6

Vanellope's POV

"Van, ginagabi ka ata?" Ngumiti lang ako at tinuloy ang paglalakad.

Kakauwi ko lang galing sa trabaho at ginagabi na talaga ako dahil sa marami ang costumer, dinumog kanina ang mamihan.

"Nga pala, kailangan mo ng pera 'di ba?" Napahinto ako ng paglalakad at napalingon kay Janedy. Malakas ata ang pandinig ko basta usapang pera.

"Oo, bakit?" Ngumiti siya at may kinuha sa bulsa. Isang nakatuping bond paper kaya binuksan niya ito at pinakita sa akin.

"Singing contest," basa ko sa nakasulat. Napalingon naman ako kay Janedy na tatango-tango.

"Pa'no ako magkakapera sa papel na ito?" nakakunot noo kong tanong, bigla naman itong napairap at may tinuro sa papel. Tinignan ko ito at halos manlaki ang aking mata.

"30,000 petot?" tanong ko, tumango siya at tinuro kung saan magaganap ang contest. Takte, pa-contest pala ito ng paaralan. Ayoko nakahihiya!

"Hoy Van, huwag mong sabihing nahihiya ka? Utot mo, natutulog ka nga sa klase tapos ngayon sasabihin mong nakahihiya?" Napairap na lang ako at pinatupi sa kaniya ang papel. May hawak ang isa kong kamay, pagkain ni inay.

"Pag-iisipan ko, una na ako," aniko saka siya tinalikuran.

Napaisip naman ako, sayang din ang 30,000 pesos pang-ilang buwan din namin ni inay iyon. Kaso, hindi naman ako kagalingan sa pagkanta pero may laban ako.

Nakarating na ako sa bahay at naabutan ko si inay na natutulog sa wheel chair. Nakatulogan niya ata ang paghihintay sa akin. Nilapag ko muna sa lamesa ang dalang lugaw saka nilapitan si inay.

"'Nay," pagtawag ko. Gumising naman siya habang namumungay ang mga mata. Nginitian ko siya at nginitian niya rin ako.

"Sorry 'nay, marami kasing costumer kanina kaya na-late ako pag-uwi." Tumango siya kaya tumayo ako at pumunta sa kaniyang likuran para itulak siya palapit sa lamesa.

"'Nay, kain ka na." Kumuha ako ng bowl at sinalin ang dalang lugaw. Sumubo naman siya at napalingon sa akin. Nagpapahiwatig siyang sabayan ko siyang kumain.

"Busog na ako, 'nay," sabi ko. Pumunta muna ako sa upuan at kinuha ang papel na bigay ni Janedy. Tinitigan ko lang ito at sa sobrang lalim nang iniisip ay hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na si inay.

"Ano 'yan, 'nak?" tanong niya habang nakatingin sa papel. Pinakita ko sa kaniya ito kaya nanlaki ang mga mata niya. Grabe, gulat na gulat?

"Sumali ka, 'nak. Pangarap mo 'di ba ang makasali sa singing contest?" Napabuntong hininga na lang ako. Tama si inay, matagal ko nang pangarap ang sumali sa singing contest.

"Pero nakahihiya," bulong ko. Hinawakan niya ang aking balikat kaya nilingon ko siya. Takte, Van, kailan ka pa nahiya?

"Bakit ka mahihiya kung para naman iyan sa iyong pangarap?" Huminga ako nang malalim at ngumiti.

"Matulog ka na, inay." Tumango siya at pumunta na sa kaniya kuwarto.

"Sasali ba ako?" tanong ko sa aking sarili. Sayang din kasi ang premyo tapos pangarap ko rin ang sumali sa ganitong contest. Palalampasin ko pa ba? Tinignan ko sa papel kung kailan magaganap ang contest.

Sa September 20 na pala. Ilang araw na lang din, makakapag-practice pa ba ako?

Takte! Bahala na nga, buo na ang desisyon ko sasali na ako. Para sa pangarap at para sa premyo, syempre.

•••••

05/15/2020

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top