Chapter Ten

Song: How Long- Charlie Puth

Jealous

Nagtataka na talaga ako kung saan nakukuha ni Zach 'yung mga detalye sa shoots ko. Because he's here again. He's here to assist me.

Again.

I'm starting to get suspicious of Laura baka kasi siya 'yung kasabwat ni Zach. It would be impossible kung si Ryan. Although I'm telling him everything about my shoots, I don't think na sasabihin niya iyon kay Zach.

I know that he hates Zach for what he did to me before.

Kahit na gusto kong sabihin kay Zach na mag-focus nalang siya sa training niya ay hindi ko magawa. Dahil siya na mismo ang nagpupumilit na gusto niyang gawin ito and I can't do anything about it.

There's a part of me na gustong nandito siya and the other ay ayaw. Hindi ko rin alam kung bakit gusto ko siyang nandito.

Gosh!

Ngayon ay nasa fitting kami para sa magaganap na fashion show na kasama ako. This is for their haute couture collection. Sobrang tuwang-tuwa ako di lang dahil dalawang gowns ang susuotin ko kundi ako ang huling lalakad sa runaway!

I'm so excited!

After nito ay may rehearsals kami for the show. Seryoso naman akong tinitignan ni Zach habang inaayos ng mga designers ang damit ko.

Nung inihatid niya ako sa apartment kahapon ay hindi kami nag-uusap. Our car ride is freaking quiet.

Saktong kakauwi lang din ni Ryan nung pinarada ni Zach iyong sasakyan niya sa harap. Tinignan niya lang kaming dalawa at walang sinabi.

Ayaw niya na rin sigurong mag-salita.

"Perfect!" Ani ng isa sa mga designer. Pinaikot nila ako para makita ang kabuoan ng gown. They also asked me to walk wherein Zach watches me seriously.

Nang matapos ay dumiretso kami doon sa stage kung saan magaganap ang rehearsal. Nakasunod lang sa akin si Zach. Tumigil ako para maupo sa tapat ng stage. He did the same.

"You look gorgeous in that dress." Sabi niya. Nilagay niya naman iyong kamay niya sa likod ng upuan ko. Kaya naman ay inalis ko ang sarili ko sa pagkakasandal sa upuan.

Everything's just too awkward for me. Kahit na kaunting lapit niya lang ay napapalayo na agad ako. Hindi naman sa iniiwasan ko siya... ayoko lang na mag-dikit kami because I know my heart will start pounding like crazy!

"Thanks." Simple kong sagot.

Tinawag na kami ng organizers para simulan na ang rehearsal. Nanatili lang si Zach na nanonood doon. Marami kaming models kaya magiging matagal rin ang daloy ng show.

Sa kalagitnaan pa ako lalabas suot-suot ang unang gown na ibinigay sa akin. Ang ibang models na tapos na ay hinayaan nang dumiretso sa dressing room habang ang iba ay hinayaan na manood.

When it's my turn to walk now... automatic na napunta ang tingin ko kay Zach. A co-model is sitting beside him. They were both laughing!

What the hell!

Ang kati-kati rin talaga ni Zach noh! Tsaka ng babaeng yan! Dito pa talaga!

Zach is not even watching me kaya mas lalo akong nainis! Mas nakatuon ang kanyang pansin sa babaeng kausap niya.

Look at me, Zach! Freaking look at me!

Kung pakikipaglandian lang rin pala ang pinunta niya rito ay ang ayos niya naman!

Nang umikot na ako pabalik sa backstage ay inirapan ko silang dalawa kahit na hindi nila nakita. Bastos! Sa harap ko pa talaga kayo nag-landian! Hindi ko alam na may tinatago rin palang kati sa katawan itong si Zach!

Hindi ako mapakali habang nasa backstage at hinihintay ang final walk. Maiinis na talaga ako pag nakita kong magkausap parin sila!

Napatigil ako sa paglalakad. Nang may tanong na sumagi sa aking isipan...

Bakit ba ako maiinis? Nagseselos ba ako?

Hindi! Hindi ako nagseselos! Tsaka bakit ako magseselos diba? Hindi naman kami! Tsaka malaya siyang makipaglandian kung kanino. Wala akong pakielam! Pero nakakainis lang talaga siya! Tsaka yung babae!

"Sam, it's your turn." Sabi sa akin ng organizer kaya napatigil ako sa paglinga-linga.

Hindi na ako makapaghintay makalabas sa backstage na 'to at makita ang paglalandian nilang dalawa.

"Go." Kaya naman ay nag-lakad na ako papasok ng stage. Mabilis rin na nagawi ang tingin ko sakanila.

Aba! Magka-usap parin!

Nanlaki ang mata ko ng pabiro siyang pinalo ng babae sa braso niya. The fuck!

Hindi na talaga mauulit tong pagpunta-punta ni Zach dito lalo na kung may rehearsal! Last na 'to!

Nakita ko namang nilabas ni Zach iyong cellphone niya. Aba! Balak pa atang kunin yung number nung babae!

May pinakita siya doon sa babae. Tumawa yung babae at tsaka pinalo siya ulit. Sumosobra na 'to!

Ang kaninang relax ko pang lakad ay nagiging martsa na dahil sa inis. Sa sobrang inis ko ay natapilok ako!

Shit! Nakakahiya!

Lahat sila ay napalingon sa akin. Kahit yung dalawang naglalandian doon sa gilid.

Zach immediately stood up at tutulongan sana ako ng maunahan siya ng isa sa mga organizers.

"I'm okay." Sabi ko ng tulongan nila akong itayo.

"Can you still walk?" Tanong niya sa akin.

"Of course!" Agad ko ring sinabi.

Buti nalang at hindi ako natapilok na to the point na mababalian ako ng buto. Mild lang naman at hindi gaano kasakit.

Zach's concerned eyes watches me carefully as I try to walk towards the backstage. Inirapan ko silang dalawa bago ulit makabalik.

Nang matapos ang rehearsal ay nakita ko iyong babaeng kausap ni Zach kanina na nginitian siya. Pero si Zach ay nanatiling seryoso habang hinihintay ako.

Sus! Acting pa kunwari walang pakielam porque nahuli ko silang naglalandian!

"Tomorrow is the release of your magazine cover with Zach. Make sure to promote it okay?" Laura reminded me habang inaayos ang gamit ko.

"Okay."

"I also told Zach about it." Dagdag niya.

"Okay?"

"I'm just letting you know..." She smiled at me at hinawakan ang pisngi ko. "Don't be so jealous of that girl."

Napatigil ako sa pagliligpit ng gamit ko dahil sa sinabi niya.

"Laura!" I hissed. "What are you talking about?"

She chuckled. "You're killing the girl with your deadly glares. Stop being so jealous."

"What?! I'm not even jealous. Gosh!" Tumawa ulit siya at iniwan ako.

Lumapit naman sa akin si Zach. "Need help?" Tanong niya sa akin.

"No!" Agad kong sagot. He was caught off guard dahil sa tono ng pananalita ko.

"Are you okay? Does your feet hurt?" nakita kong lumipat ang mata sa aking paa.

May gana pa talaga siyang maging concern pagkatapos niyang makipaglandian ha!

I zipped my bag at humarap sakanya. "No my feet doesn't hurt and I'm okay." Kinuha ko ang bag ko at naglakad palayo sakanya.

Sumunod siya sa akin. "Let me carry that."

Kukunin niya na sana iyong bag pero inagaw ko naman agad ito bago niya pa makuha. Dirediretso lang ako papunta sa kotse niya. Nang buksan niya ay hindi ko na hinintay pang buksan niya ang pinto para sa akin. Kusa na akong pumasok.

I crossed my arms over my chest ng makaupo ako. He looked at me weirdly wondering why I'm suddenly acting like this.

Binuhay niya iyong sasakyan at nag-simula ng mag-drive.

"You sure you're okay?" He asked. Naramdaman ko namang sumulyap siya sa akin.

"Oonga." Iritado kong sinabi.

Hindi ko talaga alam kung bakit ako naiinis sakanya eh!

"Why do I have this feeling that you're mad at me? Did I do something wrong?"

Gosh! The way his voice softens when he asks that makes my heart pound like crazy! Muntik na akong mag-give in at maging soft hearted ulit.

"Wala." Tumingin lang ako sa labas ng bintana kahit na ramdam ko na sinusulyapan niya ako. Gustong gusto kong itanong kung ano ba yung pinag-uusapan nila at bakit parang close sila nung babaeng yon!

"Sino ba iyong kausap mo kanina?" Hindi ko rin napigilan ang sarili ko kaya tinanong ko na siya.

Lumingon siya sa akin. "Your co-model. I think her name is Eunice? Hindi ko matandaan."

Wow! Makikipaglandian siya tapos hindi niya tatandaan yung pangalan nung kalandian niya? Aba! Magaling!

Nice, Zach! Nice acting!

"Close kayo?" nilingon ko siya ng saglit at tinaasan ng kilay.

He chuckled. "No."

"Kaya kinuha mo iyong number?" Umirap ako. "Landi." Bulong ko sa aking sarili.

"No. I didn't asked for her number, Sam."

"Eh bakit mo nilabas yung cellphone mo kung hindi?"

"Were you watching us?" He asked kaya naman ay tumawa ako ng malakas.

"Of course not! Nakita ko lang!" I defended myself.

But it looks like he's not buying it. Narinig ko naman na tumawa siya ng mahina. "I was just showing her my lock screen."

"And what's with your lock screen?"

"Your picture."

Lumingon ako sakanya at tinaasan siya ng kilay. "And why would you show her a picture of me?"

Sa lahat lahat pa talaga ng ipapakita niya, picture ko pa ha? For all I know baka naman pinakita niya lang yon para laitin nila akong dalawa. Sus!

"Told her I'm taken because she was asking me out."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. That girl really has the guts! Lakas ng loob mag-aya ng date! Normally mga lalaki dapat ang nag-aaya sa mga babae.

Tsaka taken? Taken sa akin? Baliw ba siya?

"So don't be jealous, Sam. I'm all yours, baby." Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. He chuckled. Napaiwas tuloy ako ng tingin at napaayos ng upo.

"I'm not jealous!" Humarap muli ako sa salamin para di na siya matignan. Nakakahiya!

"Gosh!" Bulong ko sa sarili ko.

I mentally slapped myself dahil sa kahihiyan na inabot ko ngayon sakanya. I accused him of flirting even when he's not.

Goodness, Sam! Baliw ka na!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top