Chapter Twenty-One
Song: Always Remember Us This Way- Lady Gaga
Amnesia
"Where are we going to bring her? Kung hahayaan natin siya dito, maaring mahanap siya ng Dela Merced na iyon!" a man's voice hissed.
"What do you want me to do? Nakuha ko na siya gaya ng gusto mo! Hindi 'to kasama sa usapan natin, Timothy."
I tried opening my eyes but then the light blinded me so I choose to close it again. I tried following the sound of their voices. I moved my head and I immediately groaned in pain when I feel it aching so much.
"Gusto kong ilayo siya-" hindi na naituloy ng nagsasalita ang kanyang sasabihin.
Hinawakan ko ang ulo ko dahil ramdam na ramdam ko ang pananakit nito. I felt someone touched me on my shoulder.
"Hey..." someone called.
The voice doesn't seem familiar at all. Kumunot ang noo ko at tsaka sinubukang imulat muli ang aking mga mata.
A man in his corporate attire welcomed my view. He's looking at me like he's very concerned of me. Who is he?
Nang mapagtanto kong hindi ko naman makukuha ang sagot ay nilingon ko ang isa pang tao na nandidito sa loob ng kwarto. A woman wearing a sheer black dress is looking coldly back at me. My mouth parted.
Who are these people? And where am I?
I moved back a little,I suddenly felt scared. That causes the man to remove his hand off my shoulder.
"Who are you?" I mumbled. Hindi pa naging maayos ang pagkakabanggit ko noon dahil sa panunuyo ng lalamunan ko.
The man beside me reached the water for me. Tinulungan niya akong uminom doon. Kahit natatakot parin sa mga tao na nakapaligid sa akin ay sinubukan ko paring ngumiti sakanya dahil sa pagtulong niya sa akin.
"Where am I?" my voice is clear now.
The man beside me held my hand. Inilayo ko naman iyon sakanya dahil hindi parin ako kampante na mababait silang tao.
Why can't I remember anything?! Bakit hindi ko kilala kung sino sila?
"Where am I?!" medyo natataranta ko nang tinanong. "Who are you?"
Inayos ko ang pagkakaupo ko. Inilayo ko ang sarili ko sa taong nasa tabi ko. He looks alarmed. Tiningnan niya naman ang babaeng nakatayo sa harap ko.
Nakakatakot ang tingin na ibinibigay sa akin ng babaeng ito. She's looking at me coldly and I can't even bring myself to stare back at her.
"What am I doing here? W-Why can't I remember anything?!"
Napatayo ang lalaki na nasa tabi ko dahil sa pag-sigaw ko. The woman in front of me is insanely calm. Para bang inaasahan na niyang mangyayari ito.
"You have to stay calm... It's okay..." alu ng lalaki.
"It's okay? Paano naging okay kung wala akong maalala?! I need to know where I am! I-I need to know who you are!"
Binuka ng lalaki ang kanyang bibig pero naunahan na siya noong babae na nasa harap ko na magsalita.
"I'm your sister." She said simply.
Napabaling naman ang tingin ko sakanya. My mouth parted. Nagugulohan ko naman siyang tiningnan.
This doesn't make sense. I can't remember how or when did I meet them... I can't remember... any memories with them.
I can't even remember my name!
"You're my sister?" I asked. Kalmado namang tumango iyong babae na nagsasabi na kapatid ko siya.
"What's your name?"
"Isabella..." she answered simply. "You can't remember anything?" tanong niya. Umiling naman ako.
I can't even remember what happened and why I can't remember anything! This is making me go out of my mind!
My sister smirked. She turns her head to the man beside me. Nilingon ko rin naman iyon.
"Who are you?" I asked the man beside me.
"I-I'm... Timothy. I'm your boyfriend." Walang pag-aalinlangan niyang sinagot.
Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. He's my boyfriend? Paano? Bakit hindi ko ramdam?
I pressed my lips into a thin line. My lips are so chapped. Kailan pa ako sa ospital na 'to?
"What happened to me?" I finally asked the thing that's been bothering me. "And what's my name?"
Magsasalita na sana muli si Timothy nang maunahan siyang muli ni Isabella.
"You just woke up from an eight month coma. You've been in an accident and we are so worried about you, Sav." sabi niya.
"S-Sav?" nagugulohan kong tinanong.
Ngumiti siya at tsaka lumapit sa akin. Tumingin siya kay Timothy at binigyan ito ng makahulugang tingin. For some reason, that made me look at Timothy, too. Para silang may pinag-uusapan gamit ang kanilang mga mata.
"Yes, Sav... Your name is S-Sav." Ani Timothy.
"Savannah Grace Enriquez. That's your real name." Dagdag ni Isabella.
"How old am I?"
"You're twenty-six."
Nagtuloy-tuloy ang pagtatanong ko tungkol sa sarili ko sakanila. I managed to get some information. I found out that I've been in a car accident while I'm on my way to an event. They said that the accident almost killed me.
But then Isabella told me that they asked a lot of health providers to do anything to save me. I've been lying here in bed for eight months! She told me that everyone thinks that I'm dead. Pero hindi nila alam na buhay pa ako. They hid the news from everyone para na rin raw sa kalagtisan ko.
I believed in everything she told me. Everything looks convincing at wala akong mahanap na rason para hindi ako maniwala sakanya. She seems to know a lot about me. Siguro nga totoong kapatid ko siya.
I smiled when she finished telling me everything. "Where's our parents?"
"Our dad is working abroad," her voice suddenly turns cold. Tumaas ang isa niyang kilay. Her jaw clenched. "And our mom... she's at our province."
"Province?"
"Yeah... we live there."
I felt Timothy shifted from his seat. Napalingon ako sakanya nang dahil doon. Tipid siyang ngumiti sa akin at tsaka hinawakan ang kamay ko. Sinundan ko iyon ng tingin.
Why can't I feel a damn thing when he holds me? If he really is my boyfriend, I bet I'm going to feel it. My brain may not remember anything, but I think that the heart never forgets.
Kung talagang siya nga ang taong mahal ko, bakit wala akong maramdaman?
Shut it, Savannah! You just woke up from a coma! Natural lang na wala ka munang maramdaman sakanya. But soon you will. You just have to wait.
Lumunok ako at tsaka kinagat ang aking labi.
"How long we've been together?" I asked him. Timothy's mouth parted. Inangat niya ang tingin kay Isabella at mukhang nanghihingi pa ng tulong.
"Two years, Sav." Isabella answered for him. Napalingon naman muli ako sakanya. I gave them both a questioning look.
"Why can't you answer that?" tanong ko kay Timothy.
"I-I'm just surprised... I-I'm glad to see you awake. I just feel so much happiness that I'm unable to speak properly." He laughs after that. Ngumuso naman ako.
Natahimik ng sandali ang buong paligid. Inalis ko ang kumot na nakabalot sa aking mga paa at sinubukang tumayo. Timothy quickly rushed to me.
Ramdam ko ang panginginig ng aking mga binti. Para bang bago lang sa akin itong gagawin ko. I'm sure I know how to walk before I get into that damn accident.
Agad akong napakapit kay Timothy nang muntikan akong bumagsak.
"Oops... Careful," Timothy scoffed when he caught me. I smiled at him.
He isn't that bad looking. He's very tall and masculine. He choose to keep his face clean since I can't see any signs of mustache or beard growing. Siguro kakashave niya lang.
Inayos ko naman muli ang pagkakatayo ko at tsaka nagpakawala ng malalim na hininga. I tried walking again. I heard Isabella groan.
"I think it's better if we'll call the doctor," aniya. "I'll be right back."
Tumango ako at tsaka naupo nalang sa kama nang mawalan ng pag-asang makakalakad pa ako ng sarili. Tumabi naman sa akin si Timothy.
"It's okay, love, I know this must be hard for you. But I will be here to help you get better again."
Sinubukan kong ngumiti sakanya. Mamaya maya pa ay pumasok naman ang isang doktor sa loob ng kwarto. I bet he's a private doctor since this room doesn't look like a hospital room at all.
Damn. Are we rich?
Tinulungan ako ng doktor na tumayo. He used something to pat my knees at naramdaman ko naman iyon.
"We're getting there." Aniya. Inupo niya naman akong muli at tsaka ako inassess.
"She doesn't remember anything." Ani Isabella.
"Oh!" the doctor exclaimed. "Her CTs before shows a massive bleeding inside her brain. The doctors that took care of her before did a great job in taking that bleeding under control. An amnesia is one of the most common risk factors for that so we should've expected that."
"A-Amnesia?" nagugulohan kong tanong.
"Yes, Sam— I mean, Savannah. I'm not sure if this is temporary or you will have this forever. But I'll help you remember everything."
"No," agap ni Isabella. "I'll help her. I think it's better if someone she's related to are the one's who will make her remember everything. That will make her recover faster."
Nag aalinlangang tumango ang doktor. "It's up to you."
Tumango rin si Isabella at tsaka nagpaalam na kami sa doktor. As usual, I asked questions about myself again. Ngunit sa kalagitnaan ng pagsagot nila sa mga tanong ko ay nakaramdam ako ng sakit ng ulo.
I closed my eyes. A man's figure flashed inside my mind. Blurred ang mukha nito kaya hindi ko alam kung sino ito. I see myself smiling at that man. Kinuha niya ang kamay ko at tsaka hinalikan iyon.
The unknown man's figure is more masculine than Timothy. But Timothy's figure was a bit close. Unti-unting naglaho ang larawan sa isip ko at tsaka nawala ang sakit ng ulo ko.
"Are you okay? What happened?" Timothy asks. Ipinulupot niya ang kanyang braso sa aking balikat at tsaka nag-aalalang tiningnan.
"I-I'm fine... it's just that my head aches."
Tumango siya. "Isabella, I think it's best if we'll let her rest for a while. It's been a long day for her." Bumaling ng tingin sa akin si Timothy. "Sav, you should take a rest."
Tipid akong ngumiti sakanya at tsaka nahiga nang muli sa kama. I hope to see that man again. I need to hear his voice. I need to know if he's Timothy.
"We'll come home to our province tomorrow, Sav. I'll ask the maids to prepare your things." Ani Isabella.
Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko dahil lumabas na agad siya ng kwarto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top