Chapter 27

Chapter 27

Ariana Althea Salcedo

“I like Beatrix…” natigilan ako sa paghakbang papuntang kusina nang marinig ko ang pangalan ko. I like Beatrix. It belongs to tita Yngrid. My heart melted that instant.

Every girlfriend wants their boyfriend’s mom to like them and that is kind of rare in this generation. So, consider me lucky and blessed.

“Of course, ma. Who wouldn’t? I mean, look at her… she’s lovely.” It’s Ari. God, my heart is so touched. I love Yael, I love his parents, and I love his sister. God!

I heard tita Yngrid chuckled in a demure manner.

“They look so good together, aren’t they, sweetheart?”

“Oh, I ship them, ma. You know ma, ngayon ko lang nakitang nabaliw ng ganyan si kuya Yael sa isang babae…”

Napakagat ako sa ibabang labi ko sabay hawak sa dibdib ko. The feels is freaking too much. I know this is eavesdropping but I can’t help it.

“I agree with you, honey. What do you think they’re doing upstairs?”

“I don’t know, ma. Napping? I guess…” I heard Ari’s soft voice.

“Ariana…” I heard tita Yngrid called Ari’s name. I pressed my lips together as my brows furrowed. Nakaka buhay ng kyuryosidad ang tono nang pagtawag ni tita sa pangalan ni Ari.
“Yes, ma?”

“You think they already had s-three-x?” humina ang boses niya ngunit narinig ko pa rin kung ano ang sinabi niya. Lalong kumunot ang noo ko. Ano daw?

“Come again, ma?” her soft voice was filled with confusion.

“S-three-x. Come on, sweetheart. Spell it in your head.”

Napaawang ang bibig ko sabay tingin sa may bandang itaas. I tried spelling it in my head.

S-three-x.  S3x.

Oh my God!

Naitakip ko na lamang ang palad ko sa bibig ko kasabay ng pamumula ng magkabila kong pisngi. Dang! She means ‘sex’. She’s asking Ari if she thinks that his brother and I already had sex! Oh God, oh God!

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Yes, Yael and I already had s-three-x but we haven’t done it upstairs awhile ago. We just took a good nap and for the love of God, I don’t think Yael would initiate to have s-three-x with me while we’re in his parents’ house.

He’s a man with a huge respect for his parents. Naalala ko pa iyong sinabi niya noong pinag-isipan ko siyang nahuli ni manang Mercy na nakikipag s-three-x (shit, I’m so hooked with the s-three-x thing.) sa bahay ng parents niya.

Ang sabi niya noon ay wala siyang balaj gawing motel itong bahay ng parents niya.


“Ma! Ano ba naman ‘yan? Bakit mo tinatanong sakin ‘yan?” Kahit hindi ko nakikita si Ari ay bakas sa boses niya ang pagkahiya at maging ang mga pisngi niya ay namumula na rin sa aking palagay. I think we got the same reaction.

I heard tita Yngrid giggled. “Your brother is not a kid no more, Ari. He’s already thirty-one!”

Natawa na lamang si Ariana. “Ewan ko sa’yo, mama. May nalalaman ka pang s-three-x.”

“Well, I just want to know… I want a grandchild already.”

“You can talk to them regarding that matter.”

Napaisip ako. Posible na mabuntis nga ako dahil sa ginagawa namin ni Yael. He never used protection and I’m not taking birth control pills.

Wala pa kaming napag-uusapan ni Yael tungkol dito pero kung sakali mang may mabuo ay ayos lang dahil pareho na kaming nasa edad at may mga trabaho. At wala naman akong pangamba dahil kung si Yael ang magiging tatay ng anak ko ay walang problema.

He’s going to be a great father.

I pull myself together before walking inside the kitchen. Sinalubong ko sila kaagad ng ngiti at isang bati. They both looked surprised when they saw me pero napalitan din iyon nang tuwa.

“Hello, hija.”

“Hi, Beatrix.”

Sinilip ko kung ano ang ginagawa nila. I see, they’re cooking something.

“May maitutulong po ba ako sa inyo tita?” Presinta ko.

“Naku, h’wag na Beatrix. Kaya na namin ni mama ito. Magpahinga ka na lang.” Sagot kaagad ni Ariana at itinigil saglit ang paghihiwa niya ng carrots.

“Tama siya, hija… Nasaan nga pala si Yael at bakit hinahayaan ka niyang mag-isa?”

“Natutulog pa po siya, tita. Maging ako po ay kakagising ko lang halos kaya nakapag-pahinga na ako. Pwede na po ba akong tumulong?”

“Okay, it’s fine by me.” nakangiting sagot ni tita. Tiningnan ko naman si Ariana para hintayin ang sagot niya.

“Alright, come on in! Para na rin maka-bonding ka namin, Beatrix.”

Tinulungan ko silang mag prepare ng dinner. Sa ilang oras na nakasama ko sila ay hindi na ako nakaramdam ng ilang. I don’t know how they do it but being with them felt like home. Ramdam na ramdam ko talaga na welcome ako sa pamilya nila.

Kami ni Ariana ay close na close na kaagad. We already even exchanged numbers and social media accounts.

This is so perfect I’m beginning to feel terrified… masayang-masaya ako ngayon pero natatakot ako na baka biglaan na lang bawiin sa akin.

Pinilit ko ang sarili ko na alisin ang mga ganoong kaisipan. Siguro natakot lang ako dahil pakiramdam ko ay kapag sumasaya ako ay kaagad ding binabawi. Maybe I’m just overthinking things.

“I think this one’s ready…” Komento ni Ari sabay patay doon sa stove. Ari and I helped each other in preparing the menudo while tita Yngrid prepared the caldereta all by herself. Iyon daw ang specialty niya kaya hindi namin siya pinakialaman ni Ariana.

“Tikman mo…” Marahan niyang sabi at kumuha ng malinis na kutsara at nagsandok ng kaunting sarsa doon sa menudo. She blew it before placing the spoon near my mouth. Hindi na ako nag atubuli at tinikman ko na iyon.

Nagkatinginan kami at napangiti sa isa’t-isa.

“Perfect.” Nakangisi kong sabi at nag high five pa kaming dalawa.

I heard tita Yngrid giggled. “Alright, alright. I guess dinner’s ready. I’ll go upstairs to call Viktor and you, Beatrix honey, you go wake Yael up.”

“How about me, ma? Sino ang tatawagan ko?” Pabirong sabi ni Ariana. Natawa ako nang bahagya sa kanya.

“Call all the saints and gods above and ask them to bless you a boyfriend.”

Ari jokingly frowned and tita Yngrid and I just let out a delicious laugh.

-

Pagpasok ko sa kwarto ni Yael ay nadatnan ko pa rin siyang natutulog. He’s lying on his stomach. Nakapatong ang kabila niyang pisngi sa unan na yakap-yakap niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at pinagmasdan ng ilang sandali ang mukha niyang natutulog.

Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa kanyang noo sabay ngiti nang makita ko nang mas malinaw ang kanyang mukha.

“Yael, wake-up.” Marahan kong sabi at dumagan sa kanyang likod.

“Come on, wake-up.” Ulit ko at pinaulanan siya nang mga halik sa pisngi. Bahagya siyang gumalaw at sandali akong natigilan pero di nagtagal ay ipinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa ko.

I heard him chuckled. Dahan-dahan siyang umayos nang higa. He’s now lying on his back and now I’m lying on top of him. Kaagad niyang iniyakap ang mga braso niya sa bewang ko. Hindi naman ako pumalag.

I looked at him and his eyes are half opened. “Hi, baby.” he greeted in a husky voice and then he gave me a lazy smile.

“Dinner’s ready.” anunsiyo ko sa kanya habang nakangiti. Mas lalo namang humigpit ang yakap niya sa akin. He even started caressing my back using his other hand.

“Give me a minute…” Inaantok niya pang pakiusap. Tumango na lamang ako at ngumiti tapos ay umayos ako nang higa sa ibabaw niya. Ibinaba ko ang tenga ko sa may dibdib niya para pakinggan ang pagtibok ng puso niya. It’s beating so beautifully fast.

His heartbeat is one of my favorite sounds.

“I helped your mother and your sister in preparing dinner.” I told him while drawing little circles on his chest.

He let out a low chuckle. “Too bad I wasn’t able to watch the three important women in my life preparing our dinner.”

“Yeah, too bad.” I played along.
I felt his hand on my face. Inaalis niya ang mga ilang hiblang buhok na nagkalat sa mukha ko.

“I’m so happy, Trix.” Aniya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

“I’m so, so happy too.” Nakangiti kong sagot sa kanya. Sana lagi na lang ganito. I don’t want this perfect moment to end.
“I heard tita Yngrid ask if we already had s-three-x.” sabi ko at kinagat ang pang-ibabang labi ko para h’wag akong matawa.

Nag-angat ako saglit ng tingin sa kanya at sinalubong ako nang kanyang mukhang nakakunot ang noo.

“S-three-x?” confusion filled his voice. Napahagikgik ako at tumango-tango habang ang ulo ko ay nasa dibdib pa rin niya.

“What kind of language is that? I don’t get it.” Mas lalo akong natawa pero tumikhim din ako kaagad para pigilan ang sarili ko.
“S-three-x. Come on, sweetheart. Spell it in your head.” I said, imitating tita Yngrid.

“You sound like my mother…” komento niya.

I chuckled. “Just spell it.”
Huminga siya nang malalim at saglit siyang nanahimik. Hindi ko na alam kung papaano ko pa pipigilan ang tawa ko habang pilit niyang iniintindi ang sinabi ng mama niya. I felt him gasp after a few minutes.

“Jesus! What the hell? I’m so sorry for that, Trix.”
Nag-angat ako nang tingin sa kanya. Ipinatong ko ang baba ko sa dibdib niya para panuorin ang reaksyon niya. He looks so damn cute! Namumula siya at hindi niya alam kung mapapasabunot ba siya sa buhok niya o maitatampal na lang ang palad niya sa kanyang noo.

“It’s okay… Nakakatawa nga, e. Your mother is cute.”

“I still can’t believe it. Kung ano-ano ang mga itinuturo ni Laura sa mama ko.” Napailing siya. Ako naman ngayon ang kumunot ang noo.

“Who’s Laura?”
“She’s my mother’s new hired assistant. She loves saying words like ‘OMG, sir Yael you slay and you’re always on fleek. HMU sometime.’ I don’t know what does that mean. I only understand the ‘omg’.” 

Napasimangot ako. I understand what that Laura said very well.
“Baka gusto niyang ako ang mag HMU sa kanya.” Inis kong sabi.
“Bakit, ano ba ang ibig sabihin no’n?”

Hindi ako sumagot. Umayos na lang ako nang higa sa ibabaw niya.
“Bakit kasi ang gwapo mo?” bulong ko at niyakap siya nang mahigpit. Sorry, Laura. Yael can’t hit you up right now because he’ll be dead!

“Hmm?”

“Nothing.”
Sandali kaming tuhamik. My stomach is on his stomach and the way we breathe is way too perfect like we’re dancing tango. Everytime he exhales, I inhales. Kaya hindi nagbubunggo ang mga tiyan namin.

Our momentum was suddenly ruined by the growl of my stomach. Pinamulahan naman ang buo kong mukha.

Yael shook underneath me and that’s when I realized that the bastard is laughing at me.

He playfully slapped my ass. “Come on, let’s get up and have our dinner…” Natatawa pa rin niyang sabi.

-

Alas diyes na nang umaga at kasalukuyan kaming nasa supermarket ni Yael kasama si Ariana. Dapat sa katulong iuutos ni tita Yngrid ang pamamalengke pero nagpresinta kaming dalawa ni Ariana at syempre dahil over protective itong si Yael ay pati siya ay sumama na rin.

Nakakalungkot lang dahil kailangan na naming bumalik sa Angeles bukas dahil kailangan na naming pumasok sa kani-kaniyang trabaho namin.
“What’s next?” Yael asked while pushing the cart.

I shrugged. “I don’t know. Na kay Ari yung listahan. Puntahan na lang natin siya sa may bread section.” Sabi ko. Ang paalam niya kasi ay pupunta siya doon para kumuha saglit ng wheat bread, nadala niya iyong listahan ni tita Yngrid sa kanya.
“Okay.”

Itinulak ni Yael ang cart habang magkatabi kaming naglalakad at sinisipat ang kung anong madaanan namin dahil baka sakaling makita namin si Ariana.

“No, take it.”

“It’s alright, miss. You take it.”

Parehas kaming natigilan ni Yael sa paglalakad nang makita namin si Ariana na may kausap na lalaki. The familiar guy is holding a wheat bread and he’s trying to hand it to Ari but Ari keeps on refusing.

“Ikaw naman ang nauna kaya sa’yo na ‘yan.” Ari said nicely. Kumunot ang noo ko at pinagmasdan iyong lalaki.

Napasinghap ako nang makita ko siya nang mas malinaw. Holy shiz! This is Dr. Ryan Ramirez!

“Miss, sa’yo na ‘to. I don’t really mind at all. I’ll just get myself a white bread.”

“Mister—“

“Hand it to me. Kung ayaw niyo sa amin na lang,” pinutol ni Yael ang pag-uusap nila at pumalad pa talaga siya sa direksyon ng dalawa. Sabay silang napatingin sa dako namin.

Pareho silang nagulat nang makita kami. I smiled at the both of them while Yael just gave Ryan an intimidating look.

“Beatrix? Yael?” gulat niyang sabi. Ngumisi lang ako at sinulyapan si Ariana. Yael silently pushed the cart towards them. Mas lalong sumeryoso ang mukha ni Yael nang magharap sila ni Ryan.

Napangisi ako. I know that this intimidating and glaring shit isn’t about me anymore.

“Magkakilala kayo?” naguguluhang tanong ni Ariana.

Yael didn’t even move a bit. His intimidating gaze is fixed on Ryan.

Ako na ang tumango at sumagot sa tanong ni Ari. “Yes, he’s Dr. Ryan Ramirez. We work in the same hospital.”

Binalingan ng tingin ni Ari si Ryan. “You’re a doctor?” kunot noo nitong tanong.

“Intern, miss.” Nakangiti nitong sagot kay Ariana. Saglit silang nagtitigan na dalawa at hindi nawala ang ngiti ni Ryan.

“Come on, doc. Hand the bread over.” Matigas na sabi ni Yael na naging dahilan upang makuha nanaman niya ang atensyon ng dalawa.

Ibinaling ni Ryan ang tingin niya kay Yael at nginisian ito saka ibinigay ang wheat bread.

“Aye-aye, captain.” Sagot pa niya na ikina igting ng panga ni Yael. Hindi ko alam kung matatawa ako sa dalawang ito o ano.

I cleared my throat. “Uhm… what are you doing here, Ryan?” I interject to lighten the atmosphere.

“Bukas na ‘yung operasyon, e. Kasama ko si Dr. Sison.”

Tumango-tango ako. “You’ll scrub in?” tanong ko.

He nodded. “Yeah. I have to.” Aniya at bumahid ang kaba sa kanyang mukha.

“Wishing you a good luck!” Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya.

“Ariana, halika na rito.” Tawag ni Yael sa kapatid habang nag-uusap kami ni Ryan. Hanggang ngayon kasi ay nakatayo pa rin si Ariana sa tabi ni Ryan.

Nagkatinginan ang dalawa. Nginitian at tinguan lamang siya ni Ryan at ganoon din ang ginawa ni Ari bago siya humakbang papalapit sa amin ni Yael.

“It was nice talking to you, Ryan but we really have to go.” Yael said and he didn’t sound like he really meant what he said. ‘Nice talking to you’ really, Yael?


“Oh, alright. See you when I see you.”

Yael nodded then he wrapped his arm around my waist before pushing the cart. I just smiled and mouthed ‘sorry’ before passing him by.

Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay natigilan kami pare-pareho nang biglang tawagin ni Ryan ang pangalan ni Yael.

“Yael…”

Pare-pareho kaming nakatingin sa kanya at hinihintay ang sasabihin niya.

“You have a beautiful sister.” aniya sabay tingin wrist watch niya at tumakbo na siya paalis.

“What the fuck?” Yael looked pissed and I couldn’t help but to giggle. Binalingan ko nang tingin si Ariana. Kagat-kagat niya ang pang-ibabang labi niya at pulang-pula ang kanyang buong mukha.

“Don’t tell me you fell from that? H’wag kang nagpapaniwala doon.”  kunot noo niyang sabi.

“Bakit, kuya? Pangit ba ako?”

“Hindi!” Mabilis na sagot ni Yael.

“He’s telling the truth, then.” she grinned at tiningnan ang listahan saka na kami tinalikuran.

“Ariana Althea Salcedo!” Yael called his sister in a warning tone.

Kaagad kong hinawakan ang braso ni Yael na nasa bewang ko.

“Hey, hey. Chill…”

He groaned and looked at me with furrowed forehead.

“Damn, she’s still a baby, Trix.”

Tinawanan ko siya at pinaningkitan ng mga mata. “What am I then, Yael? Magkasing edad lang kami ni Ariana pero inangkin mo na ako.”

He licked his lower lip. “That is why I now understand Colton why he’s constantly giving me death threats before.”

“Don’t tell me you’ll do the same with Ryan.”

He grinned gorgeously. “If he really has a plan on dating my sister he has to endure it. Ako nga kinaya ko, e.”

_________________________________

Lez finish dis

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top