Chapter 11
Chapter 11
God must be Selfish
Napakurap ako ng ilang beses dahil sa sinabi ni Yael. Hard on? Damn? I'm giving him a fucking hard on? Naka-awang pa rin ang bibig ko habang nakatingin ako sa pintuan ng banyo na kanina'y pabagsak niyang isinara.
Shit! Kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko na lalo lamang nagpapalagablab sa magkabila kong pisngi pero kaagad kong ipiniling ang ulo ko at mabilis na nagbihis saka lumabas ng kwarto. Sa labas na lang ako maghihintay hanggang sa makapagbihis siya.
He's not bringing any towel nang pumasok siya sa banyo. I don't want to see him walking around the room in his glory. Hindi ako handa.
"Oh, Beatrix." Tawag saakin ni manang Mercy na kasalukuyang nakaupo sa upuan na gawa sa bamboo habang tinatahi ang isang bestida. Nginitian ko siya at umupo ako sa isa pang upuan na gawa sa bamboo.
"Nasaan po si manong Lino?" Tanong ko sakanya.
"Nasa kwarto at nagpapahinga... Madalas kasi kung sumakit ang likod niya ngayon kaya ayaw ko na muna siyang pinapakilos."
"Hala, napatingin na po ba siya sa doktor?"
Tumango siya. "Pinatingin na namin ni Edward noong umuwi siya. Nabigyan naman siya ng gamot at kailangan lang daw niyang magpahinga."
"Naku, mabuti naman po kung ganoon manang..." sagot ko at tumingin sa may bintana. Hindi na malakas ang ulan. Sa palagay ko ay ano mang oras ay titigil na ito.
"Beatrix..." Tawag saakin ni manang Mercy kaya muli kong ibinalik ang tingin ko sakanya.
"Bakit gustong-gusto mo iyong mga damit na kinulang sa tela?" tanong niya bigla na naging dahilan upang mag-init ang magkabila kong pisngi. Napaawang ang bibig ko ngunit walang salitang lumabas. Parang gusto ko pang itaas ang v-neck na shirt na suot-suot ko.
I cleared my throat. "Um... lumaki po kasi ako sa siyudad, manang."paliwanag ko. Naiintindihan ko naman ang pangunguwestiyon niya sa pananamit ko dahil nga sa matanda na si manang Mercy.
Tumango-tango siya. "Ayos lang ba kay Yael?" she kept asking while still doing her thing.
"O-opo, manang... Hindi naman po niya ako pinagbabawalan." Sagot ko. Well, that's true. Noong okay pa kami ay naitanong ko na sakanya kung ayos lang ba na revealing ako kung manamit. Ayos lang naman daw although hindi siya agree ay hahayaan niya daw ako na suotin ang kahit anong gusto ko. Ah... those fucking good times.
Tumango siya ulit at natawa ng bahagya. "Sa bagay... ganyan ang mga tipo ni Yael." Aniya ngunit walang bahid ng pagka sarcastic sa tono niya. Ramdam ko rin naman na hindi niya ako tinutuya. She's just simply saying what she wants to say without intentionally hurting you.
Kumunot ang noo ko. "Paano niyo naman po nasabi manang?" curious kong tanong at nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa antisipasyon sa sagot ni manang.
"Yung mga dating naging nobya kasi niyang si Yael ay kinakapos rin sa tela kung manamit..." pagkukwento niya. Damn! Yael and his exes.
"Talaga ho manang?" parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.
Tumango siya ulit. "Pero grabe naman ang mga iyon... kung minsan ay sumusobra na sa pagiging mapusok at walang pinipiling lugar." Aniya at napangiwi pa nang may maalala.
"A-ano po ba ang ginawa, manang?" hindi ko mapigilang tanong. Manang naman, e. Bakit ba hindi na lang niya ikwento ang buong detalye.
"Ay hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa'yo iyon, hija. Muntik na akong himatayin noon..." Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa biglang pagkabitin.
"Sige na, manang. Ikweno niyo na po. Hindi ko po sasabihin kay Yael na sinabi niyo." I offered and blinked twice.
Umiling siya. "Mas mabuti kung siya na lang ang tanungin mo..." pinal niyang sabi. Damn! Sa tingin ba ni manang ay matatahimik ako? Mag-oopen siya pero hindi naman niya ikukwento ng buo. H'wag namang ganun, manang Mercy.
"Manang..." pangungulit ko na may kasama pang pagpapaawa.
"Manang Mercy."
Pareho kaming napatingin ni manang doon sa nagsalita at nakita ko si Yael na nakasuot na ng white shirt at black sweat shorts. Basa pa ang buhok niya at bitbit na niya ang mga gamit namin. Shit, parang ayoko pa yatang umuwi hangga't hindi nagkukwento si manang.
"Oh, bakit dala mo na ang mga gamit niyo?" gulat na tanong ni manang.
Tumingin si Yael sa may bintana bago sumagot. "Tumila na rin ho ang ulan, manang at nandiyan na rin ang araw." Sagot niya. Saka ko lang narealize na tama nga siya. Sa pangungulit ko kay manang ay hindi ko napansin na tumila na pala ang ulan.
"Sigurado ba kayo na aalis na kayo? Hindi naman uuwi si Edward. Pwede naman kayong magpalipas ng gabi dito." Aniya at itinigil ang pananahi. Inilapag niya sa tabi niya ang bestida na kanyang tinatahi.
Humakbang palapit si Yael saamin habang bitbit ang mga gamit namin. Gusto ko na sanang patulan ang suhestyon ni manang pero si Yael nanaman itong sumagot.
"Masyado na po namin kayong naabala, manang. Atsaka, hinahabol din po kasi namin ang birthday ng pinsan ni Beatrix."
Oo nga pala at hinihintay na kami doon. Atsaka kung mananatili pa kami dito ay lalo lang madadagdagan ang kasalanan naming dalawa. We're both lying about our marriage. Hindi naman talaga kami mag-asawa ni Yael. We're not even in a relationship either.
"Osige, kung iyan ang desisyon ninyo. Basta pwedeng-pwede kayong bumalik ulit dito, ha?" aniya.
Napangiti naman ako. "Salamat po, manang Mercy." Sabi ko at hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya kahit na binitin niya ako sa kwento niya. Humalakhak naman siya at gumanti ng yakap saakin.
"Walang ano man, hija... h'wag na kayong mag-aaway ni Yael, ha?" bilin niya. Napangiti naman ako ng mapait habang yakap-yakap ko pa rin siya. Ayoko na ring makipag-away kay Yael, manang.
--
"What is it, Beatrix?" tanong ni Yael at medyo may bahid ng iritasyon habang nagma-maneho. Kumunot pa ang noo niya nang sulyapan niya ako saglit. Napapansin niya siguro na kanina ko pa siya tinititigan.
"O, bakit? Masama na ba ngayon ang tumingin?" ganti ko sakanya. Ang totoo kasi niyan ay gumugulo pa rin sa isipan ko yung dapat na sasabihin ni manang. Nabanggit niya kasi na halos mahimatay na siya nang makita niya iyon kaya mas lalo akong na curious.
"No. It's just that you're distracting me. Hindi ko alam kung anong klaseng titig ba yang ibinibigay mo saakin." Tiim bagang niyang sabi at bigla pa siyang namula. Noong una ay hindi ako nakasagot pero nang bigla kong marealize ay napangiti ako ng palihim. Siguro ay iniisip niya na kaya ko siya tinititigan ay dahil doon sa pag-amin niya kanina na nagkaroon siya ng hard on nang makita akong nakatapis lang.
Pero siguro, kung hindi kami nagkwentuhan kanina ni manang Mercy ay baka iyon nga ang naging dahilan ng pagtitig ko sakanya ngayon. I mean, damn! A guy just admitted that I'm giving him a hard on! And that guy is no other than Yael Salcedo. Diyos ko, makakatulog pa ba ako nito?
"May ikinwento si manang Mercy saakin." Pag-amin ko sakanya.
Muli niya akong sinulyapan at lalong kumunot ang noo niya.
"Talaga? Anong sabi niya?" tanong niya at muling ibinalik ang tingin sa daan.
"She mentioned that you like girls who show too much skin." Sabi ko. Tumaas ang kilay niya at umigting ang kanyang bagang.
"Not really, I just don't have a choice."
Naningkit ang mga mata ko. What does he mean by having no choice?
"Anong, no choice? Ibig sabihin lahat ng mga babaeng nagugustuhan mo ay dahil sa wala ka lang choice?"
Nung nagustuhan ba niya ako ay wala lang siyang choice?
"No... Hindi sa gano'n. Laking maynila ako, Trix. Halos lahat ng babae doon ay ganoon manamit." Paliwanag niya. Napa 'ahh' naman ako.
"Pero ang sabi ni manang ay may nakita daw siya one time at muntik na siyang himatayin. What was that all about, Yael?" lakas loob kong tanong. Nagtanong na rin ako ay lulubus-lubusin ko na.
His expression hardened as he grip the steering wheel tight. Hindi niya ako sinagot.
"Yael..." tawag ko sa pangalan niya dahil halos limang minuto na akong naghihintay ng sagot niya pero wala pa rin. Tahimik pa rin siyang nagmamaneho.
Umiling siya. "Wala." He replied curtly. I clenched my jaw and shot a glare at him. Wala? Seryoso ba siya doon? Sa reaksyon niya kanina ay hindi lang 'wala' iyon ano.
"E, nagpanic nga si manang tapos sasabihin mo wala?" Hindi ko mapigilang sabi. Ano ba kasi iyon?
Itinaas niya lang ang isa niyang kilay habang sa daan pa rin nakatingin. Bakit ba ang hirap paaminin ng lalaking 'to? Why do they have to leave me hanging? Him and manang.
But wait... manang Mercy is conservative... Napasinghap ako sa ideya na pumasok sa isipan ko.
"Did manang caught you having sex with your girlfriend?" tanong ko at biglang bumulis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Pinagmasdan ko siya ng mabuti at pinanoon ang bawat galaw niya. He didn't even budge. Nagpatuloy pa rin siya sa pagmamaneho na para bang wala siyang narinig.
"S-so it's true? Silence means yes." Pagkompirma ko. Ngumisi lang siya at nagkabit balikat. Bigla akong nakaramdam ng iritasyon. He really did had sex in his parents' house? Ang galing. Magaling talaga. I didn't know that Yael has this wild side.
"W-wow, may pagka-wild ka pala..." I sneered.
Tumawa lang siya ng bahagya at hindi nanaman ako sinagot. Seriously? Naiinis ako kapag ganyan siya! Like what the hell? Say something! Say something that would calm me down. And why am I even pissed off? Ah kasi siya na nga itong kinakausap ay ganyan pa siya.
"She must be special..." I said trying to open the topic again kahit na halata naman sakanya na ayaw na niyang pahabain ang usapan.
"Who?" tanong niya at sinulyapan ako.
"That girl... yung nahuli ni manang na ka-sex mo." Sagot ko nang hindi man lang nag filter. O, baka nga hindi lang sex 'yun, e. I wonder how many girls has Yael have devirginized. Damn! Why am I even thinking about this?
I heard him groan kaya awtomatikong bumalik ang tingin ko sakanya.
"Manang has never caught me having sex with another woman, Beatrix. It was just a make out. At wala akong balak gawing motel ang pamamahay ng mga magulang ko." He explained while briefly glancing at me.
"So you never had sex in—"
"And please! Stop saying that word, Beatrix! I... I don't want another hard on while I'm driving." Pag-amin niya at bigla pa siyang namula. Muli nanaman akong napanganga dahil sa ginawa niyang pag-amin. God, Yael! Gusto ko pa sanang itanong kung girlfriend niya ba yung ka make out niya noon at kung bakit sila nag make out pero natahimik ako dahil kay Yael. He really has his ways of shutting me up.
Tumahimik na lang ako buong biyahe at sa tuwing nage-echo sa utak ko ang mga pinagsasabi ni Yael ay bigla na lamang namumula ang magkabila kong pisngi. Bakit ba kasi ang bilis kung sumaludo ng sundalo niya? And I'm a nurse, hindi dapat ako namumula sa mga ganito.
Papunta pa lamang kami sa may balkonahe kung nasaan sila ay dinig na dinig ko na ang kantang pinapatutog nila. Nakasunod sa likod ko si Yael habang naglalakad kami at nang malapit na kami ay si Eli kaagad ang natanaw namin na kasalakuyang nagsasayaw-sayaw habang sinasabayan ang kanta at may hawak-hawak pa siyang isang stick ng yosi.
"Plot twist, everything's happening so quick
I only wanted a taste of your lips
Lips became your body, nights turning to naughty
You hit me with a plot twist,"
Kanya-kanya sila ng pwesto. As usual, si Aya at Brielle ay magkasama na nakaupo sa mga lounger habang sina Phil at Kiel ay nakaupo doon sa mesa na may maraming mga bote ng alak. Sina Jess at Colton ay nandoon sa may railings. They are few feets away from each other; Colton is holding a bottle of beer while looking at Jess. Si Jess naman ay sa view lang sa baba ang tingin. It was just a simple picture but it has a lot of meaning.
"Nandiyan na pala sila!" Kiel announced kaya lahat ay napatingin saamin na para kaming mga artista na bagong dating.
"Well, better late than never, baby." Ani Eli at sinalubong kaming dalawa ni Yael.
"Happy birthday, Eli." Halos sabay pa naming bati ni Yael.
"Thank you," he replied and chuckled. Mukhang medyo may tama na rin ang isang 'to. He spread his arms to hug me, tinanggap ko naman ang yakap na iyon at amoy na amoy ko ang sigarlyo mula sa kanya.
"You okay?" biglang sumulpot si Colton sa harapan namin at nag-alala akong tinanong.
For the first time in ten months, I nodded my head and smiled genuinely at him.
"I'm fine... we're fine, Colton."
He smiled at me too and nodded his head. Napansin ko na halos lahat pala ay nakatingin na saamin ni Colton at may pagkamangha sa mga mukha nila. Si Yael naman ay may kasama pang bahagyang ngiti.
"What?!" sabay naming singhal ni Colton sakanila. Mabilis naman silang nag-iwas ng tingin.
"Wala pala si Cole..." biglang sabi ni Yael nang bumalik na sa normal ang lahat. Napansin niya pala iyon. Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti, he really likes my cousin, huh?
"Hindi pwedeng isama iyon, baka makita niya kung ano ang mga pinagagawa ni Eli at gayahin niya bigla." Sagot ni Phil. Nagtawanan naman ang lahat.
Napangisi si Eli saka hinithit ang kanyang sigarilyo.
"Dapat lang na gayahin niya ako. Ano pa't naging Ponce de Leon siya kung hindi naman niya gagamitin." Aniya habang ibinubuga ang usok mula sakanyang bibig. God, I wonder how dark their lungs are. Silang dalawa ni Kiel. Colton used to smoke too, nung teenager siya pero mabuti na lang at itinigil na niya. Pero yang si Phil? I never seen him smoke.
--
The boys were talking and laughing on the table habang kami namang mga girls ay nandito sa may lounger at may kanya-kanya ring bote ng isang light alcoholic drink. Si Aya lang ang may hawak na dutch mill saamin. Some people never change. But that's good for her. Ayoko naman siyang impluwensyahan sa mga bagay na hindi siya komportable.
Nagkukwentuhan kami ritong tatlo at nagtatawanan pero pansin ko ang pananahimik ni Jess. Pero sinubukan naman siyang kausapin nina Aya at Brielle para kahit papaano ay h'wag siyang ma-OP. I also felt the urge to talk to her but I don't know what to say... parang hindi na kasi katulad ng dati na hindi kumpleto ang araw ko sa tuwing hindi kami nagkukwentuhan. Everything just became awkward. Nakapagitna na saamin si Brielle pero napaka-awkward pa rin.
Ganoon pala iyon ano? We were inseparable back then. Hindi kami nauubusan ng topic. Kahit ano na lang ay napag-uusapan namin pero hindi kami naiinip. Everything was just so smooth before. Isang tingin lang ng isa saamin ay alam namin ang ibig sabihin.
Pero ngayon, kahit isang "hello" lang ay napakahirap ng sabihin. Oo, kahit papaano ay kinakausap ko na sina Colton at Yael pero kay Jess ay hirap na hirap pa rin akong kausapin siya hanggang ngayon.
"Halos kumpleto tayong magpi-pinsan dito... Sina Cole at Azariela na lang ang kulang." Biglang sabi ni Aya.
"Well, si Cole ay may pag-asa pang makasali sa mga outings natin paglaki niya pero si Zariel ay malabo. Wala na yatang balak umuwi iyon." Brielle stated matter of factly.
"Ewan ko ba... Silang dalawa ni Eli ang pinaka-close pero hindi man lang siya umuwi para sa birthday nito." Sagot ko. Kamusta na kaya ang babaeng iyon? Siya na lang parati ang wala.
"Siguro kapag sinabi nating na-ospital ang isa saatin ay saka lang siya uuwi ng pinas."
Aya said while tapping on the screen on her phone. Aya whispered something at Jess while still doing her thing on her phone.
Nang marinig ko ang pagtawa ni Brielle ay naibalik ko ang tingin ko sakanya. May kasama pa siyang pag-iling habang tumatawa na para bang isang malaking biro ang sinabi ni Aya.
"I doubt that, Aya. Hindi maniniwala iyon. Zariel is a New Yorker. She doesn't believe in anything. She doesn't even believe in god!" Eksaherada niyang sabi.
"And you got a problem with that, Brielle?"
Brielle and I both gasped when we heard the familiar voice. Sabay kaming tumingin kay Aya at itinaas niya ang phone niya habang nakaharap saamin. Tinawagan niya pala si Zariel sa skype!
"God, Zariel!" shocked kong sabi.
"Hi, Beatrix. Hi Aya, Brielle and... who's this? Ah... Beatrix's bestfriend—Jess! Hello, Jessica!"
Saglit akong natahimik doon. Pero sandali lang iyon dahil nagsalita nanaman si Brielle.
"What the fuck are you still doing there? Pumunta ka na dito!" Ani Brielle na para bang ganoon lang kadali ang lahat.
"If I could, then why not?" sagot niya. She's so beautiful as ever. Ang ganda niyang tingnan sa big curls at kulay magenta niyang lips.
"You know what? I'm starting to think that if god really do exist then he must be selfish..." bigla niyang sabi at parang ang layo ng kanyang tingin.
"What? Why?" naguguluhan kong tanong.
Biglang gumuhit ang mapaglarong ngisi sa mga labi niyang kulay magenta.
"Because he hasn't gave me that guy yet..." bigla niyang sabi at ngumuso pa. Napatingin naman ko sa left side ko and I saw the boys still laughing with each other. But Yael is the only one who caught my attention... He looks so damn gorgeous in his drunk blushed cheeks. Nakakatunaw pero may halong kaba. Lalo na nang muli kong tingnan si Zariel sa screen.
"S-sino?"
"That hot dish sitting beside Eli." Aniya. My heart skipped a beat. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sino pa ba, Beatrix? E, si Yael lang naman ang lalaking hindi Ponce de Leon dito.
"Well, he isn't selfish, sis. He just knew that someone already owned that hot dish."
Lalo yatang lumakas ang kalabog ng puso ko sa sinabi ni Brielle. Maging sina Aya at Jess ay mukhang pigil hiningang nakikinig at nakatingin saamin.
Tumaas ang kilay ni Zariel. "And who's this lucky bitch?"
Brielle shrugged. "I'm not telling you." She grinned. I remained silent and took a sip of my drink.
"Then I'm not believing you..." hindi nagpatalo si Zariel.
"Come on, Zariel. Ni hindi mo pa nga nakikita ng malapitan si kuya Yael ay gusto mo na siya." Sabat ni Aya. Muli kong ininom ang beer ko. Hindi ko masisisi si Zariel. Yael has gotten into my system the first time I saw him. We're really cousins, no doubt—note the sarcasm.
Bigla namang nagliwanag ang mga mata ni Zariel sa screen.
"So, this hot dish actually has a name..." Exactly. Ganyan din ako nang una kong malaman ang pangalan ni Yael. Yes, damn it!
"Stop acting like a bitch, Zariel..." Natatawang sabi ni Brielle at tiningnan ako.
"Honey, I am a bitch."
"Hindi mo pa nakikita ng malapitan si kuya Yael, Zariel..." Pilit ni Aya habang sinusulyapan ako. The three them were giving me a tatanga-ka-na-lang-ba-diyan-look. Nag-iwas ako ng tingin at ini-straight ang beer ko.
"Then show him to me, sis!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top