When Ur Gone

When Ur Gone

Written by heartlessdiva

***

Palagi ko siyang kasama. Mapa-school man, mapa-mall, at kahit sa simbahan.

Palagi ko siyang hinahawakan, baka kasi mawala siya. Baka may makaagaw sa kanya.

Hinahanap-hanap ko siya 'pag nawawala siya sa paningin ko. Siya lang ang laman ng isip ko.

Kinakabahan ako kapag iba ang kasama niya, baka kasi kung mapaano pa siya.

Siya 'yong lagi kong sinasabihan ng lahat ng saya at hinanakit na nangyari sa buhay ko. At sana kung totoo man ang forever, sana kami 'yon. Sana lagi siyang nandyan kaso sabi nga nila, magtatapos din ang lahat... na may katapusan ang lahat.

Pero hindi ko pinansin ang mga sinasabi nila. Lahat ng atensyon ko nilaan ko sa kanya. Lahat.

Pero isang araw, parang gumuho ang mundo ko. Ilang beses ko siyang tinawagan, pero cannot be reached. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagpa-panic na ako.

Paano kung may iba na siya? Na may iba nang nagmamay-ari sa kanya? Mahal na mahal ko siya.

Hindi ko kayang mawala siya.

Ilang taon din kaming magkasama. Kasama siya sa lahat ng plano ko. Siya ang nagsilbing gabay para makamit ko ang mga pangarap ko.

And now wala na siya. Iniwan niya ako.

Ilang buwan akong hindi mapakali. Kailangan kong mag-move on bago pa ako mabaliw. Ayoko na nang ganito! Wala naman akong magagawa eh.

Siguro hindi talaga kami para sa isa't isa.

Kaya ngayon, nandito ako sa mall. Nagbabaka sakaling makahanap ng kapalit niya. Nagbabaka sakaling mapalitan siya. Kahit alam kong malabo.

Ngunit napangiti ako nang may mahagip ang paningin ko.

Para akong na-love at first sight.

Unti-unti akong lumapit. Halos tanaw ko na ang kabuuan niya.

Nakikita ko na ang forever ko.

Palapit ako nang palapit. Hindi matigil sa pagkabog ang aking dibdib.

Siya na talaga. Nararamdaman kong siya na 'yong magiging bago kong...




Cellphone.

End.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top