Chapter Thirty

Song: Night Changes- One Direction 

Welcome back 

Nalaman rin ni Zach ang tungkol sa article na 'yon. He eventually told everyone what really happened. Ayaw niya ring isipin ng tao na ginawa nga namin iyon kahit hindi naman! 

Ito kasing si Ryan, napakadaming alam! 

Sa araw rin na iyon ay nakipagkita ako kay Caitlyn. She keeps on pushing me to see her kahit na may balak naman talaga akong puntahan siya. Hindi nga lang sa bahay namin. 

"So..." panimula niya. She took a sip from her coffee. She smirked. "You and Zach, huh?" 

Umirap ako at tumawa. "What?" 

"Parang last year lang, ang sabi mo sa akin, hindi niya kayang ibigay ang gusto mo. Tapos ngayon... pati mile high club ata ay kaya na niyang ibigay sa'yo ngayon. Grabe! Hindi na mareach!"

Pinalo ko siya sa kanyang braso. Tumawa naman siya. 

"Pati ba naman ikaw maniniwala ka doon!? Alam mo naman 'yang si Ryan, napakadaming lumalabas sa bibig niyan!" she chuckled. 

"How's things? You seem really happy now. I'm glad." 

Tipid akong ngumiti. Well, almost. Masasabi kong masaya na talaga ako sa mga bagay na mayroon ako ngayon. Pero, kung maaalala ko ang sinabi sa akin ni Xander, maiisip ko na hindi pa pala ako lubusang masaya. 

Hangga't hindi ako tinitigilan ni Ate Isabella sa kung ano mang plano niya para sirain ang buhay ko, hindi ako tuluyang magiging masaya. It seems like she doesn't want me to be happy. Hindi ko alam kung anong ginawa ko sakanya para magalit siya sa akin ng ganito. 

Bilang kapatid niya, gusto ko na maging masaya siya. Pero bakit sa akin ay ayaw niya? 

"Why? Aren't you still happy?" tanong ni Caitlyn sa akin nang hindi ako nakasagot. I raised my gaze to her. Tinaasan niya naman ako ng kilay. 

Hindi ko siya nakakausap these past few months dahil na rin sa sobrang rami kong ginagawa. Ni hindi ko na nga naikwento sakanya ang tungkol sa amin ni Zach, e. Kahit 'yung unang beses ng pagkikita namin ni Xander, hindi rin. Pati na rin ang huli. 

Ang dami ko nang hindi nasasabi sakanya and I felt bad that I don't tell her. 

"Xander said something to me about Ate Isabella." 

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na sabihin sakanya. Si Zach at siya palang ang sinasabihan ko nito. She looks alarmed with what I just said dahil napaayos siya ng kanyang umupo at kumunot ang noo sa akin. 

"What? Xander is also in New York? Is he... asking you back again?"

"No!" agap ko. "He's with Alisha now. He won't do that." 

"Then... why?" halatang gulong-gulo rin siya sa nangyayari. 

Ako rin, Caitlyn. Ako rin... 

Sinabi ko sakanya ang lahat. I told her that Alisha's family lives in New York kaya nandoon rin ang kapatid nito na karelasyon na ni Ate Isabella ngayon. She doesn't know about it. Ang alam niya ay nagpunta si Ate Isabella doon para may asikasuhin. 

'Yun pala... Isa sa mga aasikasuhin niyang iyon ay ang sirain na naman ng buhay ko. 

"Did she go to med school?" I asked. 

"She didn't." 

"Why? I thought she wanted to be a doctor?" 

"She lost interest." 

"Nagalit ba sila Daddy?" 

"Dad is slightly mad. But Mom... she's extremely happy about it. She supports her with her decision." 

I pressed my lips into a thin line. Naalala ko pa noon na si Mommy pa mismo ang may gusto para kay Ate Isabella na maging doctor. Though, my sister really wants to become like one... I never thought that she would back out that easily. 

Nakuha rin ni Caitlyn ang binibigay kong ekspresyon kaya umirap siya sa akin. 

"Right!? Ate Isabella is out of her mind. I mean she should grab the opportunity! But she didn't." She sighed heavily. 

"So, back to our topic... Ano 'yung sinabi ni Xander sa'yo?"

I told her everything. Not leaving a single detail. She bit her lip at umiling ng ilang beses. 

"I told you... Ate Isabella is out of her mind! Kung ano mang 'yang pinaplano niya sa'yo, she needs to stop it! She's not helping! Hindi ba siya makuntento sa kung anong mayroon siya at kailangan niya pang sirain ang sa'yo?" 

Nagkibit ako ng balikat. Kung alam ko lang talaga ang sagot sa kung bakit ganyan ang pakikitungo sa akin ni Ate Isabella ay maliliwanagan ako ng husto. Pero hindi... simula nang mag-high school kami... nag-iba na ang pakikitungo niya sa akin. 

Parang hindi niya ako kapatid sa paraan ng pakikitungo niya sa akin... 

"Hindi ko rin alam, Caitlyn..." bulong ko. I heard her sighed. Hinawakan niya naman ang kamay ko. Nag-angat ako ng tingin sakanya. 

"Susubukan kong alamin, Ate. Susubukan kong alamin sa oras na bumalik na siya dito. I promise you that." tipid siyang ngumiti sa akin at ganoon na rin ang ginawa ko. 

Kinagabihan ang tumawag sa akin si Zach. Kakauwi ko lang rin nang tumawag siya. 

"I was about to go to your condo but then you were out. So I decided to just stay at home." 

Pupwede parin naman siyang pumunta dito ngayon, e. Ngunit nang tingnan ko ang orasan ay nanghinayang ako. It's late already. Hindi ko rin naman kasi inaasahan na magtatagal ang pag-uusap namin ni Caitlyn na iyon. 

Nasabi niya rin sa akin na madalas rin daw nag-aaway si Mommy at Daddy. Minsan ay maririnig niya raw na masasama ang pangalan ko. Gustuhin niya mang makinig pa ay hindi niya magawa. It's disrespectful. 

"It's late. Hindi ko rin kasi inasahan na mag-tatagal kami ni Caitlyn." sabi ko. 

"I understand... I'll just see you tomorrow. Oh! And by the way, my family is inviting you again over our family dinner. You should come! They want to see you again so bad." 

Ngumiti ako. Inisip ko ang mga gagawin ko bukas ngunit napagtanto ko rin naman na wala nga pala ang mga trabaho ko dito. Nasa New York! Kaya, wala talaga akong gagawin bukas at sa mga susunod na araw! 

"I will! Should I prepare another song for you?" 

That was meant to be a joke pero sineryoso ata nitong si Zach. 

"Sure. So it will remind me how I fell in love with you." he said sweetly. Kahit na hindi ko siya nakikita ngayon, nararamdaman kong nakangiti rin siya gaya ko. 

"I'm joking!" 

"But for me, you definitely should! Because I'll force you to do it on our wedd-"

"Zach!" I stopped him before he can continue what he was about to say. 

He's really serious about it! 

"Oh, right! I'm sorry. I can't help it." I sighed at hindi na nag-salita. 

Though we're just talking over the phone, I can still feel the awkward air between us. 

"So..." sabi niya para putulin ang katahimikan. "I'll just pick you up tomorrow, I guess. You must be tired. You should sleep now. Good night, Sam." 

Napapikit ako dahil bigla nalang naging awkward ang pag-uusap namin. Ugh! Marriage! Why do you have to join and ruin our conversation!? 

"O-Oh! O-Okay... I'll see you tomorrow. I love you." 

"I love you, too. Bye." then he hang up the call. 

I sighed heavily. Sinapo ko ang aking ulo sa aking palad. I also feel about my Zach. He seems so ready to marry me tapos ako... parang hindi pa handa. Parang may pumipigil sa akin... Parang... sinasabi na hayaan ko muna na maging masaya ako ng tuluyan bago ako maging masaya sa piling niya habang buhay. 

Pero siguro, katulad lang rin ako ni Ryan. Baka kung kailan siya magpropose sa akin, baka maging handa na rin ako para maikasal sakanya! Baka nga ganoon iyon! 

Kinabukasan ng hapon ay dumating si Zach sa condo ko. Nag-aayos ako ng aking sarili nang kumatok siya sa pinto. Dali-dali akong tumayo upang pagbuksan siya ng pinto. 

"Hi," he greeted. He smiled at me. 

Tumingala ako at ganoon rin ang ginawa. I tiptoed to I can crash him into a hug. Feeling ko talaga isang linggo kaming hindi nagkita dahil sobrang namiss ko siya! 

Actually, he asked me to stay over their house for the weekend. Hindi naman ako makatanggi dahil si Tita Carmel na rin daw mismo ang nag-sabi sakanya.  Kaya naman ay nag-impake ako ng gamit ahit na nakakahiyang mag stay-over sakanila ng isang linggo. Nakakahiya rin kasing tanggihan si Tita Carmel, e. 

"You ready?" he asked. Tumango naman ako at kinuha na ang bag ko. Zach helped me with my other things at siya na rin mismo ang naglagay sa kotse niya. 

"Peter and John are already waiting for you. They seem really excited to see you again." sabi ni Zach sa kalagitnaan ng byahe namin patungo sakanila. 

"Really? I'm excited to see them, too. Si Kelly?" 

Iniisip ko palang na magkikita kami ulit ni Kelly ngayon ay sobrang natutuwa na ako. Isang taon at mahigit ko rin siyang hindi nakita. And I also have to say sorry to her because I had to cut off my connection to her. 

"Ian is picking her up. The guy is also invited over for dinner." he chuckled, parang hindi makapaniwala na naimbitahan ang kaibigan sa madalas nilang ginagawa. 

"How long they've been together?" 

Nakita ko namang nagkibit ng balikat si Zach. He licked his lips before he speaks. 

"I don't know. I don't have time to ask them about that especially when I'm busy finding out where you are." 

Ngumisi ako at umiling. Saglit namang lumingon sa akin si Zach bago binalik ang mga mata sa daan. 

"How long have you been finding me then?" 

"Ever since you left." 

"One year!?" gulat kong tinanong. 

I can't believe he managed to look for me in such a long time! Totoo nga ang sinabi ni Ryan sa akin na hindi siya sumuko hanggang sa ipaalam na nila kung nasaan talaga ako. 

"Yes. Surprising isn't? And I will keep on doing that until I find you. I will never give up on looking for you." 

Ngumiti ako. "Hindi naman ako mawawala, Zach. Kaya hindi mo na kailangan pang gawin iyon ulit." 

"I know. It's just that, I've waited for a long time to have you back. I wouldn't let this chance to slip away again." 

"You won't," I assured him. Lumingon siya sa akin at tsaka kinuha ang kamay ko at hinalikan ito. 

"You will never." 

Nang dumating kami sa bahay nila ay nakita ko agad si Katarina na naghihintay agad sa amin sa pinto nila. Bakas sa mukha niya ang pagkasabik na bumaba na kami ng kotse. Inabot ko naman ang bag ko. Ang iba ay si Zach na ang kumuha. 

Sabay kaming bumaba ng kotse niya. Nilingon ko si Katarina at ngumiti ako. She squealed in excitement and she started running towards me. 

"Ate Sam! I missed you!" She crashed me into a hug. Tumawa naman ako at ganon na rin ang ginawa. 

Nakita kong lumingon sa amin si Zach at tipid na ngumiti. Sinalubong naman siya ng kanyang magulang na naghihintay na rin sa pinto. I even saw Tita Carmel wiping her tears away habang pinapatahan ni Tito Patrick.

"You're still beautiful as ever!" Katarina smiled widely at me. 

"You look beautiful, too!" 

Tiningnan ko ang suot niyang damit ngayon. Pinasadahan ko siya ng tingin at ngumiti sakanya. She looks really beautiful in her white dress. Her minimal make up makes her more beautiful. Mas lalo ring humaba ang kanyang pilikmata dahil sa mascarang ginamit. 

Humarap naman siya sa kanyang mga magulang na galak na nakangiti sa amin ngayon. Nang humarap muli si Katarina sa akin ay kinuha niya ang kamay ko upang igiya na sa kanyang mga magulang. Hindi pa kami hustong nakakalapit ay nagtungo na agad sa amin ang naluluhang si Tita Carmel para makayakap sa akin ng mahigpit. 

"Oh, dear! Welcome back!" she said as her tears continued to stream down her face. 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top