Chapter 7
Chapter 7
Change of Mind
"What the! Seryoso?!"
"Nakakaloka naman 'yang si Ryan!"
"Doc Ryan." I corrected Nick, mimicking Ryan's voice. I just can't help but to tell these guys about what happened at the ER. Tsaka sila naman itong nagpumilit na magkwento ako dahil napansin nilang bad trip ako.
"So anong ginawa mo? Hindi mo nga tinawagan yung magulang nung pasyente mo?—ay niya na pala." Kaye asked.
Umiling ako. "Syempre hindi, iyon ang utos niya saakin. Siya yung doktor e..." sagot ko.
"Kahit na shunga! Us nurses deserved to be listened and respected... Hindi sa pagmamayabang pero sa tingin mo magagawa nila ng maayos ang mga trabaho nila kung wala tayo?" punto ni Nick. Hindi ako kaagad naka react.
"May point ka diyan, bakla! Pakiss nga!" Tili ni Kaye. Nick looked at her in disgust.
"Eww! Lumayo ka nga saakin impakta ka!" Diring-diring sabi ni Nick kay Kaye at halos itulak niya ito mula sa kinauupuan niya. Mukhang nagulat pa si Kaye at napahawak sa dibdib niya.
"Nakakaloka, bakla! Pa harsh ka ng pa harsh saakin ah!"
Inirapan siya ni Nick. "Landi-landi mo e! Pagkatapos mong landiin si yung Matthias sa Boracay ako naman ngayon dito sa Angeles!?"
I giggled while looking at them. "Selos ka, Nickolas?" I teased him. And just like what I've expected the handsome gay faked vomiting while looking at Kaye in disgust.
"Diyos ko naman, Beatrix! Mag kape ka nga nang kabahan ka naman sa mga sinasabi mo!" eksahareda niyang sabi. Napanguso naman ako. Itong baklang 'to napaka war freak. Parang kanina lang ay mag ipinaglalaban siya pero ngayon gusto kaming labanan na dalawa ni Kaye.
"Sus, bakit hindi mo pa aminin, bakla? Naiinggit ka lang kasi gwapo yung mga nakakalandian ko!"
And with that, they started throwing harsh but hilarious words to each other. Ako naman ay enjoy na enjoy na nakikinig sakanilang dalawa habang kumakain ng oatmeal cookies. Natutuwa talaga ako kapag silang dalawa ang nagbabangayan ng ganyan. Parang nabawasan tuloy ang stress na nararamdaman ko dahil sakanilang dalawa.
"Akala mo! Isusumbong kita sa papa mo na bading ka!" Yan parating ang mga linyahan ni Kaye sa tuwing napipikon na siya kay Nick at wala na siyang maisagot pabalik.
"Gora! Samahan pa kita!"
Ganito pala kapag ginagawa mong busy ang sarili mo... hindi mo namamalayan na napakabilis na ng paglipas ng mga araw. Isang buwan na pala akong nakatira ulit sa unit ni Colton. At first it felt kind of lonely, noon ay kahit hindi madalas umuwi si Colton ay may inaasahan pa rin akong mga araw kung kalian siya uuwi. Unlike now, I'm completely alone in his unit. This is what exactly what I wanted, right? I wanted space. I needed a room to breathe. And I'm here—breathing. But I'm not sure if I'm still alive. Hindi ko alam kung ano pa ang kulang. I've been doing okay with my job and I love what I'm doing. Pero bakit ganito pa rin ako? Why can't I just fucking let myself be happy and roll with life just like how I roll with it before? Bakit ba ang hirap-hirap makausad? Is this because of Ryan? Is this still because of the remorse that I'm feeling because I treated him like a total shit before?
Tang ina! I just don't know anymore...
Dahil sa sobrang frustration ay bumangon na lamang ako sa kama ko. I wore my grey sweater before storming out of my room. I'll just go get myself an ice cream because I deserve one. I locked the door before leaving the building. Nagpunta ako sa pinaka malapit na convenient store at bumili kaagad ng isang gallon ng ice cream na rocky road ang flavor. Napangiti ako ng mapait habang naglalakad ako pabalik ng building at hawak-hawak ang plastic bag na may laman noong binili kong ice cream. Naalala ko bigla yung araw na sobrang lungkot ko dahil nalaman kong umalis na lang pala bigla si Jess. At noong araw ding iyon ang alis nila Colton at Yael.
That day, Yael bought an ice cream for me. He didn't say anything while handing the ice cream to me but his actions were always louder than his words. Kahit hindi siya nagsalita ay alam kong kahit papaano ay gusto niyang pagaanin ang loob ko.
That was the time when he genuinely doesn't know where the fuck Jess is. Napakagat ako sa ibabang labi ko at bahagyang napailing. Why does he has to know where Jessica is? Why does he has to be involved in my brother's business? Why does he has to lie with me? One moment it was perfect— we were perfect— and then the next... I don't know. I just don't know anymore.
Pagbukas ng elevator ay lumabas na ako kaagad bitbit pa rin ang ice cream na binili ko kanina. Kagaya ng madalas mangyari ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi mapatitig sa pintuan ng katabing unit ni Colton kung saan nakatira si Yael noon. I guess old habits die hard. Bumuntong hininga na lamang ako bago ako nag-iwas ng tingin sa pintuan niya at inilagay na ang susing hawak ko sa keyhole ng pintuan ng unit ni Colton.
Kakalagay ko pa lang noon pero may narinig na akong tunog nang pagbukas ng isang pintuan. Kumunot ang noo ko. I haven't opened the door yet! Nanigas ang mga daliri kong nakahawak sa susi na nakapasok sa keyhole. God! Minumulto ba ako?
"Beatrix?"
Napatalon ako sa gulat nang may marinig akong pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. Awtomatiko akong napatingin kung saan nanggagaling iyon at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko.
Fuck! Minumulto nga ako! Minumulto ako ng kahapon!
Dahil ang bumungad saakin ay si Yael Salcedo na mukhang palabas ng kanyang unit. The ghost is wearing white thin shirt and shorts. I also noticed some stubbles on his face.
Base sa hitsura niya ay mukhang gulat na gulat siya nang makita niya ako. He's looking at me in disbelief. Like I wasn't real and he's just dreaming. At naniniwala ako na maging ako ay ganyan din ang reaksyon sa mga sandaling ito.
"What are you doing here?" sabay naming sabi. Pareho pang napaawang ang mga bibig namin dahil sa pagkamangha. Pero bigla akong sinalakay ng frustration nang magising ang diwa ko na totoong nasa nandito si Yael Salcedo at kakalabas lamang niya ng kanyang unit. Ano ang ibig sabihin nito?
"What are you doing here?!" Ulit ko at nagsimula na akong mag panic. Hindi pwede. Bakit siya nandito? Having him next door will just create havoc!
Di nagtagal, ang gulat na reaksyon sakanyang mukha ay unti-unting nabubura. Ngayon naman ay kinunotan niya ako ng noo.
"Hindi ba ako pwedeng umuwi sa unit ko?" He answered my question with another question. Great! Ganyan ang mga technique ng mga gustong lumusot.
Parang alam ko na yata kung ano ang tunay na dahilan kung bakit siya nandito. Kunwari pang nagulat ang gago!
Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
"Umamin ka nga... Sinabi sa'yo ni Colton na nandito ako 'no?"
At first he looked so confuse but after a few seconds, he looked at me in disbelief.
"I hate to break your bubbles, Trix but no..." hindi siya makapaniwalang natawa.
Biglang akong pinamulahan dahil sa kahihiyan. God! Bakit ko ba sinabi 'yon? Baka mamaya isipin niya na napaka assuming ko. Pero ano nga ba ang ginagawa niya dito? Bakit bigla-bigla na lang siyang nandito?
"Kailan ka pa nakabalik?" tanong niya bigla.
"Mag-iisang buwan na." tipid kong sagot. Gusto ko ring magtanong sakanya pero mas pinili ko na lang na itikom ang bibig ko.
Natawa siya ng bahagya kaya napatingin ako sakanya habang nakakunot ang aking noo.
"Mag-iisang buwan ka na pala, ngayon ka lang nagduda..." Ngumisi siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Mas lalong kumunot ang aking noo.
Tinaasan niya ako ng kilay habang nakangisi pa rin. "Kung sinabi lang ni Colton na nakabalik ka na, noong unang araw mo pa lang sana ay nakita mo na ako dito." Walang pakundangan niyang sabi. Lumawak ang mga mata ko at napaawang ang aking bibig habang nakatanga sakanya. Bago pa man ako maka recover ay biglang nag ring ang phone niya at dinukot niya iyon mula sakanyang bulsa habang nakangisi pa ring nakatingin saakin. Sinagot niya ang tawag nang hindi man lang nag-iiwas ng tingin saakin. Ako naman ay hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sakanya habang pino-proseso ko sa aking utak ang mga huling salitang binitawan niya.
"Hello?" hinintay niyang magsalita yung kausap niya mula sa kabilang linya.
"I'm sorry, Aki... I've changed my mind. I'm not gonna sell my unit." Simpleng-simple niyang sabi sakanyang kausap habang sa mga mata ko nakatingin saka na ibinaba ang tawag. Muli niyang ibinalik ang phone sakanyang bulsa.
"So, I'll see you around.... neighbour." He winked and left me dumbfounded. Basta-basta na lang siya pumasok sa loob ng unit niya. Napanganga ako at napamura na lang habang umiling-iling. Damn! What the fuck was that? Binebenta na niya ang unit niya? Tapos biglang hindi na?
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ba akong nakatayo dito at pinipilit ang utak ko na i-absorb lahat ng mga sinabi niya. Those were just simple sentences but why am I still standing here, contemplating every word that came out from his wicked mouth?
"Fuck! Lusaw na!" I whined at myself. Pagbukas ko ng ice cream na binili ko ay mukha na itong smoothie. Kaya sa bandang huli ay inilagay ko na muna ito sa freezer. Sa paghihintay ko na tumigas ito habang nakahiga ako sa mahabang sofa ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Paggising ko ay hindi ko ay napahawak ako sa nangangalay kong likod habang nakaupo. Bumuntong hininga ako saka napatingin sa kawalan at bigla na lamang natulala. I felt something weird and nostalgic feeling inside me. Pakiramdam ko nga ay hanggang ngayon ay nananaginip pa rin ako. Dinaig ko pa ang nalasing at nagkaroon ng hang over kinabukasan.
Panaginip lang naman iyon, hindi ba? Wala naman talaga si Yael sa kabila. Hindi naman siya bumalik. Yes, of course. I breathed in and breathed out. Calm down, Beatrix. This ain't the end of the world. That was just a dream. No need to panic, no need to overthink.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa at dumiretso sa banyo. Nang matapos na akong mag-ayos at mag-bihis ay napa inhale-exhale pa ako habang nakahawak sa doorknob. Dahan-dahan koi tong pinihit at sumulip muna ako sa labas bago tuluyang lumabas. Tiningnan ko ang pintuan sa kabila. Dahan-dahan akong lumapit doon at idinikit ang tenga ko sa pintuan. Wala akong narinig na kahit anong ingay. Napatingin ako sa wrist watch na suot ko. 6:45 na saaking wrist watch at alas siyete ang pasok ko. Kung totoong nandito nga si Yael ay kanina pa siya nasa labas at nag-aabang... pero wala akong nakita ni anino niya.
I felt relieved because after all, the conversation that we had last night was all just a dream... and I was kind of disappointed too. Ah basta! Ewan ko ba!
"What?!" Napatakip ako sa dalawa kong tenga dahil sa violent reaction nila Kaye at Nick. Nakangiwi akong tumango-tango habang dahan-dahan na tinatanggal ang mga palad kong nakatakip sa magkabila kong tenga.
"E bakit naman napanaginipan mo siya?" tanong ni Kaye at itinaas baba pa ang dalawang kilay.
I felt my cheeks flushed. "E-ewan ko! Hindi ko naman kayang kontrolin kung sino ang pwede kong mapanaginipan ano!"
"Baka mamaya hindi naman panaginip..." dagdag pa niya habang nakangisi saakin. I frowned at her. She's always on Yael's side!
"Heh! Pasalamat na nga lang tayo at panaginip lang 'yon!" biglang sabi ni Nick.
Mabilis naman akong tumango. "Thank you for being on my side, Nick."
"Anong on your side ka diyan? Hindi kaya! Sa side ako ni Yael ano! Kawawa naman yung tao kung mapupunta lang sa chakang katulad mo!" nakangiwi niyang sabi at inirapan pa ako. Napaawang naman ang bibig ko at ngali-ngali akong batuhin siya nitong inuupuan ko.
"Aba't!!"
He stuck his tongue out. "Pinapanalangin ko nga minsan na sana mauntog siya at magising sa katotohanan; sa katotohanan na ang daming isda diyan pero pinipilit niya pa ring bingwitin ang chaka na Beatrix fish." mataray na sabi ni Nick na ikinatahimik ko naman. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya and at the same time medyo napikon din. Hanggang dito ba naman ay wala ring kakampi saakin? Alam ko naman na may halong biro iyon pero minsan ay hindi mo talaga maiiwasang hindi masaktan lalo na kungbig deal para sa'yo ang maliit na bagay lang para sakanila.
Why do people around me make me feel like I'm the worst person in the world? Parang ako palagi yung masama at yung immature. Napailing na lang ako at natawa ng pagak.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top