Chapter Twenty-Seven
Song: Why- Shawn Mendes
Revelations
I stayed quiet the whole ride. Walang ginawa si Ate Isabella kung hindi ang pagalitan ako. I know what I did was wrong. But I don't get her anger towards the whole thing! Hindi naman sobrang laki ng kasalanan na nagawa ko!
Nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Timothy ay agad akong lumabas ng sasakyan. Agad ring sumunod si Ate Isabella. Dali-dali akong pumasok ng bahay at hindi ko na siya hinintay pa.
"Ikaw pa ang galit?!" she tries to laugh. "Hindi ka na talaga nahiya! Hindi ka talaga marunog makinig?! Ang simple lang ng sinabi namin sa'yo na wag kang lalabas ng hindi namin alam kung nasaan kayo! Bakit ba ang hirap sundin non para sa'yo ha!?"
I was about to went upstairs so I wouldn't listen to all her rants when she stops me. Marahas niya akong hinawakan sa aking braso at pinaharap ako sakanya.
I glared at her. Padarag kong binagsak ang kamay na nakahawak sa braso ko. She looks taken a back.
"What did I ever do to you to make you this mad at me? Ever since I woke up from coma, you were always cold and distant towards me. Inintindi kita dahil iniisip ko na baka ganito ka na talaga noon pa man. Pero minsan hindi na rin kita makuha, e. Lahat nalang ng gagawin ko, mali para sa'yo! Kahit na 'yung bagay na gusto kong gawin na makakatulong para makaalala ako, ayaw mo parin! Gusto mo ba ganito nalang ako lagi? 'Yung walang alam? 'Yung lagi nalang nagtatanong kung sino pa ba ang dapat kong paniwalaan dahil pakiramdam ko isa sainyo ay hindi sinasabi sa akin ang totoo? Gusto-"
"'Yan ba ang iniisip mo tungkol sa amin? Na nagsisinungaling kami sa'yo? After all the things we did for you, 'yan lang pala ang tingin mo sa amin? Mga sinungaling?!"
"Alam mo, 'yan ang problema sa'yo, e. Pinapairal mo 'yang galit mo! Gusto mo lagi kang nasusunod at kapag hindi ko ginawa 'yang gusto mo, nanunumbat ka! Bakit? Ano bang masama kung pumunta ako sa Zach na 'yon ha? Nagbabaka sakali lang ako na baka parte siya ng alaala ko!"
"Di ba nga ang sabi ko wala lang siya sa buhay mo?! Bakit ba paulit-ulit mong pinipilit na meron?!"
"Dahil hindi ko maintindihan kung bakit ayaw na ayaw mong nababanggit siya! If he has nothing to do with my life then why are you reacting this way? Why are you reacting like he's a big hindrance-"
"Savannah!" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil agad akong napalingon sa gawi ng pinaggalingan ng boses na iyon.
Timothy is walking towards us with anger in his eyes. Nasa likod niya si Alisha na mukhang pinipigilan siya sa pagbuhos ng galit sa akin.
"Where have you been huh?!" he asked angrily.
"Kuya, sinabi ko na naman sa'yo-"
"Shut up, Alisha! Nang dahil sa'yo kaya nangyayari 'to!"
Napabitaw si Alisha sa braso ng kanyang kapatid. Hindi makapaniwala niyang tiningnan ang kapatid.
"Ako ba talaga ang rason? Ask yourself that question, Timothy! Sino ba talaga ang may kasalanan kaya nagkakaganito? Hindi ba't ikaw rin naman? Kung wala ka lang sanang plinano na ganito edi sana-"
"Wala kang alam!"
"Oo! Wala akong alam! Pero alam ko na hindi niyo dapat siya pinapaikot sa kasinungalingan niyong dalawa-"
I gasped when Ate Isabella slapped Alisha. Napahawak si Alisha sa kanyang pisngi at galit na ibinaling ang tingin sa aking kapatid.
Kahit si Timothy ay mukhang nagulat sa ginawa na pananampal ng kapatid ko kay Alisha.
I tried to get near Alisha but Timothy stopped me. He pointed a finger to my face.
"You stay out of this!"
I was taken a back with that. So, he's siding my sister now huh?
"How dare you-" susugod na sana si Alisha kay Ate Isabella nang pigilan siya ni Timothy.
"Para 'yan sa pangingialam mo sa buhay namin! Alam mo, simula nang umuwi ka, ikaw na ang pinaniniwalaan nitong si Savannah! Kung ano-ano ang sinasabi mo sakanya kaya ayan at napapaikot mo sa darili mo!"
Malakas na tumawa si Alisha at tsaka tinaasan ng kilay ang aking kapatid.
"Hindi ba't dapat sa sarili mo sinasabi 'yan? Ikaw ang nagpapaikot sakanya at hindi ako! Talagang desperada ka na noh, Isabella? Lahat talaga gagawin mo para lang masira ang buhay niya! E, bakit di nalang kaya natin sabihin sakanya ang totoo?" Alisha raised a brow at my sister.
Nakita kong napaayos ng tayo si Isabella at ibinaling ang tingin kay Timothy, mukhang may gustong iparating.
"O, ano? Natatakot ka? Alam mo kasing kaya kong sabihin sakanya ang totoo, e! You see me as a threat that's why you'll do anything for me to stay out of her life! Natakot ka ba na dinala ko siya kay Zach? Ang lalaking gustong-gusto mong agawin sakanya!?"
My mouth parted. What does she mean by that?
"Natatakot ka ba dahil dinala ko siya sa lalaking tunay na nagmamay-ari sakanya? Natakot ka ba kasi alam mo na kapag nalaman ni Zach na buhay pa siya, gagawin niya ang lahat para mabawi niya si Sam sainyo! Ano? Bakit hindi niyo rin sabihin sakanya na hindi naman talaga Savannah ang tunay niyang-"
"Alisha, enough!" si Timothy.
"Anong enough ka dyan! Isa ka pa, e. Anong sinabi sa'yo nitong si Isabella para mapaikot ka niya ng ganito? Ganon ka na rin ba kadesperado para lang makapasok ka sa buhay ni Sam!? Tanggapin mo na kasi! Kahit kailan, hinding-hindi ka niya magugustohan!"
Timothy's eyes widened. He clearly wasn't expecting that. He raised his hand, nagtatangkang saktan ang kapatid pero buti nalang at napigilan niya ang sarili niya.
"Ano? Sasaktan mo ko? Hindi mo kasi matanggap ang totoo, e. Matagal ko nang sinasabi sa'yo na hindi ka niya gusto! Kaya ano? Ngayong nakakita ka ng chance, sinusulit mo na kahit na ang kapalit nito masira buhay niya? Ganoon ka na ba kadesperado, Kuya?"
Napaatras ako. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon. Alisha seems to know a lot. At hindi ko alam kung talaga bang nag sisinungaling sa akin si Ate Isabella at Timothy.
Nang dahil sa sinabi ni Alisha ay hindi ko na namalayan pa na sumasakit na pala ang ulo ko. There were memories that flashed through my mind. I think they're all from my childhood days. Hindi ko nga lang mapaliwanag ang mga memoryang ito dahil sobra na ang pananakit ng ulo ko.
I groaned in pain. Napahawak ang magkabila kong kamay sa aking noo upang pigilan ang pananakit nito. I screamed because it hurts so bad!
Napapikit ako at napaupo sa hagdan. Ramdam kong may lumapit sa akin upang daluhan ako.
"What's happening? Tell me!"
I continued to scream. Ngayon nalang ulit sumakit ng ganito ang ulo ko. Maybe this is because of the revelations I've heard today.
May gusto si Ate Isabella sa Zach na iyon.
Pero bakit niya ako pinagbabawalan na makipagkita sa lalaking iyon? What's between me and that guy?
And why does he look like the guy from my dreams?
I don't really understand...
"Get her meds now!" someone shouted.
But it's too late because before they could even hand me my medicines, everything already turns to black.
Hindi ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari. Nagising nalang ako kinabukasan at nakita ko si Timothy sa tabi ko. He's holding my hand while waiting for me to wake up.
"Hey..." I said in a low voice.
Agad siyang napaayos ng upo at mas inilapit ang sarili sa akin. He brushed my hair using his other hand.
"Hey... How are you feeling?" He asked.
"Fine... Uhm, what happened last night?"
"You passed out. Sabi ng doktor baka nabigla ka daw kaya sumakit ang ulo mo."
I sigh heavily. Ganito nalang lagi, sa tuwing may mga alaalang pumipilit na pumasok sa utak ko, sobrang sakit ng nagiging kapalit. Kahit na gustong gusto ko nang pilitin ang sarili na makaalala, hindi ko magawa dahil natatakot ako sa magiging kapalit.
Minsan hindi ko na rin kinakaya 'yung sakit, parang binibiyak ang utak ko. I didn't know that a memory loss would be this complicated.
"I'm sorry..." Timothy whispered. Bahagya akong napalingon sakanya. "Nang dahil sa nangyari kagabi kaya ka nakaramdam ng ganito. We should've been more careful."
"It's okay. Hindi ko lang talaga inaasahan ang lahat ng nangayri kagabi. I was just desperate to make my memories back, Timothy." My lips quivered. "Nahihirapan na kasi ako, e. I want to know more something about myself... my past... everything! Pero kasi sa tuwing sinusubukan ko, parang pinigilan ako ni Ate Isabella."
Napaiwas ng tingin si Timothy sa akin nang dahil doon. I continued.
"Hindi ko alam kung ayaw niya ba akong makaalala o kaya may galit siya sa akin noon? But I just don't understand. I want to get to know her better. Pero mukhang dinidistansya niya ang sarili niya sa akin."
Timothy sighed and turns to look at me again.
"I'm sorry... Your sister's just like that even before. She's a very strong woman and she doesn't share much to anyone. She prefers to be alone, so I'll be the one to apologize if she ever did something wrong to you. Let's just understand her. She's been through so much, just like you."
I bit my lower lip.
"I hop you can help me with remembe just a little bit about my past. I don't think we ever had the chance to talk about it."
Ngumiti siya sa akin at mayamos na hinawakan ang pisngi ko.
"Of course," he said. "It would be better if we'll stay at my rest house for the mean time. We had a lot of memories there. Maybe that could help you remember things."
My face lit up. "Really?"
"Yes. We'll take it slow, love. We'll start from scratch. We're here to make you remember everything."
"How about Alisha? Will she come with us, too?"
Timothy gulped and tried to smile reassuringly at me.
"It would be better if she'll stay here. Mas mabuti kung tayong dalawa nalang muna. We'll come to her if you can now remember even just a bit of your memory."
Tumango ako. I smiled at him and held his hand tightly. Nagulat siya sa ginawa ko. His mouth parted and his eyes went down to our hands. Nang ibalik niya ang tingin sa akin ay kitang kita sa mukha niya ang pagkamangha.
Now, I feel bad for thinking that they're lying to me. They didn't want to rush everything kaya siguro pinipigilan rin ako ni Ate Isabella na makaalala minsan. Maybe they wanted to take slow because it would be better for my health.
"Thank you..." I said.
Timothy slowly smiled at me. He moved closer. "Anything for you, love."
Nagulat nalang ako nang bigla niya akong patakan ng halik sa aking labi. It feels like the first time. It feels like kissing is something new to me.
But I'm sure we've done that before, right? He said to me before that we've been in a relationship for quite some time now. But when I felt his lips on mine, it feels like it's our first time.
Oh, damn it, Savannah! Pati ba naman 'yan pinagtutuunan mo ng pansin?
I pouted. "I didn't brush my teeth this morning."
Timothy chuckled. "It doesn't matter. You're still so beautiful."
I blushed and went out of bed. Sabay kaming bumaba ni Timothy upang kumain na ng umagahan.
Hindi na rin kami naghintay pa dahil pinahanda na ni Timothy ang gamit ko at tsaka na rin kami nagtungo sa tinutukoy niyang rest house. This is such a wonderful place.
It's very peaceful and it feels really calming. Maraming puno at halatang inaalagaan talaga ang bawat halaman. I bet I've spent most of my time here, just admiring the nature while reading some book.
Oh, shit. Did I just remember one of my hobbies from before? I feel like I already read a lot of books and my hand is itching to hold and read one.
Well, I already read some before. But the urge isn't like this! Nung mga oras na iyon ay parang nag-aadjust pa ako.
Nilingon ko si Timothy.
"Mahilig ba akong magbasa?" tanong ko. Hindi agad siya nakasagot.
"Y-Yeah, you have a collection of books. Wala nga lang dito sa rest house dahil hindi pa naayos ng mga katulong ang iba mong gamit," tumango ako. "D-Don't worry I'll ask them to bring some tomorrow."
"Do you know what's my favorite book?"
Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Sandali siyang nag-isip. He keeps on tapping his fingers on his knees, like this conversation is making him uncomfortable.
"Uh... The Fault in our Stars, I guess? I can't recall the book that you've been m-mentioning to me b-before. P-Pero bukambibig mo rin naman ang librong 'to... k-kaya... sa tingin ko... paborito mo rin 'to..."
Ngumuso ako at tumango.
"Hmm... it doesn't ring a bell but maybe once I've tried to read it again, Maybe I would remember."
"Bukas na bukas ipadadala ko rin dito ang mga libro mo."
Ngumiti ako sakanya. "Thank you,"
Pagkatapos noon ay inibala ko nalang ang sarili sa paglilibot sa buong rest house. It feels really freshing. This is something that I needed afte eveything that has happened.
I hope this is the beginning of everything. I hope I can finally remember things now.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top