've known! Hindi ko naman sasabihin sa... kanya!" she pointed at her cousin. 

"Buti naman narealize mo na mahal mo talaga siya! Kasi kung hindi, mawawalan na ako tuluyan ng kaibigan! Mabuti nalang t-talaga..." then Kelly started crying again. 

Ian chuckled. Lumingon siya sa akin at tinanguan ako. I smiled at him. 

Nang makumpleto na ang buong pamilya ay nagtungo na kami sa hapag. As usual, si Zach ang kumuha ng pagkain para sa akin. Sabi niya ay share nalang daw ulit kami. 

"Uy! Share na naman sila oh!" pang-aasar ni Peter. Siniko siya ni Zach. 

"Baka naman sa spoon at fork, share rin?" pagsali ni John. "Naku, Ate Kelly! Huwag niyo munang gagawin ang ganito ha? Hindi pa namin nakikilatis 'yang boyfriend mo!"

At nang dahil rin doon sa sinabi ni John, nahot seat si Ian sa pamilya ni Zach. Walang ginawa si Zach kung hindi pagtawanan ang kaibigan. Lilingon minsan sa gawi namin si Ian at iiling kay Zach.

I smiled when I saw how genuinely happy Zach is today. He seems to be having a hard time removing that smile on his face especially when he already let go of the pain that he's been keeping all these years. 

Lumingon sa akin si Zach habang tumatawa. 

"He's so weird! He never talks like this!" lumingon siyang muli sa kaibigan. Ipinatong ko naman ang kamay ko sa kanyang hita na naging sanhi ng paglingon niyang muli sa akin. 

Tiningala ko siya at malambing na tumingin sakanya. If being with Zach means I can also let go of the grudges I still have inside, then I will be willing to spend the rest of my life with him. I'm willing to be with him all the time if it means he could mend all my broken parts together. 

I'm willing to be with him if it means that he would complete me. 

"I love you," sabi ko. Tinasaan niya ako ng kilay. 

"Is there something wrong?" nag-aalala niyang tinanong. Ngumiti ako at umiling. 

"No, I'm just really happy that you're happy."

Zach shifted from his seat para makaharap sa akin. He caressed my cheeks. 

Today, I realized what Ryan told me about getting married was wrong. Hindi kung kailan may nagpropose sa'yo ay tsaka mo lang marerealize na gusto mo talagang magpakasal. Para sa akin, kapag nakikita mong masaya ka sa piling niya ay doon mo masasabi na handa ka na talaga. 

I'm not going to lie if I said that I can see my future with Zach. In fact, I do. All the time. Even in my dreams. Sometimes I see us getting married and having babies, pero alam ko hanggang panaginip palang iyon dahil akala ko hindi pa ako handa. 

If Zach will propose to me anytime by now, then I'll say yes. 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top