Chapter 8

Chapter 8

Totoo

Matapos ng sandaling pananahimik ko ay biglang nag ring ang phone ko. I raised my brows as I blew out an air. Laking tuwa ko nang makita ko ang pangalan ni Eli sa screen phone ko. Kaagad kong sinagot ang tawag niya.

"Hey," bati ko sakanya. Thank God he called. I don't want Nick to noticed that I've got offended by what he said.

"Where are you?" tanong niya saakin mula sa kabilang linya.

"Nasa ospital ako. Bakit?"

"What?! Why?! Anong nangyari sa'yo?" nag pa-panic niyang tanong mula sa kabilang linya.

I rolled my eyes. "I'm a nurse, Eli! Chill!" sita ko sakanya. Ito talaga kahit na kailan. Akala ko mga pangalan lang ng mga nagiging babae niya ang nakakalimutan niya, pati pala trabaho ng sarili niyang pinsan.

I heard him sigh from the other line. "Right. Sorry naman."

"O, bakit ka napatawag?" tanong ko sakanya.

"Birthday ko na ngayong sabado..."

I gasped. "Ay oo nga pala! Anong plano mo? Painom ka naman!" Biro ko sakanya. God! Matagal-tagal na rin pala kaming hindi nagsasamang magpipinsan.

I heard him laugh. "Gusto ko sanang magpunta tayo ng Bataan."

"Really? Ilang days?" Tanong ko.

"Uuwi rin tayo kinabukasan... May trabaho rin ako." Wow. That's great. Perfect timing dahil day off ko sa sabado.

"Nasabihan mo na ang iba?"

"Si King Philip pa lang. Sinusubukan kong tawagan si Colton kanina pero cannot be reach."

Saglit akong natahimik pero hindi na ako nagulat. Talaga namang hindi maiiwasan ang mga tagpong ganito dahil magpi-pinsan kami at kapatid ko si Colton kaya natural lang na magkakasama kami sa mga events. Kahit anong iwas ang gawin ko ay masyado pa ring maliit ang mundo namin. Maybe I should just deal with it. Ah basta, bahala na.

I cleared my throat. "T-try calling his wife. Baka kasalukuyang nagpapalipad ng eroplano ni Colton ngayon kaya hindi mo ma contact." suhestiyon ko. Sasabihin naman siguro ni Jess kay Colton. That's how it works, right? Kapag mag-asawa na kayo ay ganoon na ang set up.

"Wala akong number ni Jess. Ikaw, meron ka?"

Again, I cleared my throat. "I'll just text it to you." I replied.

"Okay, thanks." Aniya at pinatay ko na ang tawag. Saka ko lang napansin na kanina pa pala ako pinapanuod nila Nick at Kaye.

"O, bakit?" tinaasan ko sila ng kilay.

Nagtinginan silang dalawa bago ako inilingan. Nagkibit balikat na lang ako.

--

Pagbukas ng elevator sa floor ko ay kaagad na akong humakbang palabas. Papasok na sana ako sa unit ni Colton nang biglang bumukas ang kabilang pintuan kung saan ang unit ni Yael. Awtomatiko akong napatingin doon and my mouth hang open at the sight. Bigla akong namutla!

Nanaginip ba ako ulit?

"W-what are you doing here?!" hindi ko mapigilang tanong. This felt like a deja vu.

Kumunot ang noo niya. "I live here, obviously. Hindi ba't nagkita na tayo nung isang gabi?"

Mas lalong lumawak ang mga mata ko.

"So, that wasn't a dream!?" I thought out loud.

Sa una ay lalong kumunot ang noo niya pero kalaunan ay natawa siya ng bahagya. "What? No! Inisip mo talaga na panaginip iyon?" aniya at bahagyang napailing. Hindi ako kaagad na nakasagot. Sino ba naman kasing tanga ang mag-iisip no'n? Ako lang. Ako!

"What made you think that it was just a dream? Totoo ako. See," aniya at kinuha ang kamay ko at idinala sa pisngi niya. Para naman akong napaso nang dumampi ang palad ko sa kanyang pisngi kaya kaagad ko iyong binawi mula sakanya. Parang sinilaban ang magkabila kong pisngi dahil sa ginawa niya. What the hell is this guy thinking?!

Imbes na mainsulto siya sa ginawa ko ay ngumisi pa siya. Mapang-asar niya akong tinignan. Marahil dahil iyon sa pamumula ng mga pisngi ko. I hate how transparent I am! And I hate the way he's looking at me teasingly!

"Akala ko ba ay sa Manila ka na nakatira? Bakit naisipan mo pang bumalik dito?" Hindi ko itinago ang pakla sa boses ko.

"Bakit alam mo na sa Manila na ako nakatira?" tinaasan niya ako ng kilay at mas lalong lumawak ang kanyang ngisi. Ni hindi man lang niya pinansin ang tanong ko.

"N-narinig ko kayong nag-uusap ni Matt." I said, honestly but that honesty didn't stop me from stammering.

Bumuntong hininga siya at unti-unting bumalik sa normal ang ekspreyon niya.

"You heard it right. For the last ten months tumira nga ako sa Manila ulit." He confirmed.

I raised a brow. "Kung ganoon bakit bumalik ka pa dito sa Angeles?"

His jaw clenched. "For the last ten months I gave you space, Beatrix. I don't want our paths to cross kaya minabuti ko munang umuwi saamin sa Manila, mas malayo sa'yo, mas kaunti ang tyansa na magkasalubong tayo. And I think those ten damn months are enough." Seryoso niyang sabi.

Napanga-nga ako sa nalaman ko. Yun yung rason niya kung bakit siya bumalik ng Manila?

"Enough for what?" tanong ko nang makabawi ako.

He looked at me through his bloodshot eyes. "Enough to get my Beatrix back." His voice was low and firm. Napalunok ako at napakurap sakanyang sinabi. What the hell?

"You think you can still get me back?!" I hissed. Dream on, Salcedo!

Nagkibit balikat siya. "We'll see." Aniya at tinalikuran ako para i-lock ang pintuan niya.

"You're crazy!" Hindi ko mapigilang maakusa sakanya.

"Believe me, ten months without you have gone me crazy." Casual niyang sabi habang pinaglalaruan ang kanyang susi sakanyang daliri.

"What?!" naningkit ang mga mata ko at hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. Shit! Pati yata ako mababaliw na sa lalaking 'to! Dammit!

Hindi niya ako sinagot at nagsimula na siyang maglakad papunta sa may elevator. Now he's walking out on me?

"Hoy Yael! Hindi pa tayo tapos!" sigaw ko sa likuran niya. Hinarap niya ako.

"Hindi pa nga." Makahulugan niyang sabi bago ako muling tinalikuran. I groaned in frustration. Nababaliw na siya! Nababaliw na talaga siya! He thinks that I will make it easy for him? Neknek niya! I will make sure that he'll go back in Manila in no time. Mag patigasan kami hangga't gusto niya.

--

Aligaga 'kong hinanap ang sunblock ko sa buong kwarto. Where the hell is that? Kung kailan ko hinanap saka hindi nagpapakita. Halos itaob ko na ang buong kwarto para lang mahanap iyon. I'm beginning to sweat and feel dizzy. Lalo na ngayong nagmamadali ako. Baka papunta na sina Eli dito.

"Screw it!" I hissed in gritted teeth at tumutok sa aircon. Sayang itong suot ko tapos ma ha-haggard lang ako dahil sa sunblock! I'm wearing a long floral spaghetti strapped dress na mayroong slit na nag e-expose sa isa kong binti.

Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung nagtext na ba si Eli o isa sa mga pinsan ko. I even expected a text from Colton pero wala akong natanggap ni isa sakanila. Tiningnan ko ang oras at mag a-alas otso na ng umaga. Kumunot ang noo ko. Akala ko ba bago mag alas otso ay nandito na sila?

Kaysa sa mag isip at mag conclude ay minabuti ko na lang na tawagan si Eli. Ilang rings lang at sinagot na niya ito.

"Trix?"

"Hi, Eliott! Happy birthday but where the fuck are you?" sabi ko. Narinig ko ang pagtawa niya mula sa kabilang linya.

"Wow, thanks, Trix. We're on our way to Morong." He informed. Heat rise up to my head as my mouth hang open.

"Pardon?" sinubukan ko pa ring kalmahin ang boses ko. Baka naman kasi magkakasama silang magkakapatid at papunta na sila ng Morong pero ipinadala naman pala nila si Phil para sunduin ako... o baka si Colton. I don't know but all I know is I must calm my tits.

"Papunta na nga kami ng Morong. Kasama ko mga kapatid ko tsaka sina Phil at Aya. Nasa van na kami tapos sina Colton ay nag convoy na lang... Kayo, saan na kayo?"

"Seryoso ka, Eli!? At anong kami?! Mag-isa lang ako dito! Naiwan ako!" Hindi ko mapigilang hindi maging eksaherada dahil sa nalaman ko. Sino ba namang hindi? Bihis na bihis ako tapos malalaman ko na naiwan pala ako.

"Anong naiwan? Hindi ba't kay Yael ka sasakay?"

Mas lalo akong nag-alburuto nang marinig ko ang pangalan ni Yael.

"Anong Yael?! Bakit may Yael?!"

"Anong nangyayari? Nasaan na sina Beatrix?" narinig ko ang boses ni Kiel mula sa kabilang linya. So alam nila na kasama ko si Yael at ako na lang ang hindi nakakaalam noon?

"Papunta na... may hindi lang pagkakaintindihan." Narinig kong sagot ni Eli.

"Hello, Trix?" aniya at tinitingnan kung nandito pa ako at hindi pa siya binababaan.

"I'm still here pero what the hell, Eli? Bakit naman iniwan niyo ako?"

"Hindi ka nga namin iniwan, Trix. Alam namin na si Yael ang kasabay mo atsaka dapat ay sabay-sabay na tayong umalis kanina pa. Pero nang tawagan ko si Yael ang sabi niya ay mukhang hindi ka pa tapos mag-ayos kaya nauna na kami." Mahaba niyang paliwanag.

"Sino bang lintik ang nagsabing sasabay ako kay Yael?!"

"Siya." Kaswal niyang sagot mula sa kabilang linya.

"What made him think na gusto kong sumabay sakanya? At bakit nga pala kasama siya? Hindi ako na inform na pinsan na rin pala natin siya." I sarcastically said.

Humalakhak siya mula sa kabilang linya. "Ang bitter mo naman masyado, pinsan. Ako ang nag-imbita kay Yael. Tsaka bakit ba ako ang inaaway mo? Hindi naman ako si Yael." May tono ng pang-aasar sakanyang boses.

"Ano? Ano daw? Bitter siya kay Yael?" I heard Brielle's voice from the other line at maging ang tawanan ng iba. Fuck it! Bigla akong namula dahil mukhang nakikinig silang lahat sa usapan.

"Shh, Brielle!" suway ni Eli sa kapatid.

"Trix?" tawag ni Eli saakin.

I groaned. "Ibaba ko na 'to." I informed him.

"Sige, basta sumunod kayo ha?" aniya. Bumuntong hininga ako bago sumagot.

"Oo sige..." I said curtly bago pinatay ang tawag.

Napamura ako bago padabog na kinuha ang mga gamit ko at nang naglalakad na ako papunta sa may pintuan ay nakita ko ang sunblock sa may center table sa sala. Padabog ko iyong kinuha. Stupid sunblock!

Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad saakin si Yael na nakasandal sa may pader sa harapan ng aking pintuan. He's wearing an olive green tank top and cargo shorts. Yung buhok niya ay medyo humahaba na, medyo natatakpan na nga ang noo niya sa buhok niya at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya naga-ahit ng balbas. Kanina pa ba siya diyan?

He stared at me from head to toe deliberately. Mabilis naman na bumalik ang tingin sa mukha ko at tiningnan ako sa mga mata.

"Let's go." Nang magsalita siya ay bigla ulit akong nainis.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit mo sinabi kay Eli na sasabay ako sa'yo?" sabi ko.

"Kasi sasabay ka sakin?" He answered, unsure. And he's giving me that weird look.

"Sinong nagsabing gusto kong sumabay sa'yo?" Masungit kong sabi.

His jaw clenched. "Pag-aawayan pa ba natin 'to, Beatrix?" medyo may iritasyon sakanyang boses. Aba! Sino ba kasi ang nagsabing isabay niya ako? Tumaas ang isa kong kilay at magsasalita pa sana ako pero inunahan niya ako.

"You can't just dismiss me, Trix. Kanina pa kita hinihintay dito." Sumbat niya. Napanga-nga ako sakanyang sinabi at tinawanan ko siya ng pagak. Ang sarap lang niyang batuhin nitong sunblock nahawak ko.

"Bakit parang sinusumbatan mo pa yata ako? Ni hindi ko nga alam na sasabay ako sa'yo." I said drly.

"Hindi kita sinsumbatan." Depensa niya.

"E, ganoon ang dating saakin! Maybe next time, you inform me para hindi ka naghihintay. Nahihiya naman ako sa'yo pinag-"

"Bakit, papayag ka ba kung sinabi ko sa'yo?"

And with that, I shut up. "See? Hindi ka makasagot. Because you're just too tough, Beatrix. Pati simpleng pagsabay saakin ay nakikipag matigasan ka pa. Why don't we just shut up? Both of us. Tapos sumakay na lang tayo sa vios ko saka tayo bumiyahe papuntang Morong. Ganoon kasimple." He proposed. Salubong na ang kilay niya pero napakababa pa rin ng boses niya. Does he know that he's scary kapag ganyan siya?

Napalunok ako. "F-fine." Sabi ko at tumikhim. Hindi siya sumagot. Bumuntong hininga lang siya at tumango bago kinuha ang mga gamit ko saakin at hindi na ako nag protesta. Shut up daw, e. Both of us. Napansin kong bahagyang kumunot ang noo niya nang dumako ang tingin niya sa sunblock na hawak-hawak ko pero pinili niya na lang na h'wag pansinin. Hawak niya ang mga gamit namin sa magkabila niyang kamay habang naglalakad papuntang elevator at sumunod naman ako sa likod niya. I had a better view on his triceps, flexing. Kahit na nag-away kami kanina, hindi ko maikakaila na ang graceful niyang tingnan kahit na nagbi-bitbit lang siya ng mga gamit namin. God must be really unfair for creating this Yael Salcedo creature in front of me. Ang unfair para sa mga ibang lalaki dahil kung sila ang nasa posisyon ni Yael ngayon ay mukha silang... mukha silang nagbubuhat ng gamit. Walang epekto kumbaga. Or maybe it's just in my perspective? Baka para saakin ay artsy tingnan ang Yael na nagbubuhat ng gamit pero para sa iba ay hindi naman.

"Beatrix? Maiiwan ka diyan?" bigla siyang nagsalita kaya naibalik ako sa realidad. Napagtanto ko na nasa loob na pala siya ng elevator at panay ang pindot niya doon sa button para h'wag iyong magsara dahil nasa labas pa rin ako. I breathed out and rolled my eyes at him before going in.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top