12

Vanellope's POV

"Inay, ano ba naman iyang nilalagay mo?" inis kong tanong habang nakatitig sa salamin. May kung ano kasing color pencil ang nilalagay si inay. Sinusulatan niya iyong ilalim ng mata ko. Iyong totoo, mukha bang papel ang mukha ko?

"Huwag kang magulo, simpleng make-up lang ito." Kahit labag sa aking kalooban ay nanahimik na lang ako at tinignan sa salamin ang experiment ni inay.

"Make-up artist ka ba dati, inay?" Umiling lang ito at tinitigan ako. Para bang sinusuri ang itsura ko kung ayos na ba.

"Eh, sa'n ka natuto ng ganito?" Sabay turo ko sa aking mukha. Tumawa naman ito at niligpit ang ginamit na pangkulay sa aking mukha.

"Ang totoo ay sa tatay mo ako natutong mag-ganito," wika nito na nagpalaki sa aking mata. Si itay, marunong mag make-up?

"HAHAHA, akala ko nga noong una ay bakla siya. Hindi naman pala, sadyang nahiligan niya lang dahil tatlong babae ang kaniyang kapatid at bunso naman siya," pagkwekwento nito habang nakangiti animong inaalala kung paano siya turuan ni itay na mag make-up.

Ngumiti naman ako at tinitigan ang sarili sa maliit naming salamin. Para atang hindi ako ang nasa harap ng salamin, para akong sinapian ng ibang tao. Nag-iba ang aking itsura, babaeng babae. Takte, witwiw.

"Ang ganda mo, Vanellope." Ngayon ay hindi ako umangal na tawagin sa buong pangalan, hindi ata bagay ang Van na name sa ganitong itsura. Muli kong tinignan ang aking itsura.

Nakalugay ang mahaba kong buhok kaya kitang-kita ang pagkakulay brown nito, dahil din sa suot ng bestida ay makikita ang tunay kong kaseksihan, maikli ito na naging dahilan para hindi matakpan ang aking binti. Bumagay din sa akin ang kulay ng doll shoes mas lalo nitong pinakitang maputi ang aking paa.

"Inay, salamat," sabi ko saka siya niyakap.

"Kantahan mo naman ako, inay. Para maging lucky charm ko ang maganda mong boses." Ngumiti ito at hinawakan ang aking buhok, napapikit naman ako at bumitiw na sa yakap.

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw

Nang munti pang bata sa piling ni nanay

Nais kong maulit ang awit ni inang mahal,

Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Kay ganda talaga ng boses ni inay, walang-wala sa boses kong parang tumatawag ng pasahero na sasakay sa jeep.

"Oh siya, baka malate ka na. Ito tandaan mo, manalo ka man o matalo ikaw lang ang tanging Vanellope ko. Champion ka sa puso ni inay." Napakagat ako sa aking ibabang labi, pinipigilan na lumuha. Si inay, pinapaiyak ako.

"Bye, 'nay." Humalik ako sa kaniyang pisnge at nagsimula ng maglakad palabas ng bahay. Agad kong naagaw ang atensyon ng mga tao, mga hindi makapaniwala.
Kahit ako ay hindi makapaniwala na malaki ang magiging pagbabago ko dahil lang sa takteng contest.

"Si Van ba iyan?"
"Kay gandang bata eh noh?"
"Ang ganda niya, pare."
"Van, pakakasalan na kita!"

Nilingon ko ang sumigaw na iyon saka siya nginitian, nagulat naman ang ilan.

"Bago mo ako pakasalan, pasakal muna!" sigaw ko saka ngumisi. Nagsitawanan naman ang mga tao, tumawa na lang ako at lumakad ng muli.

Ang mga malalagkit na tingin ng mga tao sa akin ay hindi ko maiwasang huwag pansinin, hindi ko mapigilang huwag mailang. First time ko ito, takte first time kong magsuot ng ganito kaya sinong hindi maiilang?

Ilang pulgada na lang ang layo at nakikita ko na ang aming paaralan. May mga ilang taong papasok at palabas, palibhasa'y sabado kaya ang lalakas ng loob na lumabas pasok sa paaralan.

Malalim akong bumuntong hininga at nagsimula ulit maglakad. Malapit na ako kaya maraming napatigil at tumitig sa akin.

"Sino siya?"
"Dude, ayan na ang girlfriend ko."
"Para siyang anghel na binaba sa lupa."

Bumuntong hininga ulit ako. Hindi ko pinag-aksayahan ng oras na lingunin ang mga nag-uusap na iyon. Bagkus ay nagtuloy-tuloy akong pumasok sa paaralan.

Gano'n ba kalaki ang aking pinagbago dahilan para hindi nila makilala kung sino ako?

Lahat ng malalampasan ko ay nagtataka, nagtatanong kung sino ba ako? Kaya hindi ko maiwasang huwag mainis. Takte, hello mga putakte ako lang ito si Van. Vanellope Videl. Takte!

Nakita ko na ang mga nakahilerang upuan at hindi kalakihang stage. Simple lang ang ayos pero halata namang pinaghandaan dahil maayos ang mga disensyo. Hinanap ng aking mata sila Janedy at Yyle, eksakto naman na may kumalabit sa akin.

"Van, HAHAHA sabi ko na eh." Ngumiti ako at tumango.

"Nice, ang ganda ahh," sabi ni Yyle. Yumuko lang ako at pakiramdam ko'y namula ako ng sobra. Ngayon lang ako pinuri ng ibang tao.

"Pink na pink ka ata? Oras na ba para magbago at naging girly ka na?" Tumawa lang ako dahil sa tinuran ni Yyle. Kung alam niya lang kung gaano ko kaayaw suotin ang mga ito. Kung hindi lang dahil kay inay hindi ko talaga susuotin ito.

"Masyado mo atang pinaghandaan?" natatawang wika ni Janedy, tinitigan ko naman siya saka umiling.

"Si inay kasi eh. Pinilit ako." Tumango sila at may nginuso sa isang tabi. Mga estudyanteng nakasuot din ng pang-alis.

"Sila ang makakalaban mo." Tumango naman ako. Umikot ang aking paningin na para bang may gustong makita.

"Mamaya lang ay mag-uumpisa na. Goodluck, Van. Doon na muna ako," sabi ni Yyle saka humiwalay sa amin.

"Sheyt, ang hot niya."
"OMG, hubby ko!"
"Easton, my loves."
"Ang guwapo niya talaga, picturan mo!"
"Modelong modelo talaga ang dating kahit simple lang ang suot."

Kumunot ang aking noo saka nilingon ang mga nagsisigawan na iyon. Napairap na lang ako ng makita si mr. Nerd.

Simple lang ang kaniyang suot. Naka-short na pang-beach at kulay puting t-shirt, ewan ko kung sinadya niya ba iyon para ipakita ang apat niyang pandesal sa tiyan.

Ano naman kayang hot diyan? Sunugin ko iyan eh!

"Omo, ang sarap naman ng pandesal." Nilingon ko si Janedy at nandidiri siyang tinignan. Kadiri, gustong-gusto talaga nila si mr. Nerd? Takte, ang yabang niyan!

Napaigtad ako sa aking pagkakatayo ng biglang nasa harapan ko na siya. Kung pa'nong hindi ko napansin ay hindi ko rin alam.

"Hey, mr. Van. Mukha ka pa ring lalaki kahit magsuot ka ng two piece." Sinamaan ko siya ng tingin at inapakan ko ang kaniyang paa kaya agad siyang dumaing.

"Takte," bulong ko saka diniinan ang pagkakaapak. Inalis ko lang ang aking paa ng biglang may magsalita sa mic.

"Let's see kung sinong mapapahanga." Ngumisi ako at tumango. Iika-ika naman itong lumayo sa akin, akala niya diyan!

"Ang bad mo kay baby ko." Hindi ko siya pinansin. Humanap ako ng bakanteng upuan at doon umupo.

"Magsisimula na po ang ating singing contest, pero bago iyon ay ipapakilala ko muna ang magiging judge." Nagsisagutan naman ang ibang estudyante at ako naman ay walang emosyon na nakatitig sa emcee.

"Unang-una na diyan ay ang may-ari ng paaralan na ito, let's give her applause. Mrs. Sheryl Sigrid." Halos tumigil ang ikot ng aking mundo, basta na lang akong yumuko at hindi tinignan ang babaeng umaakyat sa stage.

"Andito nga siya," bulong ko saka huminga nang malalim. Nakahihiya, anong mukha ang ihaharap ko?

•••••

05/28/2020

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top