Chapter 10
Chapter 10
I Never Knew
"Damn it, Yael! Bitawan mo nga ako!"
Pareho kaming natigilan nang makarinig kami ng katok mula sa labas ng kwarto na tinutuluyan namin.
"We'll call later..." Yael said frantically at Colton over the phone before hanging up.
Tumayo siya habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko at inalalayan niya rin ako na makatayo. Hindi na ako nagpumiglas pa. Yael tugged me beside him before opening the door. Bumungad saamin si manang Mercy.
"Handa na ang pagkain..." Anunsiyo niya saamin.
"Ah, sige ho manang. Susunod po kami." Sagot ni Yael.
"Narinig kong sumigaw si Beatrix. Nag-aaway ba kayo?" Hindi niya mapigilang tanong. Napalunok naman ako at napaawang ang aking bibig ngunit walang salitang lumabas mula roon.
"May hindi lang po pagkakaintindihan manang... Tsaka kasalanan ko rin naman." Pag-amin niya. Somehow, I wanted to applaud him from telling the truth. Mukhang ayaw niya na ring gatungan ang pagpapanggap naming dalawa.
"K-kasalanan ko rin po..." Hindi ko mapigilang sabi at napakamot sa batok ko gamit ang libre kong kamay. Nakalimutan kong wala kami sa Angeles. Tsaka totoo naman na kasalanan ko rin dahil kaagad akong napikon. Tangina naman kasi ng mga titig at hawak niya.... Nakakalusaw, nakakapanlambot, nakakapikon.
"Osiya, siya. Normal lang 'yan sa mag-asawa, mabuti't alam ninyo ang mga mali niyo. Ayusin niyo na muna at nang makasunod na kayo sa hapag." Bilin niya saamin.
"Sige po, manang. Salamat po." sagot ni Yael. Tumango si manang at tinalikuran na kami. Muling sinara ni Yael ang pintuan saka kami nakahinga ng maluwang. Nagkatinginan kaming dalawa.
"Sorry..." seryoso niyang sabi habang nakatingin saakin.
"Hindi naman kailangan. Masyado lang akong nag-react sa pang-aasar mo." Sagot ko sakanya.
"It's not that, Trix. I am sorry for—"
"Yael, stop." Kaagad kong pigil sa kung ano man ang sasabihin niya at inagaw ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Hindi pa ako handa na pag-usapan ang noon. Masyado ng maraming drama ang nangyari saakin these past few weeks and I'm not up for another drama again.
His mouth slightly parted but no words came out.
"Lalabas na ako... Mag t-shirt ka na muna." I said curtly before opening the door again. Hindi ko na siya hinintay na makasagot at lumabas na ako ng tuluyan. Nakakahiya man ay nagpunta na ako sa kusina at nadatnan ko doon si manang kasama ang isang lalaking mga ka-edaran niya. Siguro ito na si manong Lino.
Palapit pa lang ako ay naamoy ko na ang bango ng niluto ni manang Mercy.
Bigla tuloy kumalam ang sikmura ko dahil doon. Nasipat ko ang putaheng nakahanda sa mesa at halos pati mga ko ay manginig dahil sa sinigang na miso na nakahapag doon. Mayroon pang beef broccoli! Matagal-tagal na rin akong hindi nakakakain no'n.
"Oh, Beatrix... Maupo ka na." paanyaya ni manang nang mapansin niya ako. Nginitian ko siya bago naupo sa bakanteng upuan sa kabilang side.
"Nasaan ang asawa mo?" I felt something weird in my stomach after hearing manang's question.
"Pinagsuot ko po muna ng t-shirt." Sagot ko kay manang. I bit my tongue after answering her question. This wife-husband thing is making shiver. Damn!
"Ito si Lino, ang asawa ko. Lino, ito ang asawa ni Yael, si Beatrix."
"Hi po, manong Lino!" Nakangiti kong bati sa matanda. Nginitian niya ako at tinanguan.
"Hindi pamilyar ang mukha mo saakin hija." Aniya at tinitigan pa ako ng mas maigi na para bang nagba-baka sakali siya na mamukhaan ako.
"Hindi pa siya nadala ni Yael noong namamasukan tayo sakanila, Lino kaya hindi talaga magiging pamilyar ang mukha niya sa'yo."
Saglit akong natigilan sa sinabi ni manang. Ibig bang sabihin ay may naidala na si Yael noon na iba pang babae sa bahay nila sa Manila? I bit the inside of my cheek. Hindi ko mapigilang mapaisip kung sino-sino ba ang mga iyon.
"Ah ganoon ba? Pero kahit na ganoon ay ikaw pa rin ang pinaka maswerte, hija."
"Bakit po, manong?"
"Ikaw kasi ang napangasawa ni Yael... Napaka tahimik at bait ng batang 'yan. Nakikita ko noon kung paano niya alagaan ang nakababata niyang kapatid at sobrang taas ng respeto niya sa kanyang mga magulang. Pati kaming mga trabahador nila ay kung respetuhin niya kami ay parang napakataas ng posisyon namin."
Napangiti ako sa ikinwento ni manong Lino. I wonder kung ano ba ang hitsura noong Yael na teenager. Naiimagine ko rin kung paano niya alagaan si Ariana at kung paano niya tratuhin sina manong Lino. Yael is really a man with full of respect. Ilang beses ko na rin namang napatunayan iyon noon.
My papa once said that if a guy respects his mother, I should marry him. Kasi kung paano daw niya respetuhin ang mama niya ay gaanon din siya saakin.
"Oo nga po, manong Lino... Ang swerte ko nga sakanya." these words slipped out of my tongue due to my overwhelming thoughts and the overwhelming conversation.
"O, andiyan na pala siya!" Anunsiyo ni manang Mercy kaya bigla akong tinakasan ng kulay. Hindi ako makatingin-tingin sakanya pero ramdam ko ang mga titig niya saakin habang humahakbang siya papalapit. Narinig kaya niya? E, ano naman kung narinig niya! Nagkukunwari naman kaming mag-asawa hindi ba?
Pinagpawisan ako ng malamig nang maramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Nang makaupo na siya ng maayos ay binati niya si manong Lino at binati rin siya ni manong pabalik. I can see his figure through my peripheral vision. He wore the same shirt na hinubad niya kanina.
"Hindi pa pala kayo kumakain, manang..."
"Oo, hinintay ka na namin. Mas maganda kung sabay-sabay na."
"Ganoon po ba? Pasensya na at medyo natagalan ako. Tumawag po kasi yung isang kasamahan kong airline kung saan ako nagta-trabaho." Paliwanag niya. I bit my bottom lip. Sigurado ako, babae iyong tumawag sakanya.
"Sige na, magdasal na tayo."
Tiningnan ko sila at sabay-sabay silang pumikit at sumunod naman ako sakanila. Totoo nga ang sinabi ni Yael na conservative ito at old fashioned pa. Si manang Mercy ang nag lead ng prayer bago kami tuluyang kumain.
Si Yael na ang naglagay ng kanin sa plato ko dahil malapit sakanya iyon at saakin naman malapit ang mga ulam.
"Anong gusto mo?" Tanong ko sakanya.
"Parehas." Sagot niya. Napangisi naman ako at napailing bago isa-isang iniabot sakanya yung mga ulam. Inuna ko yung sinigang at sunod naman yung beef broccoli. Hinihimay niya pa ang beef sa broccoli kaya natagalan siya sa pagkuha ng ulam. Kailan ba siya matututong kumain ng broccoli?
"H'wag mo ng himayin... Ibigay mo na lang saakin yung broccoli." sabi ko sakanya. Nakakahiya baka gusto ring kumuha nila manang ng beef broccoli.
He wet his lips and nodded his head. This time ay hindi na niya ito hinimay at isinama na niya pati broccoli sa plato niya.
"Naku! Hanggang ngayon pala ay hindi pa kumakain ng broccoli yang si Yael." Natatawang sabi ni manang.
"Oo nga po, manang. I even told him before about the benefits that he can get from eating broccoli pero ayaw niya pa rin." pagkukwento ko habang iniaabot sakanila yung plato na may beef broccoli at natawa naman ang mag-asawa. The atmosphere was very light kaya hindi ko namamalayan na nakakapag-open na ako ng mga senaryong nangyari saamin ni Yael noon. And it's quite surprising dahil hindi ako nakaramdam ng awkwardness at parang ang gaan-gaang magkwento sakanila.
Habang kumakain at nagkukwentuhan kami sa hapag ay panay ang lagay ng broccoli ni Yael sa plato ko. Sometimes—no, most of the time his hand will brush on mine. Hindi ko na pinansin at nakipagkwentuhan na lang ako kina manang. Naikwento nila ang anak nilang si Edgar. Nasa maynila pala siya at nag-aaral at tuwing biyernes ang uwi dito pero hindi siya nakauwi ngayon dahil maraming ginagawa.
Naikwento din nila si Ariana at yung mga childhood memories nila ni Yael. Alam ko naman kung gaano kamahal ni Yael ang kapatid niya pero nakakatuwa pa rin kapag may mga taong sumubaybay sakanila sa paglaki dahil mas marami silang naiku-kwento. They just know Yael and Ariana so well. Pati nga yung mga magulang nila ay kilalang-kilala nila manang.
"Mabuti't wala pa kayong anak?" biglang tanong ni manang Mercy na ikinasamid ko naman. Kaagad akong inabutan ng isang basong tubig ni Yael at hiniplos-haplos pa ang likod ko habang umiinom ako.
"Ayos ka lang, hija?" Tanong ng mag-asawa. Tumango naman ako at nag thumbs up sakanila.
"Ayos lang po, manang."
"Pero, kailan niyo ba balak magkaroon ng anak? Mas masaya kung marami. Nagsisisi nga ako kung bakit hindi ako nanganak ng nanganak at ganoon din lagi ang reklamo saakin ni Edgar. Bakit daw hindi na namin siya binigyan ng kapatid."
Pakiramdam ko ay parang sinusunog ang magkabila kong pisngi dahil sa pag-iinit ng mga ito. Bakit bigla namang napunta sa usapang ganoon?
"Sa ngayon po manang ay busy pa kami.Parehas mo kaming hindi madalas sa bahay dahil nga piloto ako at nurse naman siya."
"Pero kung magkaka-anak kami ay gusto ko rin ho ng marami." dagdag pa niya at pinsadahan ako ng tingin. I bit the inside of my cheek. Hindi ko magawang makasagot at sabayan siya. Hindi ko alam kung sinasakyan niya pa ba si manang o gusto niya talaga ng maraming anak.
--
Nang matapos kaming kumain ay nag-presinta ako na ako na lang ang maghuhugas ng mga plato, sumabat naman si Yael at sinabing siya na lang. Muntik pa kaming mag-away sa harapan nila manang kaya sinabi niya na kami na lang dalawa ang maghugas ng plato para h'wag na daw kaming magtalo. In the end, kami ngang dalawa ang naiwan dito sa kusina. Hindi na kami masyadong nag-usap na dalawa at mabilis naman naming natapos ang ginagawa namin.
"Ako na dito sa mesa... maligo ka na doon." Sabi niya at nagbaba ng tingin sa parte ng dress ko na may basa mula sa paghuhugas ng mga plato kanina. I didn't argued with him this time. Tumango na lang ako at pumasok na ako sa kwarto kung saan kami pinatuloy.
Pagpasok ko sa banyo ay napakamot ako ng ulo. Paano ako makakapag bihis dito? Maliit lang ang banyo at halos hindi ka na makagalaw sa loob. As in isang square lang talaga siya at nandoon na yung toilet na walang takip at isang maliit na sink. Hindi ako pwedeng maglagay ng damit dito dahil mababasa lang ang mga iyon.
I let out a deep breath. Bahala na nga. Yung towel at yung clear pouch ko na lang yung isinama ko sa loob. Inilagay ko na lang sa sink yung pouch at isinabit ko doon sa pako yung towel na dala-dala ko. Walang shower kaya yung timba at tabo na lang yung ginamit kng panligo. Hindi ko na tinagalan sa banyo dahil baka gusto na ring maligo ni Yael.
Iyon ang plano ko... pero sa bandang huli ay nagtagal din ako dahil hindi ko alam kung paano ako makakalabas na tanging tuwalya lamang ang nakabalot sa katawan ko. Nagsisimula na akong pagpawisan dito sa loob at wala pa sana akong balak na lumabas ng banyo pero narinig ko bigla ang tunog ng isang gitara at ang boses ng isang lalaking kumakanta. Parang biglang nagising ang diwa ko.
Damn! Si Yael ba 'yon?! Dahil unti-unti na akong nilalamon ng kyuryosidad ay napagdesisyonan kong buksan ng kaunti ang pintuan. Sakto lang para masilip ko siya mula dito sa loob.
Nakompirma ko na kay Yael nga nanggaling ang boses na iyon at siya rin ang tumutugtog ng gitara. Napaawang pa ang bibig ko habang pinapanood siya kung paano niya i-strum ang strings ng gitara habang nakaupo siya sa edge ng maliit na bed.
"Damn, baby. You frustrate me. I know you're mine, all mine, all mine. But you look so good it hurts sometimes." Pagkanta niya sa bridge at nag strum ng gitara habang nakangisi sa kawalan. Na para bang may iniisip siya sa bawat pagkanta niya doon sa lyrics na iyon kaya siya napapangisi.
"Your body is a wonderland. Your body is a wonderland, I'll use my hands." His voice wasn't that wooing but it was husky. God, I didn't know that he could play the guitar at hindi ko rin alam na medyo marunong pala siyang kumanta. Ano pa ba ang hindi ko alam sakanya? We've been... I don't know, mag-on? Ng mga ilang buwan noon, pero kahit gano'n ay marami pa pala akong hindi alam tungkol sakanya. All I know is he's a drop dead gorgeous pilot that has a little sister that he loves so much. At hindi siya kumakain ng broccoli.
Napasinghap ako nang biglang dumako ang tingin sa gawi ko. Kinunotan niya ako ng noo at ibinalik ang gitara kung saan iyon nakalagay kanina. Unti-unti ko ng binuksan ang pintuan kahit na tanging tuwalya lang ang nakatakip sa katawan ko. Patay malisya akong lumabas sa banyo ng nakaganoon lang at napansin ko ang pagkatigil niya.
"Bakit... bakit hindi ka pa nakabahis?" may bahid ng iritasyon sakanyang mukha kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na harapin siya. His expression hardened as his cheeks grew pinkish.
"Maliit yung banyo...Nga pala, iniwan ko na doon yung pouch ko. May toothpaste at shower gel ako doon, baka kailanganin mo." hindi ko kumpletong paliwanag pero sapat na para maintindihan niya iyon. Sinubukan ko talagang gawing kaswal ang mukha ko at boses ko para hindi niya mahalata ang tensyon na nararamdaman ko. I've already wore thong bikini bottom in a beach. Kaya bakit ko kailangang mag-palpitate gayong may tuwalya pang nakabalot sa katawan ko?
"Sana sinabi mo kaagad, hindi yung lalabas ka na lang bigla ng ganyan," he growled. Yung unang linya ko lang yata ang narinig niya. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Bakit parang kasalanan ko pa na maliit ang banyo?
"Bakit nagagalit ka? Kasalanan ko ba na maliit ang banyo?" I shot back.
"Kahit na! Pwede ka namang sumigaw mula sa banyo at palabasin ako saglit... hindi yung... hindi yung haharap ka saakin ng ganyan!" frustrated niyang sabi at sumilay pa ang ugat sakanyang leeg. Damn! I don't know what's with him! Sa tuwing pinagsusungitan ko siya ay hindi siya napipikon pero sa simpleng paglabas ko ng naka towel ay pikon na pikon na siya! Para namang diring-diri pa yata siya na makita akong naka ganito lang.
"Ano naman ngayon? I have a towel wrapped around my body, Yael!" napipikon ko na ring sabi. Para namang siya pa ang napagsamantalahan!
"Well, that fucking towel doesn't help from giving me a damn hard on!" He growled and then the next thing I heard is a hard slam on the bathroom door.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top