Chapter Thirty-Four
Song: Train Wreck- James Arthur
Truth
A week after my birthday, agad rin naman kaming lumipat doon sa bahay namin ni Zach. Tita Carmel is very happy for us. Siya pa ang naginitiate na tumulong upang maglipat ng ibang gamit namin ni Zach.
"I can't believe my baby will separate from us now." Tita Carmel pouted at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Zach.
Zach tried to remove both of her hands on his cheek. He doesn't want anyone doing this to him. Kahit ako gagawa, ayaw niya rin. Maybe because he's just worried that we might hurt our hands. Kasi... matulis iyong panga niya?
No. I'm just kidding. Alam kasi ni Zach na kapag ganoon ang ginawa ko sakanya, may kasamang pisil 'yon at 'yon ang pinakaayaw niya.
"I didn't know you were building a house, anak." ani Tito Patrick. Pinasadahan niya naman ng tingin ang buong sala. "Great job."
He nodded in satisfaction habang pinapasadahan parin ng tingin ang buong paligid. Katarina, on the other hand, is helping me design the whole house. Sabi ni Zach ay kukuha nalang kami ng interior designer ngunit nakalimutan niya ata na iyon ang kurso ko noong college.
"Oh, shit! I'm sorry, baby, I forgot." sabi ni Zach matapos kong ipaalala sakanya na ang girlfriend niya ay isang interior designer.
I got my license at States kasi sayang naman kung hindi ko gagamitin iyong pinag-aralan ko diba? Actually, when I first moved in there, 'yun agad ang inasikaso ko. Hindi rin naman kasi ako sigurado kung maganda ba ang magiging takbo ng career ko sa States gaya dito sa Manila.
"Yeah... Yeah... it's okay. People tend to forgot that thing about me. Akala nila model lang ako. But it's okay though, at least hindi na tayo gagastos." ngumiti ako sakanya. He crossed his arms over his chest habang tinitingnan akong nag-iimpake.
"Well maybe I can pay you back with your hard work in designing our house."
Inangat ko ang tingin ko sakanya at nagugulohan siyang tiningnan.
"How?"
Mapaglaro siyang ngumisi at inalis niya naman ang kanyang sarili sa pagkakasandal sa pinto. Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. Kunot noo ko siyang nilingon.
"Maybe... with a lot of kissing... or a grand wedding..." he whispered. Umirap naman ako.
"Tss..."
"Seriously, I feel like I need to pay you back."
"Why? It's our house! It doesn't matter."
At ano ba ang akala niya? Hahayaan ko siyang gawin iyon? Wala na nga akong share para dun sa pagpapagawa nung buong bahay na 'yon tapos ngayon, gusto niya babayaran niya pa ako sa pagdedesign ng buong bahay?
"Ate Sam, where do you want me to put this?" tanong sa akin ni Katarina. Nilingon ko siya at nakitang hawak hawak niya ang isang vase na binigay sa amin ni Tita Carmel.
"Oh, maybe there." tinuro ko iyong lamesa na malapit sa may pinto.
I set up a table there and there's also a mirror attached to the wall. Balak ko kasi ilagay sa table na 'yon ang mga litrato namin. I don't know. Maybe I just feel like, that whenever we have someone over to visit, 'yung mga litrato agad ang aagaw ng pansin nila.
Ryan and Tony are staying in my condo. Sabi ni Tony ay bibilhin nalang daw niya sa akin iyon para sa tuwing uuwi sila ni Ryan dito, may tutuluyan sila. Because obviously, I won't be staying there anymore.
I have my own house now. And I'm sharing it with someone I really love.
Kinagabihan ay tinulungan ko si Tita Carmel na maghanda ng kakainin namin ngayong gabi. She's preparing a lot of foods kahit na pito lang naman kaming kakain. She said that we should have a house warming party pero si Zach na rin ang nagsabi na huwag na. Ayos lang daw na kahit kami kami nalang daw. Hindi na kailangan pang magimbita ng marami.
"I'm really happy for the both of you, Sam." ani Tita Carmel. Nilingon ko naman siya at nginitian.
"Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa nagpopropose 'yang anak ko sa'yo, e. I don't know what's taking him longer."
Hindi ako sumagot at ngumiti nalang. Because, tita, the reason why it's taking us long to get engaged is because I told him to wait.
At ngayon namang sinabi ko sakanya na handa na ako, ako naman ang sinabihan niya na mag-hintay. Gumaganti ata.
Alas onse na nang mapagdesisyonan nila Tita Carmel na umuwi na. Si Ryan at Tony naman daw ay may aasikasuhin pa bukas. Binuhat ko si Bear habang tinitingnan ang pamilya ni Zach na paalis na.
"Sige, Sam, magkita nalang tayo kung kailan kami available. At tsaka, sabihan mo ako kapag uuwi na kayo sa States ha? Sasabay na kami. Baka kasi may gawin kayong ano, e..."
"Ikaw lang nag-iisip na may gagawin kami," agap ko. "Siguro kayo talaga ang may balak noon kaya sa akin mo binabaling ang sisi."
His mouth dropped. O diba? Siya talaga ang mayroong balak gawin iyon sa eroplano kasama si Tony! Hindi kami. Ngumisi ako.
I felt Zach laughing at tsaka naman lumapit sa akin. Ipinulupot niya ang kanyang kamay sa aking baywang.
"What? Hay naku! Sige na, Sam. Mauuna na kami!" agad na pagpapaalam ni Ryan. Tumawa ako.
O diba, guilty siya ngayon!
Lumingon sa amin si Tony at tumawa. Kumaway siya sa amin kaya ganoon rin ang ginawa namin. Sinigurado kong nakaalis na sila ng tuluyan bago ko isara ang pinto. Inangat ko ang tingin kay Zach.
"Tired?" tanong niya. Tumango ako.
I did a lot of things today. I designed half of the house today, I helped Tita Carmel to prepare our foods, I cleaned up after we ate, and so on... Actually marami talaga hindi ko lang masabi ang lahat.
"Give me Bear, you should head off to our room now." kinuha niya sa akin ang aso.
Yesterday, we bought Bear his own bed. Sobrang cute niyang tingnan nang una namin siyang makita na nakahiga doon. I smiled at him bago ako tuluyang pumasok sa kwarto namin.
Agad akong nahiga sa kama at agad na nagpakawala ng malalim na hininga nang maramdaman ng katawan ko ang malambot na kama. I sighed heavily.
Wala pang ilang minuto ay narinig kong bumukas ang pinto. Bahagya akong lumingon at nakita si Zach na papasok. Tumabi na ako ng kaunti upang bigyan siya ng espasyo sa kama.
Ilang saglit lang rin ay tumabi na siya sa akin. Mukhang ayaw niya medyo malayo ako sakanya kaya hinila niya ako palapit. He made me rest my head on his chest.
"I have a question," he started.
"Hmm?"
"Will you invite your family on our wedding?"
Hindi agad ako nakasagot. Sa tingin ko, wala rin naman silang pakialam kung sakaling sabihin ko na magpapakasal na ako.
"We aren't even engaged." sabi ko. Tumawa ako.
"Because I told you to wait!" tumawa rin siya.
"Oh! So now you're the one who's making me wait? Gumaganti ka noh?"
"Now you know how it feels to wait."
Tinaasan ko siya ng kilay. Oh, actually alam na alam ko ang pakiramdam ng naghihintay. He made me wait for him before! Ang tagal kong hinintay na mahalin niya ako pabalik dati.
Sa halip na sabihin iyon ay hindi ko nalang ginawa. It's all in the past now. I think we should all move on about that kasi ngayon, nasisiguro kong hindi na ulit 'yun mangyayari.
"Do you want to visit them?"
Nagulat ako sa tanong niya. My mouth parted.
Somehow, sumagi rin naman sa isip ko iyan. Simula nang umuwi ako muli dito sa Pilipinas, hindi ako bumisita sakanila. Kay Caitlyn lang ako nagpapakita. And I doubt that Caitlyn tells them that I'm here. Alam niyang ayaw ko ipaalam.
At tsaka kung ipapaalam niya man, sigurado akong makakarating ang balita kay Ate Isabella. Mamaya kung ano pa ang gawin ng isang 'yon.
Siguro naman kung bibisita kami bukas, wala siya doon. She's in States with Alisha's brother. Kaya sigurado rin akong magiging maayos ang pagpunta namin doon.
Kinabukasan ay agad kaming nag-gayak para makapunta na sa pamilya ko. I told Caitlyn that I'm going to visit and she's very happy about it.
"Oh, I'm going to tell them!" Happiness is evident in her voice.
Gabing gabi na nang tumawag ako sakanya kagabi at nakakagulat na gising pa siya.
"Bukas mo na sabihin... gabi na..."
"Oh, right! Sorry!" tumawa siya. "Masaya lang talaga ako."
Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita. Maybe this is the right time not to hold anymore grudges towards them. In order for me to feel okay again, I should let go of my grudges. Kaya... iyon na nga ang gagawin ko.
Huminga ako ng malalim nang matanaw ko na ang bahay namin. Nothing's changed. Ganoon na ganoon pa rin.
"Are you okay?" hinawakan ni Zach ang kamay ko. Nilingon ko siya at bumaba naman ang tingin ko sa kamay niya. Mas hinigpitan ko ang kapit ko sakanya.
Inangat kong muli ang tingin sakanya at nginitian siya. "Of course,"
Ngumiti rin siya pabalik. Bumaba kami ng kotse niya at sabay kaming nagtungo sa pinto ng bahay namin.
Kumatok ako ng ilang beses bago ito tuluyang bumukas. I felt my hands shaking. Nilingon ako ni Zach at makahulugang tiningnan.
"Everything's going to be okay." he whispered. Tumango ako.
Agad na bumungad sa amin si Mommy na mukhang nagulat na nandito ako. Well maybe because she's expecting na hindi matutuloy ang pagbisita namin ngayon. Ilang beses rin kasi akong nagdalawang isip bago ako tuluyang bumigay at magpunta dito.
"Oh, you came!" may halong pagkamangha ang kanyang tono. I tried to smile at her.
I remember her trying to comfort me when we had dinner pero hindi ko siya hinayaan noon. Pakiramdam ko kasi sa mga oras na iyon, labag sa loob niya na gawin iyon.
Nalipat ang tingin niya kay Zach. Ngumiti siya rito.
"You must be Sam's boyfriend." aniya.
"Yes, Ma'am. I'm Zach Dela Merced." he offered his hand to my mother at agad niya rin namang tinanggap ito.
"Pasok kayo." she opened the door for us.
Agad kong inilibot ang tingin sa buong paligid. It's been a while since I came here and it feels really nostalgic. I grew up here.
Memories of my childhood are still here. Memories of my rough teenage years are still here.
Pinaupo kami ni Mommy sa may sofa.
"Tatawagin ko lang si Anthony." aniya. Tumango naman ako.
Pinanood ko si Mommy na lumakad palayo. Naramdaman kong lumingon sa akin si Zach.
"I told you, it's okay..."
Tumango ako at ngumiti sakanya. "Yeah..."
Thank God he's here!
Napaangat lang ang tingin ko nang makita ko si Caitlyn na tumakbo patungo sa akin. She shouted my name.
"I know we saw each other last week, but I just terribly miss seeing you here!" sabi niya bago ako yakapin. Pagkatapos sa akin ay nagpunta naman siya kay Zach upang yakapin rin ito.
Nagawi ang tingin ko sa likod niya. My parents are standing there while looking at us. Mapait akong tiningnan ni Mommy habang si Daddy naman ay hindi ko maintindihan. Siguro iniisip nila na ang kapal siguro ng mukha ko para magpunta dito.
Pagkatapos kong hindi magpakita ng ilang taon sakanila, nandidito ako dahil may plano akong ipaalam sakanila na magpapakasal na ako.
Hindi gumalaw si Daddy sa kanyang pwesto. Tipid naman akong ngumiti sakanya.
"Oh, Mom, Dad... this is Kuya Zach, she's Ate Sam's boyfriend!" ani Caitlyn.
Ngumiti si Zach sakanila.
"Nagpakilala na siya sa akin kanina, Cait." ani Mommy.
"Good afternoon po, sir." bati ni Zach kay Daddy. Kinuha ko ang kamay niya at mahigpit na hinawakan nang magsimula silang magtungo sa amin.
"Maupo kayo." ani Daddy.
Ganoon nga ang ginawa namin. Nagsimula ang pag-uusap namin sa simpleng kamustahan. Sabi ko ay ayos lang ako. Tinanong ko rin sila, ganoon rin ang kanilang sagot.
Tinanong rin nila si Zach tungkol sa sarili niya. They're just basically trying to get to know him.
"Actually, I'm living with him now." sabi ko. Nagulat naman si Mommy sa sinabi ko.
"Paano iyong condo mo?" tanong niya.
"Uhmm, Ryan's boyfriend will buy it."
Tumango siya. Nagawi naman ang tingin ko kay Daddy. Nakatingin na rin siya sa akin ngayon. Nag-iwas ako ng tingin.
"Kung ganoon, may plano siguro kayong magpakasal na?" nagulat ako nang bigla siyang nagsalita.
"Yes, sir. But I haven't proposed yet, but we have plans." si Zach na ang sumagot para sa akin.
"Ohh... that's amazing!" nagulat ako sa panibagong boses na sumali sa usapan namin. Agad na nagawi ang tingin ko sa may hagdan.
I think my breathing hitched when I saw Ate Isabella coming down the stairs. Naramdaman ko ang pag-ayos ng upo ni Caitlyn.
Akala ko ba wala siya rito?
"Ate Isabella, I told you not to ruin this-"
"Oh, I'm not! I just don't want to miss this." ngumisi siya at tuluyan nang bumaba ng hagdan.
Nang marating niya ang sala ay agad siyang tumingin sa akin at ngumisi. Her smirk tells me that she's about to say something that I'm not going to like. Tinanguan niya ako.
"Hey, illegitimate child, how are you doing?"
"Ate!" si Caitlyn. Nag-aalala siyang tumingin sa akin. My parents said nothing na para bang nagkukumpirma na totoo iyong sinabi ni Ate Isabella.
My mouth parted. Gulat na gulat sa sinabi niya. I felt Zach tightened his hold on me. Naguguluhan kong tiningnan ang magulang ko.
What? I'm an illegitimate child?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top