Chapter Thirteen

Song: Safe Inside- James Arthur

Meant to be

Hindi na nasundan pa ang tawag na iyon. Sa tingin ko ay ayaw ko na rin siyang tumawag pa. That girl is out of her mind! She's becoming crazier each day.

She's driving herself crazy because she's envious of Sam. Gusto niya, lahat ng meron si Sam ay mayroon rin siya. Why can't she just be happy for her? After all, they're still sisters even though she treats her like crap. But that doesn't mean she has to get everything that Sam has.

Kahit kailan hindi ako bibigay sa mga banta niya. I'm not scared of her.

I told Ryan, Tony, and Caitlyn about the phone call. Nagulat naman si Caitlyn sa sinabi ko. She didn't know that she was being followed every time she goes to the hospital.

"I can't believe she did that." Aniya. Dismayado siyang naupo sa tabi ko, tila hindi rin makapaniwala sa nangyayari.

"Talagang gagawin ni Isabella ang lahat noh? She's willing to use someone just to accomplish her plans! That devil!" reklamo ni Ryan. Pinakalma naman siya ni Tony ngayon.

I have to think of another plan. I have to know where Isabella lives. Baka doon nila tinatago si Sam. I have to get Sam out of there kahit hindi siya sumama sa akin. Pipilitin ko siya. I'm the only one who can make her live in truth again.

Alam ko ang totoo at handa akong ipaalala sakanya ang lahat ng iyon. I don't want her to just forget everything. I don't want our happy memories erased in her mind. I want her to be her again.

I immediately asked Caitlyn her sister's address. She gave it to me without thinking twice. Hindi na naman nagtanong pa sila Tony at Ryan tungkol sa iniisip kong plano. Siguro iniisip nalang rin nila na ang pinakaimportanteng gawin ngayon ay ang makuha si Sam.

I will try and pursue her again. I will try to get her trust again. I already did that once, I'm willing to do that again. For her.

Kinabukasan ay agad rin naman akong nagpunta sa binigay na address sa akin ni Caitlyn. Umaga palang ay naghanda na agad ako. The place is very far from ours kaya hindi ko alam kung paano nakapunta si Sam sa amin ng mga oras na iyon.

Her sudden appearance still doesn't make sense. But I'll figure that one out in the future. My only focus today is to see if Sam is indeed living with Isabella right now.

Sa isang exclusive village nakatira sila Isabella. Noong una ay nahirapan pa akong pumasok dahil hinarang ako ng guard. Buti nalang rin at may family friend kaming nakatira dito kaya siya ang ginamit kong rason para makapasok dito. I'll say thank you to them later.

Hinanap ko ang address na ibinigay sa akin ni Caitlyn. There are lots of beautiful houses in this village, too. Sa unang tingin palang, alam mo nang ang mga nakakaangat sa buhay ang mga nakatira dito.

Nag-drive ako nang nag-drive hanggang sa makita ko na iyong sinasabing bahay ni Caitlyn. I was surprised to see how big their mansion was. It was even bigger than ours.

Ryan must be right. Timothy must be really powerful when it comes to business kaya siya mayroong ganitong klaseng mansion.

Ipinarada ko ang aking kotse di kalayuan sa kanilang bahay. I stayed there and watch people come in and out of their house. Most of them are maids.

Their house has a very high gate, almost similar to the gate of Buckingham Palace. They even have a very wide front garden. I wonder how their maids keep everything green. Kitang kita na hindi pinapabayaan ang buong bahay dahil sa sobrang linis nito.

Sa gilid naman ay may mga gwardyang nagmamasid. Kanina niya pa tinitingnan ang sasakyan ko pero hindi niya naman sinisita. Siguro dahil hindi rin naman kasitasita ang kotse ko. They can't even tell that I don't live here.

I waited for some familiar face to come out of that mansion pero wala. Halos lahat ng lumalabas at pumapasok ay ang mga tauhan sa kanilang bahay. But I didn't stop there. Hindi ako umaalis hangga't hindi ko nakikita si Sam.

Umaalis lang ako sa tuwing kakain at babalik rin naman kapag natapos. The day ended without the sight of Sam. Dismayado akong umuwi. Where could she possibly be? Sigurado akong nandidito lang siya. She can't be far from here.

I didn't stop there. Patuloy parin ako sa pag-punta sa bahay nila Isabella kahit walang kasiguraduhan na nandoon nga si Sam. Ryan and Tony are even curious about where I'm going dahil lagi nalang akong wala sa bahay at araw-araw pa akong umuuwi ng gabi.

I patiently waited outside. Minsan ay magdadala na ako ng pagkain bago pa ako magpunta doon dahil baka pag umalis ako ay tsaka lumabas si Sam ng bahay na iyon. I just don't want to risk anything. Minsan rin ay tatanungin na ako ng guard kung anong ginagawa ko rito dahil lagi lang akong nakatambay rito at mukhang nagtataka na sila.

"Oh, I live nearby. I just want to roam around and it happens that the view is quite great here. Perfect spot for watching the sunset." I reasoned out. Mukha namang pinaniwalaan iyon ng guard.

My waiting lasts for a week. At wala akong pakialam kung umabot pa ng buwan iyon. This is the only way I know that can help me reach Sam again.

Gabi na at napagdesisyonan ko na sanang umuwi nang may biglang isang itim na kotse ang pumasok sa loob ng mansion ni Timothy. Sinundan ko iyon ng tingin at walang pag-aalinlangan na pinapasok sila ng mga guwardya.

Sinubukan kong iabante ng kaunti ang aking kotse para mas matingnan mabuti kung ano ba ang nangyayari doon. When I tried to peek, I saw someone went out of the car. It was a familiar guy and I immediately thought that this was Timothy.

He's still wearing his business coat at inaayos niya iyon habang umiikot sa kotse niya. He stopped in front of the passenger's seat upang may pagbuksan doon. I saw him smiled down at the person inside the passenger's seat.

Mamaya maya pa ay lumabas doon ang isang babaeng may mahabang buhok. Likod palang at pigura niya palang ay alam ko nang si Sam ito. She smiled back at Timothy. My forehead creased and my jaw clenched.

She used to smile back at me like that. That smile used to be only mine. Now I have to share that to someone else.

Timothy offered her hand to Sam and she quickly accepted it. He intertwined their fingers while walking towards their mansion.

I wanted to laugh at that moment. Gustong-gusto rin nitong si Timothy ang nangyayari eh no? Instead of being a man, here he is! Pretending to be her boyfriend even though he's not!

Nakita kong sinalubong sila ni Isabella. Sa buong lingo na nandidito ako, hindi ko siya nakitang lumabas. Maybe because she was busy with other things. Maybe busy with her evil plans.

Plastik siyang ngumiti kay Sam at niyakap niya pa ito. She gave Timothy a meaningful look at tsaka rin naman siya ngumiti rito. Hindi ko na alam ang susunod nilang ginawa pagkatapos noon dahil tuluyan na silang pumasok ng mansion.

Sinandal ko ang aking sarili sa upuan at galit na sinuntok ang manibela. It made a sound kaya napalingon sa gawi ko ang mga gwardya mula sa gawi ko.

Umiling ako. This is making me go out of my mind! I didn't know it would hurt this much seeing her with someone else. Siguro kasi ay nasanay akong ako lang. Nasanay akong wala siyang pinauunlakang iba kung hindi ako lang.

And now seeing her doing all the gestures she used to do to me to someone else, makes me want to shout until I lose my fucking voice. This is fucking frustrating!

I can handle an accident. I can handle a comatose state. But I can't handle an amnesia! She needs to remember everything before I go out of my mind.

"Damn it!" I cursed under my breath. Ilang beses ko ulit pinagsusuntok ang manibela, this time I made sure that I don't make sounds. Baka magduda pa ang mga gwardya sa akin.

I waited for them to come out of the house frustratingly. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko sila nakikitang lumabas diyan. Ito na ang oras ko para malaman kung nasaan si Sam ngayon. And I won't waste that time.

Sandali pa akong naghintay muli hanggang sa nakita kong lumabas na sila sa mansion. Everyone has their smiles on their faces, including Sam. Nakita ko ang agarang pagtabi ni Timothy sakanya at ang pagpulupot ng kanyang braso sa baywang ni Sam.

Fuck you, man! That's mine you're holding!

Gusto ko siya sigawan na bitawan niya si Sam pero sino ba naman ako para gawin iyon? I'm a nobody to her now. I'm just a fucking jewelrer to her now! Paano ko naman gagawin iyon kung 'yun na ang tingin niya sa akin?

But I'm still grateful that he's taking care of her like I do. Pero hindi parin ako makakapayag. Ako lang ang pupwedeng mag-alaga ng ganyan kay Sam. No one is allowed to do that, but me. I may be possessive over her but that only proves how much I love her. And I'm not afraid to show that to anyone.

Mamaya maya pa ay nagpaalam na sila kay Isabella. She waved them goodbye at iyon rin ang ginawa ni Timothy at Samantha. Iginiya naman siya ni Timothy papunta sa kanilang kotse at tsaka siya pinagbuksan ng pinto.

My jaw is clenched the entire time I was watching them. Imagine watching someone you love with someone else now. Hindi ako makapagreklamo dahil alam kong wala ako sa lugar. Again, I'm a nobody to her now. She doesn't recognize me as someone she loves.

What's important is that in truth, I'm the one she loves. And in lie, it's Timothy. At iyon ang lagi kong pinanghahawakan dahil naniniwala parin ako hanggang ngayon na may chance pang maalala si Sam ang lahat.

May pag-asa pang bumalik siya sa akin. Because she always does. We always come back to each other because we know that we're meant to be together.

We're meant to be.

Pinagbuksan naman sila ng gate ng mga guwardya. Binuhay ko ang sasakyan ko at napagdesisyonan na sundan sila kung saan man sila pupunta ngayon.

Buti nga at hindi nagsusumbong itong mga gwardya nila na may laging nakatambay sa labas ng bahay nila, e. Siguro dahil pinaniwalaan nila iyong rason ko noong sinita nila ako.

Their car went pass mine. Pagkatapos noon ay tsaka ko sila sinundan. I made sure to keep my distance para hindi sila manghinala na may sumusunod sakanila.

Timothy is a fast driver, I must say. Pero kahit na ganoon ay hindi nawala ang kotse nila sa paningin ko. Medyo malayo na ang nararating namin hanggang sa lumiko sila. Ilang kilometro lang ang itinakbo pagkatapos naming lumiko ay tumigil na sila.

I stopped my car, too, and continued watching them. Bumaba sila at pinaubaya na ni Timothy ang kanyang sasakyan sa isang lalaki, I figured that this must be his driver.

Ipinulupot niyang muli ang kanyang kamay sa baywang ni Sam at iginiya na siya sa loob ng resthouse.

Now, I know where they're hiding Sam.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top