Unang sinag ng araw

Sa isang dako ng kahariang Oeillan ay nagtatago ang isang dalaga. Isang dalagang may nagliliwanag na dilaw na mga buhok na kasing liwanag ng naga-alab na sikat ng araw. Ang akala nito ay hindi siya nakikita ng mga taong dumadaan sa pinagtataguan niya, subalit sa angking kislap ng mga buhok niya kahit saan siya magtago ay kitang-kita siya.

Hindi na lamang siya pinapansin ng mga ito sapagkat sana'y na sila sa dalaga. Ang dalaga ito ay si Hana, ang pinakapilyo sa lahat ng magkakapatid. Si Mayari na brusko ang mga galawan, si Tala na mahiyain at si Hana na pinakapilyo, at sutil sa tatlo.

Napabuntong hininga na lamang ang mahiwagang phoenix na alaga ni Hana, sa kadahilanang may hindi na namang magandang pinaplano ang kaniyang amo.

'Minsan hindi ko alam kung diyosa ba talaga si Diyosa Hana o naligaw lamang siya sa kaharian,' ani ni Virgus sa kaniyang isipan.

'Sige magsalita ka lamang diyan, akala mo naman hindi ko naririnig ang mga sinasabi mo,' kunot-noong wika ni Hana sa alaga. Kung kay Mayari at sa alaga nitong si Vaela nagkakausap lamang ang dalawa sa tuwing pahihintulutan ni Mayari si Vaela na mabasa nila ang iniisip ng isa't isa, para magkaroon sila ng komunikasyon, ang kila Hana at Virgus naman ay magkakonekta na talaga ang isipan ng isat isa, simula ng sila ang madestino bilang mag-partner.

'Iyon talaga ang hangarin ko, Diyosa ano na naman ba ang iyong pinaplano?'

'Nais kong bumaba sa lupa Virgus, nais kong mahanap ang aking ina,' ani ni Hana.

'Ngunit Diyosa Hana, matagal ng patay ang iyong ina,' ngunit ang pasaway  na diyosa ay hindi nakinig sa kaniyang alaga at nagtatakbo na ng makitang wala ng bantay sa lagusan.

Napabuntong hininga na lamang si Virgus, minsan tinatanong niya ang sarili, kung namali lang ba ng nadestinong amo sa kanya o talagang may balat siya sa puwet?

Wala ring nagawa si Virgus kung hindi sundan ng sutil niyang amo na ngayon ay may nakakalokong ngiti na naman na nagbigay kilabot kay Virgus.

Pero ang inaasahang isang kapilyahan ng diyosa ay hindi natuloy na siyang nakapagpataka kay Virgus.

"Diyosa..."

Ngunit huli na ang lahat pinutol ni Hana ang koneksiyon nilang dalawa ni Virgus sa pamamagitan ng pagsira sa singsing na siyang nagbubuklod sa kanila. Naluluhang tiningnan ni Hana ang naging karamay niya simula pagkabata, mabilis niyang pinahid ang mga luha ng makitang palapit na sa kaniya si Virgus.

Bago pa man marating ni Virgus si Hana ay mabilis na itong nakapasok sa lagusan dala-dala ang susi nito, dahilan upang maiwan ang nakatulalang si Virgus.

Sa pagbitbit ni Hana sa susi ng lagusan ay siya ding pagkawala nito. Walang sino man sa kanila ang makalalabas hanggat wala ang susi ng lagusan

Sa isang banda sa pagtapak ng mga paa ni Hana sa kalupaan ay siya ding unti-unting pagbagsak ng ningning ng araw. Paunti-unti ang maliwanag na sanglibutan ay unti-unting nilalamon ng matinding kadiliman.

Sigawan at takbuhan ayan ang naabutan ni Hana. Nagtataka ma'y ipinagsawalang bahala niya ito.

'Alam kong nangako ako na pagbubutihan ko ang paga-alaga sa responsibilidad na ibinigay sa akin subalit kung wala akong gagawin, pagsisihan ko lahat ito sa dulo, alam ko. Masakit man para tanggalin ang lahat ng koneksiyon sa kasalukuyan kong buhay, subalit para mahanap ang sarili handa kong isakripisyo ang lahat, kahit kapalit nito ay ang pagiisa at matinding kalungkutan.'

'Simula pagkabata nais ko ng maramdaamn ang yakap at kalinga ng isang ina na simula pagkabata ay hindi ko pa rin kilala, hindi tulad ng mga kapatid kong nakasama kahit sandaling oras ang kanilang mga ina. Kaya handa akong sumugal, handa akong mabigo, at handa akong maging mag-isa para mahanap ang tunay na ako," wika ni Hana habang pinagmamasdan ang paligid niyang puno ng takot na takot na mga tao.

Kasabay ng paglukob ng kadiliman sa mundo ay siya ding unti-unting pag-itim ng buhok ni Hana.

Sa muling pagtapak na naman ng isang diyosa sa kalupaan magtagumpayan niya kaya ang misyong itinalaga sa sarili o tulad ni Mayari ay mabibigo din siya?

#RomancePh
#SanayMaHaLaTa

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top