Chapter Four

Song: Fire Away- Niall Horan

E-mail

"Football star player Zachary Dela Merced gets into the runaway and hugged Supermodel Samantha Enriquez from the back in a Gregory Stanford Fashion show." Umagang-umaga eto maririnig ko kay Ryan.

Today is Sunday kaya naman nandito lang kami sa apartment dahil wala kaming trabaho ngayon. He's scrolling through his phone at patuloy na nagbabasa ng mga articles tungkol sa nangyari kahapon.

Rumors spread quickly. Ang dami agad na haka-hakang kumakalat. Kesyo gusto raw makipagbalikan ni Zach. Kesyo ganito, kesyo ganyan. What they don't know is that, we've never been together.

"It is rumored that this couple broke up last year. It is still a mystery unsolved to people about the possible reason for their break up. Maybe things didn't turn out well between them as supermodel Samantha Enriquez stayed emotionless while the football star player Zachary Dela Merced hugged her behind. See picture below," he continued. I rolled my eyes.

Nakita ko namang niclick niya ang picture na kasama sa article. Gusto niya talagang malaman lahat ng nangyari kahapon ha?!

"You look so cold here. It's odd." Hinarap niya sa akin ang cellphone niya para ipakita sa akin ang picture.

Tiningnan ko ito. Zach's eyes were closed while he's hugging me. Habang ako... well I stayed emotionless. Ano bang dapat kong ipakita? Na nagulat ako na nakita ko siya? Na namiss ko siya?

Hindi ko naman ineexpect na may kuha palang ganito. Ineexpect ko lang na 'yung likod namin ang makukuhanan dahil pabalik na ako sa backstage nun. Mas bibigyan kasi ng pansin ng mga media ang mga bagong labas na models. Pero ito, it was captured right in front of us. Kaya kitang kita ang mukha namin.

Umirap naman ako muli nang ibalik niya ang tingin sa kanyang cellphone.

"People were shocked to see- Ouch!" naputol ang sasabihin niya ng pinalo ko siya ng malakas sa kanyang hita. Tumayo ako at dumiretso sa kusina.

"Tumigil ka na sa pag-basa niyan." I said to him. He laughed out loud.

"Affected siya oh." Tinuro turo niya ako at inaasar.

"Seriously, Ryan. Stop." Seryoso kong sinabi. He closed his mouth and zipped it.

Kahit kailan talaga napakakulit nitong isang 'to. 'Yan! Sa mga ganyan siya magaling. Sa pang-aasar niya sa akin. Minsan kulang nalang gawin niyang past time iyon.

"But... seriously speaking. Did you two even talk?" Kuryoso niyang tanong. Nakasandal ang kanyang mga kamay sa ulo ng sofa habang nakatanaw sa akin sa kusina. I glanced at him.

"Yeah."

Umalis siya sa kanyang pwesto at tumakbo patungo sa akin. "What did he say?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Chismosa!

"Things... That he's supposed to say before." Naglakad ako patungo sa dining table. Sumunod na naman siya sa akin then he sat next to me. Nilagay niya ang kanyang baba sa kanyang palad habang nakatingin sa akin.

"Sinabi niyang mahal ka niya?" Tiningnan ko siya. I took a sip from my coffee and I shrugged. He glared at me. "What? Ano nga?"

"He said that he's sorry because he pushed me away. He said that he hated himself for it and I asked him if he ever love me back... Well, you know I had to. But it doesn't matter. Let's get over it."

"No! What did he say?"

"He said yeah." Sabi ko. Napahawak siya sa kanyang bibig.

"Oh my gosh! Did he just?" Mas lalong umawang ang bibig niya at napatayo pa siya sa kanyang kinauupuan. He shook his head a lot of times. Kulang nalang maalis na ito sa kanyang leeg sa sobra niyang pag-iling.

"Bakit ngayon niya lang 'yan sinasabi sa'yo kung kelan nakamove on ka na? Tsaka ang tagal rin ng isang taon noh! Ang dami niyang oras para sabihin sa'yo noon pero di niya ginawa! Tapos ngayon ano..." Patuloy siya sa pag-rarant pero di ko siya pinakikinggan. Paulit-ulit na rin kasi 'yung mga sinasabi niya.

Alam ko naman na dapat dati niya pa talaga sinabi sa akin iyon. And I have long accepted the fact that he's just scared. But that's not enough reason to say cruel things to me.

Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa aking bulsa at tiningnan ang e-mail na kakasend lang sa akin ng editor-in-chief ng isang sikat na magazine.

Good Day, Ms. Samantha Enriquez!

I am writing this letter to ask you to be our monthly issue's cover together with Mr. Zachary Dela Merced.

What the hell? Tinuloy ko ang pag-babasa.

We have received a lot of request since yesterday asking us to feature you and Mr. Dela Merced on our magazine. We only want what's best for our readers.

We hope for your immediate response.

You can contact us through email or through text. Thank you!

"What the hell?" Malakas kong pagkakabanggit.

"Bakit ba naman kasi- What happened?" Natigil si Ryan sa rant niya ng marinig akong magsalita.

Nang makita niyang titig na titig ako sa cellphone ko ay lumapit rin siya para makita kung ano man ito. Namilog ang mga mata niya. 

"Accept it!" Hinikayat niya ako.

"What? No!" Agad kong sagot. 

There is no way I'm going to accept this one. Lalo na kasama ko si Zach sa trabahong 'yon!

No. No. No way. It would make things more awkward and I'm trying to get away from that situation.

"Why not? Kung talagang naka move on ka na... You'll immediately accept that offer. O baka naman... Hindi ka pa talaga nakakamove on kaya affected ka parin?" Tanong niya. Humalukipkip siya at tinaasan ako ng kilay. Matalim ko siyang tiningnan. Nginisian niya lang ako.

"Of course not! Ayoko lang ng... issue." May pagaalinlangan kong sinabi. Tumawa naman si Ryan ng malakas.

Grabe! Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o matatawa nalang rin sa tawang binibigay niya.

"Walang issue kung di mo gagawan. Kung gusto mo, tanongin mo sila kung pumayag na ba si Zach sa offer na 'yan." He suggested.

"E, paano kapag pumayag siya?" I asked. Nakakapagtaka rin naman kasi kahit papano.

"Edi walang issue sakanya! Sa'yo lang meron!" He rolled his eyes at me. Tama nga naman!

I grabbed my phone and started typing my response.

Good Day!

I would like to ask if Mr. Dela Merced already agreed to this proposal? I would like to know. Thank you!

Wala pang isang minuto ay nakapagreply na agad sila.

Hi. Thank you for your response, Ms. Enriquez!

To answer your question... Yes, he agreed. We are just waiting for your final answer so we can settle the date of your shoot.

"He agreed!" I informed Ryan. Ngumiti naman siya.

"See? Walang issue sakanya. Tsaka wag kang papahalata na affected ka parin. Work is work, Sam." Payo niya sa akin.

Tama nga naman siya. Work is work. Nandon ako para magtrabaho hindi para ibalik ang nakaraan.

Okay, then. If that's the case...

I started to type my response.

Me:

I'll accept your offer. Just email me the details about the shoot so I can tell my manager about it. Thanks!

"Ahh! No wonder why may nag-offer agad sainyo na mafeature sa isang magazine cover. Dami niyo na pala kasing fans!" mabilis kong hinablot ko kay Ryan ang cellphone niya.

I scrolled through the profile nung account na dedicated para sa amin ni Zach. Meron na agad itong ten thousand plus followers! What the hell?

The recent post was the picture from yesterday. Ang iba ay picture pa namin noon! They even have the picture of us when we graduated! Kasama ko dito ang buong pamilya ni Zach. At puro, positive comments lang ang nakikita ko sa bawat picture!

Paano nila nakuha ang mga ito? Nakagaling naman ng stalking skills nila!

I checked some of the comments.

@sarahfray

I hope they fix things between them. They look so good together.

@DianaXoxo80

They should be back together!!! They're meant to be!

May mga Filipino fans pa na nagcocomment! My god! Napahawak ako sa aking ulo habang binabasa ang mga ito.

@GraceVillamayor

OMG. Sobrang bagay! Been their fan since the start of their relationship. Sana magkabalikan sila kasi sayang naman! I love you Zamantha!

What the hell! They even made a ship name for us!  My goodness!

Binalik ko kay Ryan ang phone niya sabay hilot ng sentido ko.

Jusko naman! I didn't know that the picture from last night's fashion show can get us a thousand fans. Or more likely a thousand shippers! Ayoko pa naman na binibigo ko ang mga fans ko kaya tuwing may nakakarecognize sa akin sa daan ay pumapayag akong makipagpicture sakanila.

Kahit sa mga events ay ganoon ako. I don't want to see them sad just because I couldn't grant them a simple picture.

Pero mukhang dito ko ata sila madidisappoint.

They have no idea about our past. Wala silang ideya sa sakit na naidulot nito sa amin noon. I couldn't even face him without feeling awkward! Paano pa kaya kung magsasama kami sa shoot diba?

Well... Sabi nga ni Ryan work is work, Sam.

Tumango-tango ako. "Work is work."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top