Chapter Twenty-Two

Song: Sober- Demi Lovato

Mother

Kinaumagahan ay maaga kaming nag-tungo doon sa probinsyang sinasabi ni Ate Isabella sa akin. Sa byahe naman ay madalang niya lang akong kausapin. If she's really my sister, she should've talked to me about the things we do when I still remember everything.

Hindi 'yung ganito. She's making me ask more questions. But I'm still glad that Timothy is here to keep me in company. Hindi niya ako hinahayaang mabagot sa buong byahe namin.

The province is very far from Manila. Hindi ko alam kung ilang oras aabutin ang byahe namin. Nakatulog na ako't lahat-lahat, hindi parin kami nakakarating sa destinasyon namin.

The smell of coconut trees welcomed me when I opened my eyes. Sumilip ako sa labas ng bintana at nakita ang naglalakihang puno ng niyog. This is such a peaceful place, I thought. But this is very far from the city.

Bigla tuloy akong nagtaka kung dito ba kami naninirahan simula nung bata pa kami. I can't remember anything about spending my childhood life here. The place doesn't seem familiar at all.

"Dito ba tayo nakatira simula nung bata pa tayo?" I asked Ate Isabella. Bahagya siyang lumingon sa akin.

"Hindi." Simple niyang sinagot. Ngumuso ako at sinubukang tumango.

"Ano meron dito sa lugar na 'to? Bakit dito niyo ako dinadala?"

Nakita ko namang nagkuyom ang bagang ni Ate Isabella. She rolled her eyes at me for a second. Mukhang naiirita na dahil sa mga tanong ko.

"Dito muna tayo titira pansamantala. Nandidito si Mommy at gusto ka niyang makita."

Nakaramdam naman ako ng tuwa nang marinig ko iyon. I will meet my mother today! Sana kapag nakita ko siya, may maalala naman ako kahit kaunti. I don't want to be clueless forever! Mahirap para sa akin ang makaalala agad, kaya inuunti-unti ko muna.

"How about our father? Is this his province, too?" Nakangiti kong tinanong kay Ate Isabella. Napalingon naman sa akin si Timothy at tsaka hinawakan ang kamay ko. Tiningnan ko iyon at binaling muli ang tingin sakanya. He shakes his head.

I don't get it. Base sa kilos na binigay niya sa akin ay mukhang pinapahiwatig niya na wag na akong magtanong pa. Para bang iyong tanong ko kay Isabella ay napakasensitibo.

"Can you please stop asking questions, Saman- Savannah? Wait 'till we arrive. Masasagot lahat ng tanong mo doon." Iritadong sinagot niya sa akin.

Nang dahil doon ay napatikom nalang ako ng aking bibig at hindi na nagsalita pa. Hinigpitan ni Timothy ang pagkakahawak sa kamay ko. I sigh heavily.

Did I do something wrong to make her mad? What have I done in the past? Malaki ba ang kasalanan ko sakanya?

I gulped and looked away. Tumingin nalang ako sa labas. Now I feel bad for asking her.

"It's okay... Your sister had a bad morning." He explained. I turn to him again.

"Oh..."

Buti nalang at sinasabi niya iyon. Dahil kung hindi, iisipin ko na hindi maganda ang naging samahan namin ni Ate Isabella noong naaalala ko pa ang lahat.

Magdamag kong tinanaw ang buong paligid sa labas ng bintana. Napangiti ako nang makita ko ang iba't ibang klase ng bangka na nakaparada sa dagat. Maraming mangingisda ang namamalagi doon. Marami ring jeep na nakaantabay para sa mga mahuhuli na mga isda.

I smiled to myself. This is such a peaceful place. I wonder if I also spend a peaceful life here.

"Where are we?" tinanong ko kay Timothy. Nilingon ko siya at nakitang mabilis niyang ibinaba ang kanyang telepono nang maramdaman ang pag-lingon ko.

"We're in Atimonan, Quezon. This is your mother's hometown." Tumango ako at binalik muli ang tingin sa labas.

My mother's hometown... maybe I have some memories in this place. Maybe... I also gained some friends here... maybe... they could help me...

Tumigil kami sa isang lumang mansion. Maraming kasambahay ang labas pasok doon at mukhang maraming inaayos. There are some gardeners, too. Mukhang inaalis na ang mga nagtataasang dahon na nakapalibot sa paligid.

I drifted my eyes towards the entrance. Isang matandang babae ang nakatayo doon habang pinapaypayan ang sarili. Is she my mother? I don't see any resemblance of Ate Isabella and I from her. Well, baka naman mas kamukha ko iyong tatay ko.

"Let's go?" aya ni Timothy. Tumango ako at binaling ang tingin kay Ate Isabella na walang ano-ano pa'y lumabas na ng kotse. Sinundan ko siya ng tingin.

I don't really understand why she's acting this way towards me. I'm starting to think that she doesn't like me at all.

Oh damn it, Savannah! Kakasabi lang ni Timothy na hindi naging maganda ang umaga ni Ate Isabella ngayon. At tsaka, kakagising mo lang mula sa matagal mong pag-tulog! Give her time to make you remember everything.

Agad na kinuha ni Timothy ang kamay ko nang makababa kami ng kotse. Iginiya niya ako patungo sa mansion. Napabaling naman ang tingin sa amin ng matandang babae na nakatayo sa may bukana. Ngumiti siya nang makita niya si Ate Isabella. Sinalubong niya ito at mahigpit siyang niyakap.

"Naku! Ang laki mo na! Ang tagal nating hindi nag-kita ah? Sino ang kasama mo, Belle?" tanong nito. Lumingon naman sa amin si Ate Isabella at tinuro kami.

"It was nice seeing you again, Manang Emily." Anito bago tuluyang pumasok ng mansion.

Is this woman my mother? Or not? Ate Isabella called her "manang". No one calls their mom "manang". Kaya baka naman hindi ito ang nanay ko?

Tiningnan kami ng matandang babae. Medyo nagulantang pa siya nang makita ako.

"Sam?! Ikaw na ba 'yan?" tanong niya. I felt Timothy shifted uncomfortably from his place. Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin.

Ngumiti ako sa matandang babae. "Hello po!" bati ko.

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang matanda at agad siyang nagtungo sa akin. Mahigpit niya akong niyakap dahilan na rin kung bakit ako napabitaw kay Timothy.

"Naku, hija! Ang tagal nating hindi nagkita! Huling pagkikita pa ata natin ay noong bata ka pa! Hindi ka parin nagbabago! Napakaganda mo parin!"

Tumawa ako nang dahil sa mga puri niya. I genuinely smiled at her.

"Uhm..." sabi ko. Hindi ko na alam ang iduduktong pa doon. It looks like she knows a lot about me. Pero ako itong walang maalala ni isang alaala na kasama siya. "Manang Emily po di ba?"

Kumunot ang noong matanda. "Ano ka ba! Nakalimutan mo agad ako? Ako kaya itong kasama mo lagi kapag naiiwan ka dito sa mansion!"

Bumuka ang bibig ko nang dahil doon. Now, how am I going to tell her that I don't remember anything? Sobrang nakakahiya na hindi ko man lang siya mabati na para bang miss na miss ko siya!

Wala akong nagawa kung hindi ang ngumiti sakanya. Nilingon ko si Timothy na seryoso kaming tinitingnan. Napabaling rin ang tingin ni Manang Emily sakanya.

"Eto ba iyong boyfriend mo, hija? Bakit mukhang iba ang mukha sa personal? No offense, hijo, ha? Pero parang mas gwapo ka ata sa magazine. Lalo na doon sa una niyong cover na magkasama!"

Kumunot naman ang noo ko nang dahil doon. Magazine? We were featured in a magazine? When? I want to know!

"We were featured in a magazine?" I asked. Nagugulohan akong tiningnan ni Manang Emily.

"Ikaw talaga, hija! Nakalimutan mo na ba? Isa ka kayang-"

"It was a long time ago, Sav." Pagputol ni Timothy sa sasabihin ni Manang Emily.

"Oh... I don't remember."

"It's okay. People probably forgot about that magazine already."

Ngumuso ako at sinubukang tumango. I wonder what we did to get featured in a magazine.

"Di bale, Samantha! May kopya naman ako ng-"

"Mabuti pa, Manang Emily ipaghanda mo nalang po kami ng tanghalian. Medyo gutom na rin po kasi itong si Savannah, e. Mahaba po kasi ang naging byahe namin."

Bumuka ang bibig ni Manang Emily at mukhang gustong magprotesta.

"Sige po, Manang. Ayos lang kami rito. Pupuntahan na po namin si Tita Calliope."

"Sige... hijo..." medyo nag-aalinlangan niyang sinagot. Dahan-dahan siyang lumayo sa pwesto namin. Sinundan ko siya ng tingin.

"Savannah?" narinig kong bulong niya sa kanyang sarili. Base sa tono niya, para bang nagugulohan siya. Nilingon niya kaming muli at nang makitang nakatingin ako sakanya ay tipid siyang ngumiti sa akin.

"Shall we? Baka hinihintay na tayo ng mommy mo." Sabi ni Timothy sa akin.

"Sige..."

Sabay kaming pumasok sa mansion. The interior of the mansion looks very ancient. Para bang pamana lang ito mula sa great-grandfather namin. Hindi ko alam. I don't remember anything about this mansion. Wala akong ibang nararamdaman tungkol dito.

Umakyat kami ni Timothy sa isang magarbong hagdanan. Inilibot ko naman ang aking tingin sa buong paligid. This is such a very big and spacious house. Kasya pa ang ilang pamilya dito.

Ilan kaya silang nakatira dito? Nandito rin kaya ang iba pa naming kamaganak?

Nang makatungtong kami sa pangalawang palapag ay iginiya ako ni Timothy sa kaliwang bahagi ng bahay. Sa unang pinto kami pumasok at agad na sumalubong sa amin ang isang napakalaking kwarto. Bumuka ang bibig ko nang dahil sa pagkamangha.

Wow! We must be rich to afford a house like this! Hindi ko akalain na may ganito kaming pagmamay-ari!

Napabaling ng tingin sa amin si Ate Isabella nang marinig ang pagbukas ng pinto. Hinila ako ni Timothy papasok. I awkwardly stood there beside him.

Nagawi ang tingin ko sa isang babae na kaharap ni Ate Isabella. This must be her... our mother. She looks like she's only on her 50's. Nakaupo ito sa kanyang kama habang nakangiti kay Ate Isabella. Nang makita kami ay agad na napawi ang ngiti niya.

Napalunok ako. Her stare is making me feel uncomfortable. Pero agad na nawala ang takot ko nang unti-unti siyang ngumiti sa amin. Umalis siya mula sa pagkakaupo sa kama upang magtungo sa amin. She smiled widely at us. She spread her arms wide apart to welcome me.

"Oh! Welcome home, dear Savannah! It's been a while!" anito sabay mahigpit na yumakap sa akin.

Nagulat ako pero agad rin naming nakabawi. I smiled and closed my eyes when I felt my mother's warmth. Inalis niya ang pagkakayakap sa akin at tsaka ngumiti sa akin. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko at marahang hinaplos iyon.

"This is Calliope Enriquez, Savannah. She's your mother." Pakilala ni Timothy.

I can't help but feel so happy. I hope I can remember a lot of things in this place. Especially when my mother's here. I know she's going to help me. I hope she'll be a great help.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top