24
Vanellope's POV
"Van, tara sa cafeteria." Nagulat ako nang bigla siyang sumulpot sa aking harapan. Katabi niya rin si Yyle na may kaakbay na babae. Babaerong tunay. Inirapan naman ako nang babaeng ito.
"What are you looking at?" maarte niyang tanong habang nakapulupot ang braso sa katawan ni Yyle. Takte, para siya Koala tapos puno si Yyle.
"Tinitignan ko lang kung bakit may Koalang kasama ang kaibigan ko," tatawa-tawa kong sambit kaya narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Janedy sa aking tabi.
"What? Sa ganda kong ito?" Ngumisi ako at nilapitan siya ng kaunti. Bumitiw naman siya sa pagkakapit kay Yyle. Tinaasan niya ako nang kilay.
"Maganda ka nga, kamukha mo nga si Elle eh," nakangisi kong sabi. Kumunot ang kaniyang noo.
"And, who the hell is Elle?" tanong niya kaya tumawa ako.
"Si Elle? Siya ang alagang baboy ng kapitbahay namin," natatawa kong wika. Mas lumakas na ang tawa ni Janedy at gano'n din naman si Yyle.
"You! You three are crazy!" Dinuro niya kaming tatlo kaya nagcross-arms ako.
"Alis na!" pagtataboy ko. Akala niya uubra siya sa akin.
Sinamaan niya muna ako nang tingin bago naglakad palayo.
"Nice." Nilingon ko si Yyle na nakangisi lang.
"Mabuti naman at pinaalis mo na. Kanina pa niya akong pinipilit na samahan siya eh." Tumango naman ako at muling tinignan ang babae. Muli siyang lumingon sa akin kaya pinakita ko ang aking kamao na naging dahilan para mamilog ang kaniyang bibig at mata. Crazy b*tch.
"Yow, Easton." Lumunok ako nang marinig ko ang kaniyang pangalan. Kanina ng nasa room kami ay hindi ko manlang siya tinitignan, kahit ni katiting na tingin ay hindi ko ginawa.
"Ba't namumula ka, Van?" Sinamaan ko siya nang tingin kaya tumawa ito. Hindi ko nilingon si mr. Nerd dahil alam kong nasa likuran ko lang siya.
"Sabay ka na sa amin papuntang cafeteria?" ani Yyle kaya napapikit ako. Kumuyom din ang aking palad.
Huwag kang papayag!
"Sure." Napapikit ulit ako. Takte! Ba't ka pumayag?
"Oy Van, tara na." Hinila ako ni Janedy sa pulsuhan, wala ako sa sariling nagpadala sa kaniya.
"Anong kakainin mo?"
"Si Nerd—"
"What?" naguguluhan niyang tanong kaya nanlaki ang aking mata. Ngayon ko lang narealize ang aking sinagot.
"Sabi ko ba't niyo ba niyaya si Nerd?" pagpapalusot ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi niya mahalatang nagpapalusot ako.
"Wala lang, ano ba kakainin mo?" tanong niya. Nagkibit balikat na lang ako kaya tumango siya at pumuntang pila. Nakita ko rin ang dalawang lalaki na nakapila habang pinapalibutan ng mga babae.
Kumunot ang aking noo nang marealize na nasa cafeteria na pala kami. Gano'n na ba ako katulala kaya hindi ko napansing nakaupo na pala ako sa upuan dito?
Napatakip ako sa aking mukha ng maalala ang sinagot sa tanong ni Janedy. Takte! Takte! Takte! Sobra na ito, iba na talaga ang dulot niya sa sistema ko.
Nilingon ko ang naglagay ng spaghetti sa aking harapan. Bumilis ang tibok nang aking puso.
"Ano iyan?" tanong ko. Ngumiwi naman ito at umupo sa harap.
"Gano'n ka na ba kata*ga? Spaghetti iyan." Sinamaan ko siya nang tingin. Sira din ang ulo nito eh, alam kong spaghetti 'yan. Ang tinatanong ko ay bakit niya ko binibigyan.
"Alam kong spag iyan. Ang tinatanong ko ay bakit mo ako binibigyan?"
"Gusto ko. Daming tanong, lumamon ka na lang," sabi niya saka sumubo ng pagkain na kaniyang binili. Nilingon ko naman sina Janedy at Yyle, mga nang-aasar na nakatingin sa amin. Sinamaan ko sila nang tingin kaya lumapit na nila sa amin.
"Jane, nilalanggam ako." Sinamaan ko siya nang tingin habang umuupo ito.
"Sh*t, ang kati," sabi ni Janedy habang nagkakamot nang braso.
"Alam niyo kung ba't kayo nilalanggam?"
"Bakit?" sabay nilang tanong.
"Kasi hindi kayo naligo," walang buhay kong sagot saka sumubo ng spag.
"Aba, siraulong 'to," natatawang ani Janedy. Ngumisi lamang ako at nakayukong sinilip si Easton. Busy itong kumain pero nakikinig sa aming usapan.
"Sabihin mo nga, Easton. Ba't ka tumigil sa pagmomodel?" tanong ni Janedy habang nagpupunas nang labi. Uminom na muna ito ng tubig bago kami nilingon ni Janedy at sandali niya ring tinignan si Yyle na kaniyang katabi.
"Wala lang, trip ko lang. Nakasasawa rin kasi ang pinalilibutan ng camera. Gusto kong makaranas ng ganito," nakangiting anito. To be honest, ayokong napalilibutan ng camera. Pati kasi private life mo papakialaman nila.
"Mayaman ka 'di ba? Bakit ka napunta sa baryo namin noon?" tanong ko. Mayaman pala siya kaya paanong napunta siya sa baryo namin tapos may nakaaway pang tatlong lalaki.
"Nasa park kasi ako no'n at kasama ko rin ang alaga kong aso. Eh, biglang nakawala sa aking pagkakahawak kaya hinabol ko at umabot ako sa baryo niyo kakahabol sa makulit na asong iyon. Hindi ko nga lang nahuli dahil nga nakasalubong ko ang tatlong lalaki na nakaaway ko," mahaba niyang paliwanag. Napatango naman ako.
"Wait, nagkita na kayo bago rito sa university?" tanong ni Janedy, titingin siya sa akin at lilipat din kay Easton. Paulit-ulit niyang ginawa.
"Yup," maikling sagot ni Easton. Tinignan ako ni Janedy na para bang may iniisip na kung ano. Gano'n din naman si Yyle.
"Guys, tigil-tigilan niyo ang pag-iimagine," sabi ko at uminom ng tubig. Biglang may tumulong pulang likido galing sa aking ulo.
"What the hell," rinig kong wika ni Easton. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko.
"Hey, b*tch." Hindi ko alam ang nangyari, masyado ata akong natulala kaya ang alam ko na lang ay sinasabunutan na ako ng isang babae habang hinihila patayo.
Takte...
*****
06/17/2020
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top