Chapter Twenty-Three

Song: idontwannabeyouanymore- Billie Eilish

Magazines

After I met my mother, I had dinner with them. Habang kumakain ay kinukwentohan naman nila ako tungkol sa naging buhay ko noon. Though I can't really remember some of it, I'm glad that I can see even a glimpse of it.

I can't still fully remember anything kahit na pinipilit nila Mommy na maalala ko ang lahat. They told me that I belong to a choir when I was little. Noong high school naman daw ay pinilit nila akong sumali pa ulit kaso mas naging interesado daw ako sa ibang bagay.

I wanted to ask about my college life pero mabilis naman nilang binago ang usapan. All they keep on telling me was about my childhood life. Kakaunti lang noong nagdalaga na ako.

It's fine though. Siguro tingin nila na mas maganda kung mag-uumpisa sila noong bata ako tapos uunti-untiin nila hanggang sa maalala ko na lahat. I smiled when I realized that.

Ngayon palang naeexcite na ako na malaman ang lahat. I can't wait to start again. Ang hirap nang walang naaalala. I feel like I'm a whole new person. It's really hard to start from scratch. Pero buti nalang at nandidito sila para tulungan ako.

"What about my father? Where is he?" I asked. Nawala ang ngiti sa labi ni Mommy at tsaka bumuka ang kanyang bibig. She turns to Ate Isabella. 

I forgot what she told me about our father. Naexcite kasi siguro ako noong nalaman ko na bibisitahin namin si Mommy. I feel bad for forgetting about our Dad. 

Hindi ko naiwasang mapatingin rin kay Ate Isabella. She turns to me seriously. Inosente ko naman siyang tiningnan. I don't really know why they always turn silent every time I mention our father.

Are we not on good terms? Are we a broken family? What? I want to know.

"I'm sorry? Is this a sensitive-"

Hindi ko na naituloy pa ang itatanong ko dahil sumagot si Ate Isabella. "I already told you about him. Did you forget it?" 

I bit my lip because I suddenly felt shy about forgetting that one simple thing that she told me about our father. She sigh heavily and rolled her eyes. 

"He's working abroad. We have a business there. Siya ang namamahala doon."

Sinubukan kong tumango kahit na ramdam ko ang galit sa kanyang tono. I don't get it. Are they mad at my father? Bakit hindi nalang nila sabihin sakin? Maiintindihan ko naman.

Maybe they're only looking for the right time to tell you about it. You have to wait patiently, Savannah.

"Oh. Are we close?" tinanong kong muli. Ate Isabella's jaw clenched.

"Not really."

My mouth parted. Oh! I did not expect that. I thought I had a good relationship with both of my parents. Nakakagulat lang na isipin na malayo pala ang loob ko sa tatay ko. 

Turns out I'm closer with my Mom than my Dad. 

"It's because he's always travel abroad. He rarely spends time with you. He's a busy person." ani Timothy. Napabaling ako ng tingin sakanya. He glanced at Ate Isabella then he took a sip of water. 

Oh! That explains why. Akala ko naman kung may ano nang nangyari para hindi maging maganda ang relasyon ko sa tatay ko.

He smiled a little at me at tsaka tiningnan muli si Ate Isabella. Tiningnan ko rin siya na nakataas na ang kilay kay Timothy ngayon. I pursed my lips.

Later on, my mother changes the topic. She proceeded on telling me about my childhood life again.

Sa halip na matulog agad ay nanatili ako sa balkonahe. Inangat ko ang tingin ko sa langit. There's something inside of me that feels like I used to do this with someone. We used to watch the stars together.

Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na inalala kung si Timothy ba iyong kasama kong gumawa nito. Pero ni isang alaala ay walang bumalik. Maybe I can only feel it but not fully remember it. Siguro mag-rerely muna ako sa mga nararamdaman ko para siguro bumalik na ang mga alaala ko.

Nawala lang ang lahat ng iniisip ko nang may biglang tumawag sa akin. "Savannah, it's time for bed."

Nilingon ko ang pintuan patungo ng balkonahe. Timothy stood there wearing a white tank top and a pair of pajamas. He crossed his arms and leaned over to the side of the door. He smiled a little at me.

I can't help but wonder if what he's telling me about us is true. Because if it is, why can't I feel a damn thing? Why does it feel that he wasn't... my boyfriend? I mean... I should feel it, right? Utak lang naman ang nakalimot, e. Hindi naman iyong puso ko.

"Sige. Susunod ako." sabi ko at tsaka binalik muli ang tingin sa langit.

Ramdam ko naman na hindi siya umalis sa pwesto niya. Sa halip ay lumapit siya sa akin at niyakap ako patalikod. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat. I closed my eyes.

The gesture feels nostalgic. But I wasn't sure if it was from him. I feel so bad that I cannot remember how we started. I feel so bad about what he feels about it. Baka nasasaktan siya dahil hindi ko maalala lahat ng pinagsamahan namin.

"I missed you," he whispered against my ear. Hindi ako sumagot. Pilit kong dinadama ang yakap niya. "I'm so happy you're finally in my arms."

Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti. Please feel something... please...

Maaga akong nagising kinabukasan. Tulog pa si Timothy nang bumaba ako. Unang bumungad sa akin si Manang Emily. Medyo nabigla naman siya nang makita ako.

"Oh! Ang aga mo namang nagising, Saman-Savannah!" she laughed a little. Ngumiti naman ako sakanya. "Naku! Hindi pa handa ang umagahan!"

Didiretso na sana siya sa kusina nang pinigilan ko siya. "Okay lang po! Hindi pa naman po ako masyadong gutom," tumango siya. "Uhm... Manang, pwede ko po ba kayong makausap?"

Mas lalo siyang nabigla nang dahil sa sinabi ko. Medyo nag-aalinlangan pa siya noong una ngunit nang makita ang nagmamakaawa kong mga mata ay bumigay siya.

"Bakit? Anong kailangan mo, hija?"

I gulped. Manang Emily seems to know a lot about me. Baka isa siya sa makakatulong sa akin na makaalala.

"Manang, kasama na po ba namin kayo noong bata pa lang kami?"

"Binata palang ang daddy mo, hija, ako na ang kasama nun. Kahit nga nakapag-asawa na, hindi parin ako iniwan nun, e." Napangiti siya nang sinabi niya iyon. Iginiya ko naman siya patungo sa garden.

"Talaga po?" napangiti rin ako. "Alam niyo po ba kung saang bansa siya ngayon? Hindi po kasi sinabi sa akin nila mommy-"

"Hindi mo pa ba alam, hija?" kumunot ang noo ko. She seems alarmed.

"Ang alin po?"

Napaiwas siya ng tingin sa akin. Bakit feeling ko, kahit siya, may itinatago rin sa akin? Why do I feel like everyone's hiding something from me about my father?

"Ahh... Ehh..." nangapa siya sa isasagot. "'Yung Daddy mo kasi lumipat na ng bansa. Dati kasi nasa ano 'yun... nasa Italy... ngayon ata nasa Singapore na."

She looks away from me. I pursed my lips and nod my head.

"Ganoon po ba? Edi ibig sabihin malapit na po siya sa atin? Makakauwi na po ba siya?"

"H-Hindi ko a-alam, hija, e. Pero alam kong malapit lang iyong d-daddy mo s-sa'yo. Sigurado a-akong binabantayan ka n-nun!" nag-iwas siya ng tingin sa akin at tsaka may kung anong pinalis sa kanyang mata. Lumapit ako.

"Okay lang po ba kayo, Manang?"

"Ay! Oo n-naman! Napuwing lang ako." tumawa siya at hinarap akong muli. Tumango ako. Binalingan niya naman akong muli ng tingin. 

"H-Hija..." tawag niya.

"Po?"

"Hindi ko man naiintindihan ang nangyayari... pero gusto ko lang sabihin sa'yo na... mag-iingat ka palagi. Wag kang basta-basta nagtitiwala sa mga taong nasa paligid mo. Kilalanin mo muna bago mo tuluyang pagkatiwalaan. Maraming gustong manira at manggulo. Kaya gusto kong lagi kang mag-iingat."

My mouth parted. I did not expect that she would say that to me. Anong ibig niyang sabihin doon? Na huwag akong mag-tiwala kay Mommy, Ate Isabella, at Timothy? But that would be impossible! They're my family!

"Manang, may alam po ba kayo tungkol sa akin? Siguro alam niyo naman po na may... amnesia ako. Baka po pwede niyo naman sabihin sa akin lahat ng nalalaman niyo? Gusto ko lang po talagang makaalala..."

"H-Ha? N-Naku! Marami akong alam, Sam." Kumunot ang noo ko nang dahil sa tinawag niya sa akin. "A-Ay! Sav pala. Nakakalito kasi mayroon tayong kasambahay na Sam ang pangalan k-kaya..." hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin.

"Okay lang po." Ngumiti ako.

Naalala ko noong sinalubong niya kami kahapon. She mentioned that I was featured in a magazine before.

"Ah... Manang, di ba sabi niyo po sa akin kahapon... kumpleto po kayo noong-"

"Nung magazine ba, hija? Oo! Nasa kwarto ko iyon. Napakaganda mo nga doon, e. Ang dami nun at kumpleto ako." humagikhik siya.

"Bakit po ako nafefeature sa magazine noon, Manang? 'Yun po ba ang trabaho ko?"

"Gusto mo ba makita iyon?" I bit my lip. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Why do I feel like she's being careful? Na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.

"Sige po!" nagagalak kong sinabi. Bumagsak naman ang balikat niya nang may mapagtanto.

"Kaso... malayo kasi iyong kwarto ko. Pero okay lang! Nandito naman iyong cellphone ko. Pinicturan ko iyon, e! Teka... madalas mong kasama ang boyfriend mo sa bawat covers ng magazine, e. Teka lang ha..." hinagilap niya naman ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. 

Masaya niyang binuksan ito at tsaka hinanap iyong picture na tinutukoy niya. Inilapit niya sa akin ang kanyang cellphone nang mahanap niya ito. It was a black and white picture at mukhang para ito sa isang alahas na advertisement. Parang iyon kasi ang binibigyan ng subject kaysa doon sa amin noong kasama ko.

I look over to the man that I'm with in this picture. He's such a very handsome man.

"Sino po ito?" tinuro ko siya sa picture.

"Ah... eto? Ito ata iyong boyfriend mo, e. Kaso ang layo ng itsura niya dito at sa personal, e. Parang mas gwapo ata siya dito."

That's Timothy? Bakit ang layo ng itsura niya dito? Tiningnan ko ng mabuti iyong picture. Sa sobrang paninitig ko sa litratong iyon ay nakita ko na nakalagay pala doon ang mga pangalan namin. Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang pangalan ko dahil alam ko na naman iyon.

Mas pinagtuunan ko ng pansin ang pangalan ng lalaking kasama ko.

Zachary Dela Merced

"Manang, Zachary Dela Merced raw po iyong pangalan, e. Hindi po si Timothy 'yan."

"H-Ha? Zachary ba? Hindi nga?" kinuha niya sa akin ang kanyang cellphone at siya na mismo ang tumingin doon.

"Sino po si Zachary, Manang?" nilingon niya ako at nag-aalalang tiningnan.

"Naku! Baka siya iyong-"

"Savannah! You're up early!" hindi na naituloy pa ni Manang iyong kanyang sasabihin dahil tinawag ako ni Ate Isabella. Parehas kami ni Manang na napalingon sakanya.

Ate Isabella started to stride towards us. 

"Anong meron?" tanong niya sabay ibinaling ang tingin kay Manang at sa hawak niyang cellphone.

"A-Ah... may ipinapakita lang akong litrato sakanya. Ito 'yung-"

"Who's Zachary Dela Merced, ate?" hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa sa pagtatanong. Mabilis na ibinaling ni Ate Isabella ang tingin sa akin. Medyo nanlaki ang mga mata niya nang dahil sa tanong ko.

Nang dahil rin doon ay kinuha niya ang cellphone ni Manang para siya na mismo ang tumingin sa cellphone nito.

"Manang!" pag-saway nito. Napaatras naman si Manang Emily nang dahil sa pag-sigaw ni Ate Isabella sakanya. "Ano ba 'yang mga pinapakita mo kay Sav!"

"Isabella, hindi ko naman-"

"Don't mind this man, Savannah. He's nothing to do with your life." sabi niya sa akin. 

But something feels weird about the way she speaks about him. She sounds bitter and angry, it's like she doesn't want me to know more about that guy. Hindi ko nalang pinansin pa iyon. 

"Oh..."

I can't help but feel disappointed. I thought he's also someone from my past because Manang sounds like he is!

"Ikaw, Manang, kung ano ano ang sinasabi mo kay Savannah! You're making her more confused!"

Bumuka ang bibig ni Manang para may isagot pero agad niya namang itinikom nito nang nilakihan siya ng mga mata ni Ate Isabella.

"No, Ate... it's okay. I was just curious. I thought he's someone from my past."

Galit na bumaling ng tingin sa akin si Ate Isabella. "He's not, Savannah. He's nothing, okay? Tara na at kumain na tayo ng almusal."

Hinila niya ako palayo kay Manang. Galit siyang nakatingin rito kaya walang nagawa si Manang kung hindi ang mag-iwas ng tingin. Nilingon ako ni Manang. She gave me an apologetic smile. Tiningnan ko si Ate Isabella habang hinihila ako palayo.

"Why was I with him in the magazine, Ate? What was my work before?"

"Stop asking too many questions, Savannah! That guy is nothing! He's a... he's just a jeweler!"

"A jeweler?" my forehead creased. That sounds really unbelievable! A jeweler, really?!

"Why was I in the magazine?" she groaned again because of that. Saglit siyang natahimik.

"Nasakto lang na nakuha ka dahil maganda ka. I said stop asking too many questions, Sav!"

Hindi na ulit ako nagsalita pa pagkatapos noon dahil hinila na niya ako patungo sa hapag. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top