Chapter 12


Chapter 12

Iyong-iyo

Napakurap ako ng ilang beses dahil sa request niya kay Aya. Is she being serious? Nagsisimula na akong makaramdam ng iritasyon. Yael is not a toy that she could play with.

"Hey, Azariela! Is that you or am I just fucking drunk?" naningkit ang mga mata ni Eli habang nakatingin sa gawi namin. Nakaharap kasi ang phone ni Aya sa may gawi nila. Now the boys are looking at us. Narinig ko ang paghalakhak ni Zariel mula sa phone ni Aya nang mapansin niya yata na nakatingin si Eli sakanya mula sa di kalayuan.

"Oh please..." Brielle groaned.

I caught Yael looking at me but I didn't meet his eyes. His cheeks were already red. He looks cute and it makes me angry. Lalo na't nandiyan pa rin si Zariel at sigurado ako na nakamasid pa rin siya sa kanya.

Naalis ang tingin ko kay Yael nang tumayo ang katabi niyang si Eli at kahit halos matumba na siya ay nagawa niya pa ring makahakbang papalapit saamin. I'm certain that this guy will suffer from hang over the next day, a bad one. So bad that he'll start begging all the saints and gods that he knows to take the pain away. Hindi bale, birthday niya naman at may dala naman akong ibuprofen.

"Oh, it's really you... I see you don't wanna miss my birthday."

Tumawa naman si Zariel. "Dream on, Eliott. Aya just skyped me."

"And I wish that I didn't..." Aya said curtly. At tiningnan ako saka nagkibit balikat. Kung kanina ay si Jess lang ang nanahimik ngayon naman ay parehas na kami. I just don't know what to say to Zariel.

"Hey!" Zariel whined.

"God, just go home!" Eli said ignoring Aya's comment. Halata sa mga mata ni Eli na miss na miss na niya ito. I can still remember how close they were when we're in elementary.

"H'wag na! Dadagdagan niya lang ang mga desperada dito sa pilipinas!" Brielle said. Kinunotan ng noon ni Eli ang kapatid.

"She likes Yael and she hasn't even seen him face to face. What the heck? Nakakasira ba ng bait ang pagtira sa New York?" Brielle snorted.

Bigla namang natawa si Eli na punong-puno ng pagkamangha.

"You like him? Hmm... Ipapakilala kita, sige." Tumatawa pa rin si Eli habang inaabot ang phone ni Aya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Eli. Pero hindi ko naman magawang makatanggi.

"You know, Trix... This is the part where you should grab Aya's phone and throw it straight to the pool down there." Bulong saakin ni Brielle.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at patay malisya na nagkibit balikat. Wala ako sa pwesto para pagbawalan si Zariel na makilala si Yael. He's not mine.

She just rolled her eyes at me and groaned.

Sinundan ko ng tingin si Eli habang kasalukuyan siyang pabalik sa pwesto niya dala ang phone ni Aya kung saan on screen pa rin si Zariel.

"Yael, I want you to meet someone." Ani Eli at bahagyang tumatawa. He's really drunk and I might punch him in the face para mapaaga ang pagtulog niya. Birthday gift na rin.

I watched how Eli wrapped his arm over Yael's shoulder at inilayo ng bahagya ang phone sakanya para makita silang dalawa ng mas mabuti ni Zariel.

"This is my cousin, Azariela..."

"Azariela?" ulit ni Yael habang kunot noong nakatingin sa screen. I bit the inside of my cheek, hard. Lalo akong hindi mapakali dahil hindi ko nakikita ang kung ano mang reaksyon ni Zariel mula sa screen.

"Seriously, Eli?" Colton sadi while shaking his head.

"He doesn't know what he's doing." Phil commented while chuckling at the two.

"Kumikitid talaga ang utak niya sa tuwing nalalasing." Ani Kiel sabay hithit sa sigarilyo niya. Wala namang pakialam ang dalawa na pinagtitinginan na sila dahil na kay Zariel ang atensyon nila. Of course, sino ba namang nasa tamang pag-iisip ang i-isnobin ang isang Azariela Ponce de Leon? With that perfect face and body? And that short and wavy ash grey hair? Kahit siguro bakla ay tutuwid.

"Call her Zariel. She lives in New York,"

"That explains why she's not familiar." Tumatango-tangong sabi ni Yael. He seems interested in her. Ni hindi na nga siya makatingin sa magkabila niya dahil sa phone na lang ang atensyon niya.

"Alam mo, kapag ako ang nagkaroon ng lalaking katulad ni Yael, ipaglalaban ko siya ng patayan. Kahit sino ay sasagasaan ko... kahit sino, kahit taga New York pa. Baka nga isabit ko pa siya sa Statue of Liberty hanggang sa marealize niya na ang akin ay akin lang." I heard Brielle spoke. Si Jess at Aya ang kausap niya pero ako ang pinaparinggan niya.

"Too harsh... but sounds good." Dinig kong komento ni Jess.

Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagtanaw kina Yael sa may hindi kalayuan. What do they expect me to do? Hindi ko aawayin ang pinsan ko para sa isang bagay na walang kasiguraduhan.

"I'm good, I'm good." I heard Yael said while looking on the phone that Eli's holding.

"He's a pilot!" pagmamayabang ni Eli na para bang siya si kupido at ipinaglalapit niya ang dalawa. I really don't know which side Eli's on. O baka naman neutral lang talaga siya ever since. He's like a tiny fish that wherever the wave goes, he goes.

"Really?"

Lalong pinamulahan si Yael at napakamot pa ng batok.

"Yeah..."

"Can you give me free plane tickets then?"

Yael chuckled shyly. "Yeah, sure, I can."

That's it. Enough of this shit. Mula sa pagkakahiga ko sa lounger ay tumayo ako.

"Nood lang ako ng TV sa kwarto..." paalam ko sa tatlo nang hindi man lang sila tiningnan. Habang naglalakad ako paalis ay nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin si Yael sa gawi ko pero hindi ko na lang siya tiningnan pabalik. She can talk to Zariel and give her plane tickets for all I care. They could even travel the world together or the beautiful provinces here in the Philippines. Yes, how cool is that?

Nang makarating na ako sa isang kwarto kung nasaan ang mga gamit namin ni Yael at mga gamit nila Colton ay kaagad akong humiga doon sa unang kama at saktong nandoon yung remote. The room has two beds and it has a television. The aircondition was already turned on kaya ramdam na ramdam ko ang lamig sa mga legs ko dahil naka shorts lang ako.

I turn the TV on and switched the channel immediately to find something to watch. Kahit anong pilit kong seryosohin ang pinapanuod kong cooking show ay hindi ko magawa dahil gumugulo sa isipan ko sina Zariel at Yael. Even their name rhymes. I might start calling Yael 'Theodore'. Natawa ako ng pagak sa mga pinag-iisip ko.

Hindi ko alam kung may isang oras na ba akong nanonood dito nang biglang bumukas ang pintuan. Awtomatiko akong napatingin doon at si Yael kaagad ang aking nakita. May hawak-hawak siyang isang disposable paper cup at may usok na umaapaw mula sa itaas nito. The aroma also filled my nostril kaya nakumpirma ko na kape nga iyon.

Mula sa kanyang hawak-hawak na baso ng kape ay nag-angat ang tingin ko sa mukha niya. He's looking at me as he closes the door using his free hand. Hindi na siya namumula, kaunti na lang.

Hindi ako umimik at ibinalik na lang ang tingin ko sa telebisyon. Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa may bandang paanan ko.

"Bakit ka umalis?" tanong niya bigla. Umigting ang bagang ko habang nasa telebisyon pa rin ang aking mga mata.

"Nothing. Nainip lang ako at gusto kong manood ng telebisyon." I answered dryly. Hinintay ko siyang sumagot pero ni isang salita ay wala na akong narinig. He just sat there and while taking a sip of his coffee.

"Ikaw, mabuti at nandito ka? Tapos na kayong mag-usap ni Zariel?" I bit my tongue after asking him those. And what's worse is I couldn't hide the sarcasm in my voice. The only decision that I made right is to remain watching the television even though I have no idea what the fuck is going on.

"Yes... She has to go." Sagot pa niya na lalo lang bumuhay sa inis na nararamdaman ko. Wow, what's with Eli's birthday? Nang papunta kami ay may aberyang nangyari.

And a while ago we were just pretending to be a married couple and now he's flirting with my cousin. Wow! Happy birthday, Eliott!

"Zariel's beautiful, right?" sabi ko at muling inangat ang remote na hawak-hawak ko para maglipat ng channel.

"Yes." He agreed without having second thought. Napangisi ako ng pagak.

"She likes you."

"I know." Sagot niya na naging dahilan upang maibaling ko ang paningin ko sakanya and guess what, he's already looking at me using those deep eyes that pierced to my soul. His jaw is clenched and he's trying not to crash the paper cup that he's holding.

What is that anger that I'm seeing on your face, Yael?

"And you too knew that she likes me." He said in gritted teeth.

"Y-yes... I definitely knew that she does. She was like... starstrucked at you, Yael Salcedo." Sino ba namang hindi? This man is a god and no one could ever resist his charm. Ultimo pag upo niya ay kayang gisingin ang natutulog na diwa ng isang babae. And those stares? God, those stares! They could be my cause of death!

"And you didn't say anything? You let her just like that." tumawa siya ng pagak at napailing. Nakaramdam ako ng pagka-pikon sa tinuran niya kaya mula sa pagkakahiga ko ay isinandal ko ang likod ko sa headboard at tiningnan siya habang naniningkit ang aking mga mata.

"Ano bang gusto mong gawin ko? Pagbawalan ko siya na magustuhan ka?!" I hissed.

"Yes! Exactly! Pagbawalan mo siya! Ipagdamot mo ako, Beatrix! Ilugar mo siya kung saan siya nararapat!" He barked at dahil sa galit niya ay may kaunting kape na pumatak sa puting bedsheet ng kama. Sumilay rin ang ugat niya sa kanyang leeg dahil sa pigil niyang pagwawala. Bakit nga ba siya galit saakin? Bakit parang ako pa yata ang may kasalanan?

I looked at him while shaking my head abruptly. "How could you expect me to do that when you're not even mine?!" Gusto niya bang pagmukhain kong tanga at ipahiya ang sarili ko sa harapan ng mga pinsan ko at sa asawa ng kuya ko?! Lalo na sa harapan ni Zariel! Azariela the imperfectly perfect girl!

Umawang ang bibig niya at tinawanan ako ng pagak.

"Bullshit, Beatrix! Sa simula pa lang ay iyong-iyo na ako! Even after all what happened I'm still and I will remain as yours! Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang kung ipamigay mo ako sa iba..."

My jaw slacked but no words came out. He just got me tongue tied. Goddamn my head is spinning! My pulse is raising!

"B-bakit mo sinasabi ang mga iyan? I saw with my own two eyes how you enjoyed talking to her, Yael! You even promise to give her plane tickets! Tapos sasabihin mo na akin ka! Ha! If you're really mine then you must know your place, Yael!"

He wet his lower lip in frustration at naihilamos niya pa ang isa niyang palad sakanyang mukha saka bahagyang umusog palapit saakin.

"I didn't enjoy talking to her! Sinasagot ko lang kung ano ang mga tanong niya, I was being polite, Trix. And I never promised her a plane ticket! She asked me if I can give her and I said yes, I can but I won't, okay?"

"And yes, baby. I'm certain that I'm all yours. Pero sige nga, paano ko mailulugar ang sarili ko sa'yo gayong parati mo naman akong tinatanggihan? Kung hindi mo man ako tatanggihan ay ipamimigay mo naman ako. Put me in a place where you wanted me to be, miss Ponce de Leon, at doon ako pipirmi."

I'm still shocked of all the mindblowing and sanity wrecking explanations that Yael said. I don't know how he does that. He can make my mind go blank for straight 60 seconds.

"You're.... you're drunk..." wala sa sarili kong sabi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top