Chapter Nine
Song: You Are The Reason- Calum Scott
Assistant
I have a shoot for a commercial today. Tiyak ay late na naman ito matatapos. Kaya nag-dala na rin ako ng extra na damit kung sakaling hindi ako makakauwi mamayang gabi.
Nagpadala rin si Laura ng susundo sa akin dito sa apartment. Ryan left early in the morning. As usual, may breakfast na naman siyang iniwan para sa akin.
Nang dumating ako sa destinasyon ay marami akong models na nakita. Everyone greeted me once I entered. Sinalubong rin ako si Laura.
"You will be working with them today." Aniya at tinuro sa akin ang mga models na nakaupo sa gilid habang inaayosan ng mga make-up artist.
The commerical shoot that we will be having for today is for a make up brand. Kaya marami rin ang models na kinuha nila. Laura guided me towards the dressing room. Doon ay naghihintay na ang make up artist ko.
"Hi." I greeted once I entered.
Walang ano-ano pa'y inayusan na nila ako. My stylist is currently picking an outfit for me. Nang makapili ay agad niyang pinasuot ito sa akin. He picked some accessories, too. It matches my outfit very well. Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago ako iginiya sa labas kung saan magaganap ang shoot.
I also rehearsed my lines already. Konti lang naman ang sasabihin ko dahil more on showing off the product ang magaganap.
Seryoso kong pinanonood ang ibang models habang nirerehearse paulit-ulit ang mga linya ko mamaya sa isip ko.
I heard someone gasp. Hindi lang ako ang nakarinig kung hindi lahat kami. Kaya naman lahat ay napalingon kung saan nanggaling ang tunog.
When I turn my head, my eyes immediately widened.
What is he doing here?
At bakit may mga pagkain siyang dala?
Napatayo ako sa kinauupuan ko. His eyes searched the room at nang matapat iyon sa akin ay agad siyang ngumiti. Pinakita niya sa akin ang mga pagkaing dala niya. Habang ako ay nakatulala lang sakanya hindi makapaniwala kung bakit siya nandito.
The models beside me started giggling. Nilingon ko sila and I glared at them. What are they giggling at? Si Zach lang naman 'yon!
Ibabalik ko na sana ulit ang tingin ko sakanya pero nagulat ako nang nasa harap ko na siya. He smiled at me. My forehead creased.
"Hi." He greeted. He's wearing a button down shirt today. Habang ang dalawang butones ay bukas giving us enough view of his sculpted chest. Inalis ko ang tingin ko doon at hinarap siya.
"What are you doing here?" I asked.
Tsaka paano niya nalaman kung saan ang shoot ko ngayon? Gosh! He's so creepy!
"I'll be your assistant for today." Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "I brought you food." Pinakita niya muli sa akin ang mga dala niya.
"Hindi ko kailangan ng assistant." Sabi ko. Ngumiti lang ulit siya at nilapag ang dalang pagkain sa lamesang malapit sa amin.
Dinaluhan naman kaming dalawa ni Laura. Nakipagbeso siya kay Zach. At kelan pa sila naging close?
"Did you tell him?" I asked Laura. She smirked at me.
How dare she smirk at me! I swear this 35 year old woman! Kasabwat pa ata siya ni Zach!
"Yeah? What's wrong?" Natatawa pa siya habang sinasabi iyon.
"Why?!" I almost shouted. Nilakihan ko siya ng mata. Binaling ko naman ang tingin kay Zach na nananatiling seryoso. His arms are crossed over his chest habang seryoso akong tinitingnan.
Shit. Did that offend him?
"I mean, why?" Mas mahinahon kong sinabi.
"What's wrong? You two are working things out right?"
Paano niya naman nasabi 'yon? Kahit ako ay hindi ko alam kung inaayos ba naming dalawa 'yung relasyon namin. At tsaka... wala nga kaming relasyon, e. Ano pa ang aayusin namin?
Hindi ako sumagot dahil ayoko namang sabihin na hindi sa harap pa mismo ni Zach. Baka mas lalo siyang maoffend. Hindi ko rin naman alam ang sagot. Are we working things out? I don't think we are.
"You two were seen in a grocery store yesterday. You also had a coffee with him. What's wrong with having him here?" Tanong niya ng hindi ako nag-salita.
Kumalat agad 'yung balita? Damn it.
"Nothing." I whispered.
Tinawag naman ako ng director para sa commercial upang simulan na ang shoot. I tried not to look at Zach the whole time. Dahil tuwing magagawi ang tingin ko sa kanya ay nakikita kong pinaglalaruan niya ang labi niya habang nakatingin sa akin.
'Yun rin ang rason kung bakit ako nawawala sa linya at kung bakit lagi akong napapagalitan ng director. Ilang beses na kaming paulit-ulit.
"What's happening, Samantha? These are just short lines and you can't do it properly!" Tinuro niya sa akin ang script.
"Sorry." Sabi ko at huminga ng malalim.
"Again!" He shouted and he let out a frustrated sigh.
I keep on telling myself not to look at Zach dahil siya ang cause of distraction ko. I did it better this time dahil nga hindi ko na muli pang nilingon si Zach. The director instructed me to remove my make-up dahil magshoshoot raw kami ng ako ang gagawa ng sarili kong make-up.
Zach immediately stood up nung matapos ang take ko. He handed me water. Tinanggap ko iyon.
"Thanks." I whispered.
"Are you hungry? Gusto mo ba munang kumain bago ka mag-ayos ulit?" Tanong niya at kukunin na sana ang dala niyang pagkain pero pinigilan ko siya.
"No. Mamaya na. Mauna ka nang kumain. Hindi pa naman ako gutom."
Napaayos siya ng tayo. "Oh... Hindi na. Sasabay ako sa'yo kumain."
Agad na kumunot ang noo ko. What if I have no plans on eating the whole day? Hindi rin siya kakain? Kalokohan.
Kahit sa dressing room ay nakasunod siya. Is he really serious about this? Wala siyang reklamo kahit inuutos-utusan siya rito. Ginawa pa nga siyang taga-bitbit ng damit ng stylist ko!
Bakit kasi hindi nalang siya mag-punta sa training niya kaysa dito? Ginagawa tuloy siyang utusan dito!
Hinihintay ko nalang na tawagin ulit ako ng director. I'm scrolling through my cellphone nang mapatigin ako sa salamin. Zach's behind me sitting on the couch. He lazily rubbed his tummy. He looks hungry.
Gutom na ba siya? Sabi niya kasi kanina ay sasabayan niya raw akong kumain. Eh ilang oras ng makalipas iyon! Tiyak na gutom na nga siya.
"I'm hungry." I told no one.
Wala talaga akong kausap dahil ang iba dito ay busy sa ginagawa nila. But Zach seems to hear it dahil napaayos siya ng upo.
"You hungry?" Concerned niyang tanong. I nodded. "I'll go get the food."
Sabay tumayo siya at lumabas para kunin ang pagkain.
Ang totoo talaga ay hindi pa ako masyadong gutom. Pero kasi siya mukhang gutom na gutom na. Pinipigilan niya lang dahil sabi niya nga sasabayan niya akong kumain. He's really serious about it ha!
I smiled to myself. Napawi lang nang makabalik siya. Nagulat ako dahil may dala-dala pa siyang foldable na table. Tumayo ako galing sa pagkakaupo para tulungan siya. But he stopped me.
"No. Stay there. I'll do it." Napaatras ako at hinayaang gawin niya iyon. Isa-isa niyang inayos ang mga pagkain.
Ang dami niyang dala! Nagulat ako dahil mainit pa ito.
"I heated them up." Sabi ni Zach habang nag-aayos parin ng pagkain. Did I say it out loud?
Pumwesto naman kaming dalawa sa harap ng pagkain. Hindi lang pala para sa amin ang dala niya kung hindi sa buong team ko rin. Kaya tuwang-tuwa sila nang iabot sakanila ni Zach iyong pagkain nila.
They left us alone in the dressing room para sa labas kainin iyon. We were left with an awkward silence. Si Zach ay patuloy sa pagkain habang ako ay pinapanood ko lang siya. He must be really hungry. Tumingala naman siya sa akin ng mapansin na hindi ko pa ginagalaw ang kahit anong pagkain na dinala niya.
"Hindi mo ba gusto?" Tanong niya. "Want me to buy something else?" I shake my head.
My heart is flattered by what he is doing. Hindi ko maintindihan kung bakit gustong-gusto niyang gawin 'to. Hindi ako nakarinig ng kahit anong reklamo sakanya habang inuutusan siya ng stylist ko kanina. Kahit na pabalik-balik siya sa dressing room para maghatid ng panibagong damit.
Tinulak niya palapit sa akin iyong pagkain. He still hasn't changed.
"Eat, Sam." Nagpatuloy muli siya sa pagkain. Sa sobrang gutom niya ay baka mamaya ay mabilaukan na siya.
I reached for the water at nilapag ito sa harap niya.
"Dahan dahan lang." Sabi ko. Tiningnan niya muna iyong tubig na inabot ko sakanya bago ako tiningnan muli. Nagsimula na akong kumain. Naramdaman ko namang ngumisi siya.
Our shoot continued. Maraming make up ang nakaharap sa akin ngayon. They are asking me to do a summer make up look dahil appropriate ito sa nalalapit na weather.
While I was prepping myself up ay nagpapacute rin ako sa camera dahil iyon ang gusto ng director. When I'm doing my make up, it will always took me an hour before I finish. Kaya hindi na nakakagulat kung bakit ang tagal kong matapos para sa make-up na ito.
Ang ibang girls naman ang ishoshoot ngayon at maghihintay pa ako ng ilang oras bago simulan ang pictorial at ang shoot naming lahat.
Nanatili lang ako sa labas instead of staying inside the dressing room. Pinapanood ko ang ibang models. Nakaramdam naman ako nang may nagpapaypay sa akin galing sa likod. Nilingon ko kung sino ito.
Zach is behind me habang nanonood rin sa ibang models at pinapaypayan ako. Talagang kinareer niya ang pagiging assistant ha?
Tumayo ako. Bakas naman sa mukha niya ang gulat. Akala niya siguro ay aalis ako. Pero mas nagulat siya nang tumabi ako sakanya. Even though this room is air conditioned I don't think na sapat iyon para malamigan kaming lahat.
Ayoko naman na nagpapakahirap siyang paypayan ako para di ako pagpawisan habang siya naman itong mapapawisan. Bumaling muli ang tingin ko sa ibang models na shinoshoot ngayon. Nagpatuloy siya sa ginagawa.
"It wasn't really a bad idea coming here." Aniya. Hindi ako nag-salita. "I might do this again."
"Don't." Lumingon siya sa akin. "Focus on your training. You're here in New York because of that."
He chuckled. "Not really..."
Hindi na ako sumagot pa.
Gabi na nang matapos ang shoot. Masyadong marami pang pinagawa iyong director kaya hindi maaga natapos. Bakas rin sa mukha ni Zach ang pagod. Pano ba naman kasi inutusan na naman siya ng stylist ko.
Nakatulog siya sa couch sa loob ng dressing room. Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko ay lumuhod ako sa harap niya. I watch him sleep. Kahit tulog siya ay gwapo parin siya. This is so unfair sa ibang lalaki.
He was really true to his words. That he will do anything just to take me back. Even though that will cost him his time, money, and effort.
Pumasok naman si Laura sa kwarto at nadatnan kaming dalawa doon. She told me to go home now. I nodded at ginising na si Zach. As much as I want him to sleep, hindi ko siya pwedeng iwan mag-isa dito after all the things he has done for today.
"Zach..." I tried waking him up. Buti nalang ay hindi siya heavy sleeper dahil agad rin naman siyang nagising. "Pack up na."
Napabalikwas naman siya ng upo. Napunta ang tingin niya sa bag ko. "Sorry hindi kita natulungan sa pag-aayos. I got sleepy."
"It's okay." Tumayo na rin ako ng tumayo siya. "You should go home now."
"Let me take you home."
"Okay." He smiled when he heard those words. He opened the door for me and lead me outside.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top