Chapter Eleven
Song: I Know- Tom Odell
Save
Dalawa kami ni Ryan na walang trabaho ngayon. We were just chilling inside the apartment, watching movies while Ryan keeps on reading the magazine na kakarelease lang.
He was so obsessed with every picture!
"Look at this!" Tinapat niya sa mukha ko iyong black and white na picture namin ni Zach. Eto 'yung hinawakan niya gamit ang isang kamay ang magkabilang pisngi ko. "This is freaking beautiful!"
Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "Beautiful ka diyan?"
"Ikaw kako... Beautiful!" Aniya. Palusot!
Tiningnan ko ulit iyong litrato. Nakatingin ako sa camera habang ang noo ni Zach ay nakasandal sa akin. His eyes are closed. Kitang-kita ang napakatulis niyang jawline.
The cover was okay. Ang galing kong umacting na natutuwa sa picture na 'yon. The fans are going crazy about the magazine! I have to turn off my notifications dahil sunod-sunod ang pag nonotify sa akin ng kung ano ano.
I also promoted the magazine as Laura said. Kahit si Zach ay ginawa rin iyon. Kung ako ay isa lang ang post ko... Siya ay tatlong pictures namin ang pinost niya!
I'm not following him on his social media account pero nakita ko lang. Lumabas sa feed ko, e. Kaya chineck ko 'yung account niya. He has a lot of followers and mostly black and white ang mga pictures niya. Nagkakulay lang nung pictures na namin ang pinost niya.
Baka magalit kasi sakanya 'yung editor-in-chief kung gagawin niyang black and white 'yung filter.
"Eto pa!" Turo ni Ryan sa picture kung saan nasa likod ako ni Zach. "Ano ba 'yan! Nakakainis itong mga pictures niyo ha? Walang pangit!"
Binasa niya rin iyong mga interview namin at tinawanan niya ako sa mga naging sagot ko.
"Ikaw kaya doon!" Sabi ko sakanya. I rolled my eyes at him. "You don't know how awkward that is!"
"Anyways, cute naman." Sabi niya at patuloy sa pagbabasa nung magazine. "Siya nga pala... Patuloy parin ba si Zach sa pag-aassist?"
"Yeah." Nilagay ko 'yung takas ng buhok sa likod ng tainga ko. "Last niya na 'yung kahapon."
"Why?" Hindi niya ako tinitingnan. Nakatitig parin siya doon sa magazine.
"Nakikipaglandian lang siya dun, e!" Sabi ko. I crossed my arms. Hindi ko naman alam kung totoo ba 'yung sinasabi ni Zach. Baka isa na naman iyon sa acting niya.
"I don't think Zach's that type of guy." He defended Zach. Aba! Kinampihan pa! Traydor!
"Malay mo!"
Sinipa niya naman ako at tumawa ng malakas. "Nagseselos ka ba?"
"Ha?! Ako nagseselos? Bakit naman?"
"It's because you sound jealous! At alam mo sa sarili mo na hindi ganoon si Zach. Why are you accusing him of such things?" He asked.
And why is he defending Zach? Dapat ako kampihan niya! We're best friends for goodness sake!
"Bakit ba siya kinakampihan mo ha? Magkaibigan tayo diba? Ako kampihan mo!" He just shook his head at hindi na nagsalita. Nagpatuloy siya sa pagbabasa nung magazine.
The next few days ay ang araw na ng fashion show. Ryan couldn't make it today dahil may importante siyang lakad so I invited no one. Not even Zach. At bakit ko siya iimbitahin?
Binibigyan ko lang siya ng chance na magkita ulit sila nung babaeng 'yon!
He called me last night telling me that he will watch the show pero pinigilan ko siya. Inaway ko pa siya dahil sabi niya ay gusto niya raw manood. Sabi ko ay panoorin niya nalang sa internet. But in the end, he gave in.
Magtraining nalang siya! Mas importante pa 'yun!
Inaayusan ako ng mga make up artist nang lumapit sa akin 'yung kalandian ni Zach nung isang araw.
"Hi." She greeted.
"Hi." Walang gana kong bati sakanya.
"I hope you didn't get the wrong idea about the other day. I thought he was just really your assistant and nothing else. I didn't know that he's your boyfriend."
Gusto kong matawa sa sinabi niya. Ganon kagwapo pagkakamalan mong assistant ko lang? Nababaliw ka na, girl!
"It's okay. And he's not..." Sasabihin ko ba? Sabihin ko ba na hindi ko siya boyfriend? Baka kasi pag nalaman niya na hindi kami ay ituloy niya na naman ang plano niya. At baka mas lalo lang akong mainis! "my assistant. He's...more than that."
Gusto kong sampalin ang sarili ko sa naging sagot ko. Punyeta! More than that? More than assistant? Ano manager?
Shit. Get yourself together, Samantha!
"I know. Saw your magazine cover by the way. It was really good." She smiled.
Ngumiti ako pabalik. "Thanks."
Pagkatapos noon ay pinasuot na sa akin iyong unang gown. Sa unang pasok ay nakakita agad ako ng mga artista. I saw Wilhelm in the crowd. He clapped once he saw me.
Jusko naman!
Then I ran once I entered the backstage para sa sunod na gown. This gown is big at medyo mahirap suotin. Minamadali ako ng mga organizers dahil malapit na daw ang final walk pero hindi parin tapos ayusin ang gown ko.
They made me run in heels nung malapit na ang turn ko. Hinihingal pa ako nung marating ko 'yung entrance sa stage. Napakachallenging tumakbo habang may suot na ballgown ha? At nakaheels ka pa!
"Go." Then the organizer signalled me to enter.
People immediately started taking photos of the final dress. From the corner of my eye... I saw Wilhelm smirking.
Ilang linggo rin ako nakapagpahinga sa mga tanong niya kung kailan kami pwedeng mag-date. Sa totoo lang ay wala talaga akong balak makipagdate sakanya kahit kailan.
He's not my type. Masyado siyang gwapong-gwapo sa sarili niya.
Nang matapos ang show ay mabilis akong nag-ayos ng gamit. I was busy packing my things nang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Wilhelm.
"Hi." He greeted then he closed the door and locked it.
Nagtaka naman ako sa ginawa niya. Why would he lock the door?
Pero isinantabi ko muna ang pagkabahala kong iyon at nagpatuloy nalang sa pag-liligpit ng gamit.
"Hey. What are you doing here?" I asked.
"You looked really great in that dress though." Sabi niya at lumapit sa akin. Pinadausdos niya naman iyong kamay niya sa baywang ko. I froze. "You lied when you said you didn't know that guy. Now you have a magazine cover with him... that's kind of ridiculous."
Inalis ko naman iyong pagkakahawak niya sa baywang ko. "Wilhelm... You don't need to know everything. He's just a friend."
"Well, I don't see him as 'just a friend' to you." Malagkit ang tingin na ibinibigay niya sa akin. It's starting to make me feel uncomfortable. I pushed him a little to have some space dahil masyado na siyang dikit sa akin.
"Okay? Whatever makes you sleep at night." Naglakad ako palayo sakanya at kinuha ang natitira ko pang gamit.
"I freaking missed you, you know." Kumunot ang noo ko at napairap sa kawalan. Bumalik muli ako sa pag-aayos ng gamit.
"You look so hot in that dress and I just couldn't hold myself anymore." He touched my shoulders and he slides his hands down until he reached my waist again. Inalis ko ulit iyon.
"Wilhelm, stop it! It's uncomfortable." Pero ngumisi lang siya. He crossed his arms at hinawakan ang labi habang tinitingnan ako.
Ugh! Disgusting!
It was nothing compared to Zach. Nakakadiring tingnan pag si Wilhelm 'yung gumawa.
"So... When will you agree to have a date with me?" Tanong niya. Eto na naman tayo.
"Look, Wilhelm. I already rejeted you a lot of times. Isn't that enough to tell you that I'm not interested?" I zipped my bag at hinarap siya. Mas lalong lumaki ang ngisi niya. I backed away a bit.
His grim smile is seriously creepy.
"Well... I hope this will make you change your mind." My forehead creased. Naglakad siya palapit sa akin habang ako naman ay umaatras.
"What are you doing, Wilhelm?" Nanginginig ako sa takot dahil baka kung ano ang gawin niya sa akin. I was about to move away from him but it's too late. He pushed me against the wall and started kissing my neck.
"Oh my god! Wilhelm! Stop!" I tried pushing him away but it was no use. He was too strong.
He cupped both of my breast and started caressing it. Sinuntok suntok ko siya para makalayo siya sa akin pero hindi siya natitinag.
"Help!" I shouted.
Sa tuwing sinusubukan niyang halikan ako sa labi ay mabilis kong inilalayo ang mukha ko sakanya. Hindi ko alam na maniac pala itong si Wilhelm! I should've known better. I even considered him as a friend tapos ganito gagawin niya!
I keep on shouting for help. Hoping that someone out there will help us. Pero nakalimutan ko na nilock nga pala ni Wilhelm iyong pinto pagkatapos niyang pumasok.
This is going to be the end of me. I tried to kick his balls but he kept my legs in place.
"Somebody help me!" Wilhelm continued kissing me on my neck. He was already rocking his hips into mine while trying to unzip his pants. I started crying.
God please help me!
And suddenly, God answered my prayer because I heard someone trying to break down the door. Wilhelm doesn't seem to notice it dahil masyado siyang pre occupied sa ginagawa sa akin.
The door finally broke down after its third try. I'm so thankful to whoever it is who's trying to help me.mNagulat ako nang nagmamadaling pumasok si Zach. Nanlilisik ang mga mata niya nang hilain niya palayo sa akin si Wilhelm.
He immediately gave Wilhelm a punch. Agad ring natumba si Wilhelm dahil sa lakas ng suntok na ibinigay sakanya ni Zach.
"What the fuck are you trying to do!" He shouted and gave him another punch. Tumayo siya at lumapit sa akin. Nilagay niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang pisngi ko. I was crying so hard.
"Shh... baby, it's okay. It's okay. I'm here." I pulled him into a hug. I'm so thankful dahil dumating siya! Kung wala siya ay baka kung ano na ang ginawa sa akin ni Wilhelm.
"It's okay, baby." I felt him kiss the side of my head.
I sobbed into his shoulders. May mga bouncer na dumating at hinila palabas si Wilhelm.
"Don't ever show your face to me again." He pointed at Wilhelm. His nose is bleeding so bad! At ang kabilang mata ay namamaga na.
Marami rin ang mga usisero at usiserang nakasilip sa loob at pinagbubulungan kung ano ang nangyayari. Humarap muli sa akin si Zach.
He wiped my tears away. "Let me take you home, okay?" His voice softens.
I nodded because I was unable to speak. He placed a kiss on my forehead bago niya kunin ang gamit ko. Kinuha niya naman ang kamay ko at hinila na palabas ng kwartong iyon.
Zach just saved me from getting raped.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top