16

Vanellope's POV

"Van, kumain ka naman." Hindi ako umimik at malungkot na tumitig sa kabaong ni inay. Apat na araw na ang nakalilipas pero hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko matanggap na wala na akong inay.

"Inay..." bulong ko. Muling bumasa ang gilid ng aking mata. Pinipilit kong huwag umiyak pero taksil ang takte kong luha.

"Van, hindi matutuwa si aling Merna—" Nilingon ko siya at sinamaan nang tingin. Bumuntong hininga naman ito saka lumayo sa akin. Apat na araw na akong hindi kumakain, wala na akong ganang mabuhay. Wala na akong pamilya.

Si Bertong adik, ni-rehab na. Kapag gumaling ay didiretso na ito sa kulungan para pagbayaran ang kasalanang ginawa.

Tumayo ako at lumapit kay inay. Ayan na naman ng aking luha.

"Inay..." Hinaplos ko ang salamin. Nilingon ko ang kaniyang larawan, kinuha ko ito at niyakap.

"G-gumising ka n-na diyan, 'nay," lumuluha kong bulong. Hindi ko kaya, siya na lang ang mayro'n ako tapos nawala pa.

Ang sakit mawalan ng magulang. Masakit lalo na't wala akong nagawa para siya'y mailigtas.

Ilang minuto ko ring tinitigan ng larawan ni inay. Lumabas na muna ako ng bahay at nagpahangin.

Apat na araw na akong hindi pumapasok. Sinabi naman ni Janedy ang dahilan kaya ayos lang sa mga teacher. As if may pakialam sila sa akin.

Naglakad-lakad na muna ako hanggang sa makarating sa tapat ng isang bar. Walang alinlangan akong pumasok sa loob, agad kong naamoy ang alak at usok galing sa sigarilyo. Masakit din sa mata ang iba't ibang ilaw, ang malakas na tugtugin na naging dahilan para ako'y mapasayaw.

Pumunta ako sa gilid kung saan walang nakapwesto. Doon ay umupo ako at agad namang may lumapit na waiter.

"Dalawang hard." Tumango ito. Nakatitig lang ako sa mga nagsasayawan. Kilala ako ng may-ari dito kaya hindi ko problema ang pag-bayad.

"Long time no see, Van." Tinanguan ko lang ang lalaking umupo sa aking harapan.

"May prob?" Tumango ulit ako. Wala akong oras para makipag-kwentuhan.

"Condolence nga pala." Pumikit na lamang ako at yumuko.

"Veron, pakibilisan ng order ko," nauubusang pasensya kong sabi.

"Sige," aniya saka ako iniwan.

Si Veron ay kaibigan ko. Lima kaming magkakaibigan at minsan na lang magkita-kita. May gang din akong binuo at sila ang myembro. Marami kaming nasagasaang mga gang dahil na rin sa hilig naming makipag-away.

But, 3 months ago sinira ko na ang gang na iyon. Dahil na rin nagalit sa akin si inay.

May naglapag ng drinks sa aking harapan. Hindi ko sinalin sa baso bagkus ay tinungga ko ito.

Kalahating oras na akong umiinom at nararamdaman ko na rin ang tama ng alak. Papikit-pikit na rin ang aking mata. Tinungga ko ang natirang alak. Tumayo ako saka nakisabay sa mga nagsasayawan. Walang pakialam kung may matamaan.

"Hey, kanina pa ako natatamaan ng kamay mo." Nilingon ko ang nagsalitang iyon. Hindi ko maaninag kaya bahagya kong nilapitan ang kaniyang mukha, napangisi naman ako.

"A-ano ba paki—" Hindi ko natuloy ang aking sasabihin dahil napasuka ako.

"Sh*t!" bulyaw ng taong nasa aking harapan. Pinunasan ko naman ang aking bibig.

Ilang segundo lang din ay naramdaman ko na ang malakas na sipa ng alak kaya napayakap ako sa taong nasa aking harapan.

"Inay..." huli kong sinabi bago mawalan nang malay.

•••••

06/02/2020

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top