Too Bad
Mag a-alas otso na ng gabi nang matapos ang convention. Kakatapos lang naming mag dinner ni Kaye at napagdesisyonan naming bumalik na muna sa hotel room namin. The convention was great and I learned alot of new things na pwedeng-pwede kong i-apply sa trabaho. Sumalampak si Kaye ng higa sakanyang kama at kaagad na kinuha ang phone niya at nagselfie siya na naka taas ang middle finger. Natawa naman ako sa ginawa niya. Sigurado ako na ise-send niya lang iyon kay Nick.
“Mauna ka ng maligo saakin, Trix…” Aniya. Matapos niyang mag type sa phone niya. Tinignan niya ako at pareho kaming sandaling natahimik.
“Are you thinking what I’m thinking, Trix?” Nginisian niya ako at itinaas ang isang kilay.
Lumawak ang mga mata ko. “Ano? Sabay tayong maligo?”
She frowned and then laughed afterwards. “Nevermind. You’re not thinking what I’m thinking,” she confirmed.
“But what I mean is let’s enjoy the night life in Boracay… You know, after this trip balik trabaho nanaman.”
Napangisi ako sa sinabi niya. She’s right. We should enjoy this while it last. Kasi sigurado pagbalik namin sa Angeles ay madalang na lang kaming makakapag enjoy. Yes, I do enjoy my work pero iba pa rin iyong nage-enjoy ka lang. Walang halong trabaho.
“Wear your sexiest outfit, girl.” Aniya. Kinindatan ko lamang siya bago pumasok sa banyo. When was the last time that I went in a bar? Ang natatandaan ko ay iyon pa yung si Nick ang nag-aya tapos ay hindi na nasundan pa.
Kaye and I gasped when we saw each other. Not just because we look good but we’re both wearing the ‘cami’ thing. Hers is a cami wrap top paired with a denim skirt while mine is a cami short slip dress paired with my black boots.
“Shit, girl you on fire!”
I grinned. “And also you, my friend.”
“Look who’s ready to party!” She cheered. Hindi na kami nagsayang pa ng oras at lumabas na kami ng hotel room namin. Yung mga ibang lalaking nurses na nandoon sa convention kanina ay napansin kong napabalikwas sila nang makita kaming dalawa ni Kaye. It’s because of the visible skin, I know. But we can wear what we want, can’t we? Our body, our rules.
Habang naglalakad kami ni Kaye sa bay ay hindi ko maiwasang hindi ma-excite. Iba’t-ibang mga lahi ang nakakasalubong namin. Kahit kailan talaga ay hindi namimili ng panahon ang Boracay. Kahit hindi summer ay marami pa ring tao. Tumigil kami sa paglalakad sa tapat ng Epic. The excitement that I’m feeling turned into a nostalgic one. Of all places, why here? Tinignan ko si Kaye na kunot noong nakatingin saakin.
“Ayaw mo ba dito?” Tanong niya. Kaagad akong umiling at pilit na ibinalik ang sigla sa mukha ko.
“Gusto!” I beamed. “Come on!” Sabi ko at ako na ang humila sakanya papasok sa loob. We both walked inside the bar like nodbody’s business. I can sense plenty pair of eyes looking at us. We’re about to go in the bar counter when I heard someone called my name.
“Beatrix!” natigilan kami pareho ni Kaye. Hinanap ko kung saan nangagaling ang boses. I slightly gasped when I saw Cyprian Abrigo sitting on the table together with the familiar guy who’s eyeing us the last time we went in bar. Sumilay ang kaba saaking dibdib at luminga-linga ako sa paligid bago ko muling ibinalik ang tingin sa table nila Cyprian na kasalakuyang nakangiti habang nakatingin saakin. This guy sitting beside Cyprian who’s smirking at me knows Yael! Hindi ako maaring magkamali.
I can’t remember his name but I remember his face. Kinabahan ako, pakiramdam ko tuloy ay nandito rin si Yael pero hindi ko naman alam kung magkaano-ano silang dalawa. I’m just assuming that they are working for the same airline. Kung nagkataon ay baka co-pilot niya si Yael or it’s the other way around. Hindi maari. It’s been nine months since the last time that I saw him and I’m not ready to face him again!
“Are you okay?” Dinig kong tanong ni Kaye saakin. I just nodded my head. Nang ibalik ko ang tingin ko kina Cyprian ay nakita kong naglalakad na siya papalapit saamin.
“Hey, long time no see…” bati niya nang makalapit na siya saamin. Still the same old warm Cyprian. Hindi snobber.
I slightly smiled at him and my doubts are slowly subsiding. “Yeah, long time no see.” Sagot ko. Tinignan niya si Kaye na nakatayo sa tabi ko na mukhang walang kaide-ideya sa mga nangyayari.
“I thought you’re with Jess…” Aniya.
Bahagya akong napangiwi.
Kaye chuckled, a bitchy one. “Sorry, wrong thoughts.” hindi ko alam kung pabiro ba iyon o sarcastic.
Tumawa ng bahagya si Cyprian. “My apologies…” aniya kay Kaye.
“Siya nga pala si Kaye— kaibigan ko,” binalingan ko ng tingin si Kaye. “Kaye, this is Cyprian Abrigo. Classmates sila ni Colton noon.” sabi ko kahit na sa tingin ko ay nabanggit ko na ito kanina kay Kaye no’ng nasa eroplano kami.
“Why don’t you invite them to join us on our table?” Pare-parehong nakuha ang atensyon namin sa biglang pagsulpot ng kasama ni Cyprian. He’s wearing that smug smirk on his face again. Dumako ang tingin niya kay Kaye at lalong lumawak ang mga ngisi. I suddenly want to protect my friend from this womanizer. Hindi naman sa humuhusga pero ganoon talaga ang dating niya.
“Gusto niyo ba?” Tanong ni Cyprian. Bago pa man ako makatanggi ay si Kaye na ang sumagot.
“Sure,” nakangisi niyang sabi ngunit doon sa kasama ni Cyprian ang tingin niya. Oh good Lord! Muntik ko ng maitampal ang palad ko saaking noo pero bumuntong hininga na lamang ako at casual na ngumiti. Nagtungo na kaming apat sa table nila. Katabi ko si Kaye habang nasa harapan naman namin ang magkatabing sina Cyprian at yung kasama niya. Nagtawag ng waiter yung kasama ni Cyprian. Tinanong niya kami kung anong drinks namin. Kaye and I goes for vodka.
“So… How are you doing, Beatrix?” tanong ni Cyprian saakin.
I smiled casually. “I’m doing great… Ikaw?” Damn! What a lame answer, Beatrix.
Tumango-tango siya. “Great as well.” He answered. Dumako ang tingin ko sa katabi ko na kasalakuyang tine-text si Nick.
We already met two hot guys here, Nick! Mamatay ka sa inggit!
May iba pa siyang tinata-type ngunit hindi ko na binasa. Nag-angat ako ng tingin sa katabi ni Cyprian na kasalakuyang nakatingin kay Kaye habang may mayroong naglalarong ngisi sakanyang mga labi. I calmed myself. Kaye can handle this womanizer. This is fire versus fire. Hindi ko naman siguro kailangang mag-alala para sa kaibigan ko.
Maya-maya ay dumating na ang waiter para i-serve ang drinks namin. Sinamantala ko iyon para ilibot ang paningin ko sa paligid. I noticed some guys looking at us and some girls looking at Cyprian and his friend. Can’t blame the girls. These two are looking like a full course meal. Saktong pag-alis ng waiter ay biglang may tumawag doon sa kaibigan ni Cyprian.
“I’ll just take this…” Aniya kay Kaye na nakausap niya habang isine-serve ang drinks namin.
“Maybe one of his girls again. Ingat ka diyan, Kaye.” Paalala ni Cyprian nang maitapat na nung kaibigan niya ang phone sa tenga niya. Tumawa lang si Kaye. Alam kong narinig niya ang sinabi ni Cyprian ngunit ngumisi lamang siya bago nagsalita sa kausap niya.
“Yes, I’m here…” aniya sa kausap at diretsong umupo. Mukhang may tinignan sa may bandang likuran namin which is kung saan banda ang entrance.
“Here on the right side… Sa pangatlong table…. I see you.” Aniya sa kausap at itinaas ang kamay para siguro makuha ang atensyon ng kausap niya. Mukhang nagsama pa yata siya ng babae niya?
Hindi na ako nangahas na tumingin pa doon at uminom na lang sa vodka ko. Habang umiinom ako ay may nakita akong pares ng mga hitang nakasuot ng denim jeans mula saaking peripheral vision.
Ibinaba ko ang baso ng vodka sa mesa at ibinaling ang tingin ko doon sa bagong dating. My heart stopped for a second and my eyes narrowed. Maging ang bibig ko ay napaawang. I can tell that he was shocked too when our eyes met pero kaagad na nagbago iyon nang pasadahan niya ako ng tingin. Nag-igting ang bagang niya at binalingan ng tingin sina Cyprian. Damn! He looks ten thousand times great and it makes me angry even more— mad, perhaps. I don’t know if it’s beacause of the black denim jacket and the white v-neck shirt underneath it or is it simply because he’s Yael Illegal Salcedo.
“Fucking ass,” napansin kong sa katabi siya ni Cyprian nakatingin. I bit my bottom lip hard after hearing his voice for the first time in nine months.
“Well, hello to you too, Salcedo.” sarcastic nitong sabi. Naramdaman ko ang pagsiko saakin ni Kaye. Nagkatinginan kami at pinanlakihan niya ako ng mga mata.
“What the fuck, girl?” She mouthed.
I shrugged in an exaggerated way. “Yeah, what the fuck!” I mouthed back. Maya-maya ay naramdaman ko ang pag-upo ni Yael sa harapan ko. Nakapagitna na si Cyprian sa dalawa ngayon. I exhaled and calmed myself. Why are you acting like that, Beatrix? Bakit parang ako pa yata ang natatakot sakanya! This is not right. Tinapangan ko ang sarili ko at inalis lahat ng mga tanong sa aking isipan.
“Damn, Matt! Hindi mo sinabi na pupunta pala si Yael.” Oh yeah. Matt. His name is Matt. Hi, Matt. I’m about to slit your throat, Matt.
“Vodka?” Cyprian offered.
Tumanggi siya at umiling. I’m surprised that even Cyprian knows Yael. Small world. Binalingan kami ng tingin ni Cyprian.
“Girls, this is Yael Salcedo,” tinignan niya ako. “Pareho sila ng airline na pinagta-trabahuan ng kuya mo.” pakialala ni Cyprian. Nagkatinginan kami ni Yael, his eyes were piercing through my soul. Umigting ang panga ko at kaagad na nag-iwas ng tingin. Damn it!
Narinig namin ang paghalakhak ni Matt. “Trust me, Cyprian, she knows…” Mapaglaro nitong sabi. I glared at him. Fuck this Matt! Pakiramdam ko ay sinandya niya ito e!
Cyprian looked at me, wide eyed. “Nakalimutan ko, bestfriends nga pala sila ng kuya mo…”
Hindi ko napigilan at natawa ako ng pagak sa sinabi ni Cyprian.
“Right. Bestfriends.” Malaman kong sabi. Naramdaman ko ang pagsinghap ni Kaye sa tabi ko dahil mukhang naiintindihan niya ang ikinikilos ko.
Tinignan ko si Yael at kitang-kita ko ang pag-igting ng kanyang bagang. Ngayon ay sina Cyprian naman ang binalingan ko ng tingin.
“Parang kayo ni Matt, ‘diba? Bestfriends?” I said to cover up my first attack.
“Cousins.” Yael corrected while smirking. I felt my cheeks burned because of the embarrassment. Wala akong ibang nagawa kung hindi irapan siya. He’s just making me hate him even more!
“Ahh… So you’re Matthias Abrigo? Yung co-pilot kanina?” Kaye said. Kumunot ang noo ko… Siya ‘yon? So ibig sabihin ay magkaiba ang airline nila Yael at Cyprian?
“Yes, girl. Matt for short.” sagot niya kay Kaye. Hindi ko pinansin ang pakikipag flirt niya sa kaibigan ko dahil masyadong maraming kailangang iproseso ang utak ko at sa palagay ko ay malapit na itong mag error. Napatingin ako kay Yael at gusto kong magtanong pero kinagat ko na lamang ang dila ko.
Tumaas ang kanyang dalawang kilay.
“Questions?” he grinned.
I clenched my teeth but I just gave him a fake smile to hide it. “Wala.” sagot ko.
“So… Yael, mabuti pala at nandito ka?” Si Kaye naman ngayon ang nagsalita para putulin ang tensyon.
“Matt texted me—”
“Ha! Of course,” I said, thinking out loud. E itong si Matthias lang naman ang dahilan kung bakit nahahanap ako ni Yael. I bet he texted Yael the moment he saw me here!
Piningkitan niya ako ng mga mata.
“—yesterday.” Pagtutuloy niya sa dapat niyang sasabihin na pinutol ko. My eyes narrowed and my cheeks flushed. Pero kaagad kong binawi iyon, nagmumukha nanaman akong talunan.
“Don’t flatter yourself, Beatrix. Kahapon pa lang ay napag-usapan na namin ni Matt na magkikita kami dito.” Naikuyom ko ang mga palad ko at tinaasan siya ng kilay.
“What do you mean by ‘flattering myself’?” I squint my eyes at him.
He gave me a crooked smile. “Gusto mong sabihin ko kung ano sa tingin ko ang iniisip mo kanina, hmm, Beatrix?”
My blood boil in instant. Wala akong ibang nagawa kung hindi titigan siya ng masama. Tinaasan niya lang ako ng kilay at mas lalong lumawak ang ngisi. Inirapan ko lamang siya at ininom ang aking vodka. Straight.
Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Cyprian. “Stop bullying her, Salcedo. If I were her brother I would kick you out of this bar.” He joked. I put my empty glass on the table and looked at them.
“Well, if I were her brother I would fucking drag her ass out of this bar.” sarcastic niyang sabi. Tinanong siya ni Cyprian kung bakit ngunit hindi niya ito sinagot at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang sa dibdib. Kung hindi lang naging barrier ang mesa sa gitna namin ay baka umabot pa ang mga tingin niya hanggang saaking paa. I know what he’s trying to say. He wants to drag me out of this bar? Why? Because of this dress? Napangisi ako sa loob-loob ko. Sorry, Yael but no.
I arched a brow and squeezed my arms to my sides to emphasize my boobs while grinning at him. Kitang-kita ko naman ang paglawak ng mga mata niya at ang pamumula ng kanyang mukha. May ugat ring lumitaw sakanyang leeg.
“Too bad you ain’t my brother.” I fired back before I stood up. Sakto namang lumakas ang music at naging wild ang mga ilaw. It’s happy hour. Great! Tinignan ko si Kaye at nginisian niya ako. Alam na niya kung ano ang gagawin ko.
“Come on, people! Let’s dance!” Si Kaye na ang nag-aya, ako naman ay tuloy-tuloy nang naglakad paalis. I shamelessly swayed my body together with the rhythm of the music.
So pull me closer, why don’t you pull me close?
Why don’t you come on over, I can’t just let you go
Oh baby, why don’t you just meet me in the middle?
I’m losing my mind just a little
So why don’t you just meet me in the middle?
Wala pa mang isang minuto ang nakakalipas simula nang magsayaw ako ay may lumapit na kaagad saakin. I looked at him. Napangisi ako nang mamukhaan ko siya, siya yung isa sa mga nurse kanina sa convention. Katabi namin yung table niya nila kanina at iitinuro siya saakin ni Kaye kanina during the convention kaya natatandaan ko pa ang mukha niya.
“Hey,” I smiled at him while still dancing.
“Hi,” aniya at hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagtingin niya sa mga dibdib ko. I rolled my eyes mentally pero hindi iyon ang pumigil saakin para ipagpatuloy ang aking pagsasayaw.
“Ikaw yung kanina, hindi ba?” Ngayon ay sa mukha ko na ang tingin niya. Tumango lamang ako at inilibot ang tingin sa paligid. Nahagip ng mga mata ko sina Matt at Kaye na nagsasayaw na rin. They’re so close to each other! Magkadikit na ang mga dibdib nilang dalawa. Inalis ko ang tingin ko sakanila at napansin ko si Cyprian na nasa may bar counter. I think he’s just about to order a drink but there’s this girl who came to him.
Ibinalik ko ang tingin ko sa table namin at halos mapasinghap ako sa gulat nang magtama ang mga mata namin ni Yael. Mag-isa na lang siya doon at ang sama ng mga tingin na ibinibigay niya saakin. Somehow, I felt shivers on my spine with that kind of glare that he’s giving me. Pero nawala ang atensyon ko sakanya nang maramdaman ko ang mainit na katawan noong kausap ko kanina. Sa sobrang lapit niya ay naisabit ko na lamang ang mga braso ko sakanyang batok para kumuha ng suporta at h’wag matumba. Nginisian niya ako at mas lalo pang idinikit ang katawan saakin. Nginisian ko siya pabalik at hindi tumigil sa pagsasayaw. Muli nanamang bumaba ang tingin niya sa mga dibdib ko habang nagsasayaw kami.
Gusto kong matawa. This guy have the decency to look down on my boobs without even asking for my name first. Sa bandang huli ay hindi ko rin napigilan ang sarili ko at natawa ako.
“Why?” He chuckled without even knowing why I’m laughing. I just shook my head and bit my bottom lip.
“Fun’s over.” napasinghap ako nang may naramdaman akong pwersang humila saakin na naging dahilan para maglayo ang katawan namin ng lalaking kasayaw ko. Awtomtiko akong napatingin kung sino iyon at nang mapagtanto kong si Yael iyon ay biglang nagharumentado ang puso ko. Tiim ang kanyang bagang at ipinatong sa balikat ko ang itim na leather jacket na suot-suot niya kanina.
“Sandali pre! Kita mong nagsasayaw kami oh!” the guy barked at Yael. Tumawa ng pagak si Yael at umigting ang kanyang bagang.
“Pag-aralan mo muna kung paano tumingin ng diretso, hindi yung puro sa baba lang!” Yael said in gritted teeth. Hindi man masyadong malinaw pero halata ang galit sakanyang mukha. He’s fuming in anger and he looks like he’s about to kill someone. Hindi na nakapagsalita yung lalaking kasayaw ko kanina dahil mukhang nahiya siya sakanyang sarili. I silently thanked na walang gulo ang naganap.
Yael isn’t my brother but he really dragged my ass out of the bar without giving me chance to protest. His grip is so tight againts my wrist. Pakiramdam ko ay puputok na ang mga ugat ko doon.
Nang tuluyan na kaming makalabas ay padabog niyang binitawan ang pulso ko.
“Putanginang damit naman kasi ‘yan, Beatrix!” He growled at me like he’s ready to burn me alive. His bloodshot eyes glared at me.
“What’s wrong with this? I can wear whatever I want to fucking wear!” Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sagutin siya ng ganon.
“Yes, you can wear whatever the fuck you want but you should learn on how to walk away when you’re being harassed!”
Sandali akong natigilan doon. Every single thing the he’s said has a point but my pride won’t just let me admit it.
“Hindi naman ako—” he cut me off.
“Don’t even try to deny it on my face, Beatrix Hayle! I know the difference between staring and eyefucking!” Ang mukha niya ay namumula na at ang mga ugat niya sa kanyang leeg ay nagsisilitawan na dahil sakanyang galit.
Tumiim ang bagang ko at hindi na nangahas na magsalita pa dahil alam kong sa argumentong ito ay talo na ako, alam kong hinding-hindi ako mananalo sa galit ng isang Yael Salcedo. Pero kahit ganoon ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na magrebelde dahil hindi ko tanggap!
Hindi na ako nagsalita at akmang tatanggalin ang leather jacket niyang nasa balikat ko pero naging maagap siya at ibinalik niya iyon sa balikat ko.
“H’wag mo ‘kong subukan, Beatrix Hayle.”
And because I’m being me, sinubukan ko pa ring tanggalin ang jacket niya dahil ayokong nagpapatalo sakanya.
Pero alam ko na hindi na dapat ako nangahas pa dahil sa bandang huli ay sapilitan niyang ipinatong sa balikat ko ang kanyang jacket at buong rahas at bilis niyang hinila ang zipper pataas hanggang sa leeg ko kaya nakulong ang mga braso ko sa loob na naging dahilan kung bakit hindi na ako makakakilos.
“Ugh! Damn you!” I cursed and glared at him just like what every girl who lost over an argument will probably say and do.
______________________________
Excuse my grammatical errors
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top