Chapter Forty
Finally! The last chapter for Zach & Sam's story! :-( Their story has finally come to an end. What a roller coaster ride! Thank you so, so much for reading. ❤ I'm always grateful.
Song: Soldier- Gavin De Graw
Kid
"Now say hello to mommy!"
Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita kong pumasok ang mag-ama ko sa loob ng shop. Hindi ko inaasahan na dito sila didiretso ngayon.
Sobrang naging abala ako nitong nakaraang araw nang dahil sa mga order na furnitures! At itong mga tapos nang gawin ay chinecheck ko muna bago ko sila ipadeliver. Ayaw ko kasing may maipintas sila sa gawa ko.
"Mommy!" maligayang salubong sa akin ng anak. I squatted so she can hug me. Ngumiti ako sakanya nang inalis niya ang pagkakayakap sa akin.
"So, how did your day went?" tanong ko.
Taas noo naman siyang ngumiti sa akin. Mayabang niyang ipinakita sa akin ang tatlong stars na nakatatak sa likod ng kanyang kamay.
"My teacher said that I did very well! She also told me that I'm one of the best in class!"
"Wow! That's a very big achievement, Ellie! I wonder what Daddy will give you as a reward..."
Sabay naman namin nilingon si Zach na nakatayo lang sa harap namin habang pinagmamasdan kami. He looks very manly while his arms are crossed over his chest. Natawa naman ako nang makita kong nakasabit sa balikat niya iyong backpack ni Ellie. The bag looks tiny because of his built!
Inilagay ng anak ko ang kanyang daliri sa kanyang baba upang mag-isip. "Hmm... I want a new toy."
Tipid namang ngumiti si Zach sa anak. He nods his head. "Okay, we'll get you a new one."
"O diba? Ang daling kausap ni Daddy!" sabi ko. Tumawa naman si Ellie sabay humalukipkip.
"Of course! Because I'm a very good girl!"
Ngumiti akong muli. Pinisil ko naman ang kanyang pisngi. "Of course you are, love."
I showered my daughter with kisses after that. I missed her so much! Hindi ko na siya nahatid pa sa school kanina dahil dito na ako sa shop dumiretso. Today is such a very busy day. Sunod-sunod ang mga orders!
"May bisita pala!"
Bahagyang lumayo ang anak ko sa akin. She smiled widely once she saw her favorite uncle. Agad siyang tumakbo patungo rito.
"Tito Ryan!"
Binuhat siya ni Ryan nang tuluyang makalapit na ito sakanya. Tumayo naman ako mula sa pagkakasquat kanina. Agad na lumapit sa akin si Zach. At gaya ng kanyang nakasanayan, ipinulupot niya ang kanyang kamay sa aking baywang.
Sabay naming pinanood ang anak habang nakikipaglaro kay Ryan. Nang lumapat ang tingin ni Ryan sa amin ay agad na bumaba ang tingin niya sa nakapalupot na braso ni Zach sa akin. He smirked.
"O siya! Mahiram ko lang muna 'tong si Ellie ha? Doon lang kami sa office." Nagpigil ako ng ngiti ang tumango. "Mag-enjoy kayo dyan!"
Nang tuluyan na silang makapasok sa opisina ay hinarap ko si Zach. I welcomed him with a sweet kiss.
"Di mo naman sinabi na dito kayo didiretso." Sabi ko sabay ngumuso.
"Ellie can no longer wait to show you the stars that she got. Sobrang excited na ipakita sa'yo."
I giggled.
Weeks after Zach and I had our honeymoon in Maldives, I found out that I was pregnant. Noong una ay hindi pa ako makapaniwala. I tried a lot of pregnancy test and all of them are positive! Naiyak nalang ako sa sobrang tuwa.
Hindi ko agad sinabi kay Zach ang tungkol sa pagbubuntis ko. I wanted to surprise him. The first person I told was Caitlyn. Agad siyang pumunta sa bahay noon at sabay kaming nagsaya nang dahil sa balita.
Sunod ko namang sinabihan si Ryan. Isa rin siya sa mga naging katulong ko sa paghahanda ng surpresa ko para kay Zach.
At noong dumating 'yung araw na isinurpresa ko siya, naiyak nalang din siya sa tuwa. He told me that he waited for so long. Agad kaming nagpunta sa OB upang magpacheck. Ilang buwan matapos noon ay bumalik kami para sa gender reveal.
Masayang masaya ako nang sinabi na babae ang magiging anak ko. Zach is expecting a boy, but he's still happy that we've got a healthy baby.
Sobrang nagbago ang buhay ko simula nang ibinigay sa amin si Ellie. My life was so happy. Aakalain mong wala akong pinagdaanan noon dahil sa sobrang saya ko ngayon.
The pain and the sadness that I've felt before is now gone. Lahat iyon napalitan ng kasiyahan nang dahil sa mga taong nagmamahal sa akin.
"Uhm, Zach..."
"Yes?"
"May gusto sana akong itanong," tinaasan niya naman ako ng kilay, pinapahiwatig na ipagpatuloy ko ang aking sasabihin. "Pupwede ko bang bisitahin si Isabella? I just want to see if she's okay."
Bakas sa mukha niya ang pagkabigla. Hindi agad siya nakapagsalita at mukhang pinagisipan pa ang sasabihin.
"Gusto ko rin sanang isama si Ellie. Ipapakilala ko lang."
Bahagya siyang napalayo sa akin. Hindi ko mawari ang kanyang ekpresyon.
"Are you sure you want to do that?" tanong niya.
"Yes. It's been a while. Gusto ko lang rin siyang kumustahin. She's still my sister, you know. Marami man siyang ginawa sa akin noon, pero sa huli... kapatid ko parin siya. She willingly paid her consequence. So..."
"Sasamahan kita kung ganoon."
Ngumiti ako at hinawakan siya sa braso. "Okay lang kung ayaw mong pumunta kami doon. Alam ko namang nag-aalala ka lang-"
"No, it's okay. Maybe it's also time for you to work things out."
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Ngumiti akong muli at niyakap siya ng mahigpit.
"Thank you..."
Nang dumating ang araw na bibisitahin namin si Isabella sa kulungan ay agad na naguluhan si Ellie.
"But isn't prison for bad guys? If that's the case then she must be..."
I chuckled lightly. Ellie is very intelligent. She tends to over analyze things at such a young age.
"No. She just made a mistake. Commiting a mistake doesn't mean you are already a bad person. Everybody makes mistakes, Ellie."
Bumagsak ang balikat niya sabay ngumuso. I told her things about Isabella while we were on our way to prison. Ikwinento ko sakanya 'yung samahan namin noong mga oras na hindi pa siya nagagalit sa akin. We were so close back then. I treated her as my best friend.
"We're here." Zach announced. Nagpakawala naman ako ng malalim na hininga bago ako bumaba ng sasakyan.
When we went inside the police station, we told them who we are going to visit.
"Buti at may bumisita sakanya ngayon. Matagal na kasing naghahanap ng bisita 'yan, e."
My mouth parted. Hindi ba araw-araw bumibisita si Calliope dito? O baka naman bumalik na siya sa Quezon kaya hindi na rin siya madalas na nakakabisita.
"Kailan ho ba 'yung huling bisita sakanya?"
"Dalawang buwan nang nalipas, Ma'am."
"A-Ah... ganoon po ba?"
Zach put his hand on my back and he gently caresses it. Nagaalala siyang tumingin sa akin.
"Are you okay?"
"Of course."
I suddenly felt sad for Isabella. She's been waiting for someone to visit her. And the fact that no one visited her for two months... that's just very sad.
"Maupo na po muna kayo. Tatawagin lang namin siya."
Nilapag ni Zach ang mga dala naming pagkain sa mesa. Hindi ako mapakali habang hinihintay si Isabella na lumabas. Hinawakan ni Zach ang kamay ko.
"Kung gusto mo, sa labas nalang muna ako. Hihintayin ko nalang kayo ni Ellie na matapos. Call me when you need anything, okay?"
I nod my head. "Okay."
He kissed the top of my head. Nagpaalam naman siya kay Ellie, Tumango lang siya at ipinatong nang muli ang kanyang baba sa lamesa.
"Mom... are we going to stay longer here?"
"It depends, anak. Mag-uusap lang kami ng Tita Isabella mo. Ipapakilala rin kita so you need to behave, okay?"
Ngumuso ang anak ko. Nagbukas naman ako ng isang pagkain.
"I know you're hungry. Pupwede ka nang kumain. Baka palabas palang si Tita Isabella, e."
Agad na sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Pagkain lang pala ang hinihintay. Kaya pala kanina pa bumasangot dahil gutom na! Tumawa ako. Hinalikan ko naman siya sa kanyang pisngi at inayos ang kanyang buhok.
"Sam?"
Nagulat ako nang makita si Isabella na nakatayo na sa harap namin. Sa likod niya ay isang pulis. Tumayo ako.
"Isabella..."
"What are you doing here?" mahina niyang tinanong. Lumipat naman ang tingin niya kay Ellie na masayang kumakain ngayon. Ngumiti siya. "Anak mo?"
Tumango ako. Nginitian ko naman 'yung pulis na may hawak sakanya upang sabihin na kahit wag na niyang bantayan si Isabella.
"Upo ka." Sabi niya. Doon ko nalang rin napansin na kanina pa pala kami nakatayo habang tinitignan ang isa't isa.
Something's changed in her. Pumayat siya ng kaunti.
"Kumusta?" tanong ko. Nagpabalik-balik naman ang tingin niya sa akin at tsaka kay Ellie.
Tumayo siya ng maayos. Tiningnan niya akong muli. Ngumiti siya.
"Ayos naman. May naging kaibigan naman ako dito kahit papano. At may ginagawa rin kami dito na product na binebenta sa labas."
Ngumiti ako. I heard about that.
"Ikaw? Kumusta ka?" Binuka ko ang bibig ko upang magsalita pero nauna siya. She chuckled lightly. "I guess, you're married now."
Tinuro niya ang singsing sa aking daliri.
"Yeah, a few years ago."
"Congratulations! Buti at nagkaanak agad kayo."
Binalik niyang muli ang tingin kay Ellie sabay ngumiti. Tiningnan ko rin si Ellie na Hinaplos ko ang ulo ng aking anak.
"She's the greatest thing that ever happened to me."
"I'm happy that you're happy, Sam..."
Nawala ang tingin ko kay Ellie. Bumuka ng kaunti ang aking bibig at ibinaling muli ang tingin kay Isabella.
"I mean it," she added. "I know... I did a lot of terrible things to you. And I just want you to know how sorry I am... I'm sorry that it took me time to ask for forgiveness. It may be too late now, but I realized that everything I did to you was wrong. Nagpakain ako sa inggit, sa galit... na nagawa kong kalimutan na kapatid kita.
"Sam, wala kang ginawa kung hindi ang maging mabait sa akin. Kaya hindi rin kita masisisi kung bakit mo ibinunyag sa harap ng maraming tao 'yung kademonyohang ginawa ko." She chuckled lightly. Pinalis niya ang luhang lumandas sa kanyang mukha.
"I deserved that, Sam. I deserved to be in this place. I deserved to be here forever. H-Hindi ko alam kung p-paano ko pagbabayaran lahat ng pagkakamaling ginawa ko sa'yo. Pero isa lang ang hinihiling ko... s-sana mapatawad mo ako."
Hindi ko na napansin pa na umiiyak na rin pala ako habang sinasabi niya iyon. Bakas sa mukha niya ang pag-sisisi. Yumuko siya para hindi ipakita sa akin ang kanyang pag-iyak.
"A-Alam ko namang hindi madali para s-sa'yo 'to... Alam kong hindi mo ako basta mapapatawad. Grabe 'yung mga ginawa ko sa'yo, e." bahagya siyang tumawa. "Pero handa akong hinatayin 'yunh araw na mapapatawad mo ako. That's all I'm asking for."
Hindi ako nag-salita. She looked up again and smiled. She wiped away her tears then she turned to Ellie, who's now watching me with a worried expression.
"Are you crying, Mom?"
Binitawan niya ang kubyertos na hawak upang yakapin ako. Habang nakayakap sa akin ay may ibinulog siya.
"Did she made you cry?" Tumawa ako nang dahil sa sinabi niya.
"No... Mommy is just overwhelmed to see your Tita again. Go, eat your lunch again. Don't mind me..."
"Okay..." sabi niya. Napansin ko namang tiningnan niya muna si Isabella bago siya bumalik sa kinakain.
Nang tiningnan ko si Isabella ay nakabuka na ang kanyang bibig nang dahil sa pagkamangha. I smiled.
"It's okay. Matagal na kitang napatawad. Alam kong darating rin 'yung oras na pagsisisihan mo ang lahat ng ginawa mo. There's also a point in my life where I have to forgive you, A-Ate,"
Nang dahil sa sinabi kong iyon ay bumuhos ang luha niya. Humagulhol siya.
"I decided to let go of my grudge for you. I wouldn't be able to see the bright side if I wouldn't let go of the darkness I have inside. That's the best thing I ever did. I see the good in you, Ate. You can still change. Wala ka ngang records na nakikipag-away ka dito, e." Biro ko. Natawa naman siya doon. "Ikaw parin 'yung Isabella na kasama kong mag-laro noon. 'Yung Isabella na lagi akong pinagtatanggol tuwing pinapagalitan ako. That memory remains, Ate. Kasi nang dahil doon, mas nakilala kita. You still have a good heart. I hope you don't think the otherwise."
"Malapit na nga, e." Biro niya. Pinalis ko rin ang luhang lumandas sa mukha ko.
Ah! It feels good to finally unload the heavy weight in my heart.
Tumayo siya upang magtungo sa akin. Yumuko siya at niyakap ako ng mahigpit. I did the same.
"Thank you... Thank you so much... I don't know what I did to deserve this kindness from you."
Pumikit ako at mas dinama ang yakap niya.
"So," she said when she let go of the hug. "Are you going to introduce me to her?"
"Of course! Ellie..."
Mabilis siyang lumingon sa akin. "Yes, Mommy?"
"I'd like you to meet Tita Isabella..." sabi ko at itinuro ang kapatid kong excited na siyang makausap. "Say hi!"
"She looks so much like you..."
"Marami nga ang nagsasabi."
Bumaba si Ellie sa silya at lumapit kay Ate Isabella. Nagulat naman siya sa ginawa ng aking anak. Sinundan ko sila ng tingin.
"Hi, Tita Isabella! I'm Ellie! Nice to meet you."
"Hi, Ellie. It's-"
Hindi na naituloy pa ni Ate Isabella ang sasabihin dahil bigla siyang niyakap ni Ellie. Nagulat siya sa ginawa ng bata.
Napansin kong tumulo na naman muli ang luha niya. This is such an emotional day, isn't it?
Ate Isabella hugged her tightly. My daughter smiled cutely at her when she let go of the hug.
"I did terrible things to your, Mom. I'm surprised you're not mad at me." sabi ni Ate Isabella habang hinahaplos ang buhok ni Ellie.
"My Mom told that we should always be kind to other people even though they do terrible things. We are all human and we should love one another. She told me that forgiving is a hard thing to do, but being kind isn't."
Napangiti muli si Ate Isabella nang dahil sa sinabi ng bata.
"So much wisdom..." anito sabay hinalikan sa pisngi.
We spent more time together. Tinawag ko rin si Zach upang makausap rin si Ate. Humingi rin ito ng tawad sa kanya, gaya ko, pinatawad niya rin ito.
When visiting hours came to an end, I made a promise to her that I will come and visit her often. Natuwa naman siya.
"I will always look forward for it."
"Isasama ko si Ellie palagi. I'll ask Caitlyn to join us for our next visit."
"That would be lovely!"
Lumapit naman akong muli sakanya. I embraced her.
"Mag-iingat ka dito lagi, Ate. Mahal na mahal kita."
Nagbuga siya ng malalim na hininga. "Kanina pa ko umiiyak. Wag mo na akong paiyakin ulit."
"Mag-iingat rin kayo. Ayos lang ako dito. Wag kayong mag-alala. Mahal na mahal rin kita, Sam."
I smiled at her for the last time before we bid our goodbyes. Palabas na kami ng visiting area nang lumingon muli si Ellie sakanya.
"Bye, Tita Isabella! I'll see you soon!" she shouted and waved a goodbye.
"I'll see you soon, Ellie. Bye!"
Pagkatapos naming bisitahin si Ate Isabella ay nagtungo naman kami sa puntod ni Daddy. Mommy's grave is in Pangasinan. Zach told me that we'll come and visit her once Ellie's school is over.
Kinuwento ko kay Daddy ang nangyari sa pag-bisita ko kay Ate Isabella. Sana masaya siya na nagkaayos na kami.
After that, we went to Zach's parents house. Agad na tumakbo patugo si Ellie sa kanyang Lolo nang sinalubong siya nito. Binati ko naman sila.
"Sakto pala ang dating mo, Zach, dahil nandito iyong manliligaw ni Katarina." Biro ni Mama.
"Talaga? Nasaan?"
Tumawa naman ako dahil ayan na naman siya sa pagiging over protective niya sa kapatid. Halos lahat ata ng manliligaw ni Katarina ay hindi natatakot sakanila Mama at Papa, natatakot sila kay Zach!
Paano ba naman kasi, tuwing may naaabutan kaming manliligaw, iniinterview niya! Kapag hindi niya nagustuhan, sinisiraan niya kay Katarina! Kaya sa huli, ayun at basted.
Kaya ngayon na may manliligaw ulit, ineexpect ko nang iinterviewhin niya na naman ito.
"Dito na rin kayo maghapunan, Sam. Marami kaming hinandang pag-kain."
"Sige po, Mama."
Nang sumapit ang gabi ay doon ko na nakita ang inaasahan kong ganap ngayong araw. Si Zach at 'yung manliligaw ni Katarina ay magkausap doon sa sala. I was surprised that both of them are laughing!
Napansin naman ni Zach na pinapanood ko sila kaya tinawag niya ako upang ipakilala sa manliligaw ni Katarina. Tinawag niya rin si Katarina.
"I like this one. Keep him." Sabi ni Zach. Lumakad naman siya palayo sa amin upang magtungo na kay Ellie.
Nagkatiningnan kami ni Katarina. Her jaw dropped and her eyes widened.
"Did he just said that?"
"I guess so." sabi ko at tsaka tumawa.
Nakatulog na si Ellie habang pauwi kami. Inihiga na siya ni Zach sa kama nang makauwi kami. Inabala ko naman ang sarili sa pag-aayos ng mga gamit na dala namin kanina. Habang si Zach naman ay may sinagot na tawag.
I took a quick shower after I finished. Nang bumalik ako sa kwarto ay nakita ko si Zach na nakapwesto na sa tabi ni Ellie. He's reading something on his phone.
Pumwesto ako sa isa pang gilid ng kama at doon ko sinuklay ang buhok. Nang matapos ay nahiga na rin ako.
"Today is such a happy day, isn't it?" Sabi niya.
I smiled to myself. "Yeah, it's amazing that we've finally work things out now."
"I'm happy for you."
"Thanks..."
I was about to drift off to sleep when Zach spoke. Minulat kong muli ang aking mga mata nang dahil sa gulat.
"But don't you think it's time to have another kid?"
Tumawa ako ng malakas. "Oh my god! Just sleep now, Zach. Kung anu-ano na pinagsasabi mo."
"I'm serious. Ellie's four! It's time for her to have a playmate!" kahit siya ay natatawa nalang rin sa pangungumbinsi sa akin.
"Okay, okay... We'll talk about that on some other time. For now, just sleep, okay?"
"No, I think we should do it now!"
"Zach, I said-"
"It's a good idea, right?"
"Oh my god! Just shut up."
"You have to agree!" He said while laughing.
"Whatever. I'm going to sleep now. Good night, Zach. I love you."
"Come on, Sam. I'm ready..."
"Good night..."
And our night ended with Zach trying to convince me to have another kid.
END OF BOOK 3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top