1
Third Person's POV
Nakalagay ang kaniyang dalawang kamay sa bulsa, suot niyang damit ay kulay itim. Nakasuot din siya ng sumbrero, ngunit nakabaliktad ito.
Bawat dinadaanan niya ay kaniyang nginingitian. Pero imbes na matuwa ang tao ay natatakot ang mga ito.
Sinong hindi matatakot sa mala-killer smile niyang ngiti? Ang weird, right? Pero normal na para sa kaniya ang gano'n.
"Pareng Van!" Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang lalaking tumawag sa kaniya. Nakangiti ito na parang aso.
"Mukhang siyang asong ulol."
"Putakte, ano na namang kailangan mo?" mahinahon niyang tanong sa lalaki. Ngumisi naman ang lalaki at bahagya pang lumapit sa kaniya.
"Ba't 'di ka nalang magpakababae para ma-ikama naman kita." Ngumisi lang si Van at tinitigang mabuti ang lalaki.
"Kailangan ko pa bang magpakababae para matikman ka?" Biglang nanlaki ang mata ng lalaki, nagniningning sa sobrang tuwa ang mga mata dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Van.
"Ibigsabihin—" Hindi niya pinatapos ang sasabihin ng lalaki dahil agad niya itong sinapak sa mukha na naging dahilan para dumugo ang ilong.
Ang mga tao ay pinalilibutan sila. Mga tuwang-tuwa sa nakikita, may nagpupustahan pa.
"Hoy, taong mukhang aso, kung tao ka nga ba. Kahit magka-amnesia ako hinding-hindi ako papatol sa nakasinghot nang katol na katulad mo! Takteng 'to," mahinahon na ani Van, sabay sipa sa mukha ng lalaki.
"Ano, pare? Sabi ko sa 'yo huwag si Van." Nilingon niya ang nagsalitang iyon kaya bahagyang napaatras ang taong iyon.
"Hindi ko kayo papatulan, kung wala kayong ginagawang kag*guhan," sambit niya saka umalis sa kumpulan ng mga tao.
Inayos niya ang kaniyang damit at sumbrero.
"Kapag ako nawalan ng trabaho dahil sa nangyari, babalatan ko ng buhay ang lalaking iyon," gigil niyang bulong sa sarili.
Nagsimula na siyang maglakad para makarating sa kaniyang trabaho. Napadaan din siya sa basketball court kung saan may mga naglalaro.
"Fvck you! Tigilan niyo ako!"
"Ibigay mo na kasi!"
"Wala akong ibibigay sa 'yo!"
Napabuntong hininga si Van at hinanap ang pinanggagalingan ng sigawan na iyon. Hanggang sa makita niya sa gilid ng basketball court ang pagkukumpulan ng tatlong lalaki. Hindi niya kasi mapigilan ang kaniyang sarili na huwag pansinin ang mga taong nangangailangan ng kaniyang tulong.
"Hoy!" sigaw ni Van, agad naman niyang naagaw ang atensyon ng tatlo.
"Sino ka ba?!" sigaw nang isang lalaki. Nilingon siya ni Van, pinakatitigan siya nito.
"Wala kang hilig sa tattoo eh noh?" sarkastikong tanong niya sabay turo sa lalaking puro tattoo ang katawan.
"Pakialam mo?" Naglakad palapit sa kaniya ang lalaking puro tattoo.
"Kapal mo. Sa 'yo wala akong pakialam pero doon sa inaapi niyo meron!" Nginisian siya nang lalaki at kaya umaayos siya nang pagkakatayo.
"Bakit may magagawa ka?" Lumapit na rin ang dalawa pang kasama nito. Pawang mga nang-aasar dahil lalaki sila at babae lang si Van.
"Pa'no kung meron?" Ni-hindi nagbago ang tindig ni Van. Nakalagay pa rin sa kaniyang bulsa ang dalawang kamay at may maliit na ngisi sa labi.
"At ano naman? Sasampalin mo kami o baka sasabunutan?" nang-aasar na tanong ng lalaking nasa kanan. Nilingon siya ni Van at nginisian.
"Oo, sasampalin ko kayo..." Nagsitawanan ang mga lalaki.
"Gamit ang aking kamao!" Dahil busy sila sa pagtawa ay hindi nila napaghandaan ang pagsugod ni Van. Basta ang alam na lang ng dalawang lalaki ay nakahiga na sa malamig na semento ang lalaking puro tattoo.
"Gusto niyong magpasampal?" nakangiting tanong ni Van. Hindi sumagot ang dalawa at hindi na maipinta ang mukha.
"Oh mga bata, baka maihi kayo sa diaper niyo." Sabay tawa nito. Tumakbo na palayo ang tatlo, kaya tawa nang tawa si Van.
Nang mahimasmasan kakatawa ay lumapit siya sa pinagtritripan ng tatlong lalaki.
Napatitig siya sa itsura ng lalaki, may makapal na salamin itong suot. Napangiwi siya dahil nakajacket ito kahit ang init-init sa Pilipinas.
"Mainit na nga sa Pilipinas tapos naka-jacket ka pa? Anyway—" Hindi siya pinansin ng lalaki at umalis na sa kaniyang harapan.
Napanganga na lang si Van sabay lingon sa likod ng lalaki.
"Putakte 'yan, hindi manlang nagpasalamat ang g*go?" inis na tanong ni Van sa kaniyang sarili sabay padyak ng tatlong beses. Mga tao nga naman.
Napailing na lang siya at naglakad na ulit papuntang trabaho.
"Late na ako, mukhang mawawalan na ako ng raket," bulong niya sa kaniyang sarili. Saka nagmadaling maglakad.
Ilang sandali lang ay nakarating na siya sa isang pet shop. Janitress ang nakuha niyang raket sa pet shop na ito, pero sabado't linggo lang dahil may pasok siya nang lunes hanggang biyernes. May raket din siya nang gabi sa isang mamihan.
Pumasok ito sa loob ng pet shop at ayon na ang galit na mukha ng kaniyang boss.
"You're fired!" Nanlaki ang mata nito at lumapit sa kaniyang boss.
"Sir, naman eh, sorry na. May tinulungan pa kasi ako—"
"Anong pakialam ko sa tinulungan mo?! Late na late ka na! You're fired!" sigaw ulit ng kaniyang boss na parang ano mang oras ay handa ng bumuga nang apoy. Napabuntong hininga na lang si Van.
"No, sir, I quit!" sigaw niya rin at parang artistang lumabas ng pet shop. Wala na siyang trabaho, maghahanap na naman ito. Lilibutin ang buong lugar makahanap lang ng trabaho.
"Takte kasing lalaking iyon," bulong niya sa sarili at nagsimulang maglakad para makahanap ng raket.
•••••
05/09/2020
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top