Chapter Fourteen
Song: Everything You Are- Ed Sheeran
Surprise
Ryan is starting to get suspicious of us. Kada oras kasi ay nahuhuli niya kaming nagsesenyasan ni Tony ng patago. He thinks that something's going on.
Kung alam mo lang, Ryan. Kung alam mo lang... I'm one hundred percent sure you'll be the happiest man on earth!
Marami na rin kaming naiplano. We already found a venue kung saan magpropropose si Tony. I made sure that it's really private. At tsaka iyong lugar na iyon ay sobrang romantic rin kaya tamang-tama lang!
They even hired a professional photographer for the proposal. Tony and I are planning everything through text. Dahil hindi kami makapag-usap ng kami lang. Ryan always wants to meddle with us.
So this is what we have came up...
Kunwari ay mamamasyal lang kaming tatlo. Tapos sa kalagitnaan ay kunwari naiihi ako kaya iiwan ko silang dalawa na mamasyal doon. Habang ako ay sasamahan ko na iyong photographer na nagtatago sa isang tabi.
Oh, and I almost forgot! Tony wants a fireworks display after Ryan said yes so it will be so perfect!
I'm so freaking excited! I also invited Laura sa proposal para alam niya naman na may excuse ako para hindi muna magtrabaho.
While Zach, he doesn't text me anymore. Which is really shocking dahil halos araw-araw siyang nagtetext sa akin noon. Maybe he's really busy with his training. I heard malapit na iyong semis. And they're one of the top teams! Hindi na naman nakakagulat iyon dahil alam ko naman ang kakayahan ni Zach pagdating sa football.
At isa pa, hindi niya naman ako kailangang itext palagi. As if kami diba? We're not in a relationship kaya normal lang na hindi siya nagtetext sa akin araw-araw.
Nagdaan naman ang ilang araw at finafinalize ko na ang lahat ng plano namin para sa araw na ito.
So, today's the proposal. I can't freaking wait!
Sinigurado ko talaga na maganda iyong fireworks display pati na rin 'yung ayos doon sa venue. Tony really wants it to be perfect. I don't want to disappoint him. Tumayo ako galing sa pagkakaupo, tinext ko ang lahat ng involved dito sa proposal na ito. Pagkatapos noon ay naghanda na ako ng aking sarili. I chose a black dress and I paired it with heels.
Pagkababa ko ay kita kong bihis na bihis na silang dalawa. I can clearly see that Tony is so tensed. Kaya ay patago akong lumapit.
"Good luck! You'll do it." I whispered at him. Thank goodness Ryan didn't hear me.
"Thanks, Sam." He whispered back then took a deep breath. Nakita ko namang nilahad niya iyong kamay niya sa likod for a high five.
I gave him a thumbs up for the last time at tsaka hinanda na iyong kotse. Ryan looked at me weirdly when I offered that I will be driving today.
I don't usually drive for them kasi, because whenever Tony's around he's always the one who's driving and not me. Kaya naman ay naintindihan ko iyong reaction ni Ryan.
"Where are we going, Sam?" Painosenteng tanong sa akin ni Tony mula sa likod.
Patago akong ngumisi. Shit! Naeexcite ako sakanila.
"Uh... I found this place and I really want to go there and check it out. I hope it's okay." Gusto kong matawa sa sarili ko kasi di ko akalain na may kakahayan pala akong umacting.
Somebody cast me in a movie please!
"Of course, it's okay. Tsaka masyado ka nang nagkukulong sa loob ng apartment. It's time for you to breathe some fresh air." Ani Ryan na wala parin kaideideya kung anong mangyayari ngayon.
Lumingon ako sakanya ng saglit at ibinalik muli ang tingin sa kalsada. "Thanks."
"Have you talked to Zach?" Tanong ni Ryan habang naglalagay ng powder sa mukha.
"Oh! Zach's here? You two are okay again?" Pagsingit ni Tony sa usapan. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi.
Of course, Tony also knows everything! He's like my second best friend. Kung wala si Ryan ay sakanya ko sinasabi lahat. He's also been there when I first moved here in New York dahil iyon ang bilin sakanya ni Ryan. He has to fly from Mexico to New York para lang tulungan ako sa mga kailangan ko.
Sa tingin ko ay hindi nakarating ang balita kay Tony sa Mexico. But he knows about what happened to me and Wilhelm dahil bago lang iyon ng kababalik niya lang dito.
But the issue with Zach and I, it's been a month. And he has no idea about it.
"Uh..." panimula ko, tila nahihirapan akong maghanap ng sagot.
"They will be soon, babe." Sabi ni Ryan at tsaka sinara iyong press powder niya at nilagay na ulit sa kanyang bag.
Tiningnan ko si Tony mula sa rear view mirror at nakita kong tumango siya na parang gustong mangyari ang sinabi ni Ryan. Nakita ko namang may umilaw galing sa likod. Tony's on his phone and is probably texting everyone that's involved again.
He's that anxious about this proposal.
Nang makarating kami sa destinasyon ay nakita ko ang pagkamangha sa mukha ni Ryan. He's amazed with the surrounding like I was. I've never been here before. Nakita ko lang ito sa internet.
The team did a great job in designing the place. Sobrang romantic tingnan lalo na't may mga dim lights pa. It is indeed a perfect place for a proposal.
"This place is so nice! Saan mo ba ito nakita, Sam?" Tanong sa akin ni Ryan.
Nilingon ko bahagya si Tony na nakahawak na sa kamay ni Ryan ngayon, habang ang isa ay nasa kanyang bulsa kung nasaan ang singsing.
Ngumisi ako. Shit! Eto na!
Tony should quit being tensed dahil for sure Ryan will said yes naman.
"Sa internet lang," simple kong sagot.
Naglakad pa kami ng kaunti hanggang sa marating namin iyong mismong pwesto kung saan magppropose si Tony.
I need to activate my acting skills again.
"Hey, mind if I go to the comfort room first? I'll follow you two later." Sumangayon naman agad ang dalawa. Ryan nodded habang iniikot parin iyong paningin sa buong paligid.
Patago akong lumingon kay Tony na ganon rin ang ginawa. Patago niya ring nilabas iyong kamay niya for a high five. Dumaan ako sa likod nila para mapaunlakan ang pag high five sakanya.
"Good luck." I mumbled at him at dumiretso na kung nasaan ang photographer.
Kita ko namang nakatago siya sa mga bushes kaya pumwesto na rin ako doon. Nakatulala lang siya sa akin nang lumapit ako.
"Hi," I greeted at binalik muli ang tingin sa dalawang nakatigil parin sa lugar kung saan ko sila iniwan. Lumingon ako sa photographer dahil napansin kong nakatitig parin siya sa akin.
"Capture them." I instructed him. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa naging reaction niya. Pinuwesto niya naman iyong mata niya sa viewfinder ng camera.
Tiningnan ko muli iyong dalawa. Tony's now talking. Hindi ko siya marinig dahil medyo malayo rin itong kinapepwestohan namin ngayon. But I'm sure they're sweet words.
Nakakunot lang ang noo ni Ryan habang nagsasalita si Tony pero mayroong bahid ng ngiti sa kanyang labi. Kahit hindi ko naririnig iyong sinasabi ni Tony ay kinikilig ako base sa ekspresyon ni Ryan.
Then Tony slowly kneeled infront of Ryan while looking into his eyes. Kitang-kita sa mukha niya ang gulat. Happy tears started forming inside my eyes.
Kinuha ni Tony iyong singsing sa kanyang bulsa. Ang dalawang kamay ni Ryan ay nasa kanyang bibig habang siya ay humihikbi.
Umalis na rin iyong photographer sa gilid ko para kumuha ng mas magandang angulo para sa mga litrato ng dalawa.
Nang sinabi ni Tony ang mga salitang 'Will you marry me?' ay mabilis na tumango si Ryan at malakas na sinabi ang Yes.
Ako naman ay naiiyak sa kanilang dalawa dito sa gilid. I can't help but cry. I'm just so so happy for them! Words cannot explain how happy I was!
Nang isuot ni Tony iyong singsing kay Ryan at mabilis na nagputukan iyong fireworks. Such a perfect timing. They kissed each other at niyakap ng mahigpit ang isa't isa.
Habang ako naman ay nagpupunas lang ng aking luha dito sa gilid. Gosh! Ano kaya ang feeling na maengaged? I couldn't imagine. Siguro kung ako ang nasa pwesto ni Ryan ngayon ay hindi ako titigil sa kakaiyak.
Imagine getting married with someone you truly love. It must be so perfect.
Nagpatuloy naman ako sa pagpunas ng aking mga luha. Napaka wrong timing naman at wala akong dala na panyo. Sana talaga ay naisipan kong magdala lalo na't alam ko namang iiyak talaga ako.
Ngunit parang narinig ng Diyos iyong tinig ko dahil may nakita akong naglahad ng panyo sa gilid ko. Nilingon ko kung sino ito. My eyes widened because I wasn't expecting him to be here.
"Zach..." Sabi ko. "W-What are you doing here?"
Tipid siyang ngumiti sa akin. Nang hindi ko kinuha iyong panyo sakanya dahil sa gulat ay kusa na siyang nagpunas ng mga luha ko. I was taken a back pero pinagpatuloy niya parin ang ginagawa.
He gently wiped away my tears.
"Stop crying. Daig mo pa si Ryan kung umiyak." Ngumisi siya. My mouth opened a bit. Hindi makapaniwala na nandito rin siya.
"What are you doing here?" Tanong ko muli sakanya. Maingat niyang pinupunasan iyong mga luha ko.
He caressed my face gently when he finished.
"Tony texted me." Simple niyang sagot. Nilingon ko naman ang lugar kung nasaan sila Tony. Bumagsak naman ang kamay ni Zach.
Nilingon ko ang buong paligid pero hindi ko parin sila makita. Shit! Baka iniwan ako ng mga iyon!
Pero nang lumingon ako sa likod ay nakita ko silang magkayakap habang nakatingin sa amin. Mukha silang magulang na tinitingnan ang kanilang anak na first time pupunta sa prom. They were both smiling at us. I shrugged at Tony asking why would he text Zach. Pero ngumisi lang siya sa akin.
Don't tell me kasabwat rin siya ni Zach? What the freaking hell?!
Nilingon kong muli si Zach na seryosong nakatingin sa akin. Walang nagsalita ni isa sa amin. Naramdaman ko namang lumapit iyong dalawa sa amin. Both of them smiling at us. Kitang-kita sa kanilang mukha ang kasiyahan.
"Bro!" Bati ni Tony kay Zach. Binitawan niya si Ryan ng saglit upang yakapin si Zach.
I heard both of them chuckled including Ryan.
"Bro! Congratulations!" Sabi ni Zach at tsaka ngumiti.
He never smiled before. Dati kung ngumiti siya ay sobrang tipid lang. Pero ngayon, ang weird tingnan dahil sobrang genuine ng ngiti niya. Silang tatlo ay masasayang nagbabatian habang ako naman ay nanatiling gulat.
We were supposed to surprise Ryan pero bakit mukhang ako ang mas nagulat?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top