23
Third Person's POV
Dahil sa sobrang kalasingan ng dalawa ay hindi nila namalayang parehas na tent ang kanilang pinasukuan. Hindi nila alam na magkasama silang dalawang natulog. Lasing na lasing ang dalawa kaya tuwang-tuwa naman ang walo sa labas ng tinulugang tent.
"Mission accomplished!" masiglang sigaw ni Yyle. Ito rin ay lasing na at gano'n din naman ang iba.
"Baka may mangyari sa dalawang iyan?" lasing na tanong nang may birthday na si Gabriella.
"Hindi iyan, HAHAHA."
"Tara tulog na tayo." Sari-sariling pasok ng sariling tent ang walo. Habang ang dalawa naman ay magkayakap na natutulog. Masyado silang lasing kaya hindi nila alam ang nangyayari.
Vanellope's POV
"Hmm," ungol ko habang nakapikit. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa sakit na naramdaman. Hindi ko pa rin minumulat ang aking mata dahil ang sakit talaga ng aking ulo.
"Janedy," tawag ko sa aking katabi. Sinipa ko ang kaniyang paa habang nakapikit pa rin ang aking mata.
"Ano ba?!" irita namang tanong nito. Nangunot ang aking noo. Ba't iba ang boses ng babaeng ito?
Takte! Bakit panlalaki ang boses ni Janedy? Minulat ko ang aking mata at agad napaupo.
"Takte! Anong ginagawa mo rito?" tanong ko habang sinisipa siya. Nagmulat naman ito ng mata at halata rin ang gulat sa kaniya.
"May nangyari ba?" naguguluhan kong tanong. Takte, ba't katabi ko si mr. Nerd?
"Anong ginawa mo sa akin?" tanong niya. Putakte, ang kapal naman niya as if naman may gusto akong gawin sa kaniya. Baka siya ang may ginawa sa akin. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, wala namang masakit.
"Ba't ka ba kasi andito?! Alis na!" sigaw ko saka siya sinipa. Wala naman itong pasabing lumabas ng tent.
Iniisip ko ang nangyari kagabi. Bakit magkatabi kami? Asan si Janedy?
Pinikit ko ang aking mata para maalala ang ginawa ko dahil sa sobrang kalasingan.
"Ang gwapo mo pala."
"Tatlo ka? Bakit? Ba't ka tatlo, mr. Nerd?"
"Ang ganda ng mata."
Jusko, lupa kainin mo ako! Ano ba namang kahihiyan ang ginawa ko kagabi? Ayoko ng uminom, ayoko na! Hindi ko talaga macontrol ang aking sarili kapag lunod na lunod na ako sa alak.
Sinabi ko talaga iyon? Sinabihan ko siya ng gwapo? Tapos, tapos nilapit ko ang aking mukha at kunti na lang mahahalikan ko na siya.
Van, takte ka! Ano na lang ang mukhang ihaharap mo sa kaniya?
"Van, labas na diyan. Mamaya ay uuwi na tayo." Hindi ako sumagot at humiga lang. Ayokong magpakita sa kanila.
Narinig ko ang paglayo ng taong iyon sa tent. Ba't ba kasi ako naglasing? Sino ba ang nagpainom sa akin ng marami? Bakit ba magkatabi kaming natulog? Hindi ako makapaniwalang magkatabi kami ng buong gabi. May nangyari kaya?
Tinignan ko ang babang parte ng aking katawan at napahilamos ang kamay sa mukha.
Wala namang masakit kaya sigurado akong walang nangyari.
Bumuntong hininga ako at kinuha ang sumbrero sa gilid. Naluha naman ako nang maalala ang araw na binigay ito sa akin ni inay. Pinunasan ko ang aking luha at niyakap ang sumbrero.
Ilang minuto pa akong tumambay sa loob ng tent na ito bago naisipang lumabas. Nakayuko akong naglakad palapit sa kanila.
"Magkatabi kayo matulog?" tanong ni Janedy. Sinamaan ko siya nang tingin kaya tumawa ito.
Ang sakit nang ulo ko. Sobra-sobra kasing alak ang nainom. Ano bang akala mo sa katawan mo, Van? Tambakan ng alak?
"May nangyari ba?" bulong niya kaya biglang uminit ang aking pisnge. Hinanap ko kung na saan si Easton at ayon siya, nakikipag-usap kina Scarlet.
"Ayiee, meron 'no?" nang-aasar niyang wika. Hindi ko siya sinagot at kumuha ng tubig sa lalagyan.
"Oy, ayaw sagutin. Meron 'no?" Hindi ko pa rin siya pinansin. Wala naman kasing nangyari.
"Van—"
"Dy! Walang nangyari sa amin!" sigaw ko kaya lumingon silang lahat sa akin. Yumuko na lang ako at naglakad palayo sa kanila. Narinig ko ang tawanan nilang lahat, inaasar kaming dalawa.
Inubos ko ang tubig at pinaglaruan ang plastic bottle.
Vanton. HAHAHAHA. Ang corny pero ba't ako kinikilig? May bumagsak na dahon sa aking harapan kaya pinulot ko ito at tinitigan.
Itatapon ko ulit sana ang dahon pero napatigil ako dahil sa isang pigura ng tao na nakatalikod sa akin, medyo may kalayuan ngunit kitang-kita ko ang malapad niyang likod. Nagsimulang magsitaasan ang balahibo sa aking batok. Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Nakasuot ito ng maskara ngunit ang mata ay makikita. Kumunot ang aking noo at tinititigan ang mukha. Kahit medyo may kalayuan ang lalaki ay nasilayan ko ang pamilyar na pares ng mata.
"Ba't siya naririto?"
•••••
06/15/2020
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top