Chapter 26

Chapter 26

Happy Birthday

We already arrived here in Makati. Dito pala sila nakatira sa Salcedo Village. Noong una ay akala ko ay niloloko niya lamang ako pero seryoso pala talaga siya.

Sinipat ko ang isang malaking bahay mula sa bintana ng itim na vios ni Yael. Hindi ko alam kung ilang beses na akong napalunok. My heart is beating so rapid like it's about to jump out of my chest.

Pinagpawisan ang aking mga palad nang buksan na ni Yael ang pintuan dito sa passenger seat. Ipinatong niya ang kanyang palad sa bubong ng kotse at doon sa itaas ng pintuan saka siya bahagyang yumuko para silipin ako.

Gumuhit ang ngisi sa kanyang mga labi. "Ready?"

I took a deep breath. "Sandali lang..." Sabi ko pa habang pinagapapatuloy ang aking pag inhale-exhale.

Narinig ko ang masarap niyang tawa. "Hey, it's alright. They won't bite." Natatawa pa rin niyang sabi sa akin. Ngumuso ako at nagmamakaawa siyang tiningnan.

He just nod his head at me, assuring that everything's gonna be alright. Nakangiti at nangungumbinsi niya akong tiningnan sa mga mata bago niya inilahad ang kanyang kamay.

Dinilaan ko ang pang-ibaba kong labi bago ko tuluyang tinanggap iyon. He helped me hop out of his car like a gentleman he is.

"Relax, they will love you." pagpapalakas niya sa loob ko saka niya isinarado ang pintuan ng kanyang sasakyan habang sa mukha ko pa rin ang kanyang tingin.

Tumango-tango na lamang ako kay Yael. At lumingon sa kanyang sasakyan para tingnan ang repkleksyon ko sa tinted na bintana. I'm wearing a maroon fitted dress, pinatungan ko pa iyon ng denim jacket. Yael is the one who suggested about the denim jacket thing and it turned out great. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niya sa denim jacket ko na 'to.

Pasimple kong pinasadahan ng tingin si Yael. He's wearing grey sweatshirt and a pair of jeans. His sweatshirt hugged his body so beautifully. Iyong kurba ng kanyang biceps ay hapit na hapit dahil sa pagkaka fit ng kanyang pang-itaas.

Tuluyan na kaming pumasok sa loob. Their front yard is well manicured and it has an organized landscaping. It also has a wall garden. Sa labas pa lamang ay malulula ka na sa ganda dahil parang isang napakagaling na arkitekto ang nagdisensyo nito.

Nahagip rin ng mga mata ko iyong mga hammock egg chairs. Naalala ko ang ikinwento ni Yael tungkol kay Rio, madalas daw siyang umupo sa mga iyon noon.

"Sir Yael," sinalubong kami noong isang katulong at kaagad niya akong nginitian nang mapansin niya ako. I smiled back at her.

"Happy birthday po, sir!" nakangiti nitong bati sa kasama ko. Yael smiled back and uttered his thanks. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Hindi ko pa naibibigay kay Yael iyong dapat kong ibibigay sa kanya, tanging greetings pa lang ang ibinibigay ko sa kanya.

Akala ko nga ay magtatampo ito dahil wala akong iniabot na regalo but it seems like he doesn't mind.

"May mga gamit ho ba kayo sa sasakyan, sir?" tanong nito.

"Ah, meron... paki kuha na lang, ha? Tapos paki-akyat na lang sa kwarto...  Salamat."

Tumango naman ito at nginitian ako ulit bago kami nakayukong nilampasan. Hindi ko napigilang ilibot ang mga mata ko sa paligid. The walls are light in colors, the pieces of furniture around also screams luxury.
The system of lighting is well-organized; there are also plenty of mirrors and windows. I don't know how to put everything I see into words. I was really astounded with the whole place.

Naibalik ako sa realidad nang mahagip ng mga mata ko ang mag-asawang kasalukuyang pababa sa mataas na hagdan, malayo pa lang ay todo ngiti na iyong babae na walang duda'y mama ni Yael. Naramdaman ko ang palad ni Yael sa ibabang parte ng likod ko habang pareho kaming nag-aantay sa pagbaba ng dalawa.

"Hmm... Is she the one?" nakangiti nitong bati nang tuluyan na silang makababa ng kanyang asawa na nakasuot na puting polo at kulay itim na levi's. His aura is intimidating but when yiu start looking into his eyes you'll see that he's a gentle and approachable man. Ngayon alam ko na, Yael got his eyes from his father.

Yael's mother is wearing a green fitted dress at mayroong perlas na kwintas ang nakapaikot sa kanyang leeg. Meeting his mother feels like meeting Michelle Pfeiffer in person. She's sophisticated and beautiful despite the few visible wrinkles.

Binalingan ako ng tingin ng kanyang ina at hindi mawala-wala ang mga ngiti nito sa mga labi. Bagamat nag-iinit ang magkabila kong pisngi ay nagawa ko pa rin itong ngitian pabalik.

Yael cleared his throat. "Ma, pa. This is Beatrix, my girlfriend." Pakilala niya sa akin. My heart skipped a beat after hearing the word 'my girlfriend'. Damn! Can you believe it? His parents are now in front of me and he's introducing me as his girlfriend.

"Good afternoon,  po mr. and mrs. Salcedo." Magalang kong bati habang nakangiti.

"Hello, hija." Bati pabalik sa akin ng kanyang ina habang ang kanyang ama naman ay ngiti lang ang iginawad sa akin.

Binalingan niya nang tingin ang asawa habang nakangiti. "Isn't she lovely, Viktor?" she said, pertaining to me. Dang! Another reason to blush.

"Very..." Mr. Salcedo agreed. Nahihiya lamang akong ngumiti at hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o ano? Sila lang kasing dalawa ang nag-uusap, ayokong isipin nilang bastos ako at basta-basta na lang nakikisali sa usapan.

"Why, thank you, ma, pa." Yael said with a chuckle.
Binalingan ako ng tingin ni Yael. "Trix, these are my parents. Yngrid and Viktor Salcedo." He introduced them.

"And please, drop the formality. Call me 'tita' and call my husband 'tito'"

I smiled, shyly. "O-okay po..."

"Shall we continue this in the dining area? Marami kaming inihandang pagkain..." Tita Yngrid said and everyone agreed. Nauna ang mag-asawa sa paglalakad habang kami naman ni Yael ay nakasunod sa kanilang likuran.

"See? I told you they'll love you..." Yael whispered and crinkled his nose while smiling at me. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya. That's new and he looked cute.

"Ma, sa'n si Ari?" tanong bigla ni Yael habang patungo kaming sa dining area.

"Ipinatawag saglit ni Isidore dahil kailangan na daw yung blueprint."

Yael snorted. "Sid still hasn't changed. He really has a thing for 'bad timing'."

"Oh, wait!" Tumigil si tita Yngrid sa paglalakad at dahil nasa likuran niya kami ay tumigil rin kami ni Yael. Nilingon niya kami.

"I invited your cousins in Punta Fuego to come over..."

Tumango-tango si Yael. "Really? What did they say?" tanong kaagad ni Yael.

"Unfortunately, they couldn't make it. Kahapon ko pa lamang kasi nasabi." malungkot nitong pahayag. I honestly don't understand what and who they're talking about.

"Talking about bad timing..." I heard tito Viktor teased his wife.

"Honey, you are saying something?"

"Nothing, sweetheart. Nothing."

Hindi ko napigilang matawa sa dalawa at sinulyapan ang katabi kong matangkad na lalaki. I saw him rolled his eyes upward. He kind of looked embarrassed while watching his parents being cute together.

I sort of understand him. Ganoon naman talaga kapag nakikita mong naglalambingan ang mga magulang mo sa harapan mo. Minsan nga ay parang gusto mo pang sumigaw nang 'get a room!' But looking at his parents right now, I would react otherwise. They look good together. Mukhang pagdating kay tita Yngrid ay tiklop din itong si tito Viktor.

Muling binalingan ng tingin ni tita Yngrid si Yael. "I'm sorry, son. Masyado lang kasi akong naexcite nang sabihin mong uuwi ka at isasama mo ang nobya mo kaya nawala na sa isip ko."

"It's alright, ma. Pwede naman kaming pumasyal sa Aurora ni Beatrix minsan at ipapakilala ko siya sa kanila." ani Yael at mabilis akong sinulyapan habang nakangisi.

Ngayon pa nga lang ay halos umatras na ako pero may pamilya pa pala siya sa Aurora at may balak pa siyang dalhin ako roon. Baka himatayin na ako kung nagkataon.

"That's a good idea!"

-

Parang fiesta ngayon kina Yael dahil sa dami ng pagkaing nakahapag. Hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin kong kainin dahil itong si Yael ay alok nang alok sa akin ng mga putaheng gusto niyang tikman ko.

Mga kalahating oras na kaming nakaupo dito at kung ano-ano na ang napapagkwentuhan namin. Tita Yngrid is always the one who starts the conversation and tito Viktor will just talk when it's necessary. Napansin ko na parehong-pareho si Yael at ang kanyang ama.

Madalas silang tahimik lalo na kapag sa harapan ng ibang mga tao. I can also see that they have some similar mannerisms gaya nang pagtaas nang dalawang kilay sa tuwing tinatawag sila instead of asking 'what?'

"There goes your sister..." Anunsiyo ni tita Yngrid. Sabay-sabay kaming napatingin sa direksyon kung saan nakatingin si tita.

Muntik nang mahulog ang panga ko nang makita ko ang isang babaeng may maamong mukha na ngayon ay kasalukuyang papalapit sa amin. She's wearing a pastel blouse at ang pang-ibaba niya naman ay isang light pink pencil cut skirt. Ang buhok nito'y lagpas balikat at parehong-pareho sila ng mga mata ni Yael.

Mukha yatang naging makasarili ang mga mata ni tito Viktor dahil hindi nito binigyan nang pagkakataon ang mga mata ni tita Yngrid na maipasa man lang sa anak nilang babae.

"Hi, kuya!" Masaya nitong bati at kaagad na nilapitan si Yael kung saan ito nakaupo at iyon ay sa tabi ko. Yael slightly pulled his chair backwards to welcome Ariana's embrace on his neck and shoulders.

"Happy birthday, kuya!" Bati nito at bineso pa si Yael.

"Thank you, Ari." Yael replied, smiling back at his lovely sister. Napangiti ako habang pinapanuod ang dalawa.

Kumalas si Ariana mula sa pagaka-akap kay Yael at ibinaling ang atensyon sa akin. Nahuli niya pa akong nakangiti habang tinitignan silang dalawa ng kanyang kuya Yael.

Mas lalo ko na lamang nilawakan ang ngiti ko. Habang nakatitig siya sa akin ay biglang umawang ang kanyang bibig at kumislap ang kanyang mga mata.

"You must be Beatrix..." Her face and voice is filled with amusement. She slowly took a step towards me.

Tumango ako nang hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa aking labi.
"I heard so much about you, hi! Wow. I... I can't believe," she stopped mid sentence to take a glance at Yael who's currently biting his lower lip while looking at me and his sister.

"Kuya you really did brought the Beatrix home!" hindi niya makapaniwalang sabi sa kapatid. I couldn't help but to feel overwhelmed about how Ariana reacted.

Yael chuckled while nodding his head.
"Yep. Ganda 'no?" proud na proud niyang sabi habang sinusulyapan ako. My heart melted with that simple bragging. Hindi ba napakasarap pakinggan na ipagmayabang ka ng taong mahal mo?

"Are you kidding me? She's lovely, kuya!"

"Yes, that's what I thought too." Biglang sabi ni tita Yngrid.

"You really has the same head as mama." komento ni Yael. Tumawa lamang ang dalawa at sa wakas ay umupo na rin si Ariana sa bakanteng upuan sa tabi ng kanilang ina. Magkaharap kami ngayon at todo ngiti siya sa tuwing nagtatama ang mga mata namin.

"How's working with Sid?" biglang tanong ni Yael at muling ibinalik ang atensyon sa kanyang pagkain.

"It's fine and even though we're cousins I don't receive any special treatments in the company and I like it better that way." Pagkukwento niya habang hinihiwa ang steak sa kanyang plato. So pinsan pala nila iyong Sid?

"Mukhang um-OA naman yata siya sa hindi pagbibigay ng special treatment dahil kahit off mo ngayon ay ipinatawag ka pa rin. Do you even get enough sleep?" Yael sneered.

Sa tuwing nagkukwento si Yael tungkol kay Ariana ay damang-dama ko na ang pagmamahal niya dito pero mas iba pa bala sa personal. Because his love for his sister is way too fiercer and bolder in person. Parang balak pa yata niyang sugurin iyong pinsan nila na boss ni Ariana dahil lang ipinatawag niya dito gayong day-off niya.

"Ngayon lang naman ito nangyari, kuya. And seriously? You're really asking me if I get enough sleep? Isn't that ironic coming from you?" Natatawa nitong sabi.

"I'm a pilot, Ari. I can stay up for 24 hours if I needed to." Depensa nito.

"Sometimes, I'm not sure anymore if I'm the father of Ari or if it is really you." nakangising sabi ni tito. Natawa naman ang mag-ina at maging ako rin.

"I just don't want her to overwork herself, pa."

Our lunch went well. Lalo pa nga itong sumaya dahil dumating si Ariana. Inulan din ako ng tanong at kung minsan ay si Yael na ang nagsasagot para sa akin. Napagkwentuhan rin namin si papa dahil in-open siya bigla ni tito Viktor. He praised my father for being a successful but humble engineer.

-

Inilibot ko ang aking paningin sa kanilang front yard. Hanggang ngayon talaga ay namamangha pa rin ako. Lalo na doon sa may succulents na nakatanim sa isang kwadradong area na punong-puno ng mga bato. Ngayon ko lang nalaman na si Ariana pala mismo ang nagdisenyo nito. Nabanggit na ni Yael noon na Architecture nga ang kinuhang kurso ni Ariana.

"Gusto ko ring mag archi noong nasa junior highschool ako." pagkukwento ko. We're both sitting on the hammock egg chair. Natutuwa nga ako dahil ang mga inuupuan ni Yael noong bata pa lamang siya ay nadatnan ko pa ngayon at kasama ko pa ngayon ang kapatid niya na nagpakawala sa kanyang alagang parrot na si Rio.

Kumislap ang mga mata niya. "Really? Mabuti at naging nurse ka?"

I shrugged. "Wala, e. Narealize ko kasi na mas gusto ko palang maging nurse noong mag senior highschool ako."

"You know, I really love seeing nurses. They look respected with their white scrub suit. Pangarap ko din kayang magsuot ng ganoon noong bata ako pero takot ako sa dugo, e."

"Sa una lang naman nakakatakot. Pero kapag natuto kang labanan ang takot na iyon dahil talagang mahal mo ang ginagawa mo, eventually you will conquer that fear."

"Wise words, Beatrix... Natutuwa talaga ako na nagkakilala kayo ni kuya. Noong una pa lang talaga ay excited na akong makita ka dahil palagi ka niyang ikinukwento sa akin."

"Really? Ano naman ang mga ikinukwento niya sa'yo?"

She laughed, a demure one. "Don't worry, mabubuti lahat ng mga kwento niya tungkol sa'yo."

Natawa na lang din ako. "You know, madalas ka ring ikwento sa akin ni Yael. I can see how much he loves and cares for you."

Tumango-tango siya. "Oo, ramdam na ramdam ko iyon. I'm really lucky to have a brother like him."

"And I'm really lucky to have a boyfriend like him." I said, wiggling my brows and she giggled.

Tama nga ang sinabi ni Yael. Ariana is fun and easy to be with. Ang dami-dami naming napagkwentuhan. Madalas ay tungkol kay Yael at sa pamilya nila from both sides. At maging ako rin ay napakwento na tungkol sa mga pinsan ko at sa kapatid ko. Pareho naming napagtanto na may mga pagkakapareho sina Colton at Yael sa pagiging kuya sa aming mga kapatid nila.

Naistorbo ang pagkukwentuhan namin nang biglang dumating si Yael.

"Can I steal her for a few hours?" Aniya Yael habang nakapamulsa. Nakatayo ngayon siya sa malapit at nagpapalipat-lipat ang tingin sa amin.

"Sure, kuya. I'll see you two at dinner time."

Tumango si Yael sa kapatid. "I hate to interrupt the both of you but I suggest you two must take a nap?" Aniya at bahagya pang natawa nang marealize niya ang kanyang sinabi. Ariana and I botn frowned pero natawa rin kami kaagad.

"What?" natatawa niyang sabi kahit alam naman niya talaga kung bakit kami ganito makatingin sa kanya. Napailing na lamang ang kanyang kapatid at tumayo na mula sa pagkakaupo niya sa hammock egg chair.

"Akyat muna ako sa kwarto ko and I might as well take a nap," ani Ariana at pinanlakihan ng mga mata ang kanyang kuya.

"I'm serious, Ari... H'wag mong gayahin si Isidore sa pagiging workaholic."

Ariana lazily pointed her index finger upward. "Got it, kuyaaaa." She lazily said. She smiled and mouthed 'laters' at me before jogging back inside their mansion.

Kami na lamang ni Yael ang natira. He took a step forward from where I'm sitting. Inilabas niya ang isa niyang kamay mula sa kabila niyang bulsa at ipinatong iyon sa ibabaw ng ulo ko para haplusin ang buhok ko.

"Are you having fun?" he whispered, smiling.

Tumango-tango ako. "I love your family. They're fun and easy to be with." I told him, truthfully. They're really fun pero andon pa rin iyong poise at iyong respectful demeanor.

Tumawa siya. "You haven't met my cousins yet." Itinuloy niya pa rin ang paghaplos sa buhok ko.

"What are they like?"

"Hmm... my cousins in both sides are all amazing. But the Salcedos are more like city boys and city girls, you know, urban lifestyle. Unlike the Escarcegos, they live in Punta Fuego so they prefer beaches over the cities."

"And you and Ari are both neutral?"

"Yeah, you can call it like that." He shrugged. I can't help but to feel amused. Yael could be a city boy or a beach guy. Nonetheless, I love both.

I can imagine myself marrying him in one of the beautiful beaches in Punta Fuego. Noon pa talaga ay pangarap ko nang magkaroon ng beach wedding and isn't it perfect because Yael actually has relatives in Aurora? Lord, ano 'to? Is this a sign?

"Yael?"

"Hmm?"

"Nasaan yung mga bags natin?" I asked while looking up to him. Bigla kong naalala iyong ibinibigay ko sa kanya.

"Nasa kwarto ko... tara?" aniya at inalis ang kamay niya na nasa ulo ko at inilahad iyon sa akin. Nakangiti ko iyong tinanggap at magkahawak kamay kaming umakyat sa kanyang kwarto. Nasa ikatlong palapag pa pala iyon. Nag-uusap kami habang paakyat kaya hindi ko namalayan na nasa harapan na kami ng isang pintuan na mayroong smooth horizontal panels with a silky black handle.

Siya na ang nagbukas ng pintuan at ako na ang pinauna niya sa loob tapos siya naman ang sumunod at isinara ang pintuan.

My jaw slacked as I roam my eyes around his room. The interior is highly modern and the huge room was divided into two.It has a wall made of wood that separates the king size bed and his little office. Doon sa parang opisina niya ay may nakadikit na mapa sa wall sa itaas nang kanyang table.

Sa ibabaw nang kanyang bed ay mayroong isang maliit na bookshelf. Humakbang ako papalapit para makita kung ano ang mga librong nandoon.

Ah, puro mga aeronautical engineering books. Of course, Beatrix. Alangan namang magkaroon siya ng Eleanor and Park diyan.

"You want to rest? Take a bath? Or what?" naramdaman ko ang paglapit ni Yael mula sa aking likuran. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang mga bags namin doon sa sofa. Kaagad naman akong lumapit doon at kinuha iyong bag ko.

Naramdaman ko nanaman ang paglapit niya sa akin. Nang makuha ko na iyong paper bag ay kaagad ko siyang hinarap at nahuli ko siyang nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo. Mas lalo pang kumunot ang noo niya nang iabot ko sa kanya iyong maliit na paper bag na hawak ko.

"Trix?"

I smiled widely at him. "Kunin mo..." Sabi ko at mas inilapit pa sa kanya iyong paper bag. Alanganin niya namang tinanggap iyon pero sa akin pa rin ang tingin niya.

"Alam mo, dapat noon ko pa ibinigay iyan sa'yo." pagkukwento ko.

Lumawak ang mga mata niya pero hindi nagtagal ay napalitan ang ekspresyon ng mukha niya nang lungkot.

"But you found out that I lied to you..." he predicted and he's right. Kagat labi siyang nagbaba ng tingin doon sa paper bag at binasa yung nakasulat doon sa card.

I pressed my lips together. Alam ko pa kung ano ang nakasulat doon.

Keep flying, my gorgeous captain. I love you to the skies and back.

Napangiti siya habang binabasa iyon. I was vividly watching him. I never want to miss a single expression that his face would make.

Sunod niyang binuksan ang paper bag at inilabas iyong casio na watch.

"Uhm... Alam ko hindi iyan kasing mahal ng Rolex per—"

"Shh... I do not care about the price or the brand. As long as it's from you, I love it." Putol niya sa kung ano man ang sasabihin ko. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko habang pinapanuod siyang isuot niya ang regalo kong iyon sa kanyang kaliwang pulso. And boy, it does looks good on him. Mas lalo siyang nagmukhang gentleman.

Sunod naman niyang inilabas iyong round metal keychain na may nakaukit na 'fly safe'.

"You know, I'm gonna attached this on my suitcase." Nakangiti niyang sabi habang pinagmamasdan iyong keychain. Natunaw naman ang puso ko.

It's overwhelming when someone truly appreciates your efforts. No matter how small or big it is.

"Beatrix?" Tawag niya sa akin. Tinaasan ko naman siya nang dalawang kilay.

"Come here," he whispered as he open his arms wide. Nakangiti naman akong lumapit sa kanya at kaagad niya akong hinila sa isang mahigpit na yakap. My cheek is againts his lean and muscular chest while his strong arms are wrapped around me. Now I've reached my heaven again.

"You know, I want to feel disappointed with myself because of the days and months that got wasted because of the mistakes I made. Gusto kong manghinayang dahil sana noon pa ay naging tayo na..."

"But I have thought that there's always a perfect timing for everything... and this is our perfect time, Trix." he whispered as he kiss my temple.

"Aside from this watch and keychain, you are the best gift that I've ever received. So, thank you." buong sineridad niyang sabi.

Niluwagan ko ang yakap sa kanya para lamang tingalain siya.

"You're always welcome my gorgeous captain." I whispered.

He grinned before lowering his face to capture my lips. He's giving me an open mouth kiss.

"Happy birthday..." I said against his mouth and he moaned.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top