Four


"Wait, anong oras na ba? Sobrang sakit ng ulo ko..." Sapo ni Janella ang kanyang noo habang pilit na inaalala ang mga naganap kagabi pagkatapos ng pagpa-party niya at ng estrnagherong lalaki sa beach bar. Ramdam din niya ang pananakit ng ilang bahagi sa kanyang katawan, partikular na sa ibabang bahagi nito.

"Anong ginawa ko? Bakit ko ginawa 'yon?" Nagsimulang pumatak ang luha niya nang mapatingin siya sa malaking salamin sa gilid ng kama. Napagtanto niya na tanging kumot lamang ang tumatakip sa kanyang kabuuan at nagkalat din sa sahig ang kanyang panloob at wedding dress. Napakagat-labi siya dahil na-realize din niya na mag-isa na lang siya ngayon.

"Ala una ng hapon na," sambit niya habang patuloy sa pagpalahaw. That stranger took advantage of her.

"Hindi ko matatanggap na ginawa ko 'yon. Hindi naman ako seryoso na maghihiganti kay David. Marahil nasabi ko lang 'yon dahil naiinis ako at nasaktan sa ginawa niya. At marahil, sinamantala naman ng lalaking 'yon ang pagkakataon. Inisip niya rin siguro na pakawalang babae ako," tumatangis na pagpapatuloy ni Janella. Habang umiiyak ay nagbihis na lamang siya at napansin niya kaagad ang five thousand na nakalagay sa bedside table. Lalo siyang hindi makahinga sa inis.

"At talagang nag-iwan pa siya ng pera ah! Hindi naman ako bayarang babae!" nanggagalaiting aniya sa sarili niyang assumption. Ang mas nakakahiyang part pa, ni hindi man lang niya alam ang pangalan ng lalaking nakaulayaw niya kagabi. Mas lalo nang gumulo ang komplikado niyang lovelife.

"Paano na lang kapag may nakakita sa'min dito tapos nakunan kami ng pictures? Parang nakakahiya pa rin. Ayokong lumabas na parang pinaghigantihan ko si David dahil sa pagtataksil niya. Dahil kahit naman siya ang unang nagloko, hindi pa rin tama na natulog ako kasama ng isang lalaki—na hindi ko naman kilala at hindi rin alam kahit pangalan nito!" pagpapatuloy niyang pangaral sa kanyang sarili. Sa kabila ng matinding galit para sa lalaki, mas nangibabaw kay Janella ang pagmo-move on sa nangyari. Sa halip na magmukmok, kinuha niya ang pera na iniwan ng estranghero.

Nagmadali siyang lumabas sa silid at bumalik sa venue kung saan sana magaganap ang kasal nila ni David. Naroon pala si Pat na lubhang nag-aalala para sa kanya.

"Janella! Diyos ko naman, saan ka nanggaling? Kanina pa ako dumating. Akala ko nagpakamatay ka na sa dagat!" nag-aalalang sambit ni Pat habang humahangos papunta kay Janella na halos madapa sa buhanginan.

"How are you? Anong nangyari? Saan ka nagpunta? Sabi ng mga staff dito, hindi ka na nila mahanap. Akala nga nila eh umuwi ka na. Kinutuban ako ng masama kaya nagpunta ako rito. Tapos yung purse mo iniwan mo lang dito, buti may nakapulot pa. Buti na lang sinabi mo 'yong pangalan ng resort. Pinahanap din talaga kita sa ibang staff dito," sabi ni Pat sabay yakap sa kaibigan.

"Marami akong gustong sabihin, at natatakot ako na sa sobrang sakit ng nararamdaman ko eh, baka sumabog na lang ako," paliwanag ni Janella. Hinayaan niya na pumwesto sila ni Pat sa cottage area. Umupo muna siya para maingat na ipaliwanag ang mga bagay-bagay.

"Sige, handa akong makinig. Ihinga mo lang ang lahat," sabi ni Pat.

"Sobrang sama ng loob ko sa hindi pagsipot ni David. Tapos ayun, may nakita akong lalaki na hindi sinipot ng bride sa kasal. Out of despair o sa hindi ko na pag-iisip, I approached him tapos sinabi ko na kung pwede, ako na lang ang pakasalan niya dahil pareho naman kaming loser. At first, hindi niya sineryoso. Then, noong sinundan ko siga sa bar, gusto ko lang namang pagaanin sana ang mood niya at damayan siya. Nagpakasaya kami at parehong nalasing. Tapos..." Sinadyang putulin ni Janella ang kanyang nais sabihin sa mga sandaling iyon dahil para sa kanya, kahiya-hiya ang nangyari kagabi.

"Tapos, anong nangyari?" untag ni Pat.

Inabot pa ng ilang segundo bago may mamutawing salita sa bibig ni Janella. "May nangyari sa'min. Napagkamalan niyang ako 'yong fiancee niya. Tapos, bumigay naman ako."

"Janella! Oh my gosh!" pigil-hiningang bulalas ni Pat saka napatakip sa bibig.

"Pat, please, mangako ka na wala kang pagsasabihan nito. Oo, sinabi ko sa lalaking 'yon na pakasalan niya ako pero hindi ko naman inasahan na gano'n ang kahahantungan ng lahat, eh. At ang pinakamasama, tingin niya sa'kin eh bayaran akong babae. Nag-iwan pa siya ng pera sa gilid ng kama tapos hindi man lang siya nagpaalam," himutok pa ni Janella. "Kahit nagloko si David, ayokong gawin sa kanya 'yong ginawa niya sa'kin. For sure, masasabon ako ni mama nito dahil matagal na niya akong binalaan na huwag ko nang ituloy ang pagpapakasal sa kanya. Iyon din ang rason kung bakit nagpasya siya na hindi dadalo sa kasal. Hindi ba?"

"Chill ka lang, Janella. Okay? Lahat naman ng sinasabi mo sa'kin ay safe at hinding-hindi ko ipagkakalat kahit magkaibigan ang mga magulang natin. Alam mo naman na parang kapatid na ang turing ko sa'yo. Hindi ba?" Pat assured her. Niyakap niya si Janella upang mas maipahayag ang sincere niya na pakikisimpatya sa kalungkutan nito.

"Pero paano na ang pagtatrabaho mo sa kompanya ni David?" tanong ni Pat.

"Siguro, pakikisamahan ko na lang siya. Kailangan ko pa rin ng trabaho," naluluhang sagot naman ni Janella.

"Kaya mo pa bang magtrabaho kay David kung niloloko ka pa rin niya? Tapos, nandoon din si Lizzy. Hay naku, kung may bakante lang sana sa pinapasukan ko, ire-refer na lang kita," inis na tanong ni Pamela.

"Siguro. Kakayanin ko na lang. Isa pa, hindi pa naman niya ako binibitawan. Ako naman talaga ang pinangakuan niya ng kasal," kampanteng sagot naman ni Janella.

"Pero, remind lang kita huh. Magkakaanak na 'yong dalawa. Paano na? Hahayaan mo lang ba na walang tatay ang magiging anak nila? Ikaw na ang nagsabi, mahirap lumaki na walang tatay dahil naranasan mo na," pagpapaalala ni Pat dahil concerned lang talaga siya sa kaibigan.

Lalong bumigat ang pakiramdam ni Janella sa mga sandaling iyon at napasulyap na lamang siya sa dalampasigan.

"Sabagay, Pat. Pero hindi ko pa rin bibitawan si David. Basta, hangga't maaari, titiisin ko na lang ito," madamdaming tugon ni Janella.

"Pero, hanggang kailan? Isipin mo, hindi talaga si Lizzy ang magiging una mong kahati kapag nagtagal kundi 'yong batang nasa sinapupunan niya," giit naman ni Pat.

Hindi nakasagot si Janella. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top