Chapter Thirteen
Song: Home- Passenger
Propose
Mabilis na kumalat iyong balita tungkol sa nangyari sa amin ni Wilhelm. Sobrang nasira ang imahe ni Wilhelm dahil sa ginawa niya. I don't want to press charges against him dahil ayoko nang lumaki pa ang issue. Tsaka, sira na siya. Ayoko ng sirain pa siya lalo.
I know it was really pathetic of me not to do anything about it... pero it would be really useless. I know that Wilhelm can still get away with it. He can bail himself out dahil mayaman iyong pamilya niya.
Tsaka, hindi naman niya ako nirape. Well, almost... Pero I don't think na malaking laban 'yon sakanya.
Zach constantly texts me ever since that day. He's asking me if I'm okay which I always reply with a yes.
Laura also decided to give me a break while I'm still trying to get over what happened. Ryan decided to take a break, too para masamahan niya ako. Tony will be here in a few weeks. I don't know why pero mukhang sobrang biglaan.
"Okay na ba kayo ni Zach?" Ryan suddenly asked.
Eto na naman siya at si Zach na naman ang tinatanong. Talagang nagdududa na ako sakanya ha? Konti nalang talaga at iisipin ko nang may gusto nga talaga siya kay Zach.
Sumbong ko kaya 'to kay Tony!
Pero sa totoo lang ay hindi ko rin naman alam ang sagot sa tanong ni Ryan. Hindi ko alam kung inaayos ba namin o kung may inaayos ba kami?
"Bakit mo natanong?" Humarap siya sa akin at itinuko ang siko sa ulo ng sofa. Tinaasan niya ako ng kilay.
"You two seems okay already."
"I don't think so. We're far from okay." He pouted. Parang disappointed sa narinig. "Everything's just so awkward. It's so hard to look at him without remembering what happened before."
Nilapag niya iyong bowl na hawak niya kanina sa center table at tsaka hinawakan ang kamay ko.
"I hope you don't get mad at me for doing this but..." Kumunot ang noo ko. Ang buong atensyon ko ay nasa kanya na at hinihintay nalang ang sasabihin niya. "I was the one who told Zach you're here."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. I can't believe he did that! Hindi ko alam kung bakit hindi ako naiinis? I should me mad, right? Sabi ko kasi sakanya na huwag sasabihin kahit kanino kung nasaan ako. Pero anong ginawa niya?
But I'm not mad, though. Maybe he had his reasons.
"Why?"
"He just couldn't stop asking me where you are." He bit his lower lip. My mouth parted.
Zach... asked for me?
Nang dahil doon ay agad na nangilid ang mga luha ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sobrang emosyonal ko pag dating sakanya. It's so weird!
"Ang dami niyang beses na ginawa iyon hanggang sa mag-sawa ako, Sam. Ilang beses niyang tinatanong sa akin kung nasaan ka. Nang sinabi ko naman sakanya ay agad siyang naghanap ng mga taong pwedeng tumulong sa kanya para makapasok sa New York's football team. There are other states that offered him but he turns it down unless it's from here.
"Sabi ko nalang ay bakit hindi nalang siya bumili ng ticket at pumunta sa New York ng di sumasali sa kahit anong team? Pero ang sabi niya ay kailangan niya raw ng rason para makapagstay siya ng mas matagal dito." Ryan wiped my tears away.
Huminga ako ng malalim bago ako nag-salita. I can't believe Zach did that! He should've done it a year ago but he didn't.
"Hindi ko lang maintindihan kung bakit ngayon niya lang ginawa 'to? Does he feel guilty? Because if he does... hindi niya naman kailangan gawin 'to, e... Dahil tanggap ko naman."
"O di kaya nakonsensya siya? Kasi... Kaawa-awa 'yung ginawa ko noon?" I continued. Suminghap ako.
"No..." Sinuklay ni Ryan iyong buhok ko. At pinunasan muli ang mga luha ko.
"E, ano? Kasi... kung siya 'yung takot noon, ako naman ang takot ngayon. Ryan, alam mo naman kung gaano ako katakot masaktan ulit. Nakakasawa ng masaktan. Ayoko ng maulit pa 'yon."
Ryan tried to smile at me. Hindi na siya nag-salita pa dahil pinapatahan niya ako.
After that emotional talk ay nagtext naman ako kay Zach, thanking him for what he did yesterday. He did not reply.
Not that he needed to.
Gusto ko lang siya pasalamatan dahil sa ginawa niya. Hindi ko pa kasi iyon nasasabi sakanya dahil pinauwi na siya agad ni Ryan kahapon. I was actually expecting him to stay, though...
Nang mga sumunod na araw naman ay dumiretso kami sa airport para sunduin si Tony. As usual, Ryan is so hyped again. He hasn't seen Tony for like five months. He said that it sucks being away from him.
Sobrang masaya ako sakanya dahil nahanap niya na 'yung taong magbibigay sakanya ng ligaya na inaasam niya.
Hindi mapakali si Ryan habang hinihintay namin si Tony makalabas sa immigration. Natatawa nalang ako because he really looks so nervous while waiting for him. Parang first time lang ulit nila magkikita.
I was on my phone checking some of my social media accounts when Ryan pinched me so hard on my shoulder which causes me to scream a little.
Nakita ko namang nagsitinginan ang mga tao sa gawi namin. Some were even glaring at us!
What the hell, Ryan?
"He's here!" Ryan squealed. Nakita ko naman si Tony na ginagala ang mga mata sa buong airport, hinahanap si Ryan.
"Tumayo ka na kaya!" Sabi ko sakanya habang hinahawakan iyong kurot niya na sobrang kumikirot ngayon.
"Do I look okay?" Natataranta niyang tanong. Inayos niya muna iyong buhok niya bago siya tuluyang tumayo.
Hay naku! Pagdating talaga kay Tony sobrang napaparanoid niya sa sarili niya.
Nakita ko namang lumaki iyong ngiti ni Tony ng makita si Ryan na nakatayo at hinihintay siya. He walked towards our direction.
Habang eto namang si Ryan ay hindi na ata makapaghintay kaya ay tinakbo na niya ang pagitan nila at niyakap niya ng sobrang higpit si Tony. Tony laughed and gave Ryan a kiss.
Nakalimutan ko na iyong masakit na kurot ni Ryan dahil sa nakikita ko ngayon. Sobrang saya ko para sakanila!
When we got home ay agad kong ginamot iyong kurot sa akin ni Ryan dahil nagsugat ito.
"Uy, Sam! Sorry ha?" Ryan shouted from the sala. They're watching a movie right now habang nagcucuddle sa sofa.
Hindi ko alam kung sinasadya ba nilang inggitin ako o hindi, e. Kasi talaga sa mismong sofa ko pa! Ako dapat ang unang magbabasbas ng cuddling session dyan pero naunahan naman ako ng mag-jowang ito!
Pero wala naman kasi akong iccuddle kaya wag nalang! Hahayaan ko nalang sila dyan. Gamutin ko nalang 'tong sugat ko. Kasi, mas importante pa 'yon kaysa mamatay ako sa inggit sakanila.
"Okay lang!" Sigaw ko pabalik habang pinapahiran na ng betadine iyong sugat ko. Habang ginagamot ko naman ang sugat ko ay tumunog iyong cellphone ko dahil sa isang text.
Kinuha ko ito at tiningnan kung sino iyong nagtext.
Zach:
You're welcome. Are you okay?
He keeps on asking me if I'm okay kahit na parehas lang naman lagi ang sagot ko. I quickly typed my reply.
Me:
Yeah.
Dumiretso naman ako sa kwarto pagkatapos kong gamutin iyong sugat ko. I received another text. Inaasahan kong galing iyon kay Zach pero nagkamali ako.
Tony:
I need your help.
Kumunot naman iyong noo ko sa nabasa.
Pwede niya naman akong tawagin kung kailangan niya ng tulong ngayon. Nasa kwarto ko lang naman ako at hindi ako aalis dito. Hindi iyong itetext niya pa ako.
It's weird...
At isa pa, nandyan naman si Ryan. Pwede naman siyang humingi ng tulong sakanya? Hindi naman sa ayaw kong tulungan si Tony... Pero... ang weird lang kasi?
Me:
Okay? For what? You can ask Ryan for help, though. I'm sure he's willing to help you.
He replied minutes after.
Tony:
No. No. Ryan is NOT allowed to know about this.
I was taken a back. Ano ba iyon na kailangan niya pa ng tulong ko? He never asked help from me before. Ngayon lang. So something feels really weird right now.
Me:
Okay. But I hope that you won't keep this to Ryan for so long.
What can I help?
Matagal bago siya nagreply ulit.
Tony:
I'm planning to propose to Ryan. And I REALLY need your help.
My eyes widened at napatayo pa ako sa kama ko. My jaw dropped! Oh my god! I can't believe this! I quietly screamed. Hindi parin makapaniwala sa nabasa. Oh my gosh! Of all people! Ako pa iyong hiningan niya ng tulong!
No wonder why I felt really weird when he asked for my help! Dahil ito pala ang dahilan!
Me:
Oh my god! For real?!?! What can I help?
Seriously! What can I help?!?!
Do I need to contact people now?
TELL ME!!!!
I'm literally freaking out. Akala mo talaga sa akin magpopropose, e. Tony immediately sent me everything he needs. He's planning on proposing to Ryan next week.
So, it's settled then. Next week... I won't accept any work. I need to be here.
I need to witness Tony proposing to Ryan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top