17
Someone's POV
"Ilang buwan na lang ay debut mo na." Tumango ito at nginitian ako. Ilang buwan na lang din at mangyayari na ang planong matagal kong pinaghandaan.
"Kumusta po kayo?" tanong niya sa 'kin habang umiinom ng orange juice.
"Ayos naman kami. Anong gusto mong regalo sa 18th birthday mo?" Umasta ito na parang malalim ang iniisip. Bigla naman itong napangiti.
"Wala po. HAHAHA, basta po umattend kayo masaya na ako," wika nito habang malapad ang ngiti.
"O siya, iha. Uuwi na muna ako. Babalik ako bukas." Tumayo ako at gano'n din naman siya. Sinamahan niya ako hanggang sa labas ng mansiyon nila. Bago ako sumakay sa kotse ay nagyakap na muna kami.
"Bye po, tita," pagpapaalam nito. Ngumiti ako at nagsimula nang magmaneho. Hindi mawala-wala ang ngiti sa aking labi, hindi na ako makapag-hintay na makuha ang kayamanan.
Vanellope's POV
Napaungol ako habang nagpapadyak ng paa. Kumunot naman ang aking noo ng maramdamang iba ang kamang hinihigaan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at basta na lang napatalon palayo sa kamang kinahihigaan.
"Kaninong kama ito?" tanong ko sa aking sarili. Ang kama ko ay kasing tigas ng bato pero sanay na ako. Nilibot ko ng paningin ang buong kuwarto. Gumuhit sa aking mukha ang pagkamangha, malinis ito at maaliwalas. Mas lalong lumawak ang aking ngiti ng makita ang malaking pikachu.
Lalapitan ko sana ang malaking pikachu pero biglang bumukas ang pinto kaya gulat kong nilingon ang taong nagbukas no'n
"Mabuti naman at gising ka na. Pwede ka ng umalis sa condo ko," walang emosyong wika nito. Kumunot ang aking noo at inalala ang nangyari kagabi.
Nanlaki ang aking mata ng maalala ko ang kagag*han kong ginawa. Siya ba iyong lalaki na nasukahan ko? Takte! Lupa, lamunin mo na ako.
Ano ba naman kasing kataktean ang ginawa ko?!
"Ahh, hmm. Iyong kagabi—"
"Tsk, ano pa bang magagawa mo, nasukahan mo na." Lumunok ako. Gustong-gusto kong hambalusin ng bangko ang aking sarili.
"Sorry," nakayuko kong wika. Ngayon lang ako nahiya nang sobra. Kagabi lang din ako nakagawa ng ganoong kahihiyan. Takte! Ba't ba ako nahihiya sa lalaking ito?
"Ano pa nga ba?" Huminga ako nang malalim at umayos ng tayo. Napatingin naman ako sa aking damit.
"Ba't iba na ang suot ko?!" pasigaw kong tanong. Umiwas naman ito kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ikaw ba ang nagpalit?!" naiinis kong tanong. Lumunok ito bago tumango. Kumuyom ang aking palad.
"Takte ka! Edi may nakita ka?!"
"Wala ah!" sigaw nito sabay takbo palapas ng kuwarto. Hinabol ko naman ito.
"Hoy, wala akong nakita! Tumigil ka nga!" sigaw nito habang tumatakbo. Kanina lang ang tapang mo tapos ngayon tatakbo-takbo ka.
Takte, nakahihiya! Lalaki ang nagpalit sa akin at impossibleng hindi niya nagustuhan ang nakita.
Ako mismo ang nagalit sa sariling naisip. Medyo judgemental ako sa lagay na 'yo.
'Pag nahabol ko ang lalaking ito. Promise, sasapakin ko siya ng sobrang lakas.
"Pa'nong wala?! Eh ikaw nga iyong nagbihis sa akin, 'di ba? Kaya pa'nong wala kang nakita?!" Para akong naghy-hysterical habang sumisigaw. Nang maabutan ko ay agad kong pinagsasapak ang kaniyang braso. Panay iwas naman ang loko.
"Ano ba! Tumigil ka! Papatulan kita!" Mas lalo ko nilakas ang pagsapak sa kaniya. Nakaiinis!
Napahinto ako sa aking ginagawa ng bigla niyang hawakan ang aking dalawang braso at inikot ako. Ngayon ay nakasandal ako sa faucet at siya naman ay nasa aking harapan.
Tumitig ako sa kaniyang lalamunan, paulit-ulit itong lumulunok. Hindi ko rin maiwasan huwag mapatitig sa kaniyang mata.
"Ang ganda pala sa malapitan ng kaniyang mata."
Bumaba ang aking tingin at napatitig sa mapupulang labi. Napakagat ako sa aking ibabang labi saka umiling.
Nang marealize ko ang aming pwesto ay itinulak ko siya nang malakas.
"Ah ano, sorry," sabi niya saka tumalikod. Ilang ulit akong lumunok at pilit kinakalimutan ang nangyari.
Takte! Anong nangyari? May malikot na uod na naman sa aking tiyan. Kilig ba ito o gutom? Huminga muna ako ng malalim at lumabas kitchen, naabutan ko naman siyang nakaupo sa sofa habang nakayuko.
"Nerd," tawag ko sa kaniya. Nilingon naman niya ako kaya nakita ko ang butil-butil na pawis na namumuo sa kaniyang mukha.
"Sorry and thank you. Uuwi na ako." Tumango naman siya at inginuso ang pinto.
Si inay nga pala. Akalain mo nga namang nakalimutan kong nakaburol pa pala ang aking inay, wala talaga akong kwentang anak.
Mabigat ang paghinga kong lumabas ng condo raw niya.
Rumagasa na naman ang luha sa aking pisnge ng maalala ang sinapit ng magulang. Dumagdag pa ang sinabi niyang hindi raw nila ako tunay na anak.
The hell! Sinong mga magulang ko? Saan ko naman sila hahanapin? May mga magulang pa ba ako?
Nanghina ang aking tuhod at basta na lang napaupo sa malamig na tiles. Mabuti na lang ay walang tao sa mahabang hallway.
"Oh, panyo." Nilingon ko ang taong nag-abot sa akin ng panyo.
"Salamat," sabi ko saka pinunasan ang luha. Suminga rin ako.
"Lalabhan ko na lang muna ito." Tumayo na ako at iniwan siya.
•••••
06/03/2020
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top