20
Vanellope's POV
Isang linggo na ang nakalilipas simula nang ilibing si inay. Unti-unti ko na ring natatanggap although masakit pa rin.
Hindi ako pumasok ngayong araw dahil wala namang gagawin, may meeting daw ang mga teacher. Mas naisipan kong dito na lang sa bahay matulog keysa dumayo sa university para lamang dumukdok sa armchair. At nakaiinis din kasi si mr. Nerd, ako nang ako ang pinagtritripan.
Pasalamat siya't kinalimutan ko ng patulan siya. Masyadong napakaisip bata kung papatulan ko ang lalaking iyon.
Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng may biglang malakas na katok ang bumulabog sa pinto. Napairap ako ng makilala kung sino ang taong iyon.
"What the hell, Yyle?!" inis kong tanong habang binubuksan ang pinto.
"Hi," inosente niyang bati. Sinamaan ko siya ng tingin at tumawa naman ito na para bang wala siyang ginawa.
"Inom tayo?" Biglang kumislap ang aking mga mata. Tumango ako at sinilip muna ang bahay. Nangunot ang aking noo ng makita ang bracelet, tinakbo ko itong kinuha saka nilagay sa bulsa.
"Tara?" tanong niya. Sinarado ko muna ang pinto. Nagtaka ako ng makitang nakaparada sa hindi kalayuan ang kaniyang kotse.
"Ba't dala mo ang kotse mo? Diyan lang naman tayo, 'di ba?" Hinarap niya ako at may tinuro. Nanlaki ang aking mata ng makita ang ibang estudyante na kumakaway sa aming dalawa ni Yyle.
"Takte, anong ginagawa ng mga iyan dito?" Nagkibit balikat ito kaya nakatanggap siya ng batok galing sa akin.
"Aray ko naman. Birthday kasi ni Gabriella, iyong ssg president." Tumaas ang isa kong kilay. Anong pakialam ko sa birthday niya?
"Nag-usap usap kaming pumunta sa isang camping site para doon icelebrate ang kaniyang birthday." Nangunot ang aking noo. Takte, ba't ba nila ako dinadamay sa mga ganiyan-ganiyan?
"Van! Dalian niyo!" Sinamaan ko ng tingin ang sumigaw na iyon. May dala-dala siyang kung ano habang palapit sa kotse ni Yyle.
"Bilisin niyo naman!"
"Pagong!"
"Hoy, mister pakibilisan ang paglalakad!"
Nanlaki ang aking mata at hinanap kung saan nanggaling ang boses na iyon. Napaparanoid na ba ako? Ba't ko naririnig ang boses ng nerd na iyon. Umiling lang ako at binilisan na ang paglalakad.
"Asan si Gab?" tanong ko kay Janedy. Nagkibit balikat naman ito, sinilip ko ang kotse at agad napaatras ng makita ang nakasubsob na mukha ni nerd sa bintana.
"Putakte, papatayin mo ba ako sa gulat?!" inis kong sambit. Tumawa naman ito at binuksan ang pinto.
"Ba't nasa loob ng kotse mo ang lalaking ito?"
"Dito raw siya sasabay eh, ayaw niyang magdala ng sariling kotse." Lumaylay ang dalawa kong balikat. Ang bilis nang tibok ng aking puso lalo na't makakasama ko sa isang kotse ang lalaking ito.
"Yyle, sumunod na kayo!" sigaw ni Krylle, ang vice-president. Pumasok na kaming apat sa kotse. Sumiksik ako sa gilid dahil katabi ko si Easton. Si Yyle ang driver at sa tabi naman niya ay si Janedy. Kaya ito ako nasa likod. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga ng ayos.
Umayos ako nang upo at hindi pinahalatang nahihirapan akong katabi siya. Binuksan ko na lang ang bintana at sinilip ang dalawang kotse na sinusundan namin.
"Malapit na ba?" inip na tanong ni Janedy. Nagkibit balikat naman si Yyle.
"Alam mo namang sumusunod lang tayo sa kanila tapos tatanungin mo kung malapit na ba," sarkastikong ani Yyle. Babatukan sana siya ni Janedy pero hindi niya tinuloy dahil na rin sa nagmamaneho ito.
"Nga pala si mr. Yakushi, nakasalubong namin habang papunta rito. Nakilala niya ang kotse namin kaya pinahinto kami. Tinanong niya kung anong meron. Muntik pa ngang madulas si Krylle eh mabuti ay napigilan niya ang madaldal niyang bunganga," pagkwekwento ni Yyle. Napangiti naman ako. Kung nadulas si Krylle ay siguradong kasama namin si Kutchi-kutchi. Feeling bata pa ang matandang iyon eh.
"Ang boring, buksan mo naman iyang radio," ani ko. Si Janedy na ang nagbukas kaya umayos ulit ako nang upo. Hindi talaga ako mapakali, para may kumikiliti sa aking pwet.
Nakita kita sa isang magasin
Dilaw ang 'yong suot
At buhok mo'y green
Napangiti ako nang marinig ang tugtog sa radio. Isa sa mga paborito kong banda ang eraserheads. Mas gusto ko ang nga tugtugin dati keysa ngayon.
Sa isang tindahan sa may Baclaran
Napatingin, natulala,
Sa iyong kagandahan
Rinig kong pagsabay ni Janedy. Napangiti naman ako at sumabay din sa kanta.
Naaalala mo pa ba
No'ng tayo pang dalawa?
'Di ko inakalang sisikat ka
Napalingon ako kay Easton na nakakunot ang noo. Hindi mo malaman kung natutuwa ba o ano. Umiling ito at lumingon sa aking pwesto.
"Why are you staring at me?" Umirap lang ako at umiwas nang tingin.
Tinawanan pa kita,
Tinawag mo 'kong walanghiya,
Medyo panget ka pa no'n...
Ngunit ngayon
Pasigaw kong kinanta ang lyrics na iyon. Gan'to talaga kami kapag magkakasama.
"Ang sakit sa tainga!" mahinang bulyaw nang aking katabi. Hindi ko siya pinansin at tinuloy lang ang pagkanta- pagsigaw pala.
Iba na ang 'yong ngiti,
Iba na ang 'yong tingin,
Nagbago nang lahat sa 'yooo.
Sana'y hindi nakita.
Sana'y walang problema,
'Pagkat kulang ang dala kong pera,
Na pambili
Napangisi ako ng marinig ang binubulong-bulong nang ni Easton.
"Kanta nang kanta basag naman ang boses." Inggit ka lang!
"Ano bang problema mo?! Kung ayaw mong marinig ang maganda kong boses, maglagay ka ng sandamakmak na earphone diyan sa tainga mo." Dahil sa aking sinabi ay tumawa ang dalawa kong kaibigan.
"Maganda? Kailan pa naging maganda ang basag mong boses?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Bahala ka nga diyan." Baka maubusan ako nang pasensya at masipa ko siya palabas ng kotse na ito.
•••••
06/14/2020
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top