Chapter 16
Chapter 16
More than
“L-let me go…” pilit ko pa ring inaagaw ang kamay ko mula sa kanya.
“Is he your boyfriend, Beatrix?” Madilim niyang tanong. Hindi ko alam kung matatawa ba ako ng pagak o ano. Ano ba naman kasi ang pakialam niya sa buhay ko?
“Doc, sa pagkakaalam ko ay wala na kayong pakialam sa buhay ko sa labas ng ospital. Kaya utang na loob…” pakiusap ko at muling sinubukang agawin ang kamay ko mula sa mariin niyang pagkaka-hawak.
“Answer my damn question!”
Tinapunan ko siya ng matapang na tingin and my nose starts flaring. “Ano naman ngayon?” Matapang kong sagot. I know Yael and I haven’t talked about our label yet pero doon din naman kami pupunta hindi ba?
At alam ko rin na galit pa rin si Ryan saakin. At gustong-gusto ko talagang mapatawad niya ako but he’s just so out of line. Wala siyang alam tungkol sa mga nangyari sa buhay ko. At bakit ba kilala niya si Yael?
Natawa siya nang pagak saka ako tuluyan nang binitawan. Napahawak pa ako sa pulso ko dahil medyo masakit pa rin iyon at namula pa ito dahil sa higpit ng hawak niya.
“Wow, Beatrix. Napaka self-centered mo talaga ano?”
Kumunot ang noo ko. “Excuse me?”
“You haven’t changed at all. You’re still the same immature and selfish Beatrix that I know. You still love playing games and the thought of hurting someone still excites you.”
Namilog ang mga mata ko dahil sa paratang niya saakin.
“Look, I know you’re angry at me for hurting you. And yes, I want your forgiveness. Pero wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan! You don’t know anything about me and Yael!”
“But that’s the truth! Ganoon ka! Sarili mo lang ang iniisip mo! You know how head over heels my sister is with Yael Salcedo!” panunumbat niya. Oh, Rhian. How could I forget about Rhian?
“Hindi ba’t iniwan mo na? Bakit binalikan mo pa?” naningkit ang kanyang mga mata. Nagsisimula na akong mapuno. Ano bang pakialam niya sa gusto kong gawin? At nagtataka rin ako kung bakit alam niya ang lahat ng ‘to pero nang maisip kong magkapatid nga pala silang dalawa ni Rhian ay naging malinaw din ang lahat.
“Yael and I broke up— or whatever-you-call-it for ten months! Hindi kami nag-uusap at hindi rin kami nagkikita. Sa loob ng sampung buwan ay hindi ba dapat sinamantala iyon ni Rhian? They could’ve been together by now.” Pero hindi. It wasn’t my fault kung hindi naging sina Yael at Rhian. Pero bakit parang kasalanan ko pa yata? Parang kasalanan ko pa dahil pinili ko kung saan ako sasaya?
“Leaving Yael is my choice but staying and waiting for me to mend is his choice...”
“Call me selfish but I’m so sorry to inform you, Ryan. Hindi ko na kayang iwan pa ulit si Yael. If Rhian is head over heels with Yael well, new flash doc Ramirez, I am more than that.”
Natawa siya ng pagak sabay iling.
“I realized that you don’t deserve to be happy, Beatrix. Lalo na kung ang bagay na ikinasasaya mo ay nakakapanakit ng iba... Pagsasawaan mo rin siya katulad ng pagsawa mo sa akin, sa amin!” Malamig niyang sabi saka na ako tuluyang tinalikuran.
Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling habang pinapanuod si Ryan na makalayo. He’s wrong. Hinding-hindi ko pagsasawaan si Yael.
Noong una ay akala ko rin na ganoon. Akala ko ay pagsasawaan ko rin siya katulad ng iba but he’s different. There’s something in him that everytime I look at him it always feel like the first time. I don’t know what kind of sorcery is that but I must admit that I’m trapped under it and I’ve got no plans in escaping.
And Ryan? I know he’s gonna despise me even more for this but I will accept that. Maaring hindi na rin niya ako mapatawad pa dahil dito pero tatanggapin ko. I’d rather be despised with someone who already despised me than to be hated by someone whom I love the most.
Selfish? Yeah, you can call me that. But those ten damn months without my Yael is no joke! Hindi ko lang maamin-amin sa sarili ko pero parati ko siyang hinahanap-hanap. Galit ako, oo. Pero umaasa pa rin ako na magkasalubong kami kahit sa daan lang.
And now that I’m no longer a coward for facing my true feelings with Yael ay bigla-bigla na lamang susulpot si Ryan at susumbatan ako? He can call me anything and everything but I’m not giving up Yael this time. I won’t take away those smiles from him again. Those smiles that could light up my whole world.
--
“Hoy gaga! Alam mo bang tawag kami ng tawag ni Kayeleen sa’yo kagabi?!” halos sabunutan na ako ni Nick. Maging ako nga ay gusto ko ring sabunutan ang sarili ko dahil nakalimutan ko silang i- text. Tapos na ang duty naming tatlo ngayon pero dumito muna kami sa may canteen.
“Sorry na, bakla. Nawala sa isip ko na i-text ka’yo. Tsaka hindi ko naman alam na tumatawag kayo. Kinabukasan ko na lang kasi nakita ang mga missed calls niyo.” Paliwanag ko sa kanilang dalawa.
“Ewan ko sa’yo Beatrix ha. Ano ba ang pinagkaka-abalahan mo kagabi at nakalimutan mong may usapan tayong tatlo?” si Kaye naman ngayon ang nagsalita at bakas sa boses niya na medyo nagtatampo siya. Kunsabagay, kanina niya pa ako hindi pinapansin kahit na nagkaaksalubong kami.
I take a deep breath. “N-natulog kasi ako sa unit ni… ni Yael uhm kagabi.” nauutal kong inamin sa kanila sabay kamot sa batok ko. Tiningnan ko ang reaksyon ng dalawa. Lumawak ang mga mata nila at nag form pa ng ‘O’ ang mga bibig nila. Nakatinginan muna ang dalawa bago muling tumingin saakin at mahinang tumili ng “Oh my God!!”
“Malandi!”
“Haliparot!”
“Kerengkeng!”
“Kaladkarin!”
Imbes na mainsulto ako sa mga pinagsasabi nilang dalawa ay natawa na lamang ako. Medyo nawala ang stress ko mula sa pagsasagutan namin ni Ryan kanina at sa pagpapahirap niya saakin. Kung ano-anong test ang mga pinagawa niya saakin sa mga pasyente.
“Grabe naman ‘tong mga ‘to…” natatawa kong sabi.
“Kaya pala hindi sumama saatin dahil ipinasyal na pala siya ni fafa Yael sa mga bitwin.” makahulugang sabi ni Nick. Naramdaman ko bigla ang pag-init ng magkabila kong pisngi at pinanlakihan ko pa ng mga mata si Nick.
“Grabe ka! Walang gano’n Nickolas!” Namumula ko pa ring sabi.
“Sus, Beatrix. H’wag ka ng mahiya saamin. Ikwento mo na! Naka-ilang pasyal kayo?” dugtong pa ni Kaye. Tila ba nawala yata ang inis nilang dalawa saakin.
“Masarap ba sa langit? Baka pwedeng pagkatapos mo ako naman?” sabad nanaman ni Nick.
“H’wag ka ngang epal diyan! Pabayaan mo sila. Uhaw na uhaw ang mga iyan sa isa’t-isa!”
“E, uhaw din ako kay fafa Yael, bakit ba?”
Napatakip na lang ako sa mukha ko dahil sa gulo nilang dalawa. Kung ano-ano ang mga pinagsasasabi! Lalo na ‘tong si Nickolas!
“Beatrix?” tawag saakin ni Kaye matapos nilang manahimik saglit. Akala ko ay matino ko na silang makakausap kaya dahan-dahan kong tinanggal ang mga palad ko na nakatakip sa mukha ko.
“Mindblowing ba?” Tanong niya agad pagkaaalis na pagkaalis ng pagkakatakip ko sa aking mukha.
I groaned. “Bahala kayo diyan!” sabi ko at inirapan sila sabay tayo. Paalis na nga lang ako ay inulan pa nila ako ng tukso. Excited na excited lang daw akong umuwi kasi makikita ko si Yael. Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang mga ngiti ko kahit na nakatalikod na ako sa kanilang dalawa.
Paglabas ko ng ospital ay natanaw ko si Yael sa di kalayuan. Nandoon pa rin siya sa pwesto kung saan niya ako hinintay kahapon. Nakasandal siya sa sasakyan niya habang nakapamulsa. Gusto ko ngang sumigaw na pumasok na lang siya sa sasakyan dahil lahat ng mga babaeng napapadaan ay napapalingon sa kanya. Kahit na simpleng nike shorts at white shirt lang ang suot niya ay ang gwapo niya pa rin. Sa malapitan man o sa malayuan.
Nang magtama ang mga tingin namin ay awtomatiko siyang ngumiti at kinawayan ako. Nginitian ko siya pabalik at mabilis na naglakad palapit sa kanya.
“Hi…” nakangiti kong bati sa kanya. Nginisian niya lang ako.
“Kanina ka pa?” Tanong ko.
“Medyo…” sagot niya at inayos ang ilang hibla ng buhok ko na nakalat sa mukha ko.
“Sorry, nakipag catch up muna kasi ako kina Kaye.” Paliwanag ko. Tsaka hindi ko naman alam na susunduin niya pala ako. Akala ko kasi ay sa condo kami magkikita.
“Ayos lang naman... Hindi naman ako naghintay ng matagal.” Sabi niya at umalis na sa pagkakasandal sa sasakyan niya. I took that as a sign for us to go get inside his car. At tama nga ako ng iniisip dahil pinagbuksan niya ako ng pintuan. Pumasok na ako sa loob at matapos niyang isara yung pintuan ay umikot na siya sa may driver’s seat.
“Gusto mong kumain sa labas o magluluto ako?” tanong niya saakin habang iniistart ang engine ng kanyang sasakyan.
“Ako na lang ang magluluto… dapat nagpapahinga ka, e.” sabi ko sa kanya. Ilang araw lang ang off niya tapos matagal nanaman siyang mawawala. Imbes na magpahinga siya ay todo asikaso naman siya sa akin.
“Ikaw dapat ang nagapahinga, kakagaling mo lang sa trabaho.” Ganti niya. Hindi ko alam kung iirapan ko siya o sasamaan ng tingin. Umuuwi naman ako araw-araw. Hindi katulad niya na ilang beses lang sa ilang linggo.
“Ewan ko sa’yo… basta magluluto pa rin ako.” Pinal kong sabi. Wala naman siyang nagawa kung hindi matawa at sumang-ayon sa sinabi ko. Saglit akong natahimik nang muli kong maisip ang sinabi ni Ryan. Masaya ako ngayong kasama ko si Yael. Pero hindi ko ba talaga deserve?
Sinulyapan ko si Yael na nakatutok ang mga mata sa daan habang hawak-hawak ang manibela. Lapat ang kanyang labi at mas lalo pang na emphasize ang panga niya dahil naka side siya saakin. Mukha yatang naramdaman niya na nakatitig ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin saka ako nginitian. My heart stopped for a split second.
Nang ngitian ko siya pabalik ay saka pa lang siya tumingin sa daan ulit. God, I know I don’t deserve this. I don’t deserve this man beside me but I just can’t let him go. I won’t let him slip away again. But the thought of hurting Rhian’s feelings makes me feel guilty. Pero ganoon naman talaga sa pag-ibig hindi ba? Palaging mayroong masasaktan dahil pinili niyo ang isa’t-isa. But soon they’ll get over it, right?
“Yael…”
“Hmm?” saglit niya akong tiningnan. Ilang Segundo bago ako nakasagot.
“Nakaka-usap mo pa ba si Rhian?”
“Minsan. Kapag nagkakasalubong kami ay kinakausap niya ako. Bakit?” muli niya akong binalingan ng tingin.
Umiling ako. “Wala naman… gusto ko lang malaman.”
“Ayaw mo ba na kinakausap ko siya? Sabihin mo lang at hindi ko na siya kakausapin.” Awtomatiko akong napatingin sa kanya at kitang-kita ko kung gaano kaseryoso ang mukha niya.
“U-uy hindi! Ano ka ba, Yael? Kausapin mo pa rin siya. Kaibigan mo rin naman si Rhian.” Maagap kong sabi sa kanya.
Tumango lang naman siya at hindi na nagsalita. Lalo akong nangamba dahil sa simpleng pagtango niya.
“Uy, Yael? Kausapin mo pa rin siya, okay?” ulit ko sa kanya. Matabang lang siyang tumango ng hindi man lang ako tinitingnan. Buong biyahe ay wala ni isa saamin ang muli pang nagsalita. Ako naman ay panay ang pagsulyap ko sa kanya.
Hanggang sa makarating kami sa unit niya ay hindi pa rin talaga ako mapakali. Wala akong tiwala doon sa pagtango-tango niya. Baka mamaya hindi na niya talaga kausapin si Rhian. Hindi ko naman siya pinagbabawalan na kausapin o pansininin si Rhian dahil alam kong kaibigan naman niya ito.
“Yael…” masuyo kong tawag sa kanya habang sinusundan siya papunta sa kusina.
“Hmm?” aniya habang binubuksan ang ref. Inilabas niya ang isang pitsel ng malamig na tubig. Pinanuod ko siya habang nagsasalin ng tubig sa baso.
“Kausapin mo pa rin si Rhian, ha?” Biglang umigting ang bagang niya at pabagsak na ipinatong ang pitsel sa marmol na counter. Tinapunan niya ako ng isang matapang na tingin.
“Damn, Beatrix! Hindi ba pwedeng ipagdamot mo naman ako kahit minsan? Ang dali-dali lang para sa’yo na itulak ako sa iba! You’re always pushing me to those girls whom you knew they like me! It’s so fucking unfair! Bakit ikaw kayang-kaya mo na mawala ako pero bakit ako hindi ko kaya na mawala ka?” sigaw niya na naging dahilan upang manigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako nakasagot. Gulat na gulat pa rin ako dahil sa bigla niyang pag sigaw. Hindi ko inaasahan na mapipikon siya dahil gusto kong kausapin niya si Rhian.
Tulala pa rin akong nakatitig sa kanya habang nagtataas-baba ang kanyang maskuladong dibdib. Maya-maya ay biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya saka siya mabilis na humakbang papalapit saakin at niyakap ako ng mahigpit.
“Shit! Sorry, baby. I didn’t mean to yell at you…” marahan niyang sabi at hinalikan ako sa ulo. I can feel his heart beating fast. Pati galaw ng katawan niya at pati ang kanyang paghinga ay hindi normal. His body language says how sorry he was. Nang yakapin ko siya pabalik ay saka lang kumalma ang pagpintig ng puso niya.
“Hindi ako galit…” I informed him. Nakahinga siya ng maluwang at hinalikan niya ako sa noo. Hindi naman talaga ako galit. Nagulat lang ako. Pero naiintindihan ko naman kung bakit siya napikon sa akin. I can see that he’s insecure. Pakiramdam niya ay winawalang kwenta ko siya.
“I’m sorry if I’m making you feel that way but I just trust you too much, Yael. Alam ko naman na kahit sino pang babaeng kausapin mo ay mananatili ka pa ring tapat,” I paused.
I know how loyal Yael is. Ilang beses ko na ba iyang napatunayan? From Honey to that Russian fish? Idagdag mo ang pinsan kong si Azariela. There are so many girls out there who are chasing him pero ako lang ang nakikita niya. And mind you, hindi biro-biro ang mga babaeng naghahabol sa kanya. Kung tutuusin ay dapat ay matagal na niya akong ipinagalit kay Rhian pa lamang. I mean, they’re both mature; they’re both good looking. Rhian is a good catch and she’s someone that Yael could easily handle. Hindi katulad ko.
To think na almost sampung buwan kaming hindi maayos ni Yael. Sa loob ng samoung buwan na iyon ay dapat natauhan na siya; dapat nakahanap na siya ng babaeng deserve niya pero hindi, e. He stayed. He remained as mine. Hindi pa rin siya natauhan… at ipinagdadasal ko na sana ay h’wag na siyang matauhan.
“At hindi kita ipanamimigay… kasi akin ka lang, Yael.” Namula pa ako sa huli kong sinabi. Bahagya naman siyang kumalas sa yakap para lang tingnan ang mukha ko. Ang lawak ng ngisi ng mokong.
“Again?” he’s grinning like crazy!
“Akin ka lang, Yael Theodore Salcedo.” I bit my bottom lip, hard.
“Damn, yes! I’m so fucking yours.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top