Chapter 2
Difference
"What's happening here? Beatrix? Yael?"
Naputol ang mga matatalim kong titig kay Yael nang biglang sumulpot rito sa labas si Kaye at siya lang mag-isa. No Matthias, no Cyprian, just Kaye. Napakunot ang noo niya nang makita ang kalagayan ko. I wiggled my shoulders in irritation.
"Tulungan mo 'ko," I whined and pushed my lips out at the direction of his stupid leather jacket.
Kaye bit his bottom lip to prevent herself from laughing. Siya naman itong sinamaan ko ng tingin ngayon.
"Anong ginawa mo?" Medyo natatawang tanong niya kay Yael.
"She left me with no choice... Masyadong matigas ang ulo niyang kaibigan mo. Hindi naidadaan sa mabuting usapan." aniya kay Kaye at saglit akong tinignan. I clenched my teeth in annoyance.
"Sino ba kasing nagsabing gusto kitang kausapin!?" Hindi ko mapigilang singhal sakanya at nagpatuloy sa paggalaw sa mga balikat ko. I saw him froze and caught off guard. Muli kong binalingan ng tingin si Kaye.
"Tara na kasi!" Inis kong sabi sakanya ngunit hindi man lang siya gumalaw sa kinatatayuan niya.
"Kayeleen!" I snapped at her. Naiinis na talaga ako dahil sa presensya ni Yael Salcedo. Bakit ba kasi nandito siya? Fuck Matthias!
"Calm your tits, Trix. Kukunin ko lang yung purse natin sa loob..." Pinanlakihan niya ako ng mga mata.
"Pakibilisan na lang... Para makawala na 'ko sa pesteng jacket na 'to!" Binigyan ko ng diin ang mga huli kong salita at tinaliman ng titig si Yael na prente lang nakatayo. Bakit ba kasi ang higpit ng leather jacket niya!?
She looked at Yael and they nodded at each other. Nang makapasok na si Kaye ay narinig ko ang pagbuntong hininga ni Yael at humakbang papalapit saakin. He looked at me with straight face.
"I know you're livid," he said in his low and solid voice as he pull down the zipper of his leather jacket. "But you can ask me nicely." Tuluyan nang nabuksan ang jacket niya.
I am now free to move but with the stare that he's giving me? I froze.
"Ayoko lang naman iyong nababastos ka," he paused. "Pero kung nagagalit ka dahil doon... edi tanggalin natin." He squint his eyes at me while slowly tearing his leather jacket off of my shoulder. Hindi ko siya pinigilan instead I looked at him in a daring way. I dare you to remove that, Yael.
Umigting ang bagang niya. Walang gustong magpatalo saaming dalawa. His hold tightened at the leather until he finally removed it from my shoulders. His brief glance at my cleavage didn't escaped from my eyes. I even saw his nostril flare!
"Eyefucking...." I taunted.
Kumunot ang noo niya at kalaunan ay tinaasan niya ako ng kilay.
I crossed my arms on my chest.
"Oh, I just want to enlighten you about the difference between 'staring' and 'eyefucking' because clearly, you're the one who doesn't know the difference between the two." I grinned at him. Ang lakas ng loob niyang sabihin saakin kanina ang kaibahan ng dalawa? Ano sa tingin niya ang ginagawa niya?
Lalong tumaas ang isang kilay niya at unti-unting namuo ang isang ngisi sakanyang labi hanggang sa nagpakawala na siya ng isang nakakainsultong tawa. Damn! I hate how good he is at these sarcastic expressions! Talaga namang nakakairita kapag siya na ang gumagawa.
"Of course I do know the difference, Beatrix." kalmado niyang sabi at humakbang pa papalapit saakin. We're now two feets away from each other. He looked at me with a smug grin oh his face that I want to wipe off!
"Now, I'm staring at you..." He paused. And then his expression changed. Nawala ang ngisi niya at binasa ang kanyang labi. Pinasadahan niya ako tingin mula sa paa at pataas ng pataas, from my feet to my thighs. Tumigil ang mga mata niyang malalalim kung tumitig sa may pagitan ng mga hita ko. I flushed and my palms began to sweat. Gusto ko iyong takpan dahil kahit na may saplot na ako ay parang wala na kung titigan niya ako doon. Nahuli ko ang sarili ko na tumigil sa paghinga. The thing between my legs betrayed me when I felt it became a little damp.
Umangat ang mga tingin niya sa may puson ko hanggang sa may tiyan at muli nanaman siyang tumigil sa mga dibdib kong medyo exposed. He spent his five seconds staring at them like a full course meal. That was the longest and breathtaking five seconds of my life! Muli nanamang umakyat ang mga tingin niya sa collarbone ko, sa leeg, at sa wakas sa mga mata ko. I gasped when our eyes met and I saw the burning desire in it, they were so intense.
"Now, I'm eyefucking you..." He said through clenched teeth while his eyes are piercing my soul. My breathing became ragged and my cheeks are burning. Pakiramdam ko ay nasa loob ako ng isang pugon dahil sa pag-iinit ng aking balat. Fuck those eyes that can almost bring you to your climax by just staring at you. Bastos ka, Yael! Napakabastos!
"Let's go, Trix!" Muli akong nakahinga dahil sa bigla-biglang pagsulpot ni Kaye. Awtomatiko rin akong napatingin sakanya na naging dahilan upang mawala ang pagka-hipnotismo ko sa mga mata ni Yael.
"K-kaye!" That's what I managed to say. Nagpalipat-lipat ang tingin niya saaming dalawa ni Yael habang nakakunot ang kanyang noo. I just bit the inside of my cheek. Wala pa rin ako saaking huwisyo. Iniabot niya saakin ang purse ko at wala sa sarili kong kinuha iyon.
"Saan kayo naka check-in, Kaye?" Yael asked.
"Diyan lang sa La Carmela."
"Hatid ko na kayo..." Ani Yael. Tinignan naman ako ni Kaye bago muling ibinalik ang tingin kay Yael.
"Sige, kung ayos lang kay Beatrix." Aniya at muli akong tinignan. She mouthed, "Ayos lang?" And all I could do was shrug. Hindi pa rin ako makapagsalita at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari kanina. God! He didn't even touched me! Umigting ang bagang ko at nauna na akong maglakad sakanila. Naramdaman ko naman ang pagsunod ng dalawa saakin. Mas binilisan ni Kaye ang paglalakad para makapantay ako at ramdam ko naman ang presensya ni Yael sa likod namin.
"Pulang-pula ka.... Ayos ka lang ba talaga?" Kaye said in furrowed eyebrows. Mas lalo naman akong namula dahil sa ginawa niyang pagpuna.
"A-ayos lang ako, ano. Sa vodka lang siguro ito..." Sinamahan ko pa iyon ng pekeng tawa.
"Naka-isa ka lang," ngumisi siya at may bahid ng duda sakanyang tono. Hindi ko na lang iyon pinansin at umiling na lang. Mula sa likod namin ay narinig ko ang biglang pagsasalita ni Yael. Hindi ko siya nilingon dahil alam kong may kausap siya sa telepono niya.
"Nasa bay pa rin ako... Ihahatid ko lang saglit sina Beatrix."
My name slipped out of his tongue like he didn't stared- I mean, eyefucked me awhile ago. It sounds so casual like the both of us are already in good terms. Well, fuck him! We're not in good terms and we will never be if he'll continue being a dick!
Sabagay, last niya na 'to dahil sigurado ako na pagbalik ko sa Angeles ay babalik na rin sa normal ang buhay ko. Hindi ko na ulit makikita ang pagmumukha niya.
"Sa susunod na lang, Matt... Bi-biyahe na ako maya-maya papuntang Caticlan. Maaga pa ako bukas."
"Sige, I'll see you two next time." Iyon na ang huli kong narinig at hindi na siya nagsalita pa. So it was Matt again? Ano pa ba ang gusto no'n? Baka naman ibubugaw niya sa ibang babae si Yael? For sure, after Kaye left ay nakahanap na ito kaagad ng bagong kasayaw, pustahan. But good for them. Dapat lang na bumalik pa si Yael doon o di kaya'y magpakasasa na lang siya sa mga flight attendant na nakapaligid sakanya.
Atsaka, malay ko ba'ng single pa rin ito hanggang ngayon? Nine months has been already passed. Things happened, feelings changed. Ano pa bang alam ko kung gusto lang makipaglaro nito saakin? Yael is so good at keeping secrets. Malay ko ba na mayroon pala siyang nobyang itinatago? Tsk.
Nang makarating na kami sa tapat ng La Carmela ay nagtuloy-tuloy na ako sa pagpasok. Ni hindi na ako tumigil upang lingunin o magpaalam pa kay Yael. Only Kaye had the audacity to do so.
Nauna na akong pumasok sa kwarto namin ni Kaye, ako ang may hawak ng susi kaya malakas rin ang loob kong mauna na. Pagpasok ko ay inilapag ko sa nighstand ang aking purse at umupo sa kama ko saka tinanggal ang heels na suot ko.
Saktong pitong minuto ang lumipas bago pumasok si Kaye. Alam ko dahil nakatingin ako sa orasan. Pagpasok niya ay hinanap kaagad ako ng tingin niya saka mapaglarong pinaningkitan ng mga mata pero hindi na siya nagsalita at dumiretso na lang rin sa kama niya.
Nakatingin lamang ako sakanya habang tinatanggal rin ang heels niya, pati pagkuha niya sakanyang phone at pagba-browse doon ay nakatanga pa rin ako sakanya. Damn! Hindi ba talaga siya magsasalita?
"Anong... Anong...." I just bit my tongue and shook my head. Nag-angat siya ng tingin saakin at nginisian ako.
"May gusto kang itanong?" She grinned.
I cleared my throat. "Buti natagalan ka sa pagsunod rito?" I asked nonchalantly at hinilot ang aking paa na nakataas sa kama.
"Matagal na ba iyon?" Kumunot ang noo niya pero nando'n pa rin ang mapang-asar niyang mga ngiti.
"Matagal na ang pitong minuto, Kaye... Dapat alam mo 'yan dahil sa field ng medisina ay importante bawat segundo." Pangangatwiran ko.
"What if your patient is dying? Tapos dalawang minuto na lang pala siya at nalate ka pa! Edi wala na...." Dugtong ko pa.
Bigla siyang tumawa. "But I don't have a dying patient waiting for me, Trix... Dying with curiosity, pwede pa." Mapang-asar niyang sabi. My eyes narrowed at her and wrinkled my nose afterwards.
Ibinaba niya ang phone niya sakanyang tabi at itinuon ang buong atensyon saakin.
"You know what, Trix? Kung gusto mong magtanong tungkol kay Yael, sasagutin ko naman e... Magtanong ka lang." Itinaas baba niya pa ang dalawang kilay niya. Napairap na lang ako sakanya at umiling.
"Bakit naman ako magtatanong tungkol sakanya?" I said defensively and stood up. Mas lalo lamang niya akong tinawanan.
"Alam mo, maliligo na lang ako... Ewan ko sa'yo." Sabi ko na lang at kumuha na ng damit pantulog bago dumiretso ng banyo. Napailing ako habang naghuhubad. Kahit kailan ay hinding-hindi ako magtatanong tungkol sakanya o tungkol sa kung may sinabi man siya kay Kaye kanina. Tss.
Narinig ako ay bi-biyahe na siya mamaya papuntang Caticlan. Mabuti na lang talaga dahil hindi na ako mag-aalala pa na baka magkasalubong nanaman kami. I had enough for this night. Ito ang unang pagkikita namin makalipas ng siyam na taon pero napuno niya kaagad ako.
"Trix, dalian mo na... Excited na ako!" halatang-halata nga ang excitement ni Kaye sakanyang boses. Parang ngayon lang nag island hopping ang bruha.
"Oo heto na..." Sabi ko at inilagay ang sunblock sa maliit na bag na dala ko. Tinignan ko si Kaye na mukhang handang-handa na, she looks stunning in her thin white cover up dress and her two piece bikini is visible underneath.
Ako naman ay nagsuot ng blouse cover up at beach shorts. I'm also wearing my two piece underneath pero yung string lang ng bikini top ko ang kita dahil hindi malinaw ang blouse cover up ko.
Hinayaan ka lang rin na nakalugay ang kulot kong buhok habang si Kaye naman ay inipitan ang kanya.
"Siya ba 'yon?" Tanong kay Kaye nang mapansin ko ang isang lalaking nag-aabang sa may bay.
"Oo siya. Halika ka na!" aniya at hinila na ako papalapit doon sa lalaking magiging tour guide namin sa pag i-island hopping. Ang sabi ni Kaye ay kinontact na daw niya ito kahapon at nagkausap na sila.
"Kayeleen Contreras," banggit ni Kaye sakanyang pangalan at napatango iyong tour guide saka kami sinamahan pasakay ng bangka. May mga grupo ng mga babaeng ibang lahi kaming nadatnan na doon. Nasa may pinakaharap sila. As usual, palagi nilang pinipili sa may harapan.
Kami lang dalawa ni Kaye ang nandito sa may bandang likuran.
"Trix, picture tayo!" Sabi ni Kaye at itinapat ang phone niya saaming dalawa. Kaagad naman akong ngumiti at nag peace sign. Pinindot niya pa ito ng limang beses at nang maubusan na kami ng pose ay tumigil na siya.
"Ang cute natin dito!" aniya habang binabrowse ang mga pictures namin. Napangiti na lang ako dahil sakanya.
Habang busyng-busy si Kayeleen sa pagtitingin ng pictures namin ay nilibot ko ang paningin ko sa kapaligiran. Alas diyes pa lamang pero tirik na tirik na ang araw. Nakatulong ang sunnies na suot ko para mas ma-appreacite ko pa ang lugar. Mula dito ay tanaw na tanaw ko yung mga loungers na nasa lilim ng palm tree ngunit mayroon pa ring umbrella sa taas.
Ilang beses na akong nagpunta dito, ilang beses na rin akong nag island hopping dito at masasabi kong iba pa rin ang pakiramdam ko noong unang beses kong nagawa ang lahat ng ito. The excitement and sleepless night the first time my Papa announced that we'll going to Boracay. Yung gising na gising ka at buong biyahe ay nakatingin ka sa may bintana ng eroplano para makita ko ang view sa kauna-unahang pagkakataon. It was indeed mesmerizing and jaw dropping. The cotton-like clouds, the huge houses that became tiny at your sight because you were so high and you just want to shout 'I'm the king of the world!' Like Jack Dawson in The Titanic.
Yung paglapag ng eroplano ay akala mo iyon na pero hindi pa pala. You have to take the bus from Caticlan to Aklan. Isama mo pa doon ang pagsakay ng jetty. Pero pagdating mo sa hotel niyo ay hindi mo man ramdam ang jetlag at ang pagod ng biyahe. You suddenly forgot all the long and tiring journey the moment you you got onto your destination. Because no one can beat first times.
First times are just so hard to forget and the adrenaline that you felt is incomparable. Kahit saang larangan tignan, pinakamasaya lagi ay iyong unang beses na nagawa o naranasan mo ang isang bagay.
"Kuya, hindi pa ba tayo aalis? Alas diyes ang napag-usapan hindi ba?" inip na inip na tanong ni Kaye doon sa isa pang lalaking nakahawak sa manibela ng bangka.
"May dalawa pa tayong hinihintay, ma'am tapos ay aalis na tayo." Sagot nito.
"Oh, ayan na pala sila!" Anunsiyo niya at sabay kaming napatingin ni Kaye doon sa gawing kanyang tinitignan. Mula sa kalayuan ay natanaw ko ang tatlong lalaki. Ang isa ay yung tour guide at yung dalawa namang kasama niya parang pamilyar saakin ang mga hubog ng katawan. Kumunot ang noo ko at mas lalo ko pang pinakatitigan ang mga paparating hanggang sa mapa-awang na lang ang bibig ko nang malapit na sila saamin.
"Sina Matthias Abrigo!" Kaye announced. Hindi pa rin ako makagalaw sa kinauupuan ko hanggang sa makasakay na sila at maupo na sa harapan namin. Yael caught me staring at him and he briefly arched his brows at me. My nose crinkled and I rolled my eyes at him. Akala ko ba ay umalis na siya? Bakit nandito pa rin siya? At kasama pa talaga namin siya dito sa bangka? Really? What the fuck, life?
"Tignan mo nga naman... Magkakasama pala tayo dito." Ani Matthias na hindi ko na pinansin. Sigurado ako na tuwang-tuwa ang kalooban niya dahil nagtagpo nanaman ang landas namin ng kaibigan niya. Akala niya! May araw rin siya ano!
"Anyway, you look stunning, Kaye..." Puri ni Matthias sa kasama ko kaya napatingin ako sakanya, nginisian naman niya ako. "You too..." He grinned at me. Mas lalo lamang umikot ang mga mata ko at tumingin na lang sa tubig dagat.
"Of course, we do..." Dinig kong sagot ni Kaye.
"Pakisuot po yung life jacket niyo..." Paala noong guide namin dito saaming mga nasa bandang likod at kaagad naman kaming sumunod. Umundar na yung bangka at tumitig ako doon sa bay na paliit ng paliit saaking paningin dahil sa paglayo ng aming bangkang sinasakyan.
"Nasaan iyong isa ninyong kasama?" tanong ni Kaye. Napatango ako sa loob-loob ko. Same thoughts. Bakit wala si Cyprian?
"Si Cyprian? Wala, allergic iyon sa mga chics. Mas gusto niyang matulog sa hotel." sagot ni Matt at sinulyapan iyong mga grupo ng babaeng foreigners sa may bandang harapan ng bangka, tignan mo ito, nasa harapan niya si Kaye pero hindi man lang nag atubiling sumulyap ng iba. Parang kagabi lang ay todo ang paglalandi niya sa kaibigan ko tapos ngayong nakakita ng bago, wala na.
Dumako ang tingin ko sa gawi nila at nahuli ko iyong dalawa sa grupo nila na nakatingin kina Matt at Yael. Sa palagay ko ay sinadya talaga ni Matt na mag topless kaagad dahil likas siyang fuckboy. He's just wearing a boardshorts, si Yael naman ay naka boardshorts rin ngunit nakasuot pa rin siya ng puting t-shirt pang itaas.
Ibinalik ko ang tingin ko sa dalawa at halos mapatalon ako nang masalubong ng mga mata ko ang mga mata ni Yael na nakatitig na kaagad saakin. I felt my cheeks warmed as I look away.
"Halata nga na disente 'yung pinsan mo." Komento ni Kaye.
Tumawa si Matt. "Siguro..." Aniya. Iyong dalawa lang yung nag-uusap habang kami namang dalawa ni Yael ay nanahimik lang. Inilabas ko na lang iyong phone ko at nagsimulang kumuha ng pictures sa dinadaanan namin. Pati si Kaye ay kinuhanan ko rin ng picture.
Unang stop namin ay sa Crocodile Island, doon kami pwedeng mag snorkel at pwede ring magpakain ng isda. Nauna ng lumusong sa dagat iyong grupo ng mga foreigners at yung iba ay hindi pa nagsuot ng life vest.
"So many fishes in sea, isn't it? Russian fishes!" Matt said then he briefly glanced at those girls who were having fun.
Tumawa lang si Yael at napailang habang isinusuot ang goggles niya.
Binalingan niya ako ng tingin.
"Hindi kayo mag s-snorkel?" Tanong niya.
"Mamaya." tipid kong sagot at binalingan ng tingin si Kaye na busy pa rin sa pagpi-picture sa isla na mala buwaya ang hugis. Nang lumusong na ang dalawang piloto sa dagat ay saka lang nawala ang ilang na nararamdaman ko.
"Ready?" aniya saakin habang ibinabalik ang phone niya sa bag niya dahil mukhang nagsawa na siya kaka picture.
"Sandali lang, ang init kasi." Sabi ko. Tumango lamang siya at tumingin sa mga nag s-snorkel. Maya-maya ay biglang umikot ang mga mata niya.
"Landi," komento niya at biglang ngumuso. Tumingin ako doon sa inginuso niya at nakita ko si Matthias na ibang mga isda ang inaatupag. He's surrounded by three russian girls.
"Hay nako! Kaya ikaw, Kaye. H'wag kang nagpapadala sa kalandian niyang si Matt ha!" Mahina ngunit mariin kong bilin sakanya.
"Sus, magpaligsahan pa kami kung sino ang mas malandi saaming dalawa." laban niya. Napangisi naman ako. That's it. You go, girl.
Nang sakto ko namang kinalas ang life vest ko ay muli akong napantingin sa gawi nila at ako naman itong napairap nang makita ko si Yael na kausap yung isang russian na naghuhumiyaw sa puti dahil sa pulang two piece bikini na suot niya. May pinag-uusapan sila pero hindi ko marinig, panay ang ngiti nilang dalawa sa isa't-isa.
"Tss..." Hindi ko mapigilang hindi mag-react. Nang tuluyan ng makalas ang life vest ko ay hinubad ko ang blouse cover up kong suot kaya na expose ang blue bikini bottom. Muli kong isinuot ang life vest ko at tinignan si Kaye kung ready na rin ba siya. She's now out of her thin cover up dress and also wearing a life vest. Sabay na kaming lumusong sa tubig.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top