Last Chapter

Last Chapter

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko ngunit muli akong napapikit dahil sa maliwanag na ceiling light na tumama sa mga mata ko. My brows furrowed and my forehead as I shut my eyes tight.

“Colton, she’s awake!” Narinig ko ang isang pamilyar na boses. I jerked my head to my right side and then I slowly opened my eyes. I saw silhouette of two people. Muli akong kumurap nang ilang beses bago ko sila nakita nang tuluyan.

“Jess? Colton?” ang mga mukha nilang punong-puno nang pag-alala ang bumungad sa akin. Why are they here? What happened? I roamed my eyes around the room only to find out that I’m here in a hospital room from where I’m working.

“How are you feeling?” Jess asked.

“Do you need anything? Nagugutom ka ba? Nauuhaw?”

Umiling ako sa sunod-sunod na tanong ni Colton.

“What happened?” I asked them instead.

Bigla silang natigilan at nagkatinginan. Kumunot ang noo ko at pinilit kong alalahanin kung ano ang nangyari.

Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang unti-unting bumalik sa akin ang mga ala-ala nang nangyari kanina.

Blood. I saw blood on my scrub pants! I looked at them, wide eyes. Naramdaman ko ang pagbilis nang tibok ng aking puso dahil sa kaba.

“W-what happened to me?” I can hear my own voice, shaking. Nurse ako at alam ko kung ano ang ibig sabihin kapag nakakita ka nang ganoong karaming dugo mula sa’yo. Pero tila ba ayaw iyong tanggapin nang utak ko.

My brain is denying the things that I’m knowledgeable about.

Ganoon pala iyon… Kapag hindi sa’yo nangyayari ay ang dali-daling sabihin o magbigay nang taning sa buhay ng isang tao pero kapag ikaw na mismo ang nasa sitwasyon ay parang ayaw tanggapin iyon nang utak mo.

Alam mo ang mga bagay-bagay pero mas pinipili mo na lang na magbobo-bobohan dahil iyon ang mas madaling gawin.

“Beatrix…” Humakbang si Jess papalapit sa akin. I looked at her with pleading eyes.

Ginantihan niya ako nang malulungkot na mga tingin.

“Trix, I’m sorry…” nang sabihin niya ang mga katagang iyon ay doon na nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko dahil alam ko na… Alam ko na kung ano ang nangyari.

I swallowed hard to make my voice firm and solid. “What exactly happened?” tanong ko kay Jess.

“Y-you had a miscarriage—”

“Oh God!” Napapikit ako nang mariin at isinubsob ang mukha ko sa aking mga palad.

“God! I-I didn’t even know…” patuloy lamang ako sa pag-iyak. Ang sakit-sakit! Ni hindi ko man lang alam na buntis pala ako. Why are these cruel things happening to me? Bakit pati ang baby ko? Do I deserved this?

Kaya kong tanggapin na lahat pero hindi ang ganito.

“Trix, tahan na… Hindi mabuti para sa’yo ang mastress.” narinig ko ang boses ni Colton. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang ako sa pag-iyak. He doesn’t know how I feel.

I lost a child and they can’t expect me to just chill!

“Beatrix, please… Makinig ka kay Colton. Hindi ka pwedeng mastress dahil masama sa inyo ng baby mo iyan.” Dinig kong pagtatahan sa akin ni Jess.

Mula sa pagkakabaon ng mukha ko sa mga palad ko ay nag-angat ako nang tingin sa kanila. My brows furrowed.

“What are you saying, Jess? I already lost my baby! Nawala na ang baby ko dahil sa kapabayaan ko! Nawala ang baby namin ni Yael dahil wala akong kwenta! Ni hindi ko nga alam na buntis ako!” Humahagulgol kong sabi. Ang sakit-sakit sa puso. Kailan ba matatapos amg lahat nang ito? Yael already lost a sister and now he lost a child… How am I going to tell him about this?

Mas lalo lang siyang masasaktan… This is all my fault.

Jess held my hand and looked at me in the eyes. “You’re two months and 2 weeks pregnant. You’re carrying twins but unfortunately, the other one didn’t survive. Pero iyong isa mo pang baby ay nandiyan, Beatrix… Your baby survived.”

Ilang sandali akong natahimik dahil pilit na ina-absorb ng utak ko ang lahat nang pangyayari.

“You’re still pregnant, Trix… Hindi na nga lang kambal ang dinadala mo pero ang isa mong baby ay nandiyan pa so you have to be extra careful. Ang sabi ng OB ay stress daw ang dahilan k-kung… kung bakit nawala iyong isa mong baby.”

Hirap na hirap siyang sabihin ang panghuli. I shut my eyes tight and nodded at her.

Napahawak ako sa tiyan ko habang mariin pa ring nakapakit. Dapat dalawa sila dito sa loob ng tiyan ko… Dapat may dalawa kaming baby ni Yael pero, wala… we lost the other one.

Hati ang nararamdaman ko ngayon dahil sa nangyari. I’m happy because this baby inside my tummy survived but I still couldn’t help but to mourn because I lost the other one. Masakit sa akin iyon dahil hindi man lang nabigyan ang isa pa naming baby ni Yael na maisilang sa mundo.

I gently caressed my tummy.

I’m sorry, anak… Just stay there, okay? I promise to you that I’d be extra careful this time. I’ll never let you go and I’ll do everything in my power to protect you.

I slowly opened my eyes and jerked my head at Jess and Colton’s direction.

“N-nasaan pala si Yael? Alam na ba niya ang tungkol dito?” I asked them and I’m silently praying na sana ay hindi pa. Yael’s having hard time at hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang sugat sa kanyang puso na iniwan ni Ariana.

Kaya ayoko nang dagdagan pa iyon. This is his child that we are talking about. Alam kong mas do-doble lamang ang sakit kapag nalaman niya ito.

Umiling si Colton kasabay nang pag-igting ng kanyang bagang. “We can’t contact him and he’s nowhere to be found. Ano ba talaga ang nangyari? Is he giving you a hard time? Bakit hindi mo man lang alam na nagdadalang-tao ka, Beatrix?” tumigas ang kanyang tono at parang may inis doon pero pilit niyang pinipigilan.

“Colton…” Mahinang suway ni Jess sa kanya pero sapat na para marinig ko.

Nag-iwas ako nang tingin. “N-no… He’s not giving  me a h-hard time. And I’m sorry, maging ako ay naiinis sa sarili ko dahil hindi ko kaagad nalaman na nagdadalang-tao pala ako.” I tried to make my voice solid pero sa totoo lang ay nag-aalala na ako sa kanya. Galit na galit siya sa akin nang huli kaming mag-usap at ngayon naman ay hindi siya ma contact at hindi nila siya mahanap.

“You should’ve tracked—” he stop mid sentence and he let out a deep breath. “God! I need a smoke…” Frustrated niyang sabi at luminga-linga sa paligid sabay sabunot sa kanyang buhok.

“Colton! We’ve already talked about this bad habit of yours. At hindi ito ang tamang oras para gumanyan ka ha! I hope you’re aware that a single stick of cigarette won’t solve anything, in fact it will just cause another problem— a lung problem.” punong-puno nang pagkasarkastikong panenermon ni Jess kay Colton.

Colton let out a deep breath.
“Fuck! I’m sorry, okay? I-I just don’t know what to do!” muli siyang napasabunot sa buhok niya at naglakad padako dito at paroon.

“Where the fuck is that Yael?!” He growled to himself. Jess shot me an apologetically look at muli niyang hinarap ang kanyang asawa.

“Will you stop doing that, Colton? You’re making us feel dizzy! Ang mabuti pa lumabas ka na lang muna at sabihan mo na sina mama at papa na gising na si Beatrix,”

Nagpakawala si Colton ng isang malalim na buntong na hininga bago siya tuluyang tumango. “Just call me if you two need anything. And update me, okay? ” He told Jess and she just nodded. Colton cupped her face and gave her a quick peck on the forehead before finally making his way out of this hospital room.

Napaisip ako. We were just senior high when I started secretly hoping that Jess would end up with my brother. They always argue over petty things and Colton is such a pro when it comes to pushing Jessica’s buttons down.

Colton and Jess, they were my secret OTP. Pero sumama lang talaga ang loob ko nang paglihiman nila akong tatlo. Pero wala naman na ngayon iyon sa akin dahil nakikita ko na pareho naman silang masaya.

Nang kami na lamang dalawa ni Jess ang natira dito ay sandali kaming nabalot nang katahimikan. She faintly smiled at me before slowly walking towards me.

“Hindi ka pa ba gutom? How are you feeling? Sabihan mo ako kaagad para makatawag ako ng doktor.” Bilin niya. I can feel that she genuinely cares for the baby and me. I can see in her eyes how much she wanted to protect the baby inside my tummy as much as I do.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. “Out of all the girls that Colton has dated, you’re the only one who met my standards for him—no, you even surpassed those standards, actually.” Pag-amin ko sabay iwas ng tingin. I was slightly taken aback when I felt her arms wrapped around my shoulders.

“I know I’ve messed and hurt your feelings big time… And I am so sorry for that, Trix. Hindi ko lang talaga alam kung paano ko sasabihin sa’yo lahat noon kaya nakagawa ako nang maling desisyon—“

Hinawakan ko ang braso niyang nakayakap sa mga balikat ko. “Wala na ‘yon, Jess. That issue is now water under the bridge. Isa pa, ikaw lang naman talaga ang gusto ko para kay Colton noon pa man.”

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. I even heard sobs that she was trying to control. “Grabe, namiss kita… Kahit may bago ka nang best friends ngayon sana hayaan mo pa rin akong tulungan ka ngayon at alagaan.” Her voice cracked. Namiss ko rin siya.

“You’re still my best friend, Jess. Best friends ko kayong tatlo. Kapag okay na ang lahat ay ipapakilala kita sa kanilang dalawa.” Sabi ko. Kahit na okay na kaming dalawa ni Jess ngayon ay hindi ko basta-basta bibitawan sina Kayeleen at Nickolas. Those two, I love them like a sister loves her siblings.

Narinig ko ang pagsinghot niya. “God, I can’t believe I’m having a squad.” Aniya pa at bahagya naman akong natawa dahil sa sinabi niya. That was actually my first laugh for the last two months.

-
Magkakalahating oras na kami rito ni Jess nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa sina mama at papa. Colton was with them too.

May dala siyang basket na punong-puno ng prutas at isa pang paper bag na sa tingin ko ay pagkain rin ang laman, ipinatong niya ang mga iyon sa maliit na mesa. Sina mama at papa naman ay kaagad na humakbang papalapit sa akin at si Jess ay nag excuse bago lumayo at nilapitan si Colton. Colton automatically wrapped an arm around her waist, both of them were facing our direction.

“How are you? May masakit ba sa’yo, anak?” nakuha ni mama ang atensyon ko kaya naibaling ko ang tingin ko sa kanilang dalawa ni papa. Si mama ay punong-puno nang pag-alala ang mukha habang si papa naman ay seryosong nakatingin sa akin. Nandoon iyong pag-aalala pero mas nangingibabaw ang seryoso niyang aura. Hindi ko naiwasang hindi makaramdam ng kaba.

I fixed my gaze at mama. “Y-yung isa kong baby, ma… w-wala na.” nanghihina kong balita sa kaniya.

“Alam ko, anak…” sagot niya at tuluyan na siyang naiyak at niyakap ako nang sobrang higpit.

“I’m sorry, Beatrix. I’m so sorry.” She said bitterly and I felt that. Out of all people here she’s the only one who really understands because she’s a mother. She’s my mother.

“Anong plano mo ngayon?”

Awtomatiko kaming naghiwalay ni mama nang marinig namin ang boses ni papa. We both looked at him. His jaw was clenched and so was his fist. This is the first time that I saw him like this. He looked hurt and disappointed.

“Ronan, hindi ito ang tamang—“ itinaas ni papa ang isa niyang kamay para patigilin si mama sa pagsasalita habang sa akin pa rin nakatingin.

“Tinatanong kita…” mababa lamang ang kanyang boses pero nakaramdam pa rin ako nang takot.

“H-hindi ko po alam,” tanging naisagot ko na lang.

Lalong umigting ang kanyang bagang. “Aba, Beatrix. Hindi pwedeng hindi mo alam. Nabuntis ka na at ngayon ay nakunan ka pa!” he growled. Ilang beses aong napakurap at humigpit ang hawak ko sa hospital gown na suot ko saka nagbaba nang tingin.

“Ronan, ano ba?! Do not stress your daughter!”

Hindi niya pinansin si mama. “At si Yael? Nasaan na siya ngayon? Ano, tatakasan ka matapos kang buntisin?”

Awtomatiko akong nag-angat muli nang tingin sa kanya. “Pa, hindi… He didn’t even know that I’m pregnant… at maging ako ay h-hindi ko rin alam.” Humina ang boses ko sa huling mga salitang binitawan ko.

Naningkit ang kaniyang mga mata. “Isa kang nurse, Beatrix at katawan mo iyan. Imposibleng hindi mo alam na nagdadalang-tao ka… pwera na lang kung marami kang iniisip at maging sarili mo ay hindi mo na mapagtuonan nang pansin.” Punong-puno ng pagsususpetya ang boses niya nang sabihin niya ang panghuli.

Hindi ako kaagad na nakasagot dahil tama ang sinabi ni papa. Naturingan akong nurse pero hindi ko alam na nagdadalang-tao na pala ako.

“That Yael is giving you a hard time. Tama ako, hindi ba?”

“Ronan, pwede ba? Huminahon ka muna.” Awat ni mama at hinawakan sa braso si mama.

“Helen,” sandali niyang binalingan ng tingin si mama at buong dilim niya pang binanggit ang pangalan niya kaya walang nagawa si mama kung hindi manahimik. Maging siya ay natatakot na rin siguro kay papa dahil hindi naman ito madalas magalit.

Muli niya akong binalingan ng tingin.

“Sumagot ka, Beatrix. Uulitin ko, pinapahirapan ka ba ni Yael?!”

“H-hindi po, pa! Hindi po…” sunod-sunod ang pag-iling na ginawa ko. Hindi niya sinasadya. Hindi niya ginusto na mahirapan ako.

“Hindi ka magaling magsinungaling, Beatrix.” Madilim niyang sabi. Sa paraan nang mga titig na ibinibigay niya sa akin ay mas lalo akong natatakot.

“You don’t understand, pa. He lost his sister and he’s… he’s broken. He’s in a deep pain and he doesn’t know how he can move on. H’wag mo naman sanang palabasin na kasalanan niya ang nangyari, pa. Hindi niya rin naman ginusto ang nangyaring ‘to.” Pakiusap ko.

“Beatrix is right, pa. Even though, like you, I want to wrap my hands around his neck too for being MIA, I’d still agree with Beatrix. Kilala ko si Yael, kung alam lang niyang nagdadalang tao si Beatrix ay pipilitin niyang ayusin ang sarili niya kahit hindi niya pa kaya,”

Depensa ni Colton. Iyon din ang pinangangambahan kong mangyari kaya ayoko munang malaman ni Yael na buntis ako dahil alam kong pipilitin lang niya ang sarili niyang maging okay para maalagan kaming dalawa ng baby namin. And I’m going to be honest, hindi lang kami ng baby ang nangangailangan nang pag-aalaga dito dahil maging siya ay kailangan niya iyon.

Kailangan niya ng taong makakaintindi sa kanya kahit na gaano pa siya kahirap intindihin ngayon. I don’t want to force him to be okay, gusto ko na kapag naging okay na siya ay dahil iyon sa okay na siya. Ayoko iyong pipilitin niyang maging okay dahil iyon ang idinidikta ng mga tao sa piligid niya.

He could stay broken for as long as he wants at handang-handa akong maghintay hanggang sa maging buo na siya ulit. Karapatan niyang masaktan dahil nawala ang isa sa mga pinaka importanteng tao sa kanya. And I don’t want to take away his right to mourn. There are some phase in our lives in which where we have to stay temporarily broken and cry our hearts out in order for us to feel better or be better.

And Yael was in that phase of his life now. I trust him and I always believed in him.

“Are you two asking me not to be mad at Yael? Because I’m sorry to inform you two, I’m already furious, just so you know.” Aniya at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawang magkapatid.

“But pa, this is not the right time—“

Papa cut Colton’s sentence with his sarcastic laugh. “When do you think is the right time, then? Your sister is in this damn hospital now as a patient when she should’ve been working and that’s all because of that bastard. When am I allowed to be angry at him, Colton? Could you please give me a cue,” papa’s voice was full of sarcasm. Nag-igting ang bagang ni Colton at hindi siya nakasagot.

Naningkit ang mga mata ni papa. “You will understand me once you became a father, Colton. God forbid but someday you’d understand how to be betrayed by someone whom you trusted… and believe me, you won’t like that.”
“That bastard, I trusted him. I even liked him for being a gentleman but little did I know that he’s turning into a cunning beast once I turn my back,”

Pumikit ako nang mariin. I understand where his anger coming from but Yael is not the one to blame! Bakit ba sinisisi ni papa si Yael?

Muli kong binuksan ang mga mata ko.
“Pa… please, stop blaming Yael. This is not his fault! And you have to realize that we’re both adults, we both know what we’re doing.”

Sunod-sunod ang iling na ibinigay niya sa akin. “No, Beatrix. You clearly don’t know what you were doing… dahil kung alam niyo ay hindi hahantong ang lahat sa ganito.”

I grit my teeth, starting get irritated. “Pa, nandito na… I’m already pregnant and you do know that I’ve just lost the other one. And besides, what we’re doing is normal nowadays, pa.

I want to forget that I’ve just lost my other baby and it pains me to open that painful topic again just to make my father realize that I’m currently going through a lot  circumstances in my life.

“I was never a fan of norms.”

“Ronan, utang na loob naman…” pakiusap ni mama sa kanya. At kagaya nang kanina ay hindi nanaman niya pinansin si mama. Walang kahit na sino ang manalo-nalo sa kanya. He was even able to shut Colton off. Papa was never usually like this at ngayong nagkakaganito siya ay alam kong masakit ang loob niya. Hindi ko naman siya masisi dahil kasalanan ko rin naman.

Pumikit nang mariin si papa at nagpakawala nang isang malalim na buntong hininga. Nang muli niyang imulat ang kanyang mga mata ay kaagad na tumama ang mga tingin niya sa mga mata ko. I saw hurt, pity, and disappointment in his eyes. Pero malambot na uli ang mga ito kung tumingin hindi katulad kanina.

“Sweetheart, you have to understand why papa is acting like this. You don’t know how furious I am seeing you in this kind of situation. I always give you what you demand since you were just a kid, kahit hindi importante basta kapag sinabi mong gusto mo ay ibibigay ko dahil ayokong nakikita kang malungkot. Hell, I never even want to see you shed a single tear, Beatrix. If only I could wrap a bubble around you to protect you from this cruel world, I would do it.”

He touched my heart while speaking to me like I was his 7 year-old Beatrix.

“Pero ayoko ring masakal ka kaya hindi kita pinaghigpitan… and seeing you, right now, in this kind of situation… it makes me wanna loathe myself. Pakiramdam ko ay kasalanan ko kaya ka napunta sa ganitong sitwasyon.”
Humakbang siya papalapit sa akin at pinunasan ang mga luha ko gamit ang isa likod ng kanyang palad.

Umiling ako at malungkot siyang tiningnan. “No, papa. This is not your fault at sana maintindihan mo na hindi rin kasalanan ni Yael ito, pa. Walang may gustong mangyari nito.”

“I’m sorry, sweetheart. I know that you love him so much. At kahit hindi mo aminin sa akin ay alam kong hindi maganda ang sitwasyon niyo ngayon. His absence says it all.” he paused and I looked at him wide eye. Nagbaba siya nang tingin ngunit kaagad ding ibinalik ang mga iyon sa akin.

“Pa—“

“Shh…” he cut me off. “I just want to ask, what is your plan now, Beatrix? You’re still my baby but I have to accept the fact that you are not a baby no more because you’re now having your very own baby, you’re now carrying my grandchild.”

It took me a few seconds before I answered him. “Ayoko po munang sabihin kay Yael, pa… He’s in the process of healing at ayokong biglain iyon. I don’t want to open another wound either because once he finds out that I’m pregnant, I’d have to tell him about the… the m-miscarriage that I just had.”

They all went quiet and they’re just staring at me. Papa let out a deep sigh.

“So, what are you planning to do next? Are you gonna leave him?” papa asked.

Mabilis akong umiling. “Leaving him is the last thing that I want to do, pa. Hindi ko iiwan si Yael.” Buong paninindigan ko.

“So, you’re going to stay with him, then?”
Tumango ako.

“That’s too risky.” Komento niya. “My grandchild is involved here.”

“Your father is right, Beatrix. Mahirap ang gusto mo.” Sabad ni mama. Natahimik ako bigla. Alam kong mahirap, pero hindi ko naman pwedeng iwanan si Yael. I made a promise to him that I’d stick with him for worse or for better.

Papa cleared his throat.

“I know Yael has been through a lot of pain too. And even though I’m pissed off of him, naiintindihan ko na nahihirapan siya ngayon dahil sa pagkawala ng kapatid niya. At dahil kasalukuyan siyang nasasaktan ay masasaktan at masasaktan rin niya ang damdamin mo.Tandaan mo, anak, maselan ang kondisyon mo.”

“A-anong gusto mong gawin ko, pa? Iwanan ko siya?”

He sighed. “Yes… but this is only for the mean time, sweetheart.”

“Pero hindi iyon ganoon kadali, pa…”

“I know, sweetheart, I know. But I’m not risking my grandchild… Pwede mo naman siyang balikan kapag maayos na ang lahat— you could even put all the blame on me. Sabihin mo sa kanya na ako ang nag-utos sa’yo para iwan mo siya pansamantala.”

“Or you could just tell him the truth, Beatrix. Karapatang malaman ni Yael na dinadala mo anak niya.” Si Colton naman ngayon ang sumagot.

Kaagad akong umiling. “A-ayoko munang malaman niya, Colton…”

“Ma, pa, with all due respect, pero baka pwedeng h’wag muna nating pag-isipin masyado si Beatrix… Mahigpit na bilin ng OB na bawal siyang ma-stress.”

Jess finally said.

-

Dalawang linggo na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Yael at hindi ko pa rin siya macontact. Pagkalabas ko ng ospital ay sa condo niya kaagad ako nagpahatid. Kahit ayaw ni papa ay nagpumulit pa rin ako. Hindi ako pumayag sa gusto niya na iwan ko si Yael.

Sa mahigit isang linggo kong pananatili dito ay parati akong dinadalaw nila Nick, Kaye, Jess at Colton. Maging sina mama at papa ay nakikidalaw rin at nung minsan ay napuno ang condo ni Yael ng mga Ponce de Leon dahil sina Eli ay biglang nagsidatingan dito.

I appreciate all of them. Alam kong ginagawa nila iyon para libangin ako at h’wag ma stress. Pero sa tuwing gabi at mag-isa na lang ako ay si Yael pa rin ang naiisip ko.

Miss na miss ko na siya. Ang hirap nang ganito, iyong gabi-gabi na lang akong umaasa na baka sakaling uuwi siya at gabi-gabi rin akong nabibigo dahil walang Yael na umuuwi.

Tahimik akong nakaupo sa sala at nakatingin sa telebisyon na naka sindi ngunit hindi ko naman maintindihan kung ano ba ang pinapanuod ko.

Napabalikwas ako nang biglang bumukas ang pintuan. Awtomatiko akong napatingin doon at ganoon na lamang ang pagbilis nang tibok ng puso ko nang makita ko si Yael. He’s wearing a plain white shirt and denim jeans. Napansin ko ring nagsisimula nanamang tumubo ang mga balbas niya sa baba at ang kanyang mga mata ay napakalalim. Parang wala pa siyang matinong tulog.

Napatayo ako mula sa kinauupuan ako.
“Y-yael…” hindi siya sumagot. Tumalikod lang siya para isara ang pintuan. Nang maisara na niya ito ay humakbang siya papalapit sa akin.

“Tapos na duty mo?” Kaswal niyang tanong. I was hoping that explanation is what I would get from the moment he opened his mouth but boy, I was wrong.

“O-oo,” pagsisinungaling ko. Nag resign na ako sa trabaho para mas matutukan ang pagbubuntis ko. Iyon lang ang pakiusap ni papa na sinundan ko.

Tumango-tango naman siya. “Okay,” iyon lang ang tanging isanagot niya ayakmang lalampasan na ako pero muli akong nagsalita.

“Saan ka galing? Dalawang linggo kang nawala. I’ve been texting and calling you…” hindi ko mapigilang sabi.

Nagbuga siya ng isang malalim na buntong hininga.

“Trix, not now. I’m tired.” Pakiusap niya. I clenched my fist pero imbes na magwala ay kinalma ko na lamang ang sarili ko.

I cleared my throat as a force myself to give him a bright smile. “Okay… kumain ka na lang muna. Nagluto ako ng adobong manok.” Sabi ko at pinilit na gawing masigla ang boses ko.

“Salamat pero hindi ako nagugutom… gusto ko nang magpahinga.”

Humakbang ako papalapit sa kanya.

“Sige na, kahit konti lang ay kumain ka. Sasabayan kita kahit na kumain na ‘ko. Miss na kitang makasabay na kumain.” Paglalambing ko sa kanya.

Muli siyang nagpakawala ng isang buntong hininga. “Bukas ay babawi ako, Trix. Gusto ko na talagang magpahinga.”

“Sige na, please? Pansin ko rin na medyo pumayat ka.” pakiusap ko at hinawakan ko siya sa braso para subukang akayin papunta sa kusina pero mabilis niyang binawi iyon mula sa akin.

I was stunned for a moment because of that.

“Bakit ba ang kulit mo, Beatrix?! Hindi ba’t sinabi kong bukas na lang dahil pagod ako?”

Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang singhalan niya ako.

Wala sa sarili akong napatango. “S-sorry… P-pasensya ka na. Hindi na mauulit. S-sige na, matulog ka na… Ilalagay ko na muna sa ref yung adobo.”

Yumuko ako at nagmadaling magtungo sa kusina. Doon na tumulo ang mga luha ko pero kaagad ko na lamang iyong pinunasan at inasikaso ang kung anong pwedeng asikasuhin sa kusina.

At sa kagitnaan nang pag-lalagay ko ng adobo sa ref ay nakaramdam ako ng kirot sa may puson ko. Mabilis lang iyon pero nilukob na kaagad ako nang kaba. Mabilis kong inilagay ang adobo sa ref at kaagad na hinawakan ang tiyan ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ako mapakali. Kahit na hindi na masakit ang puson ko ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi maging balisa dahil sa trauma. Nawalan na ako ng isang anak at hindi ko na hahayaan na mawala pa ang nag-iisang baby sa loob ng tiyan ko.

Sunod-sunod akong umiling habang marahang hinaplos ang tiyan ko. Hindi ako papayag na pati ikaw ay mawala pa.

Ang takot na baka mawalan nanaman ako ng isa pang anak ay siyang nagtulak sa akin para gawin ang desisyon na paulit-ulit kong itinanggi kay papa.

Ayoko na ulit na magkasagutan nanaman kami ni Yael. Hindi ko siya sinisisi dahil wala naman siyang kasalanan. It’s not him, it’s me. Masyadong malakas ang epekto niya sa akin dahil kahit na mapagsabihan niya lang ako ng kaunti ay apektadong-apektado na ako at nagre-reflect iyon sa baby namin.

I’m sorry, Yael. I love you but I think it’s time to let go and break my promise.

This is not about me anymore… This is about our baby.

______________________________________

Next update will be the Epilogue.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top