Chapter 9


Chapter 9

Sunblock

"Saan daw yung resort na pupuntahan natin?" tanong ni Yael bigla saakin at inilabas ang braso niya sa bintana sa tabi niya para kunin ang toll ticket. I scrolled through my phone immediately para hanapin ang text ni Eli.

"Sa... sa Miami heat beach resort daw." Basa ko sa text ni Eli.

"Alam mo kung saan iyon?" tanong niya saakin at saglit akong tiningnan pero kaagad din namang ibinalik ang tingin sa daan.

Umiling ako kahit hindi na siya nakatingin saakin.

"Hindi. Hindi pa namin napupuntahan iyon." Sagot ko sakanya. Sa pagkakatanda ko ay isang beses pa lang kaming nagpunta ng Bataan na mag pipinsan dahil madalas ay sa Pangasinan kami nag be-beach o di kaya'y sa Batangas.

Napakagat siya sa ibabang labi niya at mukhang nag-iisip siya. Hindi rin niya alam kung saan kami pupunta.

"Gusto mong tawagan ko si Eli?" tanong ko sakanya. Nailipat ang atensyon niya saakin. Nakatingin siya ngayon saakin at inilingan ako habang kagat-kagat pa din ang pang-ibabang labi niya. I gasped secretly. Gusto kong pukpukin ang sarili ko noong sunblock na hawak-hawak ko kanina pero nasa bag ko na iyon kaya h'wag na lang muna.

"You have 3G?" Saka lang niya pinakawalan ang labi niya nang magsalita siya at doon lamang ako nakahinga ng normal. Damn! Diyos ko naman, Beatrix! Simpleng pagkagat lang iyon ng labi! Ano bang problema mo?

"No... but I have pocket Wi-Fi." Sabi ko at nag-iwas ng tingin sakanya para hanapin ang pocket Wi-Fi sa bag ko. Hindi ko na siya narinig na sumagot at nakita ko sa peripheral vision ko na ibinalik na niya ang tingin sa daan. Nang mahanap ko ang pocket Wi-Fi ay in-on ko iyon kaagad. My phone connected automatically.

Ako na nag nagkusang mag search sa google map. At nang mag loading ay sinabihan ko kaagad si Yael.

"1 hour and 45 minutes daw..." sabi ko at ipinakita iyon sakanya.

He wet his lips and nodded while looking at the screen. "Hihiramin ko ang phone mo." Sabi niya.

"Sige lang."

"Thanks." Aniya at kinuha na iyon saakin at inilagay sa may phone holder ng sasakyan niya. Pagkatapos noon ay wala ng nangahas na magsalita pa saamin. Kanina pa ako nabibingi sa katahimikan. Gusto ko irequest sakanya na mag patugtog kami pero noon pa man ay hindi na talaga nag pa-patugtog si Yael. Madalas niya akong ihatid-sundo noon at never ko pa siyang nakita na isinindi niya ang radyo para makinig ng music.

I bit the inside of my cheek.

Tumingin na lamang ako sa binatana habang siya naman ay palipat-lipat ang tingin sa daan at sa phone ko. Isindal ko ang ulo ko sa inuupuan ko kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa tunog ng mga malalaking patak ng ulan na humahalik sa bubong ng sasakyan at sa bintana na katabi ko lang. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Damn! It's really raining cats and dogs!

"Shit!" Narinig ko ang mahina ngunit mariing pagmumura ni Yael. Kaagad ko siyang tinignan. His jaw is clenched and his knuckles are turning white dahil sa diin niya kung makahawak sa manibela.

"Anong nangyari?" gulat kong tanong. Nagising bigla ang diwa ko doon.

Tiningnan niya ako. "Hindi ko pwedeng ipasok ang sasakyan diyan..." Aniya habang nakatingin sa windshield. Kahit na umuulan ay nakita ko pa rin ang gustong ipakita saakin ni Yael dahil sa tulong ng wiper ng kanyang saaakyan.

Mayroong puting van sa harapan namin at mukhang na stuck ito.

"Hindi ba talaga pwede?" Tanong ko. Paano na 'yan?

Umiling siya. "Kapag pinasok ko 'yan ay may posibiladad na ma stuck rin ang sasakyan. At isa pa, kahit gusto ko pang ipasok ang sasakyan diyan ay hindi pa din pwede dahil nakaharang ang van sa harapan natin." Mahaba niyang paliwanag.

"Wala na bang ibang daan papunta doon sa resort?" tanong ko. Sigurado ako na kanina pa naghihintay sina Eli!

He sighed. "I don't know. Sinusundan ko lang ang nasa google map." he said as he run his fingers through his hair. Medyo nagulo iyon dahil sa ginawa niya.

"Paano na 'yan? Maghihintay tayo dito hanggang sa tumila ang ulan?" Tanong ko sakanya.

"Hindi siguro titila ang ulan..." Sabi niya at tumingin sa labas habang nakaawang ang bibig niya.

"It's Eli's birthday at sigurado ako na kanina pa naghihintay ang mga 'yon..." I whined. Ang malas naman! Bakit naman nangyari ang bagay na 'to?

"Kanina ko pa sila sinusubukang tawagan pero walang signal banda dito."

"Great! Just great!" sarcastic kong sabi at naitampal ko na lang ang palad ko saaking noo. Ang ganda-ganda pa naman ng outfit ko tapos magkukulong lang kami ni Yael dito sa kotse niya buong magdamag?! Bakit naman kasi ngayon pa sumabay ang ulan? At lintik yang van na nasa harapan namin!

"I know a place where we can stay until the rain stops."

Nakuha niya ang atensyon ko sa sinabi niya. "Ibig mong sabihin hindi na talaga natin susubukang punatahan sina Eli sa resort?" kunot noo kong tanong sakanya.

"I've been trying, Trix. Pero wala talaga." sabi niya. Disappointed akong napasandal sa inuupuan ko. So ibig bang sabihin nito ay matagal pa akong ma s-stuck kasama si Yael?

"Kung isinabay na lang sana nila ako ay hindi mangyayari 'to!" Hindi ko mapigilang himutok. I'm starting to panic. Sino ba namang hindi? We're both in the middle of we-don't-know. Pareho naming hindi kabisado ang lugar.

"Kung isinabay ka nila nandito din sila sa posisyon natin ngayon." he retorted.

Naningkit ang mga mata ko at hindi ko siya mapakapaniwalang tiningnan.

"Sinasabi mo bang kasalanan ko kung bakit na stuck tayo?" I raised a brow.

Tiningnan niya ako. "Hindi, sinasabi ko lang na dapat ay magpasalamat ka dahil tayo lang dalawa ang na stuck at hindi na sila nadamay pa." He sassed.

"So kasalanan ko nga!" I hissed. Alam ko na ang ipinapalabas niya. Na masyado akong matagal mag-ayos kaya ang ending ay hindi namin sila na habol at ngayon ay stuck pa kami dito. We're not acutually stuck kagaya ng pagkaka stuck nung van sa harapan namin. Hindi lang kami makausad.

"I didn't said that."

"Oo nga't hindi mo direktang sinabi pero iyon ang pinapalabas mo!"

Hindi siya sumagot at muli niyang inistart ang engine ng kotse. Bastos talaga 'to! Imbes na ipasok niya ang sasakyan ay inatras niya ito.

"Sandali! Saan tayo pupunta?"

Hindi pa rin niya ako sinagot. Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho habang seryosong nakatingin sa daanan.

"We should've just waited there hanggang sa dumating sila! Sigurado ako na hinahanap din tayo ng mga 'yon! Mamaya maligaw pa tayo, e!" Suway ko sakanya. He looked at me with bloodshot eyes kaya bigla akong nanigas sa kinauupuan ko.

"Hindi tayo hahanapin ng mga 'yon sa oras na ito, Beatrix. Maghahanap sila kapag tumila na ang ulan. And it's better for us to stay in a certain place kaysa maghintay doon ng ilang oras." mahina ang tono niya ngunit may bahid iyon ng pagkairita. Ako rin ay naiirita na sakanya. Does he knows what he's doing? Baka maligaw pa kami sa ginagawa niya!

"Don't be so paranoid. Hindi naman kita dadalhin sa kung saan-saan lang, alam ko ang ginagawa ko at hindi ko naman susulungin kung alam kong mapapahamak ka."

And that completely shut me up. Ang lamig-lamig ng panahon pero ang magkabila kong pisngi ay parang sinilaban dahil sa init. Hindi na ako muli pang nagsalita dahil doon at tumingin na lang sa binatana. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin at baka kapag nakipagtalo pa ako ay papatayin nanaman niya ako sa mga linyahan niyang ganyan.

--

"Ano? Paki-ulit, Yael?" Nawiwindang kong tanong sakanya. Ano ba naman!

"Just for this rainy day, Beatrix. Nandito na rin naman tayo."

"Are you out of your mind?! You're asking me to pretend as your wife!" Mariin kong sabi sakanya.

"Listen, manang Mercy is a very conservative woman. May mga prinsipyo siya na hindi niya basta-basta binabali dahil lamang sa isang 'utang na loob'. She took care of my sister for so many years kaya kilala ko si manang Mercy." He explained. Pinagmasdan ko ang mukha niya para hulihin ang kanyang facial expression. Walang nagbago doon at nanatili pa rin siyang seryoso. Pero nagdududa pa rin talaga ako. Tiningnan ko lang siya at hindi ako nagsalita. He sighed and scratched his brow using his index finger.

"Sige, ikaw na lang ang pumasok. Dito ako sa kotse matutulog." Pinal niyang sabi. Lumawak ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"What?! No! I'm not letting you sleep here!" kaagad kong sabi. Napaawang naman ang bibig niya sa naging reaksyon ko. My cheeks flushed after realizing the the way I reacted. I cleared my throat at umayos ng upo.

"K-kasi... hindi naman s-siguro tayo aabutan ng gabi dito, diba?" Bawi ko sa reaksyon ko kanina.

"Siguro..." tipid niyang sagot pero nando'n pa rin ang pagkamangha sa kanyang mukha.

Nag-iwas ako ng tingin sakanya. "T-tara na nga."

"Yael? Ikaw na ba iyan?" sinalubong kami ng isang matandang babae na sa tantsa ko ay nasa 60's. Simpleng bestida lang ang kanyang suot at naka pusod ang kanyang grayish na buhok.

"Magandang tanghali po manang Mercy... Ako nga po." Aniya. Dumako ang tingin saakin ng matanda at nginitian ko naman siya.

"Naku! Ang lakas ng ulan ano? Tara sa loob..." mas lalo niyang nilakihan ang pagkakaawang ng pintuan. Nauna si Yael na pumasok habang bitbit ang mga gamit naming at sumunod naman ako sa likod niya.

"Salamat ho manang..."

The old lady eyed the both of us. Mukhang napansin naman iyon ni Yael.

"Siya nga pala manang, this is my wife, Beatrix." Diretso niyang pagpapakilala saakin at sinamahan niya pa iyon ng pag-akbay saakin. I stiffened for a split seconds.

I looked at manang Mercy and smiled awkwardly at her. I feel bad for lying at her. Mukhang mabait pa naman siya.

Tumango siya at nginitian kami pareho. "Mabuti naman... Akala ko..."

Nagtinginan kaming dalawa ni Yael. Pinisil niya ang balikat ko na hanggang ngayon ay akbay-akbay pa rin niya at tiningnan si manang Mercy.

He laughed awkwardly. "Manang naman... tandang-tanda ko pa yung sinabi niyo saakin noong highschool pa lang ako."

"Mas mabuti ng makitulog sainyo ng mag-isa kaysa magsama ng babaeng hindi naman asawa..." He recalled. Mukhang conservative nga talaga si manang Mercy.

Humalakhak siya. "Mabuti at naalala mo pa iyon... Noong kapanahunan ko ay hindi ako nahawakan ni Lino hangga't hindi kami ikinasal." Pagkukwento niya. Lumawak ang mga mata ko dahil sa gulat.

"Ang tindi naman po ng self-control ni manong Lino!" hindi ko napigilang sabi.

Ngumiti si manang saakin. "Aba'y oo naman! Sana itong si Yael ay may kontrol din noong hindi pa kayo mag-asawa." Aniya at makahulugang tiningnan ang katabi ko na biglang napaubo at nagbaba ng tingin. Maging ako ay awtomatikong namula dahil sa aking naalala. I still remember how his fingers expertly brought me to the edge of the stars. I blushed even more at the thought. Damn! That was my first time! Nagtitimpi pa siya noon ah.

Pumalatak si manang at napailing. "Osya, tumuloy na muna kayo sa kwarto ni Edgar at mamaya na tayo magkwentuhan. Magbihis na muna kayo doon at tatawagan ko kayo kapag kakain na." ani manang at pinasadahan ng tingin ang aking damit na suot. Namutla naman ako at hindi makatingin ng diretso sakanya dahil medyo revealing ang suot ko.

"Ah sige po, salamat, manang." Si Yael na ang sumagot nang mapansin niya ang mga titig ni manang Mercy.

Sinamahan kami ni manang papunta doon sa kwarto nung Edgar na sinasabi niya. Pagpasok namin doon at pag-alis na pag-alis ni manang ay kaagad akong lumayo kay Yael kaya awtomatikong naalis ang braso niya sa balikat ko.

Hindi na umimik si Yael doon at inilapag na lang ang mga gamit namin.

"Sino si Edgar?" hindi ko mapigilang tanong habang inilalakbay ang aking paningin sa buong kwarto. Gawa naman ay bahay sa bato pero halata pa rin na may pagkaluma na ito dahil naghuhumiyaw ang 80's vibes sa loob. May isa pang pintuan sa loob ng kwarto na sa tingin ko ay banyo. Medyo masikip sa loob at halata na pang-isahan lang talaga ang kwarto na ito. There's also an acoustic guitar on the corner of the room. Walang gaanong display. Isang cabinet lang at isang maliit na mesa.

"Nag-iisang anak nila manang Mercy at manong Lino." Sagot niya at umupo sa edge ng maliit na kama na isang tao lang yata ang kasya.

"Nasaan siya?" tanong ko ulit. Maging ako ay nairita sa sarili ko dahil sa dami ng aking mga tanong. But I just can't help it. Nababahala ako kung saan matutulog yung Edgar dahil inagawan namin siya ng kwarto.

Nagkibit balikat siya saka hinubad ang tank top na suot niya. Kaagad akong nag-iwas ng tingin papunta sa may bintana. Pinagmasdan ko na lamang ang mga patak ng tubig ulan na humahalik sa bintana at nagbuga ng hangin. Damn, may abs pa rin siya! Pero dapat ba siyang maghubad sa harapan ng isang babae?

"Paki tawagan mo na sina Eli... Baka may signal na rito." Sabi niya. Narinig ko ang pagbukas ng isang zipper. Muli akong napalunok. Hindi ko alam kung zipper ba iyon ng bag niya o nang kanyang cargo shorts. Pero diyos ko naman kung cargo shorts niya 'yon ay hindi na talaga siya nahiya!

"Beatrix, nakikinig ka ba sakin?"

Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang maramdaman ko ang mainit niyang singaw sa likod ko. Hindi pa rin ako nakasagot at naramdaman ko ang mainit niyang palad sa balikat ko at pinihit ang paharap sakanya.

"Seriously, Yael?! Mag t-shirt ka nga!" Hindi ko mapigilang sita sakanya nang bumungad saakin ang hubad niyang maskuladong katawan... thank god he's still wearing his cargo shorts.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ilang beses mo na 'kong nakita ng ganito, ngayon ka pa na ilang?" nginisian niya ako.

I just rolled my eyes at him and made a face. Nangangatwiran pa! Nilagpasan ko na lang siya para kunin ang phone ko sa bag at bahagyang nagdikit ang mga balikat naming pero hindi ko na lang pinansin. Dumiretso ako sa bag ko na katabi ng bukas niyang bag at hinalukat doon ang phone ko.

Kaagad kong nakita iyon dahil kaagad na naka-ilaw at nagri-ring pa. Sandali akong natigilan nang pangalan ni Colton ang bumungad saakin sa screen ng phone ko. Tumigi ito sa pagri-ring at lumitaw lahat ng mga pangalan ng nag missed calls saakin. Lahat yata sila ay may miss calls pero pinakamarami ang kay Colton. Muli nanamang nag ring ito at this time ay kaagad ko ng sinagot ang tawag na galing kay Colton.

"Hel—"

"Thank fuck you answered! Are you okay? Bakit wala pa kayo dito? Nasaan kayo? Anong nangyari?" sunod-sunod niyang sabi at maging sa linya niya ay dinig na dinig ko ang lakas ng ulan.

"I'm fine, Colton. Yael's fine too. Na stranded lang kami dahil sa lakas ng ulan..."

Sagot ko. I felt some kind of fuzzy and warm feeling inside me.

"Jesus Christ... Saan kayo na stranded? Pupuntahan ko kayo diyan." Pinal niyang sabi.

"Sira ka ba, Colton? Ang lakas-lakas ng ulan!" suway ko sakanya.

"Bakit daw?" sumulpot si Yael bigla at nag squat sa tabi ko...

"Pupuntahan daw tayo..." sagot ko sakanya. Ngumuso lang siya at tiningnan ako para makinig pa sa pag-uusapan namin ni Colton.

"Colton, ano? Ayos lang ba sina Beatrix?" I heard Jess' worried voice from the other line.

"They're fine..." Colton replied. Pati ang mga iba ay narinig ko ring nagtanong pero hindi na nasagot ni Colton.

"Nasaan ba kasi kayo? Hindi ako matatahimik dito, Beatrix." Matigas niyang sabi.

"Nasa Morong pa rin kami pero hindi ko alam kung saang parte to... Ibibigay ko kay Yael ang phone ko." Sabi ko at ipinasa na kay Yael ang phone ko para siya na ang kumausap. Alam ko naman na mas maiintindihan niya kapag si Yael ang nagpaliwanag sakanya.

"Si Yael 'to... H'wag na pre. Nakituloy muna kami sa bahay ng dating kasambahay namin..." pinakinggan ko si Yael habang kausap niya sa phone ko si Colton. He explained everything to him. Kahit hindi ko naririnig si Colton ay alam kong ang dami niyang tanong base sa mga paliwanag ni Yael.

"Susubukan naming humabol... Oo nga, e. Mukhang excited pa naman. Palabas pa nga lang siya ng condo kanina hawak-hawak na niya yung sunblock niya." Tumatawang pagkukwento ni Yael at tiningnan ako.

I narrowed my eyes at him. "Hoy hindi kaya gano'n!" Ang walanghiya! Kung ikwento ako sa kay Colton ay parang wala ako sa tabi niya!

"Oo... akala ko nga wala na siyang balak na bitawan 'yon." Tumatawang kwento niya kay Colton habang saakin nakatingin.

"Hindi totoo 'yan!" I yelled at him loud enough for Colton to hear it too. Baka isipin ng lahat doon na sobrang excited ko.

"Siya nga... Ang defensive, e."

"Akin na nga 'yan!" singhal ko sakanya at sinubukan na agawin ang phone ko mula sakanya pero kaagad niyang hinuli ang pulso ko. I was surprised at our sudden physical contact. He's still looking at me while holding my wrist and talking to Colton.

Sinubukan kong magpumiglas at agawin ang pulso ko mula sakanya pulso ko na hawak-hawak niya pero ipinadausdos niya ang palad niya pataas sa kamay ko. My eyes grew wider when he entwined his fingers to mine. His deep dark eyes grew serious and his mouth parted while looking at me and holding my hand tight.

"Damn it, Yael! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko sakanya at bago pa man siya maka-react ay may narinig kaming katok mula sa labas ng kwarto.

____________________________________________________

para sa'yo din to, gurl. Thanks for your comments

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top