Chapter Eight

Song: Light- Sleeping At Last

Death

Kasalukuyan kong inaayos ang gamit ko. I stayed here in the hospital for two days because neither Tito Anthony nor Caitlyn can go here and look out for Sam. They were both busy with work kaya ngayon na nandidito si Tito Anthony ay pinakiusapan niya akong umuwi muna para makapagpahinga.

Habang inaayos ko ang aking gamit ay hindi ko mapigilan na magawi ang tingin kay Tito Anthony na mukhang pagod na pagod ngayon.

Maybe I should be the one staying here instead. Dahil mukhang hindi ako ang kailangan ng pahinga. Tito Anthony looks dead tired and he's just forcing himself to stay awake.

"Tito, are you okay?" I asked.

Agad na nagawi ang tingin niya sa akin. He tries to act that his feeling is okay even though it's far from that. Kitang kita sa kanyang mga mata ang bakas ng pagod. There's bags under his eyes and there's some wrinkles on his face.

Ngumiti siya sa akin. "Of course, hijo. May tinapos lang ako kagabi, pero kaya ko pa naman."

Sinubukan kong tumango. Naalala ko iyong usapan nila ng doktor noong pauwi kami dito sa Manila. She knows that Tito Anthony tends to overwork himself kaya niya pinaalala na bantayan niya ang kanyang kalusugan.

"Maybe, tito, you should be the one resting. Kaya ko pa naman po manatili dito ng ilang araw."

"Hindi na, Zach. Sigurado akong hinihintay ka na nila Carmel sainyo. Ayos lang ako dito. Mamaya maya rin ay magpapahinga na ako. Wag kang mag-alala." Ngumiti siyang muli sa akin.

I licked my lips at sabay tumango. I was really hesistating if I should really go or not. It's obvious that Tito Anthony is forcing himself. Pero alam kong ayaw na niyang magpapilit pa. And it seems like he really wants to be here kaya hinayaan ko na iyon.

Ipinasok ko sa loob ng bag ang huling gamit na dadalhin ko pauwi. I zipped up my bag after I finished. I hang my sports bag on my shoulder at tsaka nilingon si Sam.

"I'll be back, baby." I whispered at tsaka siya hinalikan sa noo.

Napansin kong pinanood ni Tito Anthony ang ginawa ko kaya siya ngumiti sa akin. He stood up and gave me a hug.

"Mag-iingat ka sa pagmamaneho, hijo." Paalala niya. I chuckled a little.

"Opo," sabi ko.

"Maraming salamat sa pag-aalaga at pagbabantay kay Sam. I'm glad that she has you. I don't know how to thank you for all the things that you did for my daughter. Nagagalak akong nakilala kita, Zach."

Kumunot ang noo ko. Why do I find him saying this strange? Iba ang pakiramdam ko habang naririnig kong sinasabi niya ito. But I shook the thought off.

"You don't have to thank me, Tito Anthony. It's my job as Sam's boyfriend." Ngumiti ako sakanya at tsaka umalis na ng hospital para makauwi.

Hindi ko naman inaasahan na pag-uwi ko ay nandidito rin ang iba kong kamag-anak. Agad akong sinalubong ni Peter at John.

"Kuya Zach!" bati nila sabay nakipag-apir sa akin. Pagkatapos noon ay tsaka nila ako inakbayan.

"Kanina ka pa namin hinihintay. Balita namin may bago kang play station ah? Palaro naman kami!" ani Peter.

"Oonga! Nagpapabili nga kami non kay Mommy kaso ayaw, e. Kaya manghihiram muna kami sa'yo! Kung gusto mo... dito nalang rin kami magbakasyon! Masipag naman kami tapos-"

"Sige na. Kunin niyo nalang sa kwarto ko." pagputol ko sa sinasabi ni John.

Parehas na nanlaki agad ang mga mata nila.

"'Yun oh!" sabay nilang sinabi sabay inapiran ang isa't isa.

"Iba ka talaga!" si John.

"You're the best!" si Peter.

They bump me on the chest bago sila umakyat para kuhanin na iyong play station sa aking kwarto. I just came home from the hospital at iyon ang sinalubong sa akin ng dalawa kong pinsan. Wala man lang kumustahan.

Nagtungo ako sa back garden kung nasaan nananatili ang iba kong kamag-anak. My mom's attention immediately diverted into me nang mapansing may pumasok sa back garden. Buhat niya si Bear at nang makita ako ng aso ni Sam ay mabilis itong nag-tungo sa akin.

He looks really happy to see me again. Sana ganito rin ang reaksyon niya kapag makikita niyang muli si Sam. I'm sure she's going to be so happy.

I carried him in my arms at tsaka nag-tungo sa aking mga kamag-anak upang makabati. My uncles and aunts asked me how I was and I answered the usual.

Nito lang nila nalaman ang tungkol kay Sam noong nakauwi kami. Kelly immediately went with me para bisitahin si Sam. She really looks devastated that day.

Imagine not seeing your friend for such a long time, tapos nang makikita mo siyang muli, ganoon naman ang naging kundisyon niya. It sucks, right?

Bumalik muli sila sa kanilang usapan pagkatapos nila akong kamustahin. My mom stood up and went to me.

"Sino ang nagbabantay kay Sam ngayon?" tanong niya.

"Si Tito Anthony po." Sagot ko. She nodded her head sabay hinawakan ako sa balikat.

"Sige na, anak, magpahinga ka na. Kami na ang bahala rito."

I nodded my head at tsaka ibinigay muli sakanya si Bear. Habang papaakyat ako sa aking kwarto ay agad naman akong sinalubong ng ingay galing sa dalawa kong pinsan na naglalaro na ngayon.

"Ay ang tanga talaga oh! Ayan tuloy namatay ka!" sigaw ni John.

"E, hindi mo ko tinutulungan, e!" reklamo naman ni Peter.

Nagtungo ako sa kwarto kung nasaan sila upang tingan kung ano ba iyong nilalaro nila. They're playing call of duty at bakas sa mukha ni Peter ang frustration.

"E... tanga ka pala, e! Hindi naman ako naglaro nito para maging human shield mo!"

Sumandal ako sa may pintuan para mas matingnan sila ng maayos. Humalukipkip ako at pinanood na rin ang nilalaro nila. Humarap sa akin si Peter.

"Kuya Zach! Astig nitong PS4 mo ah? Magbabakasyon na talaga kami dito!" ngumisi ako.

I bet Katarina wouldn't let them lalo na't ganito sila kaingay. Ayaw pa naman nun sa maingay.

"Gusto mo, kuya, ikaw ang pumalit dito kay Peter. Tanga kasi maglaro 'to, e."

Binatukan ni Peter si John, halatang naiinis na sa kapatid.

"Hindi na. Kayo nalang mag-laro dyan. Papasok na ako sa kwarto ko."

"Ah, sige, kuya. Ingat!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni John. Katabi lang nila ang kwarto ko at sinabihan niya parin ako ng ingat. Such a weird cousin.

Inayos ko muna ang aking gamit at inihiwalay na ang marurumi kong mga damit. Sinubukan kong matulog sa kabila nang ingay nila Peter at John sa kabilang kwarto. I've been sleeping in a sofa for two days. Ngayong sa kama na ako makakatulog, may bumubulabog na ingay naman.

Mamaya maya pa ay bigla nalang silang natahimik. Nakarinig ako ng sermon mula sa kanilang magulang.

"Eto na nga ba ang sinasabi ko kaya ayokong bibilhan kayo nyan, e!"

"Mommy!" narinig kong sinigaw nilang dalawa.

"Hindi na kayo nahiya! Nasa kabilang kwarto niyo lang ang Kuya Zach ninyo at ang iingay niyo! Nagpapahinga 'yung tao kaya manahimik kayo!" narinig kong sigaw ni Tita Dinah.

"Na carried away lang kami, mommy! Sorry na!" Narinig kong sinabi ni Peter.

"Tigilan niyo na 'yan! Bumaba kayo at tumulong kayo doon. Napakatatamad niyo!"

Natawa ako matapos kong marinig iyon. Parang kanina lang sabi ni John masipag sila. Tapos ngayon sinasabi ni Tita Dinah na hindi. Looks like no one's going to have their vacation here.

Natahimik sila matapos silang sermonan. I immediately took the chance to sleep.

Gabi na nang magising ako. Bumaba ako at wala na ang ibang kamag-anak ko doon. The only ones left are Peter and John's family. Nakahain na ang pagkain at mukhang magsisimula na silang kumain.

Nang makitang pababa ako ay ngumiti sa akin si Katarina at si Mommy.

"Oh, just in time, anak! Tara na at kakain na tayo!" aya ni Mommy. Tumango ako at nagtungo na sa hapag. I sat beside Peter.

"Kuya, pwede bang hiramin nalang namin PS4 mo?" Bulong niya sa akin.

"No," I answered, immediately denying him. Baka mahigh blood pa si Tita Dinah sakanila kapag pinahiram ko sakanila iyon.

And it's Samantha's birthday gift to me last year. Meaning this is one of the most treasured gifts I have and I can't just lend it to my cousins who are very careless sometimes.

Peter pouted at ibinaling nalang ang tingin sa mga pagkain.

We were in the middle of eating our dinner nang bigla akong makatanggap ng tawag mula kay Caitlyn. She rarely calls kaya inisip ko kaagad na emergency ito. Maybe she's here to tell me that Sam is already awake. I suddenly felt so excited to hear that news.

I excused myself to answer her call.

"Caitlyn," bungad ako.

Walang nagsalita sa kabilang linya. Ang tanging naririnig ko lang ay mga hikbi niya.

"Caitlyn..." I tried to call her again.

"K-Kuya Zach..." her voice broke on the other line. Agad na kumunot ang noo ko.

"What's happening, Caitlyn?"

"Si Daddy... sinugod sa emergency room. H-Hindi ko na alam ang nangyayari ngayon kasi hindi ko maiwan si Ate Sam dito. K-Kuya, p-please come here..."

I panicked knowing that Tito Anthony is in the emergency room right now.

"Uh... did you call your mom?"

"No. I'm afraid, baka malaman nila na nadito si Ate Sam."

I breathed heavily at tsaka kinuha na ang susi ng kotse ko.

"Okay... I'm coming. Ask some nurse to keep an eye on Sam so you can see what's happening with your father while I'm on my way, okay?"

"O-Okay..." she mumbled.

Then she hangs up the call.

Nagmamadali kong lumabas ng bahay. Wala na akong oras pa para makapagpaalam sakanila dahil sa sobra kong pagmamadali.

"Zach, anong nangyayari?" narinig kong tinanong ni Mommy bago ko patunugin ang kotse ko.

I turned to look at them at nakitang lahat sila ay nag-aalala akong tiningnan.

"It's Tito Anthony." Sabi ko.

I saw my parent's mouth parted.

"Anong nangyari sakanya?" tanong ni Daddy.

"I don't know. I need to head to the hospital now. Sasabihin ko nalang po sainyo kapag alam ko na ang nangyari."

Pumasok ako sa aking kotse at nagmadaling nagmaneho patungo sa ospital. I don't care if I'm overspeeding right now. This is an emergency from Sam's family. If her family is that important to her, meaning it's important to me, too.

I didn't know that the news Caitlyn told me will be so terrible. This is why I hesistated on leaving the hospital a while ago. I knew that Tito Anthony's exhausted but he keeps on telling me that he's okay even though he's not.

Agad kong ipinarada ang aking sasakyan at mabilis na tumakbo papasok ng emergency room. Being a football player has it's perks.

I was about to ask someone for Anthony Enriquez when a commosion caught my attention.

"Charge 200. Clear."

Agad na nagawi ang tingin ko doon. Nakita ko si Caitlyn na umiiyak habang nakikita kung anong ginagawa sa daddy niya ngayon. Mabilis ko siyang dinaluhan.

I made her turn to me. "Cait..."

Nilingon niya ako. Her eyes are so puffy now. I rubbed her back to keep her calm at tsaka ko hinarap ang mga doctor upang tiningnan kung anong nangyayari kay Tito Anthony.

The doctor stopped defibrillating him at tsaka umiling. He gave the paddles to the nurse beside him.

My forehead creased. Why did he stop? What the fuck is happening?!

The doctor pulled his sleeves up to check his wrist watch. Habang pinapanood ko siyang gawin iyon ay parang hindi maproseso ng maayos sa isip ko ang nangyayari.

"Time of death... 19:20." He sighed heavily.

Nabalot kami ng katahimikan. Ang natatanging tunong na naririnig ko lang ay ang heart monitor. Naramdaman kong lumuwag ang pagkakayakap sa akin ni Caitlyn.

And suddenly, her scream filled my ears. And that's where I finally realized that... Tito Anthony is dead.

"Daddy!" Caitlyn cried harder this time. She hugged her father's dead body. Lumunok ako.

I asked the doctors what happened. Tito Anthony died because of cardiac arrest. Nalaman rin ng mga doktor na high blood siya.

This is the reason why the doctor he hired for Sam is so worried about him. He overworks himself that he didn't have the time to check for his health.

I asked Caitlyn to call her family habang ako na muna ang magbabantay kay Sam. It's sad that Tito Anthony would no longer witness Sam opening her eyes again. I know that he's been waiting for that and he's as excited as me.

Pero ngayon, iba na. Sam will wake up without seeing her father. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sakanya ang nangyari kapag magising siya.

I held Sam's hand tighter to conceal the pain that I've been feeling inside for her lost. Tito Anthony has been nothing but good to me. All he ever did was to protect Sam. He did everything to protect and arrange everything for her, where it comes to the point that he tends to overwork himself just so he can do all the things he wanted for Sam's protection.

And today, I have witnessed someone important to me die in front of my eyes again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top