Chapter 30
Chapter 30
Bullshits
“W-where’s Ariana?”
Pare-pareho kaming hindi nakasagot. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin at mula sa pagkakahiga niya ay pinilit niyang makaupo. I clenched my jaw as I try to help him sit.
“Beatrix? Si Ariana?” ulit niya habang inaalalayan ko siya. I pressed my bottom lips together and pretend that I didn’t hear him. My eyes start to become gloomy again.
“Ma, Pa? Nasaan si Ariana?” tanong niya sa mga ito ngunit wala rin akong narinig na sagot. Mula sa pag-aayos ko ng unan niya ay naramdaman kong may kamay na humawak sa pulso ko. Nagbaba ako nang tingin doon, I saw a hospital bracelet wrapped around his wrist. Salcedo, Yael Theodore T. ang nakasulat doon.
Hindi ako nag-angat nang tingin sa kanya. I fixed my eyes on the bracelet wrapped around his wrist.
“Beatrix, dalhin mo ‘ko kay Ariana. Gusto ko siyang makita.”
Napakagat ako sa ibabang labi ko at kasabay noon ay ang pagtraydor sa akin ng sarili kong mga luha. Kusa na lamang silang nag-unahan sa pagtulo at may iilan pang nalaglag sa kamay ni Yael na nakahawak sa akin.
Humigpit ang hawak niya sa akin.
“Umiiyak ka ba, Beatrix?” Nag-alala niyang tanong sa akin.
“Hey, don’t worry about me. I’m okay now…” marahan niyang sabi sa akin. Nakaramdam ako nang isang matalim na bagay na tumusok sa puso ko. Ang sakit-sakit. Nasasaktan ako para sa kanya.
Marahan kong inagaw ang pulso kong hawak-hawak niya saka ko pinunasan ang mga luha ko. Muling tumalikod si tita Yngrid para yakapin si tito Viktor at doon umiyak sa dibdib nang asawa. Tito Viktor was just looking at his son with pain in his eyes.
“Bakit kayo umiiyak? Ayos na ako ma, pa. Si Ariana ba nakita niyo na? Saan ba ang kwarto niya? Gusto ko rin siyang makita.” Sunod-sunod niyang sabi at muli akong hinarap.
“Beatrix, sige na… Dalhin mo na ako kay Ariana.” Pakiusap niya.
I suck an air in to gather even just a little strength and ability to open my mouth.
“Mamaya na lang… Kailangan mo munang mag-pahinga,” I coaxed as I try to guide him to lie again on the bed but he shook his head.
“No, I want to see her now… Gusto kong malaman kung ayos lang ba siya. Please, Trix. Pangako, babalik din ako dito kaagad—“
“Wala na siya, Yael.” Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang diretsahang saad ni tito Viktor. Kita ko ang pagkakatigil ni Yael.
Tumawa siya nang pagak at sunod-sunod na umiling.
“Anong wala? Kasama ko pa lamang siya sa Camiguin, pa!” umiiling niyang sabi at muling ibinalik ang tingin sa akin.
“Beatrix, let’s go… I want to talk to my sister.” He said while slipping out of the white blanket.
“Yael…” kaagad akong lumapit sa kanya para alalayan siya. He’s now sitting on bed and his feet are now landed on the cold floor. Akmang tatayo pa sana siya pero mahigpit ko siyang hinawakan sa balikat, nagtataka siyang nag-angat nang tingin sa akin.
“Beatrix, ano ba? Kung ayaw mo akong tulungan tumawag ka na lang ng ibang nurse na tutulog sa akin.” Aniya at nagtiim ang kanyang bagang.
“Gusto ko lang namang makita ang kapatid ko! Mahirap ba ang hinihiling ko sa inyo?!”
“Yael…” buong pait kong tawag sa pangalan niya kasabay nang muling pagtulo ng mga luha ko. “Wala na siya… wala na si Ariana…”
Those words tasted painfully bitter in my mouth.
“Hindi! Hindi totoo ‘yan!” sigaw niya.
“Buhay siya… Buhay ang kapatid ko, Beatrix!” aniya at sinubukang tumayo pero pilit ko siyang pinipigilan. Yael’s body is bigger than mine ngunit dahil kakagaling niya lamang sa aksidente ay nagagawa ko pa siyang mapigilan.
Tumigil siya sa pagpupumiglas at nag-angat nang tingin kay tita Yngrid na ngayon ay nakatingin kay Yael habang umiiyak.
“Ma… sabihin mo sakin, hindi naman totoo ang sinasabi nila hindi ba? Ma, buhay siya diba? Buhay si Ariana…” pagmamakaawa niya.
Nang marinig ko ang pagiging desperado ni Yael ay paulit-ulit akong nawasak. Para siyang batang naghahanap ng kakampi dahil lahat ng taong nakapaligid sa kanya ay pinagmamalupitan siya.
Hagulgol lang ang tanging naisagot ni tita Yngrid saka na siya tumalikod at mabilis na humakbang palabas nang kwarto. Para bang hindi na niya kaya ang mga nangyayari kaya mas pinili na muna niyang lumabas dahil nahihirapan siya sa sitwasyon ni Yael; sa sitwasyon nila.
“Yngrid!” Tito Viktor chased his wife immediately.
“No, no, no… God, no… This is not real. This is not real.” His voice cracked at nagsisimula nang magtubig ang gilid nang kanyang mga mata.
I felt a tight grip on my arm. Yael looked up at me, his eyes met mine and I saw how broken and hopeless he was.
“Beatrix, gisingin mo ‘ko…” pagmamakaawa niya sa akin at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakakita ako ng mga luha na nanggaling mismo sa mga mata niya. Hindi na lang nabasag ang puso ko doon kung hindi nadurog pa ito nang pinong-pino.
“Please wake me up from this worst nightmare… I-I can’t take this, Beatrix. I’m begging you to please wake me up!” basag ang kanyang boses habang nagmamakaawa at ang kanyang mga mata ay patuloy lang sa pagluha. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang yakapin na lamang siya nang mahigpit.
I buried his face on my neck and he broke down there completely.
Bawat hagulgol niya ay punong-puno nang sakit. Bawat pag-iyak niya ay para akong pinapatay nang paulit-ulit.
“I’m so sorry, Yael… I’m so sorry…” ramdam ko ang pagbabasa nang leeg ko dahil sa mga luha niya.
Mas lalo ko siyang niyakap nang sobrang higpit. His shoulders are shaking and while letting out his painful sobs. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang ganito.
Yael is a strong, solid, and firm. Hangga’t maari ay ayaw niyang ipinapakita na sa tuwing nasasaktan siya.
But this one is different. This is his weakest point. This was his defeat and he doesn’t even know if he could still keep going. Dumating siya sa punto nang kanyang buhay kung saan bigla na lamang gumuho at dumilim ang kanyang mundo. God, this shattered man that I’m holding in my arms is so precious. He doesn’t deserved this kind of pain.
Ariana and he, they never deserved this.
I know Ari’s death was the toughest pill to swallow for Yael. It hurts more than you could ever imagine. This will be really hard and a month will never be enough to mend his broken heart, that’s for sure.
And I will wait. I will patiently wait for him to regain his strength again. Every bad chapter in life will always come to an end… It doesn’t matter how long it will took or how many pages that you have to read to proceed to the next chapter but what matters is that bad chapter will have its ending point.
Walang kabanta na hindi natatapos.
“Nandito lang ako, Yael… Hindi kita iiwan.” pangako ko sa kanya.
I’m going to stand by him, for worse or for better.
Nang mga oras na iyon ay umiyak lamang siya nang umiyak. Hindi ko na siya narinig na nagsalita at tanging hagulgol na lamang niya ang mga naririnig ko.
At iyon ang pinaka mahirap sa lahat. ‘Yung sa sobrang sakit ay hindi mo na alam kung paano magsasalita, tanging mga iyak at hagulgol mo na lamang ang nagsasalita para sa’yo.
-
“Sasama ako sa’yo pauwi…” Biglang sabi ni Yael. Napaawang ang bibig ni tita Yngrid sa sinabi ni Yael. At maging ako ay nagulat rin sa sinabi niya.
Kakatapos lamang nang libing ni Ariana. Yael’s relatives from both sides were there. Hindi na kami nagkaroon nang pagkakataon para magpakilala sa isa’t-isa dahil hindi naman iyon ang tamang oras para sa ganoon. They were all feeling sorrowful for what happened.
It was unexpected… Who would’ve thought that God will take her like away at the age of twenty-five?
Nakasama ko lamang siya nang ilang sandali pero ang laki na nang impact na iniwan niya sa akin. She’s too good for this. She’s tender-hearted, headstrong, and passionate. Mahirap tanggapin para sa lahat ang pagkawala niya.
Ngayon ko lang napatunayan na hindi mo talaga hawak ang buhay mo. You can never tell when your end is. If you love someone, tell them right away before it’s too late. If you have hurt someone, ask for their forgiveness. Life’s too short and unpredictable to be scared to tell someone you love him or to be coward to say ‘sorry’ to those people whom you’ve hurt.
May mga ibang kasamahang piloto rin sina Yael na nagpunta at nakiramay. Rhian and Ryan were there too. Hindi ko na masyado pang nakausap ang mga ibang kakilala kong dumating dahil palagi akong nasa tabi ni Yael.
“Pero Yael…” I paused, averting my eyes to tita Yngrid and tito Viktor. I can’t see their eyes because they’re both wearing shades but I can tell that they’ve been crying so hard. Kanina, everyone was mourning and crying their hearts out. Pero si Yael, he just stood there with clenched jaw. He looks so cold, melancholy, and dull but anger was the most dominant of all his expression.
Sa totoo lang ay natakot ako, hindi ko alam kung saan siya galit o kanino. Right at that moment, I couldn’t even recognize him.
Tita Yngrid just gave me faint smile.
“It’s okay, hija… H’wag mo kaming alalahin.” Aniya. Tiningnan ni Yael ang kanyang mga magulang.
“Dadalasan ko naman ang pagbalik dito, ma, pa.” Pangako niya sa dalawa.
Umiling si tito Viktor. “I don’t want you driving often, Yael. You still need to recover from the accident,” bilin niya sa anak.
Tipid lamang na tumango si Yael.
“Si Hulyo na ang maghahatid sa inyo pauwing Angeles...” pahabol pa niya at tango lang ang muling iginawad sa kanya ni Yael. Nagpaalam na kami sa kina tito Viktor at tita Yngrid. Both of them gave us a tight hug.
Pinayungan kami nang mga dalawa sa body guards ni tito Viktor at sinamahan hanggang sa makarating kami sa itim na civic na katabi nang sasakyan ni Colton. Nadatnan naman si Colton doon na sinasarado ang pintuan sa may passenger seat habang hawak-hawak ang isang itim na payong.
Nang makita niya kami ay imbes na pumasok siya sa may driver’s seat ay kaagad niya kaming nilapitan. Tinapik niya sa balikat si Yael at tumango lamang si Yael sa kanya.
“Call me anytime, bro. Anytime.” Bakas rin ang lungkot sa mga mata ni Colton habang tinitingnan ang kanyang best friend.
Yael nodded and let out a deep breath. “Yeah, I’ll just see you in Angeles,” ani Yael. They pulled to give each other manly hug. Nang maghiwalay na sila ay tiningan ako ni Colton.
“You okay?” tanong niya sa akin.
I just gave him a faint smile and nodded at him. Tinapik ni Colton si Yael sa balikat bago pumasok sa sasakyan niya.
I felt Yael’s palm on the small of my back urging me to go inside the car. Nakabukas na kaagad ang pintuan kaya pumasok na ako at sumunod siya pagkatapos, may driver na kaagad na naghihintay para sa amin sa loob. Narinig ko ang pagsarado nang isa sa mga guard nang pintuan.
“Dadaan po ba muna tayo sa mansyon, sir?” the guy named Hulyo (if I’m not mistaken) asked.
“Hindi na, diretso na tayo.” Yael replied, lifelessly.
“Sige ho, sir.” Sagot niya at pinaandar na ang sa sakyan.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin sa loob nang sa sakyan. Yael was still in his black tux, his elbow is resting on the window on his side, and his chin was caught between his index and thumb. Diretso lamang ang tingin niya sa daan habang naka tiim pa rin ang kanyang bagang.
Nagbaba ang tingin ko sa kamay niyang nakapatong sa ibabaw nang hita niya. He was gripping on the fabric of his slacks. Hindi ako nag-dalawang isip at hinawakan ko iyon. Natigilan siya at awtomatiko siyang napatingin sa akin.
I gave him a sad smile. The corner of his lips slightly lifts before he entwined our hands. He gave my hand a light squeezed before drawing his attention back to the windshield.
-
Mula sa elevator hanggang sa makarating kami sa condo niya ay pareho pa rin kaming walang imik.
Nanatili akong nakatayo malapit sa pintuan na kasasara ko lamang at tiningnan si Yael. He was currently undoing his tie. Kitang-kita ko ang pagod, lungkot, at sakit sa kanyang mukha na pilit niyang pinipigilang ipahalata.
Humakbang ako papalapit sa kanya at hinawakan ko ang kamay niyang kasalakuyang inaalis sa pagkaka buhol ang kanyang tie. Natigilan naman siya at binalingan ako nang tingin habang naka-awang kanyang bibig.
“Let me...” It was almost a whisper. Hindi siya sumagot, nag-paubaya na lamang siya at unti-unti niyang tinanggal ang mga kamay niya mula sa kanyang tie.
I heard him sigh while letting me undo his tie. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko. Seeing Yael like this is killing me. I can’t stand this seeing him holding back himself from breaking down.
I know how to undo a tie but right at this very moment, I’m struggling and I don’t know how to do it anymore. Humigpit na lamang ang kapit ko sa necktie niya at napayuko.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa mga kamay kong nasa tie pa rin niya.
“I’ll do it...” paos niyang sabi. Awtomatiko akong nag-angat nang tingin sa kanya. Sinalubong nang mga nagtutubig kong mga mata ang kanyang mga matang punong-puno nang kalungkutan at sakit.
“We can do this, right? I cannot take away the pain but I’m always here for you. You don’t have to do this alone, Yael. I’m always here, okay?” My lips began shaking and my voice cracked too.
Yael gave me faint smile as he nod his head. He cupped my face and wiped my tears using his thumb.
“I love you, Yael.” buong sinseridad kong sabi.
“I love you too, Beatrix.” He replied with the same sincerity. I cried harder and then I tiptoed to kiss him on the mouth as if it’s going to take away all the pain that he’s been carrying on his chest. He answered my kiss with the same emotion and fervor.
From his tie my hands went up to his face and I felt something wet on his face. That’s when I knew that he’s crying. He was crying while kissing me and so am I.
This kiss was different from the kisses that we shared before. This kiss was full of emotion, full of pain, so heart wrenching.
Ang mga halik niya ang nagsilbing boses niya para isigaw sa akin kung gaano siya kawasak. His kisses screams miserably and pain.
And my kisses screams solace and company.
Give me your pain, Yael. Give me all of it.
-
I didn’t know that, that will be the last time that I’ll hear those three words from him. Two months has already passed and every single day gets harder and harder.
He’s getting colder and colder. We still kiss sometimes but it wasn’t the same anymore. He was here but he’s becoming aloof.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pumapasok sa trabaho niya. Noong bago-bago pa lamang ang pagkamatay ni Ariana ay nagpaalam ako sa trabaho ko na hindi muna ako papasok nang kahit isang linggo lang. Ang buong isang linggo kong iyon ay kay Yael ko ibinuhos. I took good care of him, consoling him in every possible way that I could.
At maging hanggang ngayon na balik na ako sa trabaho ay hindi ko pa rin siya iniiwan. Dito na ako sa condo niya parating tumutuloy para mas lalo siyang matutukan.
I can say that he’s changed… Oo, tahimik na tao si Yael pero sa tuwing magkasama kami noon ay hindi kami nawawalan nang mapagku-kwentuhan. Swerte na nga kung maituturing sa tuwing makakausap ko siya nang limang minutong walang putol.
Ngayong buwan na ito ay napapadalas na ang pag-alis niya pero hindi naman niya sinasabi kung saan siya nagpupunta.
Kapag tinatanong ko siya kung saan siya nanggaling ay “diyan lang” ang parati niyang sagot. Hindi na ako nakikipagtalo dahil alam kong hindi ganoon ang kailangan ni Yael.
I want to be an understanding girlfriend to him as much as I can.
Napatingin ako sa wall clock. Alas diyes na nang gabi at suot-suot ko na ang aking uniporme dahil pang-gabi ang duty ko ngayon. Kaninang umaga na nagising ako ay wala na si Yael sa tabi ko at hanggang ngayong magdu-duty na ako ay wala pa rin siya.
Pero ipinagluto ko pa rin siya ng pagkain sa kaling umuwi siya maya-maya. Muli kong pinasadahan ang mga texts ko kay Yael simula kaninang umaga.
Me:
Yael, where are you?
Me:
Please text me back when you got my message. Take care, okay?
Me:
Yael, have you ate lunch?
Me:
Papasok na ako sa trabaho. Ipinagluto kita. Please kumain ka kapag nakauwi ka na.
Iyan ang huli kong text sa kanya na kakasend ko lamang kanina. Noong bago-bago pa lamang siyang umaalis-alis at bumabalik nang disoras ay nagpa-panic pa ako at hindi mapalagay pero ngayon ay parang nasanay na ako.
He’s been doing this for almost a month na. Palagi niya akong pinapatay sa pag-aalala pero alam ko naman na may pinagdadaanan siya kaya mas pinipili ko na lang siyang intindihin. I made a promise to him. I stayed during his better days and I’d still stay during his worse.
I’m not gonna lie, this whole thing wasn’t easy. Hindi ko na rin masyadong nabibigyan nang pansin ang sarili ko dahil si Yael ang mahalaga sa akin sa ngayon kumpara sa sarili ko.
I’m trying my very best to be strong for him. Sa tuwing wala siya ay doon lamang ako nakakaiyak, doon ko lang naamin sa sarili ko na mahina ako. There are some nights na hindi siya umuuwi and I’d just cry myself to sleep because I miss him.
I miss him so damn much. We were living under the same roof but it still feels like we were million miles away from each other.
Ang layo-layo na ni Yael. I’m always trying to reach out to him but the walls that he built around himself was too strong and there’s no way to break them.
Saktong pagbukas ko nang pintuan para lumabas na ay si Yael ang bumungad sa akin. Katulad ko ay nakahawak rin siya sa may doorknob. I was stunned for a few seconds but after that I found myself backing away.
Siya naman ay tuluyan nang pumasok at isinara ang pintuan.
“I see, tonight’s your duty. Pasensya ka na, hindi kita maihahatid sa trabaho.” Aniya nang makaharap na siya sa akin.
Hindi na bago sa akin ang ganito. Simula nang makauwi kami ay hindi na ako inihahatid sundo ni Yael sa ospital. Wala namang problema sa akin iyon dahil kayang-kaya ko namang mag commute at gusto ko rin na magpahinga na lang muna siya.
“Ayos lang…” Sagot ko sa kanya. “Saan ka nga pala galing?” Malambing kong tanong kahit na gusto ko nang maiyak. Miss na miss ko na siya. Gustong-gusto ko siyang yakapin.
“Wala, diyan lang…” parati niyang sagot.
“Ahh…” tumango-tango kong sabi at humakbang papalapit sa kanya. He looked at me with furrowed forehead.
“Kumain ka na ba?” Tanong ko sa kanya at hinawakan siya sa braso.
He nod while looking at me warily.
“I have to go…” Paalam ko sa kanya at tumikyad para bigyan siya nang halik sa mga labi. It should be just a peck but the moment my lips met his I suddenly wanted more. He was taken aback for a second but he kissed me back anyway.
But his kisses now were still different. They were too detached, passionless, and stoic. Right now he was just kissing me. Just kissing me. I can no longer feel the emotion, the hunger, and the excitement and it’s triggering the desperation I have in me.
I wrapped my arms around his nape, pulling him closer to me, feeling desperate to find something in his kisses.
I was desperately seeking the emotion and passion that his kisses used to have.
Tila ba nabigo ako sa paghahanap kong iyon nang tumigil siya sa paghalik sa akin at sinubukan niyang ilayo ang kanyang mga labi mula sa akin pero mas lalo ko lamang siyang hinila mula sa batok at muling siniil nang mga halik.
“Trix… I’m tired.” He managed to say in my mouth while I was kissing him desperately.
This time he didn’t kiss me back. At tila ba binuhusan ako nang malamig na tubig nang itulak niya ako palayo sa kanya. It wasn’t hard but it’s enough to crush my heart into pieces.
“What are you doing, Beatrix?” He said in gritted teeth.
“I-I just want to kiss you,” nag-iinit nanaman ang magkabilang sulok nang aking mga mata.
Lumambot ang kanyang ekspresyon. “I’m sorry… I’m… I’m just tired.”
“Could you be honest with me, Yael? M-may iba ka na ba? Kaya ba nanlalamig ka na sa akin dahil may iba ka nang kinahuhumalingan?” hindi ko napigilang tanong.
He don’t do the same drug anymore. I used to be his drug! Pero ngayon ay tila ba nagsawa na siya sa akin kaya unti-unti na siyang nanlalamig.
He looked at me in disbelief as anger starts invading his eyes.
“What?” He asked in disbelief.
“M-may ibang babae ka na ba?” lakas loob kong tanong. Kaya ba parati na siyang late kung umuwi? Kaya ba napapadalas na ang pag-alis niya?
His jaw tightened. “Sa tingin mo ba makakapambabae pa ako sa lagay ‘kong ‘to, Beatrix?! Sa tingin mo may oras pa ako para sa mga walang kwentang bagay katulad nang ibinibintang mo sa akin?!”
“You see, Beatrix, I’m fucking miserable! I’m too damn wrecked to even think of cheating on you! You don’t know what I’m going through, I’m so fucking exhausted so don’t start me with your false accusations because I’m already so damn tired of the bullshits that this world keeps throwing at me!”
“I-I’m sorry, Yael… H-hindi ko sinasadya. Hindi ko na kasi alam k-kung ano ang iisipin ko. I’m sorry, Yael, please…” I begged. Humakbang ako papalapit sa kanya pero umatras siya palayo.
“Yael… Sorry. I’m sorry. H-hindi na mauulit.” Sinubukan kong hawakan ang braso niya pero mabilis siyang nag-iwas at kaagad akong tinalikuran.
Ang sunod ko na lamang narinig ay ang pagbagsak nang pintuan.
He left me here, dumbfounded. Wala akong ibang nagawa kung hindi umiyak at pagsapit nang alas onse ay pinili ko na lamang na tumuloy sa pagpasok sa trabaho.
Gusto ko munang libangin ang sarili ko para mas makapag-isip ako nang maayos kung paano kami magbabati ni Yael. Kasalanan ko lahat. Hindi ko siya inintindi at pinagbintangan ko pa siya. Imbes na intindihin ko siya ay ganito pa ang ginawa ko.
Ginawa ko ang lahat nang kaya ko para pigilan ang sarili ko na umiyak sa sinasakyan kong jeep. Nagawa ko naman pero mas lalo lang akong nahirapan at nasaktan dahil hindi ko mailabas-labas ang nararamdaman ko.
Nasa entrance pa lamang ako nang ospital ay nakaramdam na ako kaagad nang panghihilo at matinding pananakit nang aking puson. Pinagpapawisan na rin ako nang malamig at hindi ko na maihakbang ang mga paa ko dahil sa sobrang sakit nang puson ko. Napahawak pa ako doon na para bang kaya nitong ibsan ang sakit pero lalo lamang itong lumalala.
“Beatrix?! Oh my God! You’re bleeding!” narinig ko ang malakas na boses ni Kaye. Napatingin ako ibaba ko at nakita ko ang puting scrub pants kong suot na namatsahan nang maraming dugo.
The white scrub pants bathing with my blood was the last thing that I saw and then everything went black.
___________________________
Next chapter is going to be the Last chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top