WTSGD 9: Price of Being Number One
CHAPTER 9 - Price of Being Number One
ILANG SEGUNDONG PINAGMASDAN ni Kara ang kaniyang maisking buhok sa salamin bago muli itong sinuklay. Nakangiti niyang kinuha sa drawer ng vanity table ang clip na bagong bili saka inipit sa kaliwang parte ng kaniyang buhok.
Ngumuso siya. "Ano ba 'yan! Bakit hindi bagay?" malungkot niyang saad. Muli niya itong inalis sa buhok at bumagsak ang kaniyang balikat sa pagkadismaya.
"What the hell am I doing?" tanong niya sa sarili.
Sa hindi niya malamang dahilan ay gusto niyang maging presentable sa pagpasok sa paaralan. Gusto niyang mag-ayos ng buhok at ng mukha.
Muli niyang sinuklay ang buhok at saka itinali ang kapirasong pulang laso roon. Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi nang makitang bumagay iyon sa kaniya.
Hindi pa siya nakuntento roon kaya muli niyang binuksan ang drawer ng vanity table saka kinuha ang liptint na nakatago roon. Inilagay niya ito sa labi at naglagay rin siya nang kaunti para sa pisngi. Kulay rosas ang shade nito na bumagay naman sa kaniya.
Muli siyang napangiti nang makita ang resulta ng pag-aayos. "Voila!" aniya at saka nag-spray pa ng pabango sa kaniyang leeg.
Isang marahan katok ang nagpapitlag kay Kara. "Sasabay ka ba?" Boses iyon ng Kuya Ei niya at bakas doon ang awtoridad.
Alerto siyang napatayo sa kinauupuan at mabilis na kinuha ang bag at ilang mga libro na kakailanganin niya sa paaralan. Isang sulyap pa sa salamin ang kaniyang ginawa bago tuluyang magtungo sa pintuan at saka iyon binuksan.
Nadatnan niya roon ang kuya niya na nakapamulsa. "Ang bagal mo mag-ayos—" Natigilan ito at saka siya tiningnan mula ulo hanggang paa. "Naka makeup ka ba?" kunot noo nitong tanong.
Mabilis siyang umiling nang maramdaman ang mabilis na pag-init ng kaniyang mukha. "Hindi kaya! Bakit naman ako magme-makeup?" depensa niya saka ito inunahan maglakad pababa ng hagdan.
Nang makarating sa sasakyan ay panay pa rin ang tingin sa kaniya ni Oddity, marahil ay naninibago sa biglaang pag-aayos niya.
"Pangit ba?" mahinang tanong niya rito at saka muling tiningnan ang repleksyon ng sarili sa cell phone.
Gumuhit ang isang nakalolokong ngiti sa labi ng Kuya Ei niya. "Sinasabi ko na nga ba, nag-ayos ka, 'no?" Marahan siyang tumango dahil hindi talaga maipagkakaila iyon.
Kinamot nito ang kaniyang baba at umakto na tila nag-iisip ng isasagot sa kanya. "Hmm. Puwede na rin. Actually, you look great," sabi nito saka ginulo ang kaniyang buhok. "Hindi mo naman kailangan mag-ayos, e. You're beautiful even without this and this." Tinuro nito ang kaniyang pisngi at labi.
"Anong nakain mo ngayon?" nagtataka niyang tanong sapagka't bibihira lamang itong maglabas ng nararamdaman.
Muli siya nitong nginitian. "Ito naman, pinupuri ka na nga, e. Masama na bang magsabi nang totoo?" tanong nito gamit ang nagtatampong tono.
Umiling siya. "Naninibago lang ako sa 'yo."
"Wala namang iba sa 'kin, ako pa rin ito," sabi nito saka ginulo ang kaniyang buhok.
Makaraan ang ilang minuto ay natanaw na niya ang paaralan nila. Gaya ng nakagawian ay naunang bumaba si Oddity, samantalang makalipas ang ilang minuto ay saka pa lamang siya nakababa ng sasakyan.
Bago maglakad ay muli niyang tiningnan ang repleksyon sa side mirror at nang makuntento ay sinimulan na niyang maglakad.
Tinungo niya ang General Building upang sadyain ang resulta ng kanilang pagsusulit. Doon kasi ipinapaskil ang listahan ng mga nakakuha ng mataas na marka.
Puno ng estudyante ang buong announcement area dahil sa dami ng naghihintay ng resulta.
Gustuhin man niyang makipagsiksikan ay mas pinili na lamang niyang maupo sa waiting area. Kinuha niya ang kaniyang cell phone at saka binuksan ang Spotify para makinig ng musika habang naghihintay.
Wala pang kinse minuto siyang nakikinig nang napako ang kaniyang atensyon sa grupong umentrada papasok ng General Building. Nauunang maglakad sina Oddity at Kohen, samantalang nakasuot naman si Janus ng earphones na nakasunod sa dalawa at nasa pinakahulian na nagkwekwentuhan na sina Vera at Riella.
Patungo rin ang mga ito sa announcement area, at nang mapansin nila ang makapal na grupo ng mga tao roon ay awtomatikong napakunot ang mga noo ng lima.
Matagal na tinitigan ni Kara ang Kuya Ei niya na kasalukuyang naghahanap ng mauupuan. At nang dumako ang tingin nito sa kinaroroonan niya ay mabilis niyang iniwas ang tingin at saka yumuko ngunit huli na siya, namayani na sa buong waiting area ang boses ni Riella.
"Kara!"
Napunta sa kaniya ang atensyon ng iilang estudyanteng malapit sa kinauupuan niya.
Iniangat niya ang kaniyang ulo para batiin din ito, ngunit hindi iyon ang sumalubong sa kaniya. Agad na nagtama ang mata nila ni Janus kaya natigilan siya. Tila nanlambot ang kaniyang mga tuhod at natuyuan siya ng laway dahil sa malamig na matang nakamasid sa kaniya.
Rinig niya ang mahinang pag-ubo ni Kohen, ngunit hindi niya ito magawang bigyan ng pansin. Tila kasi nangungusap sa kaniya ang mga mata ni Janus. Waring may gustong sabihin na hindi kayang sabihin ng bibig nito.
Laking pasasalamat niya at nauna itong umiwas ng tingin dahilan para mabalik siya sa reyalidad. Ramdam niya ang mabilis na pag-init ng kaniyang pisngi at pamamawis ng kaniyang palad. Kamuntik na niyang makalimutan ang mga tao sa paligid niya.
Inilipat niya ang tingin kay Vera na nakataas ang kilay sa kaniya. Samantalang kita naman niya sa gilid ng mata ang tila malalim na tingin sa kaniya ni Oddity.
Nabasag ang katahimikan nang magsalita si Riella, "Okay ka lang ba, Kara?"
"Ah . . . ano . . . ." Natigilan siya dahil hindi niya alam ang isasagot dito. "May kukunin pa pala ako sa library," pagdadahilan niya at saka sila tinalikuran.
Gusto na lamang niyang lumubog sa lupa. Bigla na lamang siyang na-conscious sa hitsura niya. Minadali niya ang paglalakad ngunit hindi pa siya nakakaapat na hakbang nang isang malamig na boses ang nagpatigil sa kaniya.
"Papuntang comfort room 'yan, sa kaliwa iyong library."
Awtomatiko siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses at nang muling magtama ang kanilang mata ay ginusto na lamang niyang mapamura. Para iyong magnet na kahit anong gawin niyang iwas ay hindi niya magawa.
Laking pasasalamat niya nang bigla siyang hilain ni Riella. "Mamaya ka na pumuntang library, tingnan muna natin iyong resulta ng exam," sabi nito at saka naunang maglakad papunta ng announcement area habang hawak-hawak ang kaniyang kamay.
Wala nang nagawa si Kara kundi ang magpatianod na lamang dito. Mas pipiliin pa niyang makipagsiksikan doon kaysa muling malunod sa lalim ng tingin ni Janus sa harapan ng Kuya Ei niya.
"OMG! Kara! I made it in rank 16!"
Nabalik ang kaniyang isip sa reyalidad nang makarating sila ni Riella sa harap ng monitor kung saan naka-flash ang names at ranking ng bawat estudyante.
Dalawang beses siyang napakurap nang makita ang kaniyang pangalan habang nasa tapat nito ang numerong dos. Mabilis na kumabog ang kaniyang dibdib at tila hindi makapaniwala sa nabasa. Muli pa niya itong tinitigan habang nagbabakasakaling mali lamang ang pagkakabasa niya, ngunit ganoon pa rin. Nasa tapat ng kaniyang pangalan ang numerong kaniyang kinatatakutan.
Pangalawa na naman siya.
Tila natuyo ang laway niya at ayaw iproseso ng kaniyang utak ang resulta ng pagsusulit. Pinagpawisan siya nang malagkit at ramdam niya ang mabilis na pagkabog ng kaniyang dibdib. Hindi maaari iyon.
Ang taong unang pumasok sa kaniyang isipan ay ang kaniyang ama. Hindi na mabilang ang beses na nadismaya niya ito. At narito na naman siya, pumapangalawa.
Nanikip ang kaniyang dibdib at tila may patalim na paulit-ulit iyong sinasaksak. Kung karaniwang estudyante lamang siya, siguradong masayang-masaya siya sa kinalabasan ng pagsusulit ngunit hindi.
Kahit anong dahilan ang sabihin niya sa ama ay hindi ito makikinig. Ang tanging tatatak lamang sa isip nito ay kung paano niya nabigo ang ipinangako niya rito.
Ginawa naman niya ang lahat, nag-aral at nag-review naman siya nang mabuti, ngunit bakit palaging kulang pa rin. Pagod na pagod na siya.
Naramdaman niya ang luha niyang nagbabadya nang tumulo. Kinagat niya ang kaniyang labi para pigilan ito. Gustuhin man niyang ilabas ang mga luhang iyon ay hindi maaari, hindi sa harap ng mga estudyanteng kapareho ng ama niyang mag-isip.
Buong buhay niya ay ang gusto lamang niyang maipagmalaki nito. Kagaya ng ibang magulang, gusto niyang matuwa ito para kahit iyon man lang ay masuklian niya ang mga sakripisyong ginagawa nito para sa kanilang magkapatid.
Gusto niya na sa tuwing titingnan siya nito ay hindi ang Kara na palaging dahilan ng pagkadismaya niya ang makita, nais niyang makita nito ang Kara na nagsisikap, nag-aaral nang mabuti at ang Kara na kahit magkamali ay maipagmamalaki.
Gusto niyang mahalin at mapansin din nito.
Humugot siya nang malalim na hinginga, kahit ramdam niya ang bigat ng dibdib ay binalewala lamang niya.
"Janus! Woah! Nag-top one ka?"
Dahan-dahan siyang napaangat ng tingin sa pangalang nasa taas ng pangalan niya. Ilang segundo siyang napatitig doon bago napagtanto kung sino ang taong nakatalo sa kaniya.
Tila umatras ang kaniyang luha at isang malaking bato ang dumagan sa kaniyang dibdib. Hindi pa ba tapos ang tadhana na pahirapan siya? At sa lahat ng taong makatatalo sa kaniya ay ang lalaking hinahangaan pa niya?
Isang pilit na ngiti ang kumawala sa labi niya. Alam niyang siya rin ang dahilan kung paano nangyari iyon. Ngunit kahit anong gawin niyang pagpapaliwanag sa kaniyang sarili na walang kasalanan si Janus ay hindi pa rin niya magawang maging masaya.
Nakayuko siyang umalis sa pagitan ng mga nagkakagulong estudyante. Maging si Riella ay hindi rin napansin ang kaniyang pag-alis. Balewala sa kaniya ang mga nakakasalubong na guro at estudyante.
Ang tanging gusto lamang niya ay mawala ang bigat na nasa dibdib niya.
All she really wanted was to make her dad proud yet she failed. Again.
Tuloy-tuloy na naglakad si Kara paakyat sa rooftop kung saan siya palaging nagpapalipas ng oras maliban sa likod ng black building. Sinalubong siya ng malakas na hangin at tirik na tirik na araw.
She walked towards the back of the water tank room and sat. Her eyes heated as her tears ran down freely. She hugged herself and sobbed silently.
Pagod na pagod na siya. Her father's disappointment, her cowardness to fight for what she really wanted to do . . . everything! Lahat ng iyon ay gusto niyang takasan. She wanted to escape her own reality.
Kung puwede lang siyang bigla na lang mawala. Go to a place where no one knows her and reset everything. Kung puwede lang, ginawa na niya. But she needs to face this reality.
Isinuot niya ang earphone sa tainga at saka pumikit. Ngayon lang. Gusto niyang maligaw sa saliw ng musika.
"All my life all I ever did was try and try.
I never meant to be your problem child.
I don't know why I always find the way to make you cry."
Malungkot na ngiti ang pinakawalan ng labi niya. She never meant to become a problem child. Ang tanging hinangad lang niya ay ang maging isang anak na maipagmamalaki para sa kaniyang ama.
Mali bang maghangad siya na kahit hindi mataas ang marka niya ay sana proud pa rin sa kaniya ang ama? Mali bang gawin niya ang mga bagay na hindi gusto ng ama niya para sa kaniya? For once, mali bang piliin niya ang sarili?
"Nakapapagod na," aniya sa sarili habang pinupunasan ang luha gamit ang likod ng palad.
Napapitlag si Kara sa gulat nang tumunog ang speaker na malapit sa gilid ng hagdan. Kahit na naka-earphone siya ay rinig na rinig pa rin niya iyon. Hudyat iyon na may paparating na anunsyo mula sa admin ng school.
"Kassandra Maeve Sandoval, please report to the Principal's Office."
Napatulala siya sa narinig. Gumuhit ang lukot sa kaniyang kilay. Bakit naman siya ipapatawag? Hindi pa sana siya maniniwala na siya ang ipinapatawag nang maulit muli ang anunsyo.
"I repeat, Kassandra Maeve Sandoval, please report to the Principal's Office."
Nagtataka man, tumayo siya sa pagkakaupo at saka pinagpagan ang ilang alikabok sa maroon na palda. Hindi masasagot ang tanong niya kung hindi siya pupunta.
Sinimulan na niyang maglakad patungo sa office of the principal. She just sighed and rolled her eyes when she saw the judgmental stares of her batchmates as she walked on the hallway.
Alam niyang wala siyang ginawang masama, ngunit ang mga tingin ng mga ito ay tila ba napakalaki ng kasalanan niya. Palibhasa, ipinatawag sa Office of the Principal ay tingin na nila may nagawa ka ng kasalanan.
Sa halip na pansinin ay isinuot na lang niya ulit ang earphone sa tainga. Wala siya sa mood na pansinin pa ang iisipin nila. Wala naman silang alam sa buhay niya kaya bakit niya papansinin ang mga napupuna ng tao sa kaniya?
Ipinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang makarating sa dapat niyang paroonan. Nang nasa harap na siya ng pintuan ng principal ay inalis niya ang earphone saka inayos ang sarili. Dalawang magkasunod na katok ang ginawa niya saka pa lamang bumukas ang pinto.
"Ma'am, I'm Kassandra Sandoval po, pinagre-report daw po ako rito," aniya sa assistant na nagbukas ng pintuan.
Tumango lamang ang assistant at saka siya dinala sa cubicle kung saan naroroon ang principal nilang si Mr. Barbasa at ang school director nilang si Mr. Yamato. Mabilis namang kumabog ang dibdib ni Kara nang makita ang isang pamilyar na pigura sa kaniya ring harapan.
Nakaupo si Janus sa tapat ni Mr. Barbasa samantalang si Mr. Yamato naman ay nakatayo sa likod nito. Natigil ang pag-uusap ng tatlo nang pumasok siya sa cubicle.
"Good afternoon, sir. Pinatawag n'yo raw po ako?" magalang niyang bati sa principal.
Tinanguan siya nito. "Have a seat, Ms. Sandoval," sinabi nito saka itinuro ang upuan sa tapat ni Janus.
Labag man sa kalooban ay sinunod niya ang utos nito. Matapos maupo ay iniangat niya ang tingin dahilan para magtama ang mata nilang dalawa. Malungkot, nangungusap at tila hinihila na naman siya ng kulay tsokolateng mata ng binata. Bago pa siya malunod sa tingin nito ay umiwas na siya at itinuon ang atensyon kay Mr. Barbasa.
"Have you seen your grades, Ms. Sandoval?" tanong nito na tila nagpabalik ng milyong-milyong bigat sa kaniyang dibdib.
Isang tango lamang ang naisukli niya sa ginoong nasa harapan. Muling bumalik sa kaniya ang sakit na kanina ay iniinda.
"You're back at number one slot. Congratulations!"
Agad na kumunot ang noo niya at naguguluhang tumingin kay Mr. Barbasa. "Paano po nangyari iyon?"
"As you can see . . . ." Nalipat ang tingin ni Mr. Barbasa kay Janus at gumuhit sa mukha nito ang pagkadismaya. "Napag-alaman namin na kinuha ni Mr. Valderama ang answer sheet the night before the exam. That is enough grounds para maalis siya sa top 10."
Nakataas ang kilay na nilingon niya si Janus. Tahimik lang itong nakaupo at tila walang balak na depensahan ang sarili. His eyes captured her attention. Wala na siyang makitang emosyon doon. Ang kaninang malungkot na mata ay napalitan ng blanko at walang buhay, iyon ang kaparehong mata na nakita niya noong araw na nakatabi niya ito sa bus. Her heart suddenly felt heavier because of those emotions.
Nalipat ang tingin ni Kara kay Mr. Yamato nang gumuhit ang isang matagumpay na ngiti sa labi nito. Pakiramdam niya ay may hindi tama sa nangyayari. Sa halip na matuwa sa ibinalita ng principal hindi niya maiwasang mainis.
Alam niyang talagang may kakayahan si Janus na makakuha ng ganoong marka. At isa pa, naalala niya na pinuntahan niya si Janus noong gabing iyon para pilitin na pumasok at i-take ang exam. Ilang araw itong wala sa school kung kaya't wala itong kakayahang nakawin ang answer sheet nang hindi nito pinagpaplanuhan.
Nagtatalo ang puso't isipan ni Kara, alam niyang walang kasalanan si Janus, ngunit kapag nagsalita siya at napatunayan niyang hindi nito ninakaw ang answer sheet ay mababalik siya sa ikalawang puwesto.
Ayaw niyang madismaya ang ama, ngunit ayaw rin niyang maparusahan si Janus sa kasalanang hindi naman nito ginawa.
Isang malalim na hininga ang kaniyang pinakawalan bago magsalita.
"Sir, I'm sorry to intervene, but do you have proofs that Janus stole the answer sheet?" aniya na ikinagulat ng pricipal.
Tumingin ito kay Mr. Yamato at tinaasan ng kilay, ani mo'y ibinabalik ang itinanong niya rito.
"Hindi pa ba sapat na simula sa pinakababa ay bigla na lamang siyang nag-top?" balik na tanong ni Mr. Yamato na ikinainis niya.
Damn! They're punishing him without a concrete evidence. At ang tanging batayan lamang nila ay dahil nanggaling ito sa pinakamababang grado. They are being unreasonable!
"Sir, what if I admit that I stole the answers sheet, would you believe me?" aniya ngunit tumawa lamang ito nang bahagya. Iyon ang inaasahan niyang magiging reaction nito.
"Hindi nakakatawa ang biro mo, Ms. Sandoval." Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi ni Kara bago muling magsalita.
"Can't you see how unfair you are, sir? When Mr. Yamato told you that Janus stole the answer sheets, you easily believed him even without a concrete evidence. Samantalang kapag ako ang umamin ay hindi kayo maniniwala."
Bahagya siyang tumigil at tumingin kay Mr. Yamato na iniiwasan ang tingin niya.
"With all due respect, sir, our grades don't define who we were and what we're going to be. A delinquent like Janus can still improve. A girl with straight As like me can still make mistakes. Walang kinalaman ang background ng sino man para hindi n'yo ito tratuhin nang tama."
Diretso niyang saad habang hindi kumukurap at nakatitig dito. "Hindi naman po siguro iyan ang gusto ninyong ituro sa amin, hindi ba?"
Sobrang lakas ng tibok ng puso niya dahil iyon ang unang beses na kumontra siya sa isang guro. At hindi lamang basta guro, ang dalawang lalaking nasa harapan niya ay isa sa may pinakamataas na posisyon sa paaralan.
Naputol ang pakikipagtitigan niya kay Mr. Yamato nang magsalita ang principal. "What are you trying to imply, Ms. Sandoval?"
Pilit niyang pinakakalma ang sarili kahit na nanginginig na ang kaniyang kamay na nakatago sa bulsa.
"Nais ko pong imbestigahan ninyo ang insidenteng ito. I can also testify for Janus' alibi. Kasama ko po siya noong gabing iyon."
NAPAANGAT ANG TINGIN ni Janus nang marinig niya ang sinabi ni Kara. Hindi niya alam ang mararamdaman dahil sa pagtatanggol nito sa kaniya. Tinitigan niya ito habang determinadong nakatitig kay Mr. Barbasa.
Napansin din niyang nawala ang ngisi sa labi ni Mr. Yamato dahil sa pagkontra nito. He knew it. Mr. Yamato is one of his father's puppet. Sigurado siyang kaya ito ginawa ng director ay para hindi sila makapag-participate sa battle of the bands. He knew how his father hated his band.
"Are you sure, Ms. Sandoval?"
"Yes, sir. He can't steal that answer sheet because he's with me that night. Sabay po kaming nag-review noog gabing iyon."
Hindi maiwasan ni Janus na titigan si Kara. Hindi nito kailangang gawin ang bagay na ito. Alam niya kung gaano kahalaga ang posisyong iyon para kay Kara kaya hindi niya ipinagtatanggol ang sarili.
He can manage a week of suspension, that's the least he could do. Huwag lang niyang makita ang lungkot sa mata nito, kagaya kanina. The pain in her eyes earlier was like a dagger stabbed in his heart.
Minasahe ni Mr. Barbasa ang gitna ng ilong bago sila lingunin. "Okay! We will conduct an investigation regarding this incident. The both of you, you're dismissed."
Nakaramdam siya ng galak nang makita kung paano rumehistro ang kasiyahan sa mukha ni Kara nang sabihin iyon ni Mr. Barbasa. Nilingon siya nito at saka binigayan ng isang masayang ngiti na nagpabilis sa tibok ng puso niya kaya't agad siyang umiwas ng tingin. Napapadalas iyon kapag malapit ito sa kaniya. He clenched his fist and shrugged the thought.
Naunang naglakad palabas si Kara na sinundan naman niya. Tahimik nilang tinatahak ang corridor at dahil oras pa ng klase, wala ni isang estudyante roon. Dalawang metro ang pagitan nila, kaya't hindi niya mapigilang titigan ang likod nito.
Naguguluhan siya!
Mabilis niyang hinawakan ang braso nito at saka pinihit paharap sa kaniya. He can see a hint of shock in her eyes.
Tinitigan niya ito nang mariin. "Bakit mo ginawa 'yon?"
Maliwanag ang mga mata nito at wala na roon ang lungkot na nakita niya kanina.
Muli siya nitong nginitian bago nagsalita, "I just can't bear to see you suffer. Lalo na't alam kong hindi mo naman ginawa ang binibintang nila." She looked at him with an emotion he couldn't name.
His heart raced like a horse. This girl in front of him is making him feel different kind of emotions.
"What if I did steal that answer sheet? What if you're wrong?" He tried to sound serious yet the emotion in Kara's eyes didn't change.
Kara tapped his left shoulder and gave him an assuring smile. "Your lips can lie but your eyes couldn't, Janus. And I believe in you."
I believe in you. His lips parted as it echoed in his mind. Wala siyang magawa kundi titigan ito.
After losing his mother, no one cared. Not until she met this girl. He wanted to suppress his emotions yet he couldn't. Humakbang siya nang mas malapit dito saka ginawaran ito ng mahigpit na yakap. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon, pero isa lamang ang alam niya.
The wall that he built so no one could break through his heart was now slowly crumbling because of her.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top