Chapter 24

Chapter 24

Rio

Nagising ako ng mga bandang alas kwatro ng madaling araw. I felt a strong and muscular arm wrapped around my tiny waist. Dahan-dahan kong para malaman kong si Yael nga ang nakayakap sa akin. Katawan ko lamang ang nakabalot ng kumot dahil siya ay mayroon ng suot na sweatpants ngunit wala siyang suot pang-itaas.

Kaya mas lalo akong naging Malaya upang pasadahan siya nang tingin mula sa kanyang malapad na dibdib pababa doon sa anim niyang abs. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at ibinaling ang aking tingin sa kanyang mukha. He was peacefully sleeping and his mouth is slightly parted.

I still remember how that mouth worked amazingly last night; I still remember how his chest raised up and down while the bed rocked together with us. Those fingers dug beautifully on my skin.

My cheeks burned as I recall the hot night that we shared together. I’m still sore all over my body but it was really worth it. Nagsisimula nanaman akong makaramdam ng init kaya ibinaling ko na lamang sa hitsura niya ang atensyon ko.

Kung titingnan mo siya ngayon ay parang ngayon lang siya ulit nakatulog ng maayos. I felt a pang of guilt on my chest. Did my absence bother him so much to the point na hindi na niya nagawang matulog?

Mula sa pagkakahawak ko sa kumot na nakabalot sa katawan ko ay dahan-dahan kong inangat isa kong kamay upang marahan siyang haplusin sa mukha.

I caressed his cheek using my thumb. Staring at him right now gives me no doubt that this man lying beside me has broken so many hearts. Napagtanto ko na ang hirap-hirap abutin ng isang Yael Salcedo pero heto siya ngayon at nasa tabi ko.

No matter how much I want to stare at this beautiful sight and do nothing all day, I can’t. Kailangan kong pumasok sa ospital despite the sore that I’m feeling in my femininity. And of course, I also want to prepare breakfast for this wonderful man beside me.

I carefully removed his hand that’s wrapped around my waist. I didn’t want to wake him up. Bahagya siyang gumalaw para abutin akong muli pero naging maagap ako at iniabutan ko siya ng unan para akalain niyang ako iyon.
Tagumpay naman ako dahil yata masyadong pagod si Yael at kinulang din sa tulog kaya hindi na napansin ang pandaraya ko sa kanya. He was still sleeping like a log! My poor Captain.

Nang tuluyan na akong makabangon ay dumiretso ako sa closet niya. Napangiti ako nang makita kong naka hang doon ang isang pares ng puting uniporme ko. Sinasabi ko na nga ba at naiwan ko ito dito, ang akala ko ay naiwala ko na. Inilipat ko na lang ang tingin ko sa mga t-shirts ni Yael at kumuha doon ng isa para suotin.

Nagmukha itong maluwang na dress sa akin dahil malaki ito masyado para sa akin. I secretly wished Yael to wake up and see me like this pero baka hindi ako makapasok sa trabaho kapag nangyari iyon. Yael was so wild last night and it’s painfully amazing.. I’ve never seen that kind of Yael’s side before. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung ganoon din ba siya sa mga ex niya noon o sa mga flight attendants na naikama na niya.

Binilisan ko na ang paghahanda ko ng almusal niya. I cooked bacon and eggs and a garlic rice bago dumiretso sa banyo niya at doon na mabilis na naligo at doon na rin ako nagbihis. My shampoo and shower gel are still here. I can’t help but to smile. Nang handa na ako ay sinilip ko si Yael na mahimbing pa ring natutulog at yakap-yakap pa rin yung unan.

I stared at him once more before pressing a soft kiss on his forehead. Nagtungo ako ulit sa kusina para idikit ang sticky note sa may mesa. I’m sure that man will panic when he wakes up and I’m gone. Hindi ko naman siya pwedeng i-text sa oras ng trabaho kaya mag-iiwan na lang ako ng note.

Morning, Captain!
First of all, breathe. Calm down and do not panic. Pumasok lang ako sa trabaho pero uuwi din ako sa’yo mamaya. Okay? Okay. Eat your breakfast and you go get some more sleep. I’ll see you later, mon amour. Xoxo

-Your nurse,
B.H. Ponce de Leon

-

“Hey there…” Bati sa akin ni Ryan at sinabayan ako sa paglakad. I awkwardly smiled at him. Geez. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na ganito. Pero masaya naman ako dahil ayos na kami.

“Hi, there.” I greeted back.

“You look… blooming?” He said, unsure of the term that he used. Bigla naman akong pinamulahan nang rumehistro sa utak ko si Yael.

I coughed. “Uhm… thanks, you too.”

Bigla siyang natawa. “The fuck?” hindi niya makapaniwalang sabi. Mas lalo naman akong namula. What the heck am I supposed to say? ‘Thanks. Yael fertilized my eggs last night.’?

Ngumuso ako. “How’s Adrien?” pang-iiba ko na lamang ng topic. Bigla namang sumeryoso ang kanyang mukha.

“He’ll undergo to a surgery as soon a possible. We’re just running some more tests on him.”

“Hmm…” Tumango-tango ako. “How about his family?” tanong ko pa.

Bumuntong hininga siya at napa kamot sa gilid ng kanyang kilay. “Well, talking to his family was a tough one… Pero naayos naman na.”

“Wow. So they’re not gonna sue?”

“Sa ngayon hindi. But if the operation won’t be successful… they’ll sue me.”

Namilog ang mga mata ko at halos malaglag na aking panga. God, Adrien and Ryan are both 50/50. This is so damn hard. Nagkanda leche-leche dahil sa isang maling desisyon. I feel bad for Ryan.

“Hey, I heard one of you cousins is a lawyer—”

“Ryan!” Mahina ngunit mariin kong saway.

He chuckled. “Kidding aside but I promised them to pay for their son’s hospital bills if ever na maging successful ang operation.”

“I’m sure it will be. It has too. Pero butas ang bulsa mo diyan, doc…” Komento ko.

Nagkibit balikat siya. “I know but I asked for Ate Rhian’s help… and she said yes. Well, at first she’s gone berserk but it’s okay now. Hindi niya naman ako matitiis.” he chuckled.

Hindi ako kaagad na nakasagot. Wow, Rhian could be a bitch at me all the time but there’s no doubt that she’s a good sister to Ryan.

“So, uhm… how was she?” pangangamusta ko.

I heard him sighed. “She’s still fucking insane…” aniya at alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. “But don’t worry, I’m always telling her to back off because Yael’s off limits.” Aniya at natawa pa.
I don’t know what to say. Should I thank him for that?

“You know, wala namang kaso ang pagkakaibigan nina Yael at Rhian. I mean, they’ve been friends before me kaya wala ako sa lugar para pagbawalan sila.” Paliwanag ko. It’s true.

“Dude, you can’t be friends with someone you fucking like. She’ll just get herself hurt. H’wag nga niya akong gayahin sa pagiging tanga. Hindi niya bagay,”

Sandali akong natahimik at napatingin sa kanya ngunit kaagad ding nag-iwas.

“No offense meant,” pahabol niya at sinamahan pa iyon ng tawa. Nakahinga ako ng maluwang at ngumiti na lang rin sabay iling.
“I’m sorry… kung pinagmukha kitang tanga.” mahina kong sabi.

“You don’t have to. I did that to myself.” Aniya at nginisian ako bago na lumihis ng daan sa akin. Napangisi na lang din ako. So, we’re really okay. Damn! If it feels good to forgive then it feels great to be forgiven. It was awesome… and I miss Yael. Ikukwento ko sa kanya ‘to.

-

“Really? That’s Ryan?” Gulat niyang tanong habang nagmamaneho kami paalis sa unit ni Kaye. Sinundo niya kasi ako kanina. As usual. Paglabas ko ng ospital ay siya nanaman ang bumungad sa akin. Bihis na bihis pa siya. He’s wearing a grey plain t-shirt and tattered jeans.

Kakagaling lang namin sa unit ni Kaye para kunin ang mga gamit ko doon. Ang sabi niya na sa unit niya na muna ako tumuloy kung nahihiya ako kay Colton. I even accused him that he’s taking advantage of the situation and he didn’t deny it.

And now we’re on our way to my parents’ house, si Yael kasi. Kailangan daw naming pumunta do’n dahil nangako siya kina mama at papa. I’m excited to see papa but I’m nervous to see Colton.

“Yes… Si Ryan ‘yon… How come you don’t know?Ang tagal niyo nang magkaibigan nila Rhian.” sabi ko.

He shrugged. “I don’t know… we’re friends but we never really invited each other to come over at our parents’ house.”

“Really? E ba’t kayo ni Colton?”

“Colton and I are bestfriends…” He corrected. Napangiti na lang ako at tumango-tango. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa windshield para tingnan ang dinadaanan namin.

Today’s December 15. Three days na lang at birthday na ni Yael. Bigla kong naalala iyong ire-regalo ko dapat sa kanya. Nasa may tukador ko pa iyon sa kwarto ko. Hindi ko iyon ginalaw. Wala akong tinanggal doon. Buong akala ko talaga ay hindi ko na maibibigay iyon pero ngayon ay excited na ako na ibigay iyon.

“But I’m glad that the issue between Ryan and you is now under the bridge…” Bigla siyang nagsalita kaya napatingin akong muli sa kanya.

Bigla siyang ngumisi at inilipat ang tingin sa akin ngunit ang kanyang mga kamay ay nanatili sa manibela.
“Pero h’wag niyang susubukang pormahan ka dahil siya ang ibabaon ko sa ilalim ng tulay.” Pagbabanta niya bago muling ibinalik ang tingin sa daan.

Hindi ko napigilan at natawa ako sa kanya.

“Baliw! He knows that you’re my boyfriend…”

Sinulyapan niya ako nang mabilis at ibinalik niya kaagad ang tingin niya sa daan ngunit hindi nakatakas sa akin mapaglarong ngiti sa mga labi niya.

He even pushed his bottom lip using his thumb just to suppress his smile while his eyes are still on the road and his other hand is on the steering wheel. Shit! Ano ba ‘yan! Hindi ko napigilang mamula dahil narealize ko na nagkakaganyan siya dahil doon sa sinabi ko kanina.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at itinuon na ang atensyon ko sa dinadaanan namin.

-

“Papa!” Kaagad kong niyakap si papa nang makita ko siya.

“Oh, my Beatrix…” Niyakap niya ako pabalik. I missed my papa so much!
He’s the kind of papa that every child wished for. He got this excellent disposition and he doesn’t really likes to judge. He’s a good listener and his judgments are always fair.

I will never trade my papa for anything that this world could offer.

Siguro yung pagiging mature ni Colton ay kay papa niya namana.

“I miss you papa!”

“I miss you too, my princess.” Buong sinseridad niyang sabi. Ilang sandali pa ay kumalas na kami sa yakap. Mama and Yael are both watching us.

I smiled at mama. “Ma, hi.” Bati ko at bineso ko siya at niyakap.

“Saan ka ba galing bata ka? Pinag-alala mo kami lahat… Hindi namin alam na hindi ka umuuwi kay Colton kung hindi lang nagtanong itong si Yael kung nasaan ka.” Punong-puno nang pag-alala ang boses ni mama.

“Shh… Dear.” Marahang saway ni papa kay mama nang marinig niya ito.

“Okay lang, pa.” Sabi ko at muli kong tiningnan si mama
“Nakituloy ako doon sa kaibigan ko, ma. Kay Kaye. Sorry, ma, pa.” Sorry for always causing trouble.

Bumuntong hininga si mama. “Papatayin mo ako nang maaga.” Aniya. Nahihiya na lamang akong ngumiti sa kanya.

“It’s alright, sweetheart.” Bawi naman ni papa.

Binalingan niya nang tingin si Yael.

“Thank you for always looking after my Beatrix, Yael.” dinig kong sabi ni papa.

“No worries, tito. It’s my job to look after her.” Magalang niyang sagot. And again, I freaking blushed.

Papa gave him a meaningful look and grin. Nginitian lang siya ni Yael.

“Oh sige na… Umakyat na muna kayo sa taas at magpahinga. Magluluto lang ako ng dinner natin.” Sabi ni mama.

“Yael, pwede ka munang magpahinga doon sa guest room, doon sa dati mong tinulugan. Kakalinis lang no’n.”

“Ah, sige po tita. Salamat po.”

Tumango lang si mama at nagpaalam rin siya kay papa bago nagtungo ng kusina.

“I’ll be at my office…” si papa naman ngayon ang nagsalita. Magalang naman na tumango si Yael at ako ay nagbeso lang kay papa bago siya tuluyang umalis.

“Wala yata si Colton.” Puna ko habang paakyat kami sa ikalawang palapag.

He shrugged. “I don’t know…”

Nang makarating na kami sa ikalawang palapag ay muntik na akong bumaba ulit nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Colton. Naugat ang mga paa ko sa sahig nang mag-angat siya nang tingin sa amin. Nanlaki ang mga mata niya ngunit ang kanyang bibig ay nanatiling lapat, hindi rin nakatakas sa akin ang pasa sa gilid ng kanyang labi.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Yael pero hindi nagtagal ay tinanguan niya na lamang ang kasama ko bago kami tuluyang nilampasan. Hindi sinasadyang nagbangga ang mga balikat namin kaya pareho kaming napatingin sa isa’t-isa. Itinaas niya lamang ang kaliwang kamay niya bago tuluyang tumalikod.

I snapped on Yael’s side and he’s already staring at me.

“Nakipag-away ba si Colton?” Nag-alala kong tanong sa kanya. I know that he knows.

Umigting ang kanyang bagang at nag-iwas nang tingin sa akin.

“Yael I’m asking you.” Sabi ko at hinawakan siya sa braso para kunin ang kanyang atensyon ngunit nanatili pa rin ang tingin niya sa ibang direksyon.
Hindi siya makatingin sa akin at lalo lamang nag-igting ang kanyang bagang.

My jaw dropped and my eyes widened at the conclusion that suddenly crossed my mind.

“Yael!” I hissed.

Sandali niya akong tiningnan. “What?” Napaos niyang sagot at mabilis nanamang nag-iwas nang tingin.

Napapadyak ako sa frustration. “Ang sabi mo wala ka namang sinabi nang ikwento sa’yo ni Colton ang nangyari!” I whined.

This time ay tiningnan niya na talaga ako. “Wala naman talaga. Hindi naman ako nagsalita, sinapak ko na lang.” kalmado niyang depensa.

“Yael naman!”

“What? What do you want me to do? Fist bump him for saying mean things to her sister that leads her to leave me just like that?”

Sandali akong natahimik.

“Well, I did it anyway. I bumped my fist on his face.” bawi niya pa.

I just frowned at him. Lumambot naman ang kanyang ekspresyon.

“Come on, let’s not fight over this, hmm?” Masuyo niyang sabi at humakbang palapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

“Ikaw lang naman kasi ang iniisip ko. Alam mo namang hindi kami okay ni Colton tapos ngayon kayo nanaman ang nag-away.”

Umiling siya. “Hey, you have nothing to worry about. Colton and I are okay.”

Bumuntong hininga na lamang ako at tumango-tango. I forgot how bizarre boys are. Magsasapakan ngayon, mag-iinuman bukas. Haay.

“Sige na… Go inside your room and sleep for a while.” marahan niyang sabi at inakay pa ako papunta doon sa tapat ng pintuan ng kwarto ko. Siya na ang nagbukas ng pintuan at marahan niya akong itinulak sa loob pero dahil gusto ko pa siyang makasama ay hinila ko siya sa pulso para masama siya sa akin sa loob. He was caught off guard kaya hindi siya nakapalag.

“Beatrix!” Those deep set eyes are wider than the space. Napaawang rin ang kanyang bibig.

“Rest with me?” paglalambing ko at naramdaman ko pang nag-init ang magkabila kong pisngi dahil sa ginawa ko.

“Oh yeah and then your father will make me rest in peace.” Pagbibiro niya. Natawa naman din ako nang bahagya ngunit hindi ko pa rin siya binitawan.

“But seriously… Hindi ako pwedeng makita ng papa mo rito. Bawas points iyon lalo na’t hindi niya pa alam na tayo na.”

Natigilan ako. Hindi ko alam kung paano ipagtatapat mamaya kina papa ito mamaya. Kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na nagkaroon ako ng boyfriend.

Naibalik ako sa realidad nang maramdaman kong unti-unting inaalis ni Yael ang pulso niya mula sa pagkakahawak ko. Naging maagap naman ako at muli kong hinigpitan ang kapit ko doon.

“But could you at least stay until I fall asleep?” pakiusap ko. I just want to be with him for awhile. He gives me peace from my chaotic mind. Just feeling his presence makes everything okay.

He just knows how to calm my ranging seas.

He let out a deep breath as he take a step forward. “Alam na alam mo talaga kung ano ang kahinaan ko, ano?”  Naniningkit ang mga mata niyang sabi.

“Nope. I don’t know.” I grinned.

Tiningnan niya ako gamit ang kanyang namumungay na mga mata. “Well, allow me to tell you.” He wet his lower lip before leaning his mouth down to my ear. “You. Are. My. Weakness.” Mariin niyang bulong bago kinagatan ang gilid ng aking tenga.

Nag-init ang buong mukha ko sabay kagat ng pang-ibabang labi ko.

“Now, come on, let’s go to bed. Shall we?” Saad niya nang mailayo na niya ang kanyang bibig sa aking tenga.

Ngumiti ako at tumango. Marahan niyang sinipa ang pintuan bago kami humakbang papalapit sa kama ko. Nauna akong sumampa doon at tumalikod nang higa. Hindi na ako naghintay nang matagal dahil naramdaman ko na kaagad ang paglubong ng katabi kong espasyo sa kama at ang mga matitipunong braso ni Yael na yumakap kaagad sa katawan ko.

He was spooning me while his chin is on the top of my head. Ahh this is heaven. I love this. I love every second of this moment.

Damn! I live for this; I live for Yael’s embrace and for the warmth of his body.

This feels so freaking good— no, great. Nawala bigla lahat ng pagod ko at ang tensyon na naramdaman ko kanina nang makita ko si Colton ay bigla ko na lamang nakalimutan. One embrace and I was once again tranquil. I don’t know how he do it.

“You know, when I was 13, I used to have a pet parrot. My grandpa gave it to me as a birthday present and I named him ‘Rio’” he lazily spoke. I didn’t reply. I just gently held his strong arm that’s wrapped around my waist while waiting for his next sentence.

“Rio’s always in his cage. Doon siya kumakain at lahat-lahat. I would always sit on a hammock egg chair near his cage on a daily basis just to teach him words. And he never disappoints me because he’s a fast learner.”

I remained silent, listening to his childhood story. Pumupungay na rin ang mga mata ko dahil sa pinaghalong lambing at tamad ng kanyang boses.

“And one afternoon, I went outside to check on Rio,” he paused. “But then I saw my 7 year-old adorable sister— Ariana. She opened Rio’s cage and set him free.”

Bahagyang nagising ang diwa ko dahil sa hindi ko inasahan ang sunod niyang sinabi.

“Really?” I said as I jerk my head to meet his eyes.

“Yeah.” He nodded while looking into my eyes. Inayos ko ng muli ang ulo ko sa dati niyang posisyon at itinuloy na ni Yael ang kanyang kwento.

“I was so upset and mad because of what my sister did. I angirly approached her and she didn’t apologize because she intentionally done that. She said that Rio has to be free because it’s lonely to be inside the cage. She justified that Rio deserves to fly and build his own family. And since I was just a kid— juvenile and unreasonable, I didn’t understand her. Mas inintindi ko iyong galit at pagkadismaya na nararamdaman ko. So, I scolded Ari, my 7 year-old sister. She cried and cried in front of me but it didn’t change the anger that I’m feeling towards her. And since then, I didn’t talk to her for days.”

I lazily smiled while listening to him. I never really thought that a Yael Theodore Salcedo have some flaws.  Ridiculous, I know but that’s how I see Yael. I see him a perfect sweet creature. I guess that’s how your strong affection for a person’s work.

Because when we really love a person, we’d choose to ignore the bad and focus on the good. And unfortunately speaking, that is the reason why there are some people who gets hurt repeatedly by the same person. Why? Kasi mas pinipili nating pagtuonan nang pansin yung mga bagay na ginawa nila na nakakapag pasaya sa atin at binabalewala ang mga bagay na kanilang ginawa na nakapag panakit sa atin.

We trick our own minds just to come up with a better excuse to continue to love.

“But you know, no matter what happens. Ari will always be my sister and I will always be his brother. At kahit ilang ibon pa ang pakawalan niya ay hinding-hindi magbabago iyon.”

“The love and concern that I’m feeling for her will always remain. Maliit man o mabigat ang kasalanang magawa niya ay hinding-hindi mawawala ang pagmamahal na iyon… Hinding-hindi namin kayo matitiis.”

My eyes went gloomy as his words struck me. I understand what he’s trying to say. Damn! Why does he always know how to make me feel better?

Hindi na na nga ako nagsalita. Itinago ko nga sa kanya ang pagiging bothered ko nang makita ko ulit ang kapatid ko pero alam niya pa rin! Ramdam niya pa rin!

I’m so overwhelmed I want to ask him to marry me right now.

I bit my bottom lip and I rolled to his side. Tumingala ako para masalubong ng mukha ko ang kanyang mukha.

“Thank you… and I love you so damn much.” I whispered before tilting my head to give him a peck on the lips.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top