Huling sinag ng araw
Mabilis na dumaan ang mga buwan, na hindi pa rin nahahanap ni Galeus ang salarin sa biglang pagdilim ng kalangitan. Habang si Hana naman ay kahit paunti-unti ay may nahahanap ng lead ukol sa kinalalagyan ng kaniyang mga kamag-anak, sa tulong na rin ni Galeus. Sa lumipas na buwan ay unti-unting nahuhulog ang loob ni Hana kay Galeus, ngunit pilit niya itong pinipigilan, sapagkat alam niyang hindi masusuklian ang kaniyang pagmamagal.
Maagang umalis si Galeus ngayon sapagkat nagkaroon ng aberya sa isang misyon nila. Kaya nagkaroon ng pagkakataon si Hana ibalik ang dating anyo, subalit hindi gaya ng dati hindi na nagliliwanag ng maliwanag ang kaniyang dilaw na buhok.
Mahina man subalit pinili niya ang landas na ito, kaya dapat niya itong tanggapin. Matapos ang pagbalik sa tunay na anyo ay mabilis siyang lumabas ng kwarto, subalit ang siyang pagtapak ni Hana sa sala ay siya namang paglingon sa kaniya ni Galeus na ngayon ay may natuod sa kaniyang kinatatayuan.
"Galeus..."
"Isa kang diyosa?!" halos manginig sa takot si Hana sa pagsigaw na iyon ni Galeus. Sinubukang lumapit ni Hana upang magpaliwanag subalit itinaboy lamang ito ni Galeus.
"Wag ka munang lumapit sa akin maari ba?"
Napatungo na lamang si Hana. Hindi niya akalaing ang pagtatago niya ng katauhan niya ay mabilis lang na mabibisto ni Galeus. Sino nga ba ang niloko niya?
Malungkot na tiningnan ni Hana ang papalayong bulto ng binata.
'Tunay nga sigurong napakapait ng tadhana sa mga diyosa at diyos na magkaroon ng relasyon patungo sa mga mortal. Hindi pa man ako nakakaamin sa aking nararamdaman ay ipinamukha na sa akin ng tadhana ang buong katotohanan.'
Masakit man, subalit pinilit ni Hana na tumayo sa pagkakalugmok, hindi lamang pag-ibig ang kaniyang ipinunta sa mundo ng tao. Ngayon na alam na niya kung nasaan ang mga kamag-anak niya gagawin niya ang lahat kahit pa masaktan siya ng paulit-ulit.
Mabilis na binalutan ni Hana ng balabal ang mukha ng makalabas ay mabilis niyang tinunton ang lugar sa nasabing inpormasyong kaniyang nakalap. Dinala siya ng mga paa sa isang abandonadong gusali.
Pagpasok na pagpasok palamang niya sa bulwagan ay agad siyang sinalubong ng mga bruha na tila hinihintay ang pagdating niya. Natuod sa kinatatayuan niya si Hana at huli na bago pa siya maka-alma. Nakita na lamang niya ang sariling halos pinagtutulungan na ng humigit sampung mga bruha. Dala ng kahinaan ay mabilis siyang nagapi ng mga ito.
"Mga hayop, aaminin kong napakaganda ng ginawa ninyo para ako ay mabihag niyo ng ganito," halos sumusuka na ng dugo si Hana habang pilit na nagpapakatatag sa harapan ng mga bruha na ngayon ay abot tainga ang ngiti. Halos hindi na kaya ng katawan ni Hana. Nagpapakatatag na lamang siya habang umaasang ililigtas siya ni Galeus.
"Hindi namin sasayangin ang pagkakataong ito Diyosa. Minsan niyo nang nasukol ang aming lahi, subalit hindi sa pagkakataong ito. Sisiguraduhin naming walang ni isang Diyosa ang muling makakababa ng kalupaan upang ikaw ay mailigtas."
Lumuluhang napapikit si Hana.
'Heto na ba ang katapusan ko? Eto ba ang dapat na kinalaagyan ko? Kung hindi ba ako umalis ng kaharian, ano kaya ang kapalaran ko? Heto na ba ang ganti mo sa isang diyosang pabayang gaya ko, aking munting araw?'
"Hana!" hindi makapaniwalang tiningnan ni Hana si Galeus na ngayon ay puno ng mga sugat ang katawan. Mabilis siya nitong kinalagan at akmang itatakas ng biglang pumasok ang limang mga bruha.
'Galeus, salamat at dumating ka, akala ko ito na ang huling hantungan ko.'
"Naakaksabik na muli tayong nagkita-kita. Siguro'y naalala mo pa din kung paano naming wakasan ng buhay ang naging ina mo binata, na siyang tunay na ina ng Diyosang iyan. Masaklap nga lang na hindi nagawang iligtas ng Bathala ang kaniyang mortal na kabiyak."
Patuyang natawa si Hana habang pinipilit na lumaban kahit wala na siya halos lakas para umatake. Ang buhay nga naman.
Hindi niya akalaing ang lalaking minahal niya ay may koneksiyon sa buhay niya. Ngunit wala nang pakielam pa si Hana doon. Pinagtulungan ni Hana at Galeus ang kalaban hanggang sa huli nilang lakas.
Nang matapos ang lahat ay nilingon ni Hana ang binatang si Galeus.
"Mahal na mahal kita Hana."
"At mahal din kita Galeus."
Muli isang mortal at diyosa na naman ang napana ni kupido.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top