5
Vanellope's POV
"Hi, Van." Tumango lang ako at agad kinuha ang apron na nakasabit sa isang pako. Sinuot ko ito at pwumesto na sa tapat ng cashier.
"Pawis na pawis ka ata?" Nilingon ko siya at kinuha ang hawak na tubig. Oo, tama siya hingal na hingal nga ako. Tumakbo kasi ako papunta rito sa mamihan, mabuti na lang wala si manang Nuneng na may-ari ng mamihan na ito kung hindi sandamakmak na pangaral na naman ang makukuha ko.
Inabot ko sa kaniya pabalik baso at nginitian siya, kinuha naman niya iyon at pumasok sa kitchen.
Tatlo lang kaming nagtratrabaho rito kapag gabi. Ako ang taga sabi ng order at kahera. Si Gio, 'yong kausap ko kanina, siya naman ang naglilinis ng lamesa. At ang tagaluto ay si Karly. Pare-parehas kaming studyante, ang kaibahan lang ay masisipag silang mag-aral at ako naman ay natutulog lang sa klase.
Lumabas nang kitchen si Gio at lumapit sa akin.
"Pasalamat ka wala si manang kung hindi, bogsh fire in the hole." Napatawa ako at tinignan ang lalaking palapit sa amin. Mataba at puno nang tattoo ang katawan. Uso talaga rito ang mga sanggano.
"Oh siya, may aasikasuhin na ako," wika niya saka ako iniwan. Hinarap ko naman ang lalaki na nakatingin sa menu na nasa taas.
"Plain lugaw." Tumango ako at sinabi kay Karly ang order. Hihingin ko sana ang bayad ng lalaki pero umupo na ito, hindi naman kalayuan. Baka mamaya pa siya magbabayad.
Inabot ko na sa lalaki ang kaniyang order.
"15 pesos po," sabi ko habang nakatayo sa kaniyang tapat.
"Mamaya na, 'neng," anito kaya tumango na lang at bumalik sa pwesto. Muling may pumasok na lalaki, naka-hood ito.
Nasa tapat ko na siya kaya nakita ko na ang itsura ng lalaki. Kaya gumihit agad ang inis sa buo kong sistema.
"Putakteng malandi," bulong ko habang nagkukunwaring nagbibilang ng pera. Nilingon niya ako at kitang-kita ko ang kaniyang gulat.
"Isang mami, kuya." Alam kong sinadya niyang tawagin akong kuya. Sa itsura ko ba naman, nakasumbrero. Pero pakialam ko ba? Takte siya. Malandi. Mayabang. Nerd. Nakakabwesit ang lahat sa kaniya!
Sinabi ko na kay Karly ang order at bumalik sa kaniyang tapat. Naglalaro talaga sa kaniyang labi ang ngisi. Kung basagin ko kaya 'yang salamin niya!
"30 pesos, nerd," inis kong sabi habang nakatingin sa kaniya. Hindi naman nagbago ang kaniyang reaksyon, ngingisi-ngisi pa rin ang loko.
Takte! Nauubusan ako ng pasensya sa lalaking ito.
Nagbayad na siya at naghanap ng upuan. Napalingon naman ako sa lalaking umorder ng lugaw, palabas na.
"Aba lokong iyon, hindi pa nga nagbabayad," bulong ko saka hinabol ang lalaki. Sinabi ko na muna kay Karly na ipaabot niya na lang kay Gio ang order ni Mr. nerd.
"Hoy!" sigaw ko, lumingon naman ito sa akin.
"Bakit?" kalmado niyang tanong. Bakit nakapapainit ng ulo ang mga tao ngayon!
"Hindi ka pa nagbabayad!" Lumapit ako sa kaniya at nilahad ang palad. Ngumisi naman ito at may dinukot sa bulsa. Nilapag niya ito sa aking palad at hindi ko mapigilang huwag mainis.
Binigyan ba naman ako ng kendi?!
"Aba, takte ka! Magbayad ka na!" Nagkibit balikat lang ito at tinalikuran ako.
"Arghh!" sigaw ko at sinipa ang kaniyang likod kaya agad itong napadapa. Umikot siya at tinignan ako.
"Magbayad ka!" sigaw ko. Umiling lang siya at tatayo sana ng bigla kong sipain ang kaniyang pagkalalaki. Namilipit naman ito sa sakit.
"G*go ka huh!" nahihirapan niyang sigaw. Mas g*go siya, bigyan ba naman ako ng kendi!
"Magbayad ka na! 15 pesos lang!" sigaw ko at muling sinipa ang pagkalalaki, hindi pa ako nakuntento at inaapakan ko ang kaniyang hita.
"Hindi lang hita mo ang kaya kong durugin, gusto mo pati 'yang birdie mo!" Umiling naman ito nang umiling, kitang-kita ko ang takot sa kaniyang mga mata.
"Ito na ito na, magbabayad na." Napangisi naman ako at nilahad sa kaniya ang aking palad. Nagbayad siya ng 100 pesos. Napangiti ako nang may maisip na kalokohan.
"Alis na," aniko saka inalis ang pagkakaapak sa kaniyang hita.
"P-pero 'yong sukli-" Sinamaan ko siya nang tingin kaya bahagya itong napaatras. Ngumisi ako at naglakad palapit sa kaniya.
"Gusto mong makuha ang sukli mo? Dudurugin ko muna 'yan." Hindi ito sumagot. Tumakbo na ito palayo sa akin. Engot na sanggano.
"Edi may pangbili na ako ng pagkain ni inay," bulong ko saka tinago sa bulsa ang pera. Naglakad na ako pabalik at nakasalubong ko pa si mr. Nerd na palabas ng mamihan.
"Che."
•••••
05/13/2020
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top