Chapter Fifteen

Song: You- Callum James

Brother

"Nasaan nga pala si Laura?" Tanong sa akin ni Ryan.

Nandito kami ngayon sa isang fancy restaurant malapit sa Central Park. Kasama namin si Zach. As much as I don't want this dinner to be awkward ay hindi ko maiwasan lalo na't laging nakatingin sa amin ang dalawa.

"She can't come. May aasikasuhin daw siya but she said congratulations to the both of you." Sabi ko naman sakanya at hiniwa ang steak na kinakain ko.

"I see," tumango siya at tsaka humarap kay Tony ng nakangiti.

Both of them keeps on looking at their engagement ring and it makes me wonder how does it feel to be engaged with someone you love the most?

It must be the greatest feeling of all.

Minsan ay kinakalimutan na nilang meron pa silang kasama dahil panay usap lang sila at di man lang kami sinasali. I coughed dahil mukhang wala na silang pakialam sa amin. Napabaling naman silang dalawa at tsaka tumawa.

"Oh, Sam! Can I ask another favor?" Tanong sa akin ni Tony.

Inangat ko naman ang tingin sakanya. "Sure. What is it?"

Humarap siya kay Ryan. Nagngitian na naman yung dalawa. "We were planning on having an engagement party. We want it on the day after tomorrow."

"That fast?" Tanong ko. Nakakagulat naman sila at agad agad nila gustong ipaalam sa lahat na engaged na sila.

Siguro ay gusto na talaga ni Tony ikasal kaya pati engagement party ay minamadali niya.

Hay, Ryan! Napakaswerte mo.

"Okay. I'll look for some event organizer." sabi ko.

Bumaling naman ang tingin nila kay Zach na kanina pa tahimik sa tabi ko. We haven't talked ever since nagkita kami. Wala rin naman akong sasabihin sakanya.

"Zach, make sure you're coming on the engagement party." Ani Tony.

I wonder kung kelan pa sila naging close dalawa. A year can really do a lot.

"I'm not sure," Napalingon naman ako sakanya. Nakita ko namang sumimangot si Tony. "I mean, I have training that day. I don't know if coach will let me this time since I have skipped three training days."

Siguro 'yung three training days na 'yun ay 'yung mga araw na pumupunta siya sa kada shoots ko. Kahit nung fashion week ay nandoon rin siya.

Sabi ko naman kasi na mas importante pa 'yung training niya kesa tulungan ako. Siya lang naman itong matigas ang ulo.

"That's sad, man. But please let us know. We'll include you on the guest list." Sabi ni Tony at tsaka ngumiti.

"Pupunta si Sam kaya dapat ay pumunta ka rin." Pang-asar ni Ryan. I glared at him. Nakitawa pa itong si Tony.

Sana talaga di nalang tinuruan ni Ryan si Tony ng tagalog para hindi siya makikisali dito sa asar ng fiancé niya.

For sure ay marami ang pupunta sa party na iyon dahil maraming kaalyado si Tony sa business niya. Kahit si Ryan ay marami ring kaibigan. For sure ay pupunta rin ang magulang niya pati ang kapatid niya. They shouldn't miss that event.

Kailangan ko na rin maghanap ng susuotin para doon.

Naging sobrang busy ako pagkatapos nun. Both of them are helping me with everything. Nakipag meet up na rin kami sa organizer at payag naman siya na irush. 'Yun nga daw ang gusto niya dahil nachachallenge siya.

The two is so excited. Sino ba naman ang hindi? Hindi pa nila 'to kasal pero ganito na sila kaexcited.

Nakahanap na rin ako ng damit na susuotin. It's a navy blue backless dress. Si Ryan ang pumili at wala rin naman akong magawa dahil gusto ko ay masaya siya.

"May I see the guest list, sir?" Sabi noong event organizer.

Kinuha naman ni Tony ang papel na pinagsulatan niya. Nagulat ako ng sobrang rami nito. Nasa one hundred guests ata.

"There are still people who I haven't included." aniya.

Engagement palang ito, paano kaya kung kasal na?

Pinuntahan na rin namin 'yung venue. The place is very luxurious. Pang businessman's event style talaga.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para mag-jogging at mag work out. Kahit na ngayon iyong event, you just couldn't miss grinding day.

Nang makabalik ako sa apartment ay narinig ko na may nagtatawanan. The couple must be awake already. Pareha silang napabaling sa gawi ko nang buksan ko ang pinto.

"Oh! Look at this two! Excited na ba kayo?" tanong ko sakanila. Tumawa naman si Tony at hinayaan nang si Ryan ang sumagot.

"Of course! Who wouldn't?" I genuinely smiled at them. I wish I have a healthy realtionship like theirs. Kasi puro toxic 'yung akin.

Umakyat na ako sa kwarto upang magpahinga at mag-bihis. Nang sumapit ang hapon ay naligo na ako at naghanda na para sa event.

The event starts at six o'clock. Hindi uso ang filipino time dito dahil puro banyaga ang mga bisita nila. Kaunti lang ang mga Filipino. Umupo ako sa harap ng vanity table. I heard someone knocked on my door.

"Come in!" I shouted. Nakita ko namang pumasok si Ryan.

"Oh!" Natigilan siya ng makita akong nakaupo na sa vanity table. "Kala ko hindi ka pa naghahanda. Ireremind lang sana kita." Ngumiti naman ako sakanya at tsaka tumango.

Agad rin naman siyang lumabas ng kwarto ko para hayaan na akong magready para sa engagement party nila.

I curled my hair first and styled it in a fancy updo. Ang hirap ayosin dahil maikli lang yung buhok ko at hindi ko maikot ng maayos. I really do need a lot of bobby pins. Ang make up ko naman ay tama lang para sa event.

Nang isuot ko na iyong damit na pinili para sa akin ni Ryan ay tiningnan kong maigi iyong sarili ko sa salamin. Plinantsa ko gamit ang aking kamay ang aking damit.

Kinuha ko iyong bagong bili ko na hikaw at sinuot. Kinuha ko rin iyong purse ko at lumabas na.

Naabutan ko naman iyong dalawa na bihis na bihis na. Ryan is currently helping Tony with his sleeves. Tinutupi niya ito. Napabaling silang dalawa sa akin. Malaking ngiti ang binigay nilang dalawa.

"Aw so beautiful!" Ryan kissed me on the cheek. Para siyang nanay sa ginawa niya.

Ngumiti rin ako sakanya. Kinuha naman ni Ryan 'yung dalawa kong kamay at hinawakan. Galak siyang ngumiti sa akin.

"I'm so thankful of you, Sam. For helping us with everything."

Umakbay naman si Tony sakanya at ngumiti rin sa akin.

"And thanks for being my partner in crime in the proposal." I chuckled.

"But seriously Sam. Sobrang thank you talaga! I couldn't imagine any of this to happen without you here. Kaya naman pag ikaw na ang maeengaged... Bobonggahan talaga namin!" Sinulyapan niya si Tony at lumingon muli sa akin.

"Ano ba 'yan! Tsaka na ako... Tsaka wala pa naman! Sa susunod nalang natin 'yan pag-usapan pag meron na." Biro ko.

Mukha namang nagustohan ni Ryan ang joke kong iyon kaya naman ay sinakyan niya.

"Sus! Meron na nga, e! Ayaw mo lang aminin." Umismid ako sakanya.

"You know what?! Let's go. I'm sure there are lot people already waiting. So, let's go." Hinila ko sila palabas. Pero hindi parin natatapos si Ryan sa pag-aasar.

"What is his name, Tony? Was it..."

"Zach I think? Zach's the name I guess." Sagot ni Tony. Malakas na tumawa iyong dalawa. Inirapan ko lang sila at sinarado ang pinto ng apartment.

Nang makarating kami sa venue ay marami ng tao ang nandoon. Everyone glanced at our way ng makita ang newly engaged couple. Lumapit agad sila sa mga tao habang ako naman... I separated from them. Dumiretso ako sa mga magulang ni Ryan na wala paring ideya na nandito na kami.

"Hi." I greeted. Nagulat naman ang magulang ni Ryan sa pag-sulpot ko. Niyakap ko sila ng mahigpit.

I haven't seen them in a while kahit pa nasa iisang lugar lang kami. Sobrang busy ko na rin at wala na akong oras bumisita sakanila kahit na gustong gusto ko. Tiningnan ko naman si Ingrid na nakasuot ng baby pink na dress. Sobrang cute niyang tingnan!

"Inggy!" Lumapit ako sakanya at niyakap siya.

"Ate Sam!"

"You look so cute!" I pinched her cheek. She giggled.

"And you look so beautiful!" Aniya.

Lumapit naman sa amin sina Ryan at Tony. Hindi naiwasan ni Tita Mommy na maiyak dahil sa kasiyahan para kay Ryan.

"Mas emotional ka pa sakin, Mommy!" Sabi ni Ryan na naluluha rin.

Sobrang gustong-gusto ng magulang ni Ryan si Tony and the same goes to Tony's parents. Nandito rin sila ngayon at may kausap na mga businessman. Binuhat naman ni Tony si Ingrid.

Nakita ko naman ang iba pang pamilyar na mukha kaya naman ay dinaluhan ko sila. Some were photographers and some are models that Ryan handles. Ang iba ay mga fashion designers.

We were talking about the fashion week and thank god because no one mentioned what happened to Wilhelm and I.

Masaya kaming nagtatawanan hanggang sa nag-salita ang isa naming kausap.

"Ohh... Looks who's here." Aniya at tumingin sa entrance.

Lahat kami ay napabaling doon. Zach is entering room. A lot of heads turns to him pero mukhang wala siyang pakialam doon. He's so used with the attention. Ang mga kausap ko kanina at tahimik na naghihighikan sa gilid ko.

Habang ako, well, I'm surprised. Dahil inaasahan ko na di siya makakapunta dahil nga baka hindi na siya payagan ng coach niya. He already missed a lot of training days.

He roamed his eyes around hanggang sa mapunta ito sa akin. Nagtinginan lang kami sa isa't isa hanggang sa nag-iwas ako ng tingin. I excused myself at dumiretso sa kung saan nandoon ang buong pamilya ni Tony at Ryan.

I approached Ryan. Lumingon siya sa akin.

"He's here." Sabi ko. Agad niya namang inilibot ang tingin sa buong lugar. Maski ako ay hinanap rin siya. He's already talking with some business tycoons.

Agad namang sinabi iyon ni Ryan kay Tony. Kaya naman ay tinawag ni Tony si Zach at pinalapit sa table namin. He excused himself at lumapit na nang tuluyan sa amin.

"Hey. I'd like you to meet my bro, Zach Dela Merced. He's a football player." Aniya at pinalupot ang braso sa balikat ni Zach.

Zach smiled. "Hi, good evening." Nakipag-kamay siya sa magulang ni Tony at Ryan. Sumulyap siya ng saglit sa akin.

"You look really familiar, hijo." Sabi ng tatay ni Ryan. Lahat kami ay napabaling ng tingin sakanya. "Aren't you... Samantha's boyfriend? I saw you in one of the pictures from your Maldi-"

"No, Dad. He's not." Ryan cutted him off.

Buti naman ay hindi niya sinakyan ang daddy niya kundi ay malilintikan siya sa akin. I gladly smiled at him. At ngumiti rin siya pabalik.

"But he will be. Soon." dagdag niya.

Binalik muli ni Ryan ang tingin sa akin at nang-aasar na ngumiti sa akin. I heard Tony chuckled.

I glared at him. Kahit kailan talaga 'tong si Ryan!

Nang mag-umpisa ang event ay pumwesto na kami sa kani-kanilang table. The emcee is already speaking. Kasama namin si Zach sa table pero hindi ko siya katabi. He's just in front of me and he's talking with Tony's father.

Tinawag naman ang dalawa sa harap. We clapped our hands. Maraming tinanong ang emcee at masayang nagtatawanan ang lahat hanggang sa mapansin kong biglang nag-iba ang itsura ni Ryan. Nakasimangot na siya ngayon.

Bigla siyang humarap sa akin. His worried expression immediately bothers me. Hindi pa iyon napapansin ni Tony dahil nakangiti parin siya. Sumenyas siya na tumingin ako sa may entrance.

Agad ko namang sinunod iyon. My jaw dropped ng makita ko kung sino iyong kakapasok lang. Timothy Sandoval and my sister stands infront of the entrance. My sister is proudly standing there beside him habang nakapalupot ang kamay niya sa braso ni Timothy.

She roamed her eyes around the whole place hanggang sa mapadpad ang tingin niya sa akin. She raised her brows and smirked at me.

What the hell is she doing here with Alisha's brother?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top