26
Vanellope's POV
"Ihahatid na kita," sabi niya habang inaalalayan akong maglakad. Ayos na ang likod ko, mabuti na lang daw ay hindi nabali ang aking buto. Nauna nang umuwi si Janedy at Yyle, at ito ako kasama si Easton habang inaalalayan akong maglakad.
Damn it, kinikilig ako!
"Huwag na, baka maistorbo ka pa." Sinamaan niya ako nang tingin kaya pinagkunutan ko siya ng noo. Problema nito?
"Kahit hindi ka pumayag, ihahatid pa rin kita." Bumilis na naman ang tibok ng aking puso, napatitig ako sa guwapo niyang mukha. Nag-init ang aking pisnge lalo nang maalala ang ginawa ko no'ng nalasing ako.
"Pasok na," aniya habang hinihintay akong pumasok sa kaniyang kotse. Wala akong nagawa kun'di ang sumunod. Sinarado na niya ang pinto at umikot sa harap.
Magkatabi kami kaya hindi ko maiwasang mailang. Nagsimula na siyang magmaneho kaya imbis na lingunin siya ay tumitig na lang ako sa labas. Iilan na lang ang taong palakad-lakad, nakabukas na rin ang ilaw sa poste.
"Hindi ka pa kumakain 'di ba?" tanong niya at eksakto namang tumunog nang malakas ang aking tiyan. Tumawa naman ito kaya nakaramdam ako ng hiya.
"Daan tayo sa mamihan," aniya saka lumiko kung na saan ang mamihan. Takte, lagot ako kay manang. Ang tagal ko ng hindi pumapasok, sigurado akong wala na akong raket sa mamihan na iyon.
Tumigil ang kaniyang kotse sa parking lot, bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya akong makababa. Tuwing dadampi ang kaniyang kamay sa aking katawan ay pakiramdam ko may kung anong kuryente ang dumadaloy sa buong sistema ko.
Nakaalalay pa rin siya sa akin kaya napangiwi ako.
"Ayos na ako, Easton. Hindi mo na kailangang alalayan pa ako," aniko dahil lahat ng taong madadaanan at malalampasan namin ay pinagbubulungan kami. Nilingon ko naman siya ng hindi sumagot.
"Paki ko ba sa kanila. Baka mamaya matumba ka pa diyan, tat*nga-ta*nga ka pa naman." Okay na sana eh. Andoon na eh, pero sinabihan ba naman ako na tat*nga-t*nga.
"Siraulo ka rin eh 'no." Ngumisi siya at tuluyan na kaming pumasok sa mamihan. Iilan pa lang ang kumakain, napatingin ako sa gilid kung saan ando'n si Gio.
"Gio!" tawag ko sa kaniya, agad naman niyang hinahanap kung saan nanggaling ang sigaw na iyon hanggang sa dumapo ang paningin niya sa akin.
"Oy, Van." Nagpunas muna siya ng kamay bago naglakad palapit sa amin.
"Ang tagal mong hindi pumasok ah," wika niya.
"Wala na ba akong trabaho?" Tumawa siya kaya nangunot ang aking noo. Wala na nga akong trabaho.
"Van, naman. Tinatanong pa ba iyan? Hays, may pumalit na sa 'yo." Nalungkot ako saka bumuntong hininga.
"Gio!" Napalingon siya sa tumawag na iyon. Isang babae na hindi katangkaran, morena at kulot ang buhok.
"Siya ba?" Tumango si Gio. Nagpaalam na siya sa amin na maglilinis na muna ng lamesa.
"Tara na," ani Easton. Muli niya akong inalalayan papunta sa dulong pwesto. Lahat ng mata nila ay nasa amin. Sigurado akong nagtataka sila kung bakit kasama ko ang sikat na model na ito.
"Anong gusto mo?" tanong niya. Napakagat ako sa aking labi. Takte! Takte! Nagtatanong lang siya pero bakit gano'n na lang kalaki ang epekto sa akin?
"Van," pagtawag niya sa aking pangalan kaya bumalik ako sa ulirat.
"Mami na lang." Tumango naman siya at naglakad na patungo sa cashier. Tumitig ako sa bagong pumalit sa akin. Halata namang nagwagwapohan siya kay mr. Nerd, panay ang titig nito tuwing titingin sa menu si Easton.
Nakuyom ko ang aking kamao dahil sa inis na naramdaman lalo nang kuhanin ni mr. Nerd ang cellphone ng babae.
"Takte, binigay niya ang number niya? Babaero nga talaga," bulong ko habang masama ang tingin sa likod ni Easton. Natapos ang usapan nila kaya naglakad na ito papunta rito. Huminga ako nang malalim at inalis ang inis na nararamdaman.
Tama bang magselos kahit wala namang kayo?
"Kumusta ang likod mo?" tanong niya. Tumango lang ako at umiwas nang tingin. Bahala siya diyan.
"Ayos ka lang?" Tumango lang ulit ako, tinuon ko lang ang paningin ko sa labas ng mamihan na ito. Hindi na siya nagtanong kaya nakuyom ko ang aking kamao sa ilalim ng lamesa.
Babaero! Putakteng malandi!
Kitang-kita ko ang repleksyon ko sa salamin, kunot na kunot ang noo at napakasama nang tingin. Nakita ko sa gilid ng aking paningin ang kaniyang ginagawa. Nagcecellphone, mukhang itetext na niya ang babaeng iyon.
Humarap ako at tinititigan siya, mukhang hindi naman niya napapansin dahil busy siya sa pagtitipa ng text. Kumunot ang aking noo at muling umiwas nang tingin.
"Hi, ito na order niyo." Sumama muli ang timpla ng aking mukha ng marinig ko ang boses ng babae. Nilingon ko siya at tama nga ako. Nagpapacute lang naman siya kay Easton at ito namang lalaking ito ay lumalandi rin.
Nilapit ko sa aking harap ang mami at madiin na hinawakan ang kutsara.
"Tawagan mo ako, huh." Hinawakan niya muna ang pisnge ni Easton bago bumalik sa kaniyang pwesto. Mas lalong dumiin ang hawak ko sa aking kutsara. Mabilis akong sumubo ng mami. Nakaiinis!
"Napakahigpit naman ata ng hawak mo sa kutsara?" tanong niya kaya tinignan ko siya. Hindi ko siya sinagot at muling sumubo. Muli ko naman siyang sinilip.
"Alam mo bang kahit gaano pa kahigpit ang pagkakapit mo sa isang bagay, makukuha at makukuha pa rin ito ng iba." Kumunot ang kaniyang noo at nilingon ako kaya yumuko ulit ako saka tinuloy ang pagkain.
"What do you mean?" Nagkibit balikat ako.
"I don't mean anything, ikaw na ang bahalang mag-isip kung para saan ang winika ko." Inuubos ko na ang aking kinakain.
"Salamat," aniko.
•••••
06/18/2020
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top