Chapter 28

Chapter 28

Fears

Hindi ko alam kung nanadya ba talaga ang tadhana o ano pero sa tuwing may mahahalagang okasyon ay hindi ko nakakasama si Yael. Noong nakaraang pasko ay wala siya at ganoon rin noong New Year.

Ang sabi ni papa ay kailangan ko daw masanay dahil ganoon daw talaga ang mga piloto. Halos palagi silang wala tuwing holidays dahil maraming mga tao ang nag a-out of the town and country. Naiintindihan ko naman iyon dahil maging ako ay nagdu-duty pa rin kahit pasko dahil dumadami ang mga pasyenteng naia-admit sa tuwing ganitong mga season.

So far this is year is going really well. Colton and Jess are already okay. Hindi ko alam kung papaano nangyari iyon dahil hindi ko pa naman nakakausap nang solo ang dalawa. Pero masaya ako para sa kanila. Actually, mga bata pa lang kami ni Jess ay nakikitaan ko na sila ng chemistry ni Colton.

Napapansin ko noon na kahit parating inaasar ni Colton si Jess ay may pakialam pa rin siya dito. But who would've thought that they will end up together? They're like the human version of Tom and Jerry.

"Hoy! Malandi ka! Tigil-tigilan mo nga ang kakatext mo diyan sa boyfriend mo at naghihingalo na yang pasyente mo!" Basag ni Nick kay Kaye na kasalukuyang nakangisi habang hawak-hawak ang phone nito. Hindi naman siya pinansin ni Kaye at nagpatuloy lang sa pagte-text kay Matthias.

Yes, Matthias Abrigo. I don't know how that freaking happened but it already happened. Noong una nga ay puro kami paalala kay Kayeleen dahil pareho kaming walang katiwa-tiwala ni Nick kay Matthias. I even asked Yael about Matthias since they were friends.

Ang sabi naman ni Yael na malandi lang daw talaga si Matthias but once he's committed, he'd be faithful to his partner. I asked Colton too and he replied the same. Sinabihan ko naman si Yael na siguraduhin niya dahil kapag umiyak ang kaibigan ko sa kaibigan nilang dalawa ni Colton ay pag-uumpugin ko sila.

"Baby, I'm not that kind of friend that will tolerate any form of cheating... and besides, hindi naman kami madalas magkasama ni Matthias. Si Cyprian, siya ang madalas niyang kasama."

Iyan ang naalala kong isinagot niya sa akin.

"O, ikaw. Mag text ka na rin, Beatrix. Para pag-umpugin ko na kayong dalawa!" Imbyernang-imbyernang sabi ni Nickolas.

Nginisian ko siya. "Kasalukuyang nagpapalipad nang eroplano ni Yael ngayon, e. Hindi niya rin naman mare-receive kung mag te-text ako." Sagot ko. Lalo namang sumimangot ang mukha niya at isa-isa niya kaming inirapan.

"Hay nako, bakla. Mag boyfriend ka na rin kasi nang hindi ka na mainggit sa amin! At syempre para maging blooming ka na rin. Tingnan mo nga kami ni Beatrix, laging blooming kasi laging nadidiligan." Aniya at humagikgik pa. Natawa na lang ako sa sinabi niya sabay iling lalo na nang makita ko ang pagngiwi ni Nick.

"Ulol! E, ilang beses nga lang sa isang buwan kung umuwi ang mga jowa niyo!"

"Kaya nga laging nadidiligan kasi palaging sabik, diba?" ganti pa ni Kaye.

"Ugh! For the love of God!" He groaned in disgust.

Humalakhak naman si Kaye at binalingan ako nang tingin. "Ano, double date tayo minsan kasama ng mga captains natin?" She wiggled his eyebrows at me.

"Sure, why not?" I played along. I know that she just wanted to piss Nickolas off and it's really working. Ewan ko ba sa baklang 'to. Baka nireregla kaya ganyan.

Matapos nang mabilising pagkain naming tatlo ay bumalik na kami sa pagdu-duty. Mga bandang alas dose na nang matapos ang duty namin. Si Kaye ay sinundo ni Matthias at kami namang dalawa ni Nick ay umuwing mag-isa. Habang nakasakay ako sa jeep ay biglang tumunog ang phone ko at halos mapalundag ako nang makita ko ang pangalan ni Yael sa screen. Hindi na ako nagsayang nang oras at kaagad ko nang binuksan ang message niya para mareplyan.

Yael:

Are you home?

Me:

Almost.

Yael:

Okay. Be there at my pad. I'll be home after an hour.

Nakaramdam naman ako nang excitement. God! Finally! After eight lonely days!

Me:

Alright, Captain. I'll see you!

Itatago ko na sana ang phone ko pero bigla nanamang tumunog ito.

Yael:

Beatrix?

I type a reply immediately.

Me:

Yes?

I waited for his reply.

Yael:

I love you.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko para pigilan ang mga ngiti ko. Halos magpadyak-padyak pa ako dito habang tinititigan ang text niya pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Come on, Beatrix. Pull yourself together!

Mag ta-type na sana ako nang reply pero nang mapatingin ako sa may binatana ay nagpagtanto kong lumampas na pala ako sa HTO.

"Ay manong, para po!" Kaagad kong sabi at unti-unti namang tumigil yung jeep. Hiyang-hiya ako sa sarili ko habang pababa ako ng jeep.

Kaya pala madalang lang kung mag text ng "I love you" si Yael dahil nakakawala sa sarili. Kinailangan ko pa tuloy mag lakad pabalik sa building. Pagdating ko sa unit ni Yael ay kaagad akong dumiretso sa banyo niya para maligo.

Nang matapos na akong magbihis ay nagluto ako ng Afritada para pagdating ni Yael ay makakain na siya. He said he'll be here after an hour. I've waited for another few minutes and then I heard a soft knock on the door. Excitement rushed in as I stood up and rushed to open the door.

Pagbukas na pagbukas ko ng pintuan ay kaagad akong sinunggaban ng halik ni Yael. My arms automatically wrapped around his nape as he pulls me closer. He used his body to gently push me inside. Tapos ay sinipa niya patalikod ang pintuan nang hindi tumitigil sa paghalik sa akin.

This always happens all the time, we'll start on the living room and then we'll end up in his bedroom.

"Damn, I missed you!" He groaned before ravishing my jaw. I moaned as a grab a fistful of his hair.

"I missed you too..." I moaned. I felt his hand on the hem of my shirt and he was about to crawl his hand inside when the door suddenly opened. Awtomatiko kaming naghiwalay ni Yael at napatingin doon sa may pintuan.

"C-Colton?" Napasinghap ako.

Yael and I both stiffed. Para kaming tinakasan ng dugo dahil sa sandaling pamumutla ngunit pareho ring kaming namula nang bumalik ang dugo na iyon.

"Hey..." Bati ni Colton sa amin at siya na mismo ang nagkusang pumasok.

"What are you doing here, man?"

Colton shrugged. "Gusto ko lang manghiram ng susi kay Beatrix. May kukunin lang ako sa kabila."

Yael cleared his throat as he run his fingers through his hair.

"Oh, o-okay." sagot ko na lamang bago mabilis na humakbang papunta doon sa sofa kung nasaan yung bag ko. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin nung dalawa sa akin habang tensyonado kong hinahanap ang susi sa loob ng bag ko.

"By the way, Yael. You left your suitcase outside." Makahulugang sabi ni Colton kaya natigilan ako sa paghalukat ng susi. Damn! Nasaan na ba kasi iyon?

"Oh yeah... I'll get it, thanks." I heard Yael replied, trying to sound casual. Kinuha nga niya ang suitcase na iniwan niya sa labas at ipinasok saka muling isinara ang pintuan.

Sa wakas ay nahanap ko na iyongsusi at kaagad na iniabot iyon kay Colton.

"Thanks," pilit siyang ngumiti. Tumango na lamang ako. I don't know what the hell to response when he's giving us that intimidating look.
Yes, he's smiling but his demeanor is so intimidating.

"Naamoy ko yung ulam niyo at bigla akong nagutom. Can I eat lunch with you guys?" 

Napaawang ang bibig ko pero hindi nagtagal ay pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"Are you serious?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Dang! I know what he's trying to do.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Do I look like I'm joking, Beatrix Hayle?"

Yael cleared his throat.

"Sure, Colton. You can join us." Ani Yael at nagpalipat-lipat ng tingin sa amin. Nag-igting ang aking bagang ngunit hindi na ako nagsalita.

Colton grinned triumphantly as he fished his phone in his pocket. Pinanuod lamang namin siya ni Yael habang may idina-dial sa phone niya.
He put his phone on his ear as he waits for the person that he dialed to pick up.

Nakatingin lang siya sa amin ni Yael habang hinihintay na sagutin ang tawag niya.

"Hello, Jess... H'wag mo na akong hintayin. Mauna ka nang mag lunch dahil matatagalan ako dito..."

My brows furrowed as I shot Colton a stare like he's the most ridiculous person in the world. May pagkain naman pala siya sa bahay nila tapos ay dito pa niya gustong kumain. Damn. I know what he's up to.

I looked at Yael pleadingly. He just smiled at me and nodded his head like he's telling me that he could handle this. Ngumuso na lamang ako.

"No, wala namang problema. Makikikain lang ako kina Yael... Alright, I'll call you later."

"You'd really let your wife have lunch by herself?" Hindi ko mapigilang tanong nang maibaba na niya ang tawag.

Ngumisi siya at umiling. "No, not really... but today is an exception." Aniya at nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa.

I looked at Yael and he wet his lips. Napakamot pa siya sa kanyang kilay dahil sa namumuong tensyon sa pagitan naming dalawang magkapatid. He's actually into it but he just chose to shut his mouth.

"Alright, you two... Let's have our lunch. I'm hungry." Ani Yael.

Pare-pareho na kaming nagtungo sa kusina. Yael helped me in preparing while Colton just sat there, watching every move we make like he's freaking detective.

Habang nagsasandok si Yael ng ulam ay tinikman niya iyong sarsa na kumalat sa may bowl.

"This tastes good..." Puri niya kaya tumigil ako sa pagsandok ng kanin at nakangiti siyang tiningnan.

"Thanks."

"You're always welcome," he grinned before giving me a peck on the lips. Namilog ang aking mga mata at napaawang ang aking bibig sa ginawa ni Yael. He really did the in front of my paranoid brother? Nakatingin lang ako sa kanya habang kaswal siyang bumalik sa ginagawa niya na para bang walang nangyari.

"Ehegm. Asshole. Ehegm." We heard Colton cleared his throat. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagguhit ng ngisi sa mga labi ni Yael dahil sa reaksyon ni Colton.

I knew it. He's trying to piss Colton and it's working. Umiling na lamang ako at tinapos na ang aking ginagawa. Nang maihanda na namin ni Yael ang lahat ay sinaluhan na namin si Colton sa hapag. Magkatabi kami ni Yael sa upuan habang si Colton naman ay nasa may harapan namin.

I can somehow see Yael in Colton on how he reacts to this whole situation. As much as I want to fool and make myself believe that Colton didn't caught us making out but I know that he actually did. He saw it with his own two eyes and Colton is not stupid nor dense.

From the moment that he saw Yael and I being intimate, he knew that there was something more that's going on between his sister and his best friend.

That's why it's normal for him to act like an asshole... Well, for them it is. That's what Yael taught me. A brother will always be protective of her younger sister no matter what.

"How's Ariana, by the way?" Naningkit ang mga mata ni Colton habang kinakamusta si Ariana kay Yael. The way he looks at Yael says 'Come on, asshole. You have a sister, too. You'd understand why I'm doing this.'

"She's doing great, Colton. Actually, malapit na ang birthday niya."

Nabanggit nga ni Yael sa akin 'yan. Binigyan niya nga ng ticket si Ariana ng trip to Camiguin para magkaroon siya ng time sa sarili niya. At ang cool dahil may posibilidad na si Yael ang magpapalipad ng eroplanong sasakyan ni Ariana pauwi.

Sa umpisa ay ayaw tanggapin ni Ariana ang alok niya pero nakumbinsi niya naman ito. Ang kwento nga sa akin ni Yael ay medyo nangangamba siya na baka maging kasing workaholic siya ni Isidore.

"Oh yeah, January 22... Wala pa bang boyfriend?"

Natawa si Yael. "Wala pa. The guy who's currently into him as such a pussy."

Tumaas ang isang sulok ng labi ni Colton.

"Really?"

"Dude, he doesn't even have the guts to ask for my sister's number."

Pagkukwento ni Yael at tumawa pa silang dalawa. I don't understand these guys. Really. They could go from pissing and intimidating each other into bullying a some other guy's capability to ask a girl out.

"Gago, baka naman tumitiyempo lang." Ani Colton pero bakas pa rin ang panlalait sa mga mukha nila. Akala mo naman kung sinong matatapang ang mga ito, e.

Yael frowned.

"Tiyempo? Ang tagal naman niya kumuha nang tiyempo. Inabot na nang pasko at new year... Anong petsa na? Mag tu-twenty five na nga ang kapatid ko."

Humalakhak si Colton sabay inom ng tubig. "Shit, no balls. Sino ba 'yan?"

They continued bullying Ryan, completely ignoring me.

"Kapatid ni Rhian..." Sagot ni Yael.

Colton eyes widened.

"Seryoso?" Hindi niya makapaniwalang sabi at tiningnan ako para humingi nang kompirmasyon.

Tumango naman ako. Hindi naman ako nagbabase doon sa ipinakita ni Ryan kay Ari noong nasa supermarket kami. Pero noong pasko kasi at pareho kaming naka duty ni Ryan ay itinanong niya bigla sa akin si Ariana.

I even offered him Ari's number even though Yael warned me not to give it to Ryan kung sakali mang hingiin niya ito sa akin pero siya na mismo itong tumanggi.  Baka daw magwala pa si Yael.

"Damn! Mas malakas pa yata ang loob ng ate niya kaysa sa kanya... Hindi ba panay ang pagpapakita ng motibo sa'yo ni Rhian noon?" Komento ni Colton na ikinatigil ko.

Yael clicked his tongue and glared at Colton. Colton just shrugged.

"How about Honey, Yael? Is she still crazy over you?" Pang-aasar pa niya.
Napasimangot naman ako at tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain ko. I secretly glanced at Yael and I saw him mouthed 'Gago' at Colton.

"How about the Japanese chick—"

"Damn you! Kailan pa mayroong nagkagusto saakin na haponesa?" Pinaningkitan niya ito ng mga mata.

Colton shot me a playful look.

"I saw him when in Singapore, Beatrix. He's been out and about with the japanese chick."

I frown at what Colton said. I know that he's just trying to piss me and Yael.

"Butthole, I know what you're trying to do."

Binalingan ako nang tingin ni Yael. I felt his palm on the lower part of my back.

"Hey," hindi ko pinansin si Yael at pinagpatuloy lang ang pagkain ko.

"Don't tell me you believe him?"

Hindi ako ulit sumagot.

He let out a frustrated groan and I heard Colton laughed.

"You're a fucking asshole, Colton."

"So I've heard... Oh well, thank you for this wonderful lunch. I have to come home to my wife. Bye sis,"

I heard the sound of a chair moving backwards. At hindi nagtagal ay narinig ko na rin ang pagsara ng pintuan.

Yael let out a deep frustrated sigh.

"Look, your brother—"

"Is an asshole, I know." Hinarap ko siya nang may ngisi sa mga labi.

Kumunot ang noo niya. "You're not mad?"

Tumawa ako at umiling. "It was just an act! Hindi naman kasi aalis iyon hangga't hindi niya tayo naiinis." Sabi ko.

Nakahinga naman siya nang maluwang at di nagtagal ay natawa na lang din.

"But you really doesn't have a japanese chick, right?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"What? No!"

"Okay, okay. I believe you." I said, nodding as I place a peck on his lips.

Being in a relationship with a pilot means there will be alot of hellos and goodbyes.

Katulad ngayon, he was now away for a week.

Limitado lang ang mga araw na magkasama kayo but I'm not complaining dahil kahit na madalas kaming hindi magkasama ay masaya naman kami. We never fail to communicate with each other no matter how busy we are. We had our small arguments pero hindi naman lumilipas ang isang araw na hindi kami nagkaka-ayos.

He never let me sleep with an anger in my chest. Madalas kahit ako ang mali ay siya iyong manunuyo.

I'm not saying that I'm proud of it because I know how unfair that is from his part. I just want to say that I'm so damn lucky to have him.

Men like him are very rare. A man's pride is as high as an empire state. Pero si Yael, he's different. He's the one.

Naibalik ako sa realidad nang marinig ko ang ingay na nanggaling sa mga abulansya. I saw Ryan and doc Sison rushing to get into the ER, and even the other doctors too.

Sa aming mga nagta-trabaho sa ospital ay madalas mangyari ang mga ganitong sitwasyon.

And even though it happens all the time we just never got used to it. We still cannot help but to feel sorry and sad everytime we witness people struggling to live.

Everytime I see patient in 50/50, I always put myself in the situation of this person's loved ones. It must be really, really hard for them.

It must be really hard to see one of the members of your family suffer and you can do nothing about it.
Iyong wala kang magawa kung hindi magdasal at magmakaawa sa Diyos na sana ay bigyan niya pa ito ng isa pang pagkakataon para mabuhay.

One of the things that I fear the most is to see one of my loved ones lying on a hospital bed. 

"Beatrix!" Malayo pa lang si Nick ay narinig ko na ang boses niya. Lumingon ako at nakita ko siyang tumatakbo papunta sa direksyon ko.

"May eroplanong nag crash... at si Yael ang piloto."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top