9

Vanellope's POV

Kinabukasan ay maaga akong pumasok ng paaralan, maaga kasi akong nagising at nakatatamad din na tumambay sa bahay. Hindi naman sa ayaw kong kasama si inay, sadyang nakakainis lang din dahil ang ingay nang aming mga kapitbahay.

Nga nagvivideoke akala mo naman kay gaganda ng boses. Balak pa ata nilang magkabagyo. Saka rin ako pumasok ng maaga para makapag-isip isip tungkol sa contest.

Ilang araw na lang kasi at contest na, ni-hindi pa ako nakakapag-practice.

Umupo ako sa aking upuan at tumitig sa labas ng bintana.

Ano bang magandang kantahin? Anong isusuot ko? Ang tanging damit ko lang naman sa bahay ay itim na t-shirt at fitted pantalon. Mga lima lang ang short ko at tatlong de-color na t-shirt. Nag gugustuhin ko pang bumili ng pagkain keysa damit ko.

"Tsk, ang aga mo ata." Nilingon ko ang nagsalitang iyon. Napairap ako at padabog na tumayo.

"Ba't mo ako binato ng icing kahapon?!" inis kong tanong saka siya kwinelyuhan. Ngumisi naman ito at tinanggal ang aking pagkakakapit sa kaniyang kwelyo.

"Trip ko," kibit-balikat niyang sagot.

"Takte! Eh kung sapakin kita ngayon dahil trip ko lang din, huh!" Nagkibit balikat ulit ito at umupo sa kaniyang upuan. Kung nais niya akong inisin, nagtagumpay siya. Takte.

"Balita ko sasalita ka raw sa singing contest. If I were you huwag na baka bumagyo." Sinamaan ko siya nang tingin at pinalo ang kaniyang desk. Ano ba problema nito at lagi akong inaasar?

"Tignan natin kung sinong humanga kapag bumirit ako," wika ko saka kinuha ang bag sa upuan at lumabas ng room.

Takte talaga! Ang yabang, yabang!

Habang pababa ako nang hagdan ay may narinig akong nagchi-chismisan. Hindi talaga nauubusan ng chika ang mga chismosang ito.

"Si Easton, sasali rin pala sa singing contest."
"Who's Easton?"
"Iyong hot na nerd, no hindi siya nerd. Ang guwapo niya kaya."
"Ahh, malapit na pala ang contest na iyon. Manonood ako."

Tuloy-tuloy lang ako sa pagbaba ng hagdan pero ang tenga ay nakikinig sa kanila.

"Sino namang Easton kaya iyon? Si mr. Yabang ba iyon?"

Tumakbo naman ako papuntang gymnasium, kakausapin ko si Yyle. Pero pagpasok ko sa gym ay walang ibang tao. Baka late na naman pumasok ang lalaking iyon. May kotse naman pero laging late.

"Van! Van!" Nilingon ko ang tumawag na iyon. Si Janedy, tumatakbo palapit sa akin.

"Kanina pa kita tinatawag, bingi ka na ba?" Naguguluhan ko naman siyang tinignan. Baka sa sobrang dami nang iniisip, hindi ko narinig ang kaniyang pagtawag.

"Oh baka doppleganger ko iyon?" natatawa kong sabi kaya agad niya akong pinalo sa braso.

"Huwag ka nga! Nananakot ka pa!" inis niyang wika kaya napatawa naman ako. Napakamatatakutin.

"Oh ba't mo ba ako hinahanap?" May pinakita siya sa aking papel. Lagi na lang ba siyang may hawak na papel kapag kakausapin ako?

"Binigay ito sa akin Yyle, absent siya ngayon eh. LBM daw ang loko, HAHAHA." Kinuha ko ang papel at tinignan, may mga nakasulat na name. Agad namang napukaw ang aking atensyon sa isang pangalan.

"Easton Alvarez? Section 4," bulong ko. Kaklase ko ito ah, baka nga si mr. Nerd ang Easton na ito. Ngayon, kilala ko na siya.

"Yah, ang gwapo kaya niya! Isa siyang model pero ngayon gusto niya ng tahimik na buhay. Malayo sa mga camera." Nilingon ko siya. Model? Baka naman modelo ng kayabangan?

"Saan..." Nilingon niya ako saka nginitian kaya ngumisi ako.

"Sa—"

"Ang pake ko," pagpapatuloy ko nang aking sinasabi. Pinalo niya ang aking braso kaya binatukan ko siya. Ang sakit nang braso ko, hilig kasing mamalo.

"Tsk, ang yabang yabang kaya niyan." Sinamaan niya ako nang tingin kaya gano'n din ang aking ginawa. May gusto ata 'to kay Easton eh.

"Isulat mo na nga ang name mo diyan, para iyan sa mga sasali sa contest." Tumango ako at kinuha ang ballpen sa bulsa. Lumapit ako sa dingding ng gym at nagsimulang magsulat ng pangalan.

"Alam mo bang isa sa mayayamang pamilya ang mga Alvarez." Umirap ako at binigay sa kaniya ang papel.

"So what? Wala akong pakialam sa yaman nila," sabi ko saka nagsimulang maglakad. Sumunod naman ito sa akin.

"Balita ko ang may-ari ng paaralan na ito ay kaibigan ng magulang ni Easton." Napahinto ako ng paglalakad at tinignan siya.

"Ano nga ulit pangalan ng may-ari ng paaralan na ito?" tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Sheryl Sigrid, bakit?" Umiling ako at muling naglakad.

"Hindi ka ba papasok?" Umiling ulit ako. May peste kasi sa room baka mapatay ko.

Sheryl Sigrid, 4 years ago simula ng marinig ko ang pangalan na iyon. Asan na nga ba siya? Alam kong laging nababalita sa kaniya ang mga kalokohan ko at siguro nakahihiya na dahil patong-patong na ang aking kalokohan.

"Si mrs. Sigrid ay magiging isang judge sa contest," saad niya. Nanlaki naman ang aking mata. Bakit nga ba hindi? Siya ang may-ari ng university kaya hindi na impossibleng isa siya sa mga magiging judge.

"Ay, sige una na ako." Pagpapaalam niya saka humiwalay sa akin.

Parang hindi ata akong handang makita ang babaeng tumulong sa akin, na tinulungan ko rin.

•••••

05/21/2020

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top