Chapter Thirty-Five
Song: Drowning Shadows- Sam Smith
Family
"Hey, illegitimate child, how are you doing?"
Hindi agad ako nakagalaw sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sinabi ni Ate Isabella. I felt Zach tightened his hold on me at inilapit ako sakanya.
What does she mean by that?
Na anak ako sa labas?
"What?!" Ate Isabella laughed bitterly. "Surprised? Nakakagulat diba? Isipin mo nalang kung gaano rin ako nagulat nang malaman ko iyon!"
"Ate!" Caitlyn scolded her. Nilingon ko siya.
I feel like Caitlyn also knows the truth. I mean, lahat ata sila ay alam maliban lang sa akin.
Ito ba ang naging rason kung bakit nila ipinamumukha na ayaw nila sa akin? Na kahit kailanman, hindi nila ako kayang tanggapin?
"Why, Caitlyn? You don't want her to know the truth? Oh, right! Because you like her more than me! She's your favorite! Mas paborito mo pa ang isang iyan kaysa sa tunay mong kapatid!"
"Isabella..." I heard my Dad whispered.
Napalingon ako sakanya. Diretso siyang nakatingin sa lamesa sa harap at hindi kumikibo. Binaling ko naman ang tingin ko kay Mommy, mangiyak-ngiyak siya. I saw her trying to greet her teeth, parang nagpipigil ng galit.
Kung ganoon, sino sakanila ang tunay kong magulang?
"What? You're going to side her, too? Go ahead! Panigan mo iyang anak mo sa ibang babae!"
Napapikit nalang ako nang marinig ko iyon. Ibig sabihin... ang nanay na kinikilala ko magmula bata ako ay ang hindi ko tunay na ina? Paano... Paanong nangyari?
Bumalik ang tingin sa akin ni Ate Isabella. Kumunot ang noo ko. Ramdam ko na ang mga luhang nagbabadyang lumabas sa aking mga mata.
Tila hindi maproseso nang mabuti sa utak ko ang lahat ng nalaman ko ngayong araw. Today was supposed to be such a happy day for me, but it turns the other way around. Kung kailan nagkaroon ako ng lakas ng loob na bisitahin muli ang pamilya ko, doon ko pa malalaman ang tunay kong pagkatao.
Or... are they still my family?
"Alam mo..." Ate Isabella's voice broke. "Tama lang na umalis ka dito, e. Tama lang na iniwan mo kami. You will never belong to this family dahil anak ka lang sa labas! At kahit kailan, hinding-hindi kita matatanggap!"
May mga luhang bumagsak sa kanyang mukha. Alam ko na dahil sa galit iyon. She has the right, though. She has the right to get mad at the person who is never really their family. Kumbaga, salimpusa lang ako sa pamilyang ito. I never really belong.
And maybe that's the reason why they don't treat me fairly. It makes sense now. It finally makes sense...
At ngayon, naiinis ako sa sarili ko dahil paulit-ulit kong tinatanong kung bakit hindi nila ako magawang ituring na pamilya dahil umpisa palang pala ay hindi naman talaga ako parte nito. I keep on blaming myself. Kasi akala ko noong una, galit sila sa akin dahil hindi ko sinunod ang gusto nila.
'Yun pala, may mas higit pang rason bukod doon.
"Ikaw ang dahilan kung bakit muntikan nang masira ang pamilya namin! Ikaw ang dahilan kung bakit nadurog si Mommy! Kayo! Kayong dalawa ng malandi mong nanay ang dahilan! Kung hindi lang sana inakit ng nanay mo si Daddy... edi sana, ayos lang ang lahat. Wala kaming prinoproblema ngayon! Wala kaming..." hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil suminghap siya. She quickly wiped away her tears.
"Sam... I treated you like a family before. Pero nang malaman ko na ikaw ang dahilan kung bakit laging nag-aaway sila Mommy at Daddy noon, I changed my mind. I will never treat an illegitimate child a family! I will never treat you as my family because you almost broke us! And that's the reason why I want to ruin everything for you, too, because you almost ruined our family!"
Lalapit sana sa akin si Ate Isabella ngunit naunahan na siya nang biglang tumayo si Daddy. Pinigilan niya ito sa pagtatangkang sugurin ako.
"Isabella, enough!" sigaw ni Daddy. Lahat kami ay nagulat sa ginawa niyang pag-sigaw. Ate Isabella glared at him.
"But Dad, she needs to know the truth! Hanggang kailan mo balak na itago ito sakanya ha?"
Bumaling sa akin si Daddy. Tiningnan niya si Zach.
"I think you should go." Aniya.
My forehead creased. Why does he want us out ngayong nasabi na sa akin ang totoo?
"Why?" I asked. Nagulat sa akin si Daddy. "Ayaw mo bang malaman ko pa ang totoo?"
Hindi siya sumagot. Tumayo ako at agad na kinuha ni Zach ang kamay ko upang pigilan ako. Agad kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin at lumayo sakanya. Lumapit ako kay Daddy. Naramdaman ko rin ang pag-tayo ni Zach sa kanyang kinauupuan.
"Tell me... tell me the damn truth so we can get this done quickly." I pressed my lips into a thin line to try and stop the tears.
"Sam..."
"Tell me!" sigaw ko. Nagulat si Daddy doon. Hindi siya sumagot.
"Are you really my father?" I asked. He took a deep breath before he finds the courage to look at me in the eye.
"Yes," He whispered. Napapikit ako nang dahil doon. "But you have a different mother."
That's when I confirmed that I really am an illegitimate child. Hindi talaga ako karapatdapat sa pamilyang ito. Tama lang rin na ipinagtabuyan nila ako noon. Dahil umpisa palang, hindi talaga ako parte ng pamilyang ito.
"Where is she now?"
Kahit paano, gusto ko rin namang makilala ang tunay kong ina. I've been living for twenty-fives years now at ngayon ko lang nalaman na iba pala ang tunay kong ina. I grew up thinking that Calliope Enriquez is my real mother when she's not.
Matagal bago muling sumagot si Daddy. He breathed before speaking again.
"She's dead. She died because of heart attack."
Muli akong napapikit nang dahil doon. Hinayaan kong bumagsak ang mga luha ko. I covered my mouth with my hand to stop my hiccups.
And now, I've been living for twenty-five years without meeting my real mother in person. Patay na ang tunay kong ina nang malaman ko ang totoo. It's too late...
I just don't know what to do anymore... I feel so lost right now.
Iminulat ko ang aking mga mata at tiningnan muli si Daddy. Alam niyang tunay niya akong anak ngunit tinuring niya ako na parang hindi. Hindi ko alam kung ano pa ang bagay na mas masakit pa doon.
He knew it all along... pero ibang iba ang trato niya sa akin.
Binuka ko ang bibig ko ngunit wala ni isang salita ang lumabas. I think I even lost my voice. I feel like I'm losing everything.
Slowly...
Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Zach. He wrapped his arms around my shoulders and he pulled me in towards him.
"Thanks for letting us stay. But we have to go now." aniya.
Hinila niya ako palayo doon. I don't know how I managed to drag my feet outside. I feel like my soul left my body. My body follows where he's dragging me but my soul stayed inside the house.
I'm like a lost soul wandering around, trying to find herself.
I wanted to ask more questions pero alam ko na kapag ginawa ko iyon, mas masasaktan lang ako. My whole life was a lie. Umpisa palang, hindi na totoo ang lahat.
"Let's get you home, okay?" Zach whispered gently. He hugged me tight habang dinadala ako sa kanyang kotse.
He opened the door for me pero hindi ako gumalaw. Kung hindi niya pa ako tinawag, hindi ko mapapansin na kanina pa pala ako nakatulala. Nang tiningnan ko siya sa kanyang mata, alam kong nasasaktan rin siya. Nasasaktan siya para sa akin.
Nakakahiya naman sakanya. Kailangan niya pang marinig 'yon. Kailangan niya pang mapasali sa gulong 'to... Nakakahiya...
Slowly, I broke down in tears. He immediately caught me and kept me in place. Sobrang nanghihina ako. Nanlalambot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Ang alam ko lang, sobrang sakit.
Sobrang sakit ng dinanas ko ngayon. I didn't know that the truth will hurt this much.
"Shh..." he rubbed my back gently at niyakap niya ako nang mas mahigpit.
I couldn't find a signal to stop crying. Akala ko kapag iniyak ko ang lahat, mawawala na ang sakit. Pero nagkamali ako. The more I cry... the more it hurts.
Lumayo ako sakanya at hinawakan ang aking dibdib dahil sa sobrang paninikip nito. I continue to cry. Zach tried to move closer again but I stopped him.
I don't want him involved in this anymore. He doesn't deserve this.
Sinalo ko muli ang dibdib ko. Sinubukan parin ni Zach na lumapit sa akin.
"Don't... Don't come near me, Zach... I'm sorry... but don't..."
I tried to catch my breath. Sinunod niya ang gusto ko. Hinayaan niya akong umiyak gaya ng gusto kong mangyari. Hinayaan niyang gawin ang gusto ko.
He left me alone gaya ng sabi ko. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta pero ang alam ko, nandyan lang siya. Malapit sa akin.
Mamaya maya pa ay narinig ko nalang na may kausap siya.
"Kuya Zach..."
"Wag na muna ngayon, Caitlyn..."
"Pero-"
"She doesn't want anyone right now. Let's just let her."
Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaang tumulo ang panibagong mga luha. I heard Caitlyn sighed.
"Okay..."
I don't know if I should be mad that she didn't tell me the truth kahit na alam niya. She knows and she chose not to tell me because maybe she had her reasons.
Siguro iniisip niya na kapag sinasabi niya sa akin ang totoo, masasaktan lang ako. She said she doesn't want me hurting anymore. Pero hanggang kailan niya balak sabihin sa akin ang lahat? Kung kailan masaya na ako?
They say that the truth will set us free. It did. I freed myself from the family that I never really belong.
Nabalot kami ng katahimikan. Hindi ko alam kung nasaan si Zach pero naririnig ko ang paghinga niya. Alam kong nandyan lang siya at hindi lumalayo gaya ng gusto ko. Isinandal ko ang aking sarili sa kanyang kotse.
I looked up to the sky and tried to call my mother.
Wherever you are, I hope you're watching me. I'm sorry that you have to see the pain that I've been through while you're up there. I'm sorry that your child has to suffer pain.
I'm sorry that I didn't get the chance to meet you...
But I hope that you're happy for me... happy for what I have achieved... happy for what I have become despite the pain that I've been through. I hope you're happy for me... Mom.
"Ryan, it's Zach..."
Nagulat ako nang biglang magsalita si Zach. I tried to listen to what he has to say to my best friend.
Ryan... he's the only real family that I have. He was the only family that stayed.
"Are you with Tony? Okay... uhmm, can you stop over our house?"
Zach knew... He knew that I needed my only family. Nilabanan ko ang sarili ko na huwag nang umiyak muli. I'm tired of crying.
I'm just so tired...
"It's Sam... She needs you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top