15

Vanellope's POV

Halos hindi maipinta ang aking mukha. Hindi alam kung sisimangot ba o matatawa. Sisimangot ba dahil mali ang aking inaasahan o matatawa dahil ang kapal ko para umasa.

"Ayos lang 'yan, Van." Bumuntong hininga ako at yumuko. Sobra ang aking paghihinayang dahil hindi ako ang nanalo.

"Sayang kasi ang premyo. Pang ilang buwan din namin iyon ni inay," malungkot kong wika. Narinig ko ang kaniyang buntong hininga. Napatingin naman ako sa kalangitan, medyo madalim. Mukhang uulan.

Hindi na kami nagbukas ng usapan at naglakad na lamang. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa aming baryo. Nagtataka akong tumingin sa mga taong nakapalibot sa aming bahay.

"Anong nangyayari?" tanong ko saka tumakbo patungo sa aming bahay. Ngunit bago pa ako makapasok sa loob ay may humila sa akin. Si manang Betchay na nagtitinda ng petchay.

"Van, huwag ka na munang pumasok. Hintayin na lang natin ang mga pulis." Taka ko siyang tinignan. Ano bang nangyayari? Anong nangyayari kay inay? Bakit may darating pulis?

"Bakit ba?" inis kong tanong saka hinila pabalik ang sariling braso.

"Si Berto, iyong adik—"

"Ano? Ano ba?!" Pumikit ito, nagpapahiwatig na naiinis sa akin. Ako rin naiinis, ayaw pa kasing sabihin. Nilingon ko ang aming bahay ng may biglang nabasag.

"Inay?!" sigaw ko. Ngunit wala akong natanggap na sagot. Baka kung anong nangyayari.

"'Nay?! Anong nangyayari diyan?" sigaw ko. Wala ulit akong natanggap na sagot.

"Takte! Ano bang nangyayari?" inis kong tanong kay manang Betchay.

"Si Berto, nasa loob ng inyong bahay. Tuluyan nang nawala sa sarili, may dala-dalang kutsilyo at basta na lang pumasok sa bahay niyo." Nanlaki ang aking mata at agad pumasok sa bahay. Bumungad sa akin si Berto at si inay na nasa gilid. May dugo ang kaniyang braso.

"Hoy! Anong kailangan mo?!" sigaw ko na halos marinig sa kabilang baryo. Nilingon niya ako at tinutukan ng kutsilyo.

"Damn it! Wala talagang naidudulot na mabuti ang takteng droga na iyan!" Bibigyan ka lang ng panandaliang kaligahayan pero sa susunod ay kunti-kunting lalasunin ang utak.

"Ang kailangan ko ay si superman! Papuntahin niyo siya rito at maglalaban kami." Napapikit ako sa sobrang inis. Takte! Baliw! Baliw na ang g*gong ito. Ipatawag ba naman sa akin si superman?

Nilingon ko si inay na hawak-hawak ang braso, nginitian niya ako.

"Baliw! Umalis ka na nga rito, Berto!" mahinahon kong sigaw. Nauubusan talaga ako ng pasensya dahil sa isang ito. Dumadagdag sa mga peste kong problema.

"Hindi!" sigaw niya saka lumapit kay inay at walang pasabing sinaksak ang tiyan.

Tumigil ang ikot ng paligid, nanigas ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam ang gagawin, nanginginig ang tuhod at agad tumulo ang luha.

"Inay..." sabi ko. Kinuha ko ang aming vase at pinukpok sa ulo ni Berto. Napahiga naman ito sa sahig at nawalan nang malay. Tuluyan ko ng hinawakan ang kamay ni inay.

"'Nay," bulong ko. Pilit naman itong ngumiti at hinaplos ang aking pisnge.

"Vanellope, anak," hirap na hirap na sambit nito. Parang tubig ng gripo ang aking mga luha, tuloy-tuloy na bumabagsak.

"Ku-kumusta ang c-contest?" Umiling ako habang lumuluha. Inay...

"Tulong!" sigaw ko habang umiiyak. Umiling lang siya at muling hinaplos ang aking pisnge.

"H-hindi k-ko na kaya. H-huwag mong p-pababayaan ang i-iyong sarili. Van, bago ako mawala..." Napatigil ito sa kaniyang sasabihin dahil umubo ito ng dugo.

"Inay, huwag ka—"

"M-may aaminin ako sa 'yo. H-hindi ka namin tunay na anak ng t-tatay mo." Tumawa ako at hindi makapaniwala sa sinasabi ni inay.

"Nahihirapan ka na nga tapos may oras ka pa para mag-joke?" natatawa kong wika. Ngunit seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Bumilis ang tibok ng aking puso.

"Inay..."

"K-kuhain mo ang bracelet sa drawer ko. I-iyon ata ang p-paraan para m-makilala mo ang iyong tunay na mga m-magulang..." Dahan-dahan na siyang pumipikit. Inalog-alog ko ang kaniyang katawan ngunit hindi na siya nagmumulat.

"Inay! Inay! Gumising ka po!"

Hindi ito totoo! Panaginip lang 'to, please gisingin niyo na 'ko! Ayoko ng takteng panaginip na ito.

Inay, gumising ka po. Hindi naman po totoong hindi niyo ako anak, 'di ba? Inay, joke lang iyon, 'di ba?

"Inay, j-joke lang i-ito, 'di ba? D-don't l-leave me, inay! Hindi k-ko kaya. Gumising ka po." Inalog-alog ko ang kaniyang kamay pero wala talaga.

"Hindi! Inay!"

Paanong nangyari ito? Sana ay hindi ko siya iniwan dito sa bahay! Sana hindi na ako sumali sa contest na iyon, wala rin naman akong napala at mapapala.

"Inay..."

Sumandal ako sa kaniyang hita at doon umiyak nang umiyak.

•••••

06/01/2020

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top